webnovel

Bonds That Never Fade

Chapter 4:  Bonds That Never Fade

Haley's Point of View 

  Sa isang malaking mall na hindi naman lalabas sa siyudad, doon ako dinala ni Jasper. Gamit lang din niya 'yung motorsiklo niya at kumpara noon kapag sumasakay ako, mas maingat siya. Hindi na siya 'yung parang hysterical kung mag drive. 

  Inalis ko ang suot kong helmet at inabot sa kanya. Nag park na muna kami rito sa third flood nung mall. Puno pero buti nakakita kami ng isang bakante. Sabagay, weekend din kasi ngayon. "Nakakapag-usap ba kayo ni Mirriam?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay ko lang siya na ngayo'y binuksan ang compartment para isabit 'yung kabitan nung helmet sa gilid. Inalis din niya 'yung itim niyang leather jacket para ipasok din doon sa loob. Maluwag 'yung space nung compartment niya kumpara sa ibang mga motorsiklo. 

  "Hmm. Hindi masyado." Ibinaba na niya 'yung upuan at humarap sa akin. "Pero nagle-leave siya ng message kapagka may time siya. Ito nga rin 'yung latest selfie niya, oh." At ipinakita niya sa akin ang isang litrato mula sa phone niya. Iba na pala phone ng mokong. 

  "Oh." Kumento ko. Si Mirriam iyon na suot suot ang track uniform niya kasama ang dalawang bago niyang girl friends. Napangiti ako. "I'm glad she's doing fine." 

  Bumaba ang balikat niya at ngumuso. "Pero last 4 weeks pa talaga 'tong selfie niya. Hindi ko na alam kung ano itsura ng Mirri ko ngayon." 

  Nanatili pa rin 'yung ngiti sa labi ko pero naglabas ako ng hangin mula sa ilong saka nagpameywang. Parang bago kung ma in love si Jasper. "Edi imbes na selfie niya, mabigay ka sa kanya ng selfie mo." 

  Ang kanina niyang nakatungong ulo ay inangat niya para ipakita ulit sa akin ang conversation nila ni Mirriam. Ipinunta niya sa Photos & Media kaya nakikita ko isang katutak niyang selfies. "Nagse-send ako sa kanya." 

  Ano bang inaasahan ko? 

  Pumasok na nga kami sa loob ng mall, at gaya nga ng inaasahan namin. Maraming taong gumagala ngayon kahit umaga pa lang. Lumakad na nga kami para maghanap ng resto na makakainan. "Jasper, tingin mo ba sa tagal ng paghihintay mo sa kanya hindi ka mapapagod?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami kaya bumaba ang tingin niya sa akin. "Like for example, hindi naman sa sinasabi kong gagawin din 'to ni Mirriam dahil alam ko rin kung gaano ka niya kamaha--" 

  "Hindi ba? Alam mo rin kung gaano niya ako ka-love?!" Tila parang kumikislap ang mata niya kung sabihin niya iyon sa akin habang lapit lapit ang mukha sa akin. 

  "Patapusin mo muna kaya akong magsalita?" Nakasimangot kong tanong bago niya ilayo mukha niya sa akin. "Paano kung sabihin natin na 'yung pagmamahal na binibigay mo sa kanya mapalitan? Parang nababawasan, o kaya'y napagod kumbaga." Tumitig muna siya sa akin bago niya iniharap ang tingin sa harapan. 

  "Ang sabi nila, kung tunay na pagmamahal ang mayroon ka. Hindi ka magsasawa. 

Pero sa palagay ko nga, hindi rin. Kung sobra sobra mong ibinibigay ang lahat nung pagmamahal mo sa isang tao, baka magsawa. Kung kulang naman, nakakapagod. 

Kaya napag-usapan namin ni Mirriam 'yung tungkol diyan. Na imbes na patagalin 'yung isang nararamdaman na pwedeng magbigay sakit sa aming dalawa, diretsuhin namin. Kasi kung patatagalin, mas masakit." Mahabang litanya niya saka siya ngumiti nang kaunti. "Kung magkakaroon man kami ng rason para ma-out of love, sasabihin kaagad namin para hindi na kami mahirapan." 

  Namilog ang mata ko. Napag-usapan talaga nila 'yan? 

  "Kaya hangga't wala akong naririnig mula sa kanya, bakit ako mapapagod na mahalin siya?" Tanong niy sa akin nang ibaba niya ulit ang tingin sa akin. 

  But that's not it… 

  "So kapag sinabi ni Mirriam na pagod na siya, hihinto ka na?" Tanong ko naman sa kanya nang tumigil ako sa paglalakad. Huminto rin siya para lumingon sa akin. 

  "Hindi, maghihintay pa rin ako." Napaangat ang mga kilay ko sa sagot niya. 

Samantalang tumingala siya. "Titigil lang ako kapag nakita ko na siyang masaya sa iba." 

  Napahawak ako sa dibdib ko dahil naalala ko si Jin. Ito pala siguro 'yung ibig niyang sabihin kaya hindi niya ako tinitigilan. 

  Nagpameywang siya na humarap sa akin. "Bakit, Haley? Tungkol ba 'to kay Reed? O kay…" Alam ko na kung ano'ng pangalan 'yung isusunod niya kaya nauna na akong naglakad. 

  "Nagugutom na ako, tara na." Sinundan niya ako ng tingin bago maglakad para sumunod sa akin. Pumasok kami sa isang fast food, trip ko kasing kumain sa Burger Queen kaya dito na namin naisipang pumunta. Kaso ang malas dahil ang daming tao, ang dami ring pila. "Ugh. Sa iba na lang tayo." 

  "Kahit na saan ka magpunta, marami talagang tao. Kaya rito na lang tayo." Binuksan niya ang glass door at binigyan ako ng daan. Sinimangutan ko siya. 

  "Hindi mo naman ginagawang rason 'yung pagkakaroon mo ng patience, ano?" Suspetsiya ko sa kanya saka ako pumasok sa loob. 

  Isinara na niya ang glass door. "Hindi, pero mayroon akong magic na ipapakita sa'yo para makarating kaagad tayo sa counter." 

*** 

  NA SA pinakalikuran at gilid ako habang nakatingin kay Jasper na nakapila na roon. Sumenyas siya na huwag akong aalis kaya nanatili akong nakatayo rito na parang tanga. Ano kayang gagawin niya? 

  Hinihintay ko lang siya sa gagawin niya nang kalabitin niya 'yung mga babaeng nagtatawanan sa harapan. Lumingon naman ang mga ito at tila parang may namuong puso nang makita si Jasper. May sinabi si Jasper nang magulat ako dahil pinauna siya ng mga babae't kilig na kilig. 

  Putcha, ano nanaman kayang katarantaduhan ginawa ni Jasper? 

  Pinauna rin siya nung babae sa harap niya hanggang sa marating kaagad niya 'yung counter at nag order. Speed! 

Binigay na ni ate ang order matapos ang ilang minuto, nasabi ko na rin actually kay Jasper 'yung gusto ko bago siya pumila kanina. 

  Lumakad na si Jasper kaya tangka ko na sana siyang lalapitan pero sumenyas siya na sandali lang kaya tumigil ako, luminga-linga siya para maghanap ng mauupuan. Oo nga pala, wala pang bakante. Naghihintay rin kasi ako ng taong tatayo, eh. Kaso wala pa rin. 

  Sana naman 'no? Kapag tapos ng kumain, umalis na sa table lalo na't alam namang marami pang kakain. 

  Sa paglililingon ni Jasper, tumigil ang tingin niya sa dalawang babaeng nakaupo sa pang apatan na soft bench chair. Lumapit siya roon kaya napanganga ako. 

Masama kutob ko rito… 

  Kinausap niya 'yung dalawang babae na mukhang natukso rin sa kagwapuhan niya 'tapos saka tumayo ang isang babae at tumabi roon sa kaibigan niya. Magkaharap kasi sila kanina. 

  Umusog si Jasper at inangat ang kamay para tawagin ako. "Hale ~!" Tawag niya sa akin kaya mabilis na lumingon 'yung dalawang babae sa akin. Napaatras naman ako. 

  Gag* ka, Jasper! 

  "Uy, dali! Baka lumamig pa 'yung pagkain!" Malakas niyang sigaw at tawag sa akin kaya napapatingin sa kanya 'yung ibang mga customers. Sa hiya ko, wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya para lang matigil siya. 

Yuko akong naglalakad kasi hindi ko matingnan 'yung mga tao sa paligid.

  Dahan-dahan akong umupo saka unti-unting inaangat ang tingin sa mga babae na parang nag-aalanganin. Kita ko rin ang paghawak ng isang babae sa kaibigan niya. Tumawa ng pilit at nginitian si Jasper. "T-Tapos na rin kami, sa inyo na 'yung table." At tumayo na silang dalawa at kinuha ang drinks nila. 

  Nang makalayo sila ay naramdaman ko 'yung mapaglarong ngiti ni Jasper noong lumingon siya sa akin. Dumating din 'yung tagalinis para punasan ang table namin. "Edi may upuan na tayo at hindi tayo naghintay nang matagal. 'Di ba? Magic ~" 

  Pinataltukan ko siya nang malakas. 

*** 

  MAGKAHARAP KAMI ni Jasper dahil lumipat ako kung saan nakaupo 'yung dalawang babae kanina. Iritable kong ininum 'yung in-order ni Jasper na Coco Pops Milkshare habang nakasuksok si Jasper sa dulo at sinusundot sundot 'yung burger niya. "Eh, kasi para hindi ka na maghinta--eek!" 

  Tinusok ko 'yung bread knife sa tuktok ng burger ko. "Wala naman akong sinabing 'di ko kayang maghintay. Saka pinaparami mo 'yung kaaway ko sa ginagawa mong hinayupak ka!" Sinipa ko 'yung tuhod niya dahilan para masipa niya 'yung ilalim ng lamesa't tumalon ang mga pagkain namin. 

  "S-Sorry." Hinging paumanhin niya kaya napasandal ako. 

  "Geez! Hirap magkaroon ng kaibigan na gwapo." Bulong ko pero mukhang narinig pa ni Jasper. 

  "Narinig ko pero pakiulit ng--" Hinawakan ko 'yung bread knife kaya napatigil siya. Kumain na nga lang kaming dalawa, siyempre hindi naman maiiwasan 'yung kwentuhan dahil matagal na nga rin kaming hindi nagsama. Pero habang nakikinig ako sa mga kwento ni Jasper, hindi ko lang maiwasang isipin na paano kung kumpleto kaming anim sa lamesang 'to? Chaotic siguro, ngunit hindi ko ipagkakailang masaya. 

  Tumungo ako nang may maalala rin pala akong atraso kay Jasper. "Tapos 'no--" 

  "Jasper." Tawag ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagkukwento niya. Nanahimik ako sandali bago ako magpasyang humingi nang pasensiya sa kanya. "I'm sorry." 

  Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Ha? Bakit ka nagso--" Napatigil siya, mukhang alam niya kung ano 'yung dahilan ng pagso-sorry ko. "Huwag mong sabihin sa akin nagso-sorry ka dahil sa nangyari nung nakaraang taon?" Hula niya, pero tama iyon. 

  "Hindi ka ba… nakakaramdam ng kahit na anong galit kapag nakikita ako?" Tanong ko sa kanya. "Wala kang binabanggit na kahit na ano sa magulang ni Mirriam na ako may kasalanan kaya nangyari iyon kay Mirriam. Ang dami mong pinagdaanan para lang--" Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko kaya nanlaki ang mata ko. 

  Napabuka rin ang bibig ko dahil pagkaangat ko ng ulo para makita siya. Hindi siya nakangiti pero mukha siyang nainis sa sinabi ko. "Haley. Tapos na, tapos na. 

Hindi mo kasalanan 'yung nangyari, ginawa rin ng kapatid mo 'yung makakaya niya para maging okay ang lahat. Walang may kasalanan, hindi lang natin kontrol 'yung nangyari, wala rin tayong ideya na may ganoong bagay pa lang nag e-exist sa mundo. Walang may alam." Pangungumbinsi niya sa akin. 

  Nagsalubong ang kilay niya at biglang napalitan ng sakit ang mukha niya. "Ako ang dapat na humingi ng tawad, kasi wala akong magawa para mabura 'yung bigat na nararamdaman mo." Bumigat ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko. "Magiging okay rin tayong lahat. It takes time." Gumaan ang mukha niya pagkangiti niya. 

  Wala akong ibang sinabi at muli lamang tumungo. 

***** 

Próximo capítulo