The Day We Meet Again
MISSING YOU
Chapter8
Kinakailangan niyang gawin ang mga bagay na iyon para lamang makausap niya si Steaven dahil nga sa iniiwasan siya nito. Hindi din niya alam kung bakit, kaya kailangan alamin kung ano ang dahil ng lahat ng ito. Simula lamang naman kase ito nung nag patawag siya ng press con at bigla nalang ito umiwas sa kanya gaya ng sinabi niya sa kanya na kailangan muna nilang wag mag kita pansamantala at hindi niya alam kung hanggang kailan nila ito kailangang gawin.Subalit ang kanyang ginawang iyon ay isang malaking kalokohan lamang dahil hindi din niya naabutan ang binata sa kanyang ginawa. Marahil ay nakatunog ito dahil iba na ang kilos niya buhat ng mag kita sila sa isang meeting kaya ito nakahalata. Dismayado si Jerome sa nangyari kaya naman umuwi ito sa kanyang bahay at doon mag isip ng kung ang pwede niyang gawin para lamang makausap niya si Steaven. Habang nag iisip ng gagawin ay may naaalala lang siya at namiss niya bigla. Ang pag labas labas nila at ang pinaka importante ay ang ginawa sa kanya ni Steaven nung iniuwi siya nito sa kanyang bahay ng lasing na lasing. Ang buong akala noon ni Steaven ay hindi niya alam ang ginagawa nito sa kanya. Pero ang totoo ay alam niya ito at gusto niya ang ginagawang iyon sa kanya ng binata. Habang hinuhubaran siya ni Steaven ng saplot pang itaas ay nag iinit din ang kanyang katawan hindi dahil dala ng alak kundi ay dahil sa nag iinit ito sa katawan ni Steaven. Lingid sa kaalaman ni Steaven na gusto ni Jerome ang ginagawang iyon sa kanya. Pero talaga namang mabait si Steaven dahil kahit na anong akit ng kanyang katawan sa mga mata nito ay hindi ito naakit at bagkos ay minabuti niya itong iwasan para narin sa kanilang pag kakaibigan. Lahat ng iyon ay naiisip niya buhat ng iwasan siya nito. Dag dag pa sa pag ka miss niya ang nangyari sa kanila nung aksidente silang mag kiss ng hindi sinasadya ssa harap ng isang coffee shop malapit sa kanilang kumpanya. Hindi lang alam ni Steaven na labis ang kanyang tuwa ng manyari ang bagay na iyon kahit alam niyang pareho silang nagulat sa nangyari. Kaya naman kahit na masama ang epekto nito sa kanyang kumpanya ay hinayaan niya ito na kumalat lang ng a ganoon ay malaman ni Steaven na ayos lang sa kanya ang nanyari. Kaya naman labis ang kanyang pag kadismaya ng malaman niya na nag patawag ng press con si Steaven para linawin ang nangyari sa kanila ng araw na iyon. Lalo lamang siya pinanghinaan ng loob dahil sa ginawang iyon ni Steaven. Hindi din naman niya masisisi ang binata kung ginawa niya ang mga bagay na iyon dahil para kapakanan din naman iyon ng kanilang mga kumpanya lalo na't mag kapartner silang dalawa pag dating sa negosyo. Inisip na lamang niya mukang wala siyang pag asa sa puso ni Steaven dahil mukang tanging pag kakaibigan lang ang nais ng binata sa kanya at hindi na hihigit pa doon.
Alam ni Steaven kung bakit niya kailangan iwasan si Jerome dahil nadin ito sa nangyari at para narin sa makaiwas siya sa kanyang nararamdaman para sa binata. Alam niyang hindi sila magiging maayos kapag nalaman ni Jerome na may gusto ito sa kanya at ayaw niyang mangyari ang bagay na iyon dahil kapag nalaman ni Jerome ang totoo ay baka iwasan lamang siya nito at masira ang kanilang pag kakaibigan at baka maapektuhan ang kanilang mga negosyo at ayaw niyang mangyari ang lahat ng kaniyang iniisip. Habang iniisip ni Steaven ang mga posibleng manyari ay naalala niya ang mga bagay na nangyari sa kanila nito lamang mga nakalipas na araw kahit na panandalian lamang. Sweet na tao si Jerome at alam din niyang mapag mahal ito. Sa sandaling panahong kasama niya ito ay alam niya lahat ng ito. Madaming bagay ang magugustuhan sa kanya bukod sa mga nabanggit, ang hindi niya lang alam at isa pa sa kinakatakot niya baka may iba itong gusto at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw din niyang malaman ang nararamdaman niya sa binata.
Bakit namimiss ko siya, yan ang tanong ni Jerome sa kanyang sarili kung bakit hindi ito mapalagay kaya naman mas gumawa siya ng paraan para lang makausap niya si Jusper, ang sekretarya ni Steaven. Tinawagan niya si Justine para mag paapoint ng meeting sa sekrearya ni Steaven na si Jusper. Dahil hindi din naman niya makausap si Steaven ay sekretarya nalang niya ang kanyang kakausapin dahil alam din niyang hindi din sa kanya makakatanggi ito lalo na kapag meeting na ang pinag uusapan. Yun nga lang, may pangamba siya na baka hindi ito mag sabi ng totoo sa kanya pero nag lakas loob prin ito na kausapin siya. Agad namang nag pa appoint ng meeting si Justine kay Jusper utos nadin sa kanya ng kanyang amo. Matagumpay naman ang ginawa ni Justine dahil nakapag appoint ito ng meeting sa sekretarya ni Steaven. Sinabi ni Justine na Maari silang mag usap sa coffee shop sa tabi lamang mismo ng kanilang kumpanya. Buti na nga lamang at mabilis na kumilos si justine.
Nang makarating na ang binata sa coffee shop ay naabutan na niya si Jusper na nakaupo sa sulok ng coffee shop at tipong inaantay siya. Umorder narin ito ng kanilang maiinom. Nilapitan ni Jerome si Jusper, naupo at panandaliang uminom ng inorder na kape at saka ito nag tanong sa kanya. Hindi na nag paligoy ligoy pa si Jerome at tinanong na niya agad ang kanyang pakay. Sandaling oras lang kase ang binigay ni Jusper kay Jerome para sa kanilang meeting dahil may iba pa itong lakad at hindi na nabanggit pa. Matapos na matanong ni Jerome si Jusper ay tama nga ang hinala nito dahil hindi nga mag sasabi ng totoo ang binata sa kanya dahil nadin sa utos ni Steaven na wag magsasalita ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi na naman nag tanong pa si Jusper at sinunod niya ang sinabi sa kanya ng kanyang amo. Hagya namang nalungkot ang muka ni Jerome dahil sa balitang kanyang nalaman. Paalis ng bansa si Steaven at mukang aabutin ng taon bago ito makabalik sa bansa. Tanging ang co-Ceo lang niya ang bahala sa kumpanyang maiiwan nito. May mahalagang buissness na gagawin ang binata sa ibang bansa kaya ito aalis. Isa din oportunidad ang ganito para makaiwas si Steaven kay Jerome dala ng kanyang nararamdam para dito. Alam ni Jusper na may nararamdaman si Steaven kay Jerome at alam din niyang ganoon din Si Jerome kahit hindi ito umamin. Kaya naman binigay niya ang oras at flight ng alis ni Steaven sa kanya at sinabing ikaw naa ang bahala sa mga susunod mong gagawin. Nagulat si Jerome sa ginawang iyon ni Jusper, Sinabi ni Jusper na alam niya ang nararamdaman nila at pareho kaya naman sinabi nito kay Jerome na gawin niya ang lahat para sa kasiyahan nilang dalawa at wag gumawa ng desisyon na pag sisisihan nila pareho sa bandang huli. Agad na nag tatakbo si Jerome palabas ng cffe shop dahil ngayong araw din ang alis ni Steaven papuntang korea para doon mag stay. Naiwan si Jusper sa loob at napailing nalang sa kanyang sarili at sinabing iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Lumapit naman sa kanya si Justine, ang sekretarya ni Jerome.. nag tanung ito kung ano ang nangyari sa kanyang amo at ano ang nalaman nito dahil mabilis itong humahangos palabas at tila hindi manlang siya napansin nito ng makasalubong siya nito. Sinabi ni Jusper ang mga dahilan. Napatawa nalang sila pareho dahil alam nilang inlove ang dalawa at walang makakapigil sa mga ito. Ang tuwang nasa labi ni Justine ay napalitan ng kaba dahil sa kanyang naalala. napatanung si Jusper kung ano ang problema pero sinagot lang siya nito ng wala. Nag paalam nalang si Justine kay Jusper at tuluyan nadin nitong nilisan ang coffee shop.