webnovel

TSCE: Couple of the night

***

Pinili ko ang umupo nang mag-isa upang makapag-isip habang ang lahat ay nag-eenjoy pa rin sa nagaganap na disco fever sa dance floor. Natapos na ang ceremony ng Prom night kaya't sinusulit na ng lahat ang pagkakataong magsaya sa ganitong okasyon.

Sa kabilang dako, masaya na ako kahit sa maliit na bagay lang. Kagaya ng sa nangyari pa lang. Ang matulungan ko ang isang babaeng katulad ni Merlyn ay malaking bagay na para sa akin. Ganunpaman ay masakit pa rin talagang isipin na nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa ni Evo.

Napukaw ang aking atensyon nang may humawak sa mga balikat ko. At nang aking lingunin ay si Buns pala iyon at kasama niya si Raw. Hindi na siguro nila natiis at kanila na akong binalikan pagkatapos kong magpaalam kanina na nais ko munang mapag-isa.

Kumuha ng isang upuan si Raw at siya'y umupo sa harapan ko. Habang si Buns naman ay umupo sa tabi ko pagkatapos niyang hugutin ang isang naitabing upuan sa mesang kinaroroonan ko.

"'Tol. Tama na ang pag-eemote mo na 'yan diyan. Hayaan mo, ako na ang kakausap kay Evo upang magkaayos kayo." ang pagsasalita ni Raw habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko.

Bahagya akong napangiti ngunit ay kaagad din namang napalitan iyon ng lungkot.

"Naiintindihan ka namin, Break. Okay lang 'yan. Sa dami na ng nangyaring pagsubok sa pagkakaibigan ng grupo natin, ngayon pa ba hindi maaayos ang gusot? No way!" Buns cheered.

"That's it 'tol!" ang positibong sabi naman ni Raw at nag-apir pa silang dalawa sa harap ko.

"Hindi naman sa sinasabi ko na hindi na kami magkakaayos na dalawa. Masyado lang kasi akong naiipit sa ganitong sitwasyon." Ani ko.

Huminga ng malalim si Raw bago siya nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. "Hay naku! Mas malaki pa ang problema ng buong bansa kaysa ng sa sa'yo 'no. 'Lam mo, tara na at mag-enjoy na lang tayo doon sa dance floor. Idaan na lang natin 'yan sa sayaw. Yebah! Tara, dali!" ang pagsasawalang-bahala niya at sasayaw-sayaw pa habang tila inaakit ako na sumama sa kanya.

"Magandang ideya 'yan. Oh---ha. Oh yeah." at hindi naman nagpahuli si Buns nang sumigunda siya.

Natawa tuloy ako sa ginawa nila. Napakaswerte ko pa rin kahit papa'no dahil may mga baliw akong kaibigan na handa akong damayan at pagaanin ang aking kalooban.

"Mga baliw talaga kayo."

At sa huli'y sumama na din ako sa kanila upang magsayaw.

***

Naiilang pa din ako habang simpleng moves ng sayaw lamang ang aking ginagawa. Nahihiya kasi ako dahil hindi ko naman actually nakaugalian ang mga ganitong pagkakataon na sumasayaw sa disco. Sa ibang salita ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-didisco ako. I'm the "indoor" type of guy. Pasok sa school, uwi ng bahay, mag-aaral, tulog . . . 'yong mga ganung routines lang ang nakagisnan ko.

"Naman 'to! Kami dito, kung halos ay ilabas na namin ang aming kaluluwa sa todo bigay naming hataw, pero ikaw? Daig mo pa ang isang dalagang pilipina diyan eh!" ang nang-aasar na puna ni Raw sa akin.

Humalakhak naman ng husto si Buns.

Napakamot na lang ako ng aking batok nang natatawa. Eh sa ganito lang talaga ako. May magagawa ba ako tungkol do'n? Hindi ko na sinabi pa iyon sa kanila.

Maya-maya pa'y napatigil bigla ang lahat sa ginagawang pagsayaw nang huminto ang music at umagaw-atensyon ang ingay ng matinis na microphone sa sound system.

"Hello-hello-hello. Mic testing..." isang boses ang nag-sasample sa mic.

Isa-isa ding namatay ang mga ilaw ng disco lights dahilan upang magdilim ang paligid.

"Ano ba ang nangyayari?"

"Bakit pinatay ang lights?"

"Ay ang K.J.!"

"Baka may special announcement?"

Ilan lamang iyon sa aking naririnig na bulong-bulongan sa aming paligid dahil sa kanilang pagtataka mula sa nangyari.

"May idea ka ba sa nangyayari?" ang sambit ko kay Buns malapit sa kanyang tenga.

Umiling siya sa aking naging tanong nang nagtataka rin katulad ng iba. "W-Wala eh."

"Uh-Urm. Good evening." ang pag-uumpisa ng announcer sa mic. "I'm sure that you were all surprised. My dear students, sorry for the inconvenience!" inayos ulit nito ang tuning ng microphone. "Uh-Urm, alright." ang pagpapatuloy niya. "So, let me reveal to you kung ano ba itong sinasabi naming surpresa sa inyo ngayong gabi. So, heto na nga, the faculties call this one as . . . "Search for the couple of the night"!"

Halata ang naging pagka-excite at pagkagulat din ng lahat mula sa kanilang narinig.

"Whoever man na tamaan ng ating spotlight na gorgeous girl and man among you there ay sila ang tatawagin nating "Couple of the night". Kanina bago pa man nag-umpisa ang ceremony ng Prom night ay palihim nang naghahanap ang ating mga hurado para sa title na ito ngayong gabi based on certain criteria. Are you excited?"

Halos ay hindi na magkamayaw ang lahat sa kanilang mga nalaman.

"So, umpisahan na natin ito kaagad para makapag-resume na kayo sa "party-party". Oh yeah! At ang napiling girl ay . . . Let the spotlight select!"

Pumailanlang ang kaba at excitement sa lahat.

Umilaw na din sa wakas ang spot light sa direksyon kung saan ay hindi ko masyadong tanaw dahil sa dami ng nagkukumpulang kapwa namin mga estudyante. Lumapit kami ng husto upang alamin kung sino ang babae na kanilang napili.

At ikinagulat ko na 'yon ay walang iba kundi si Jemmi!

I was stunned the moment I saw her. Napakaganda nga niya ng gabing iyon. Ganunpaman, things won't change the fact na wala nang espesyal na namamagitan sa aming dalawa. So, I gently stepped back. Habang pinagmamasdan ko siya ay mas lalo lamang akong nasasaktan!

"Congratulations Ms. Jemmi Mayhem!"

Pumailanlang ang palakpakan sa buong paligid.

"Wow! Tingnan mo nga naman Break oh. Siya ang napili ---" natigil bigla si Raw sa kanyang pagsasalita nang sikuhin siya ni Buns upang pigilan sa kanyang nais sabihin.

"And for the gentleman . . . spotlight select!"

Naghatid pa lalo ng kaba sa lahat ang background music na isang drum sound.

Maya-maya pa'y nasilaw na lang akong bigla dahilan upang iharang ko ang aking kamay mula sa ilaw na tumapat sa akin. Tila ba bumagal sa pag-ikot ng aking mundo habang pinapanood ko ang reaksyon ng mga tao sa paligid ko. Nakatutok sa akin ang spotlight!

At sa labis na tuwa nila ay binuhat ako nina Buns at Raw.

"Congrats 'tol! Congrats! Wohoo!" they cheered.

Sa kabilang dako ay hindi naman ako makapaniwala ng husto. Totoo ba 'to? Nananaginip lang ba ako? Baka nakatulala lang ako ngayon at maya-maya'y bigla na lang tumunog ulit ang alarm ko!

"Congratulations Mr. Jeyson Break!"

Pero mukhang hindi eh! Lalo na nang narinig kong i-announce ni sir Tammy ang aking pangalan at siguradong narinig iyon ng lahat. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Doon lang nag-sink-in sa utak ko ang saya dahil ako ang napili among guys na naroon.

Subalit ay napalitan ang lahat ng matinding kaba nang magtagpo ang paningin naming dalawa ni Jemmi. Sa kabila nun, labis ang pasasalamat ko sapagkat sa ganoong pagkakataon muling pinagtagpo ni God ang landas naming dalawa.

***

Próximo capítulo