Nakailang katok na si Flora Amor sa pintuan ng opisina ni Dixal subalit hindi pa rin iyon bumubukas. Ang akala pa naman niya de- remote ang pintong 'yon pero bakit ayaw pa ring bumukas hanggang ngayon? O wala sa loob si Dixal? Naalala niyang sinabi nito kagabing may meeting ito ngayong umaga. Baka nasa meeting. Ano'ng gagawin niya, 'di naman siya makapasok sa loob ng opisina?
"Hey, you!"
Napalingon siya bigla sa may-ari ng boses na at awang ang mga labing napatitig sa napakagandang fiancee ni Dixal. Kahit saang anggulo talaga tingnan, parang diyosa ito sa kagandahan. Sabagay, natural lang naman seguro sa mga model ang magkaruon ng almost perfect na katawan at mukha. Kung tomboy lang siya, baka niligawan na niya ito dahil kahit siya, hangang hanga sa taglay nitong ganda.
"Are you deaf?" pasinghal nitong sambit na nagpabalik sa naglalakbay niyang isip.
"Ha? Ano 'yon ma'am?" maang niyang tanong nang makalapit na ito kasama ang isang sopistikadang ginang na nakita sa elevator kanina na nakakunot ang noo habang mataman siyang pinagmamasdan.
"I said hold my bag!" pasinghal na naman nitong wika.
'Excuse me, hindi ako alila para basta mo na lang utusan,' gusto niyang isagot ngunit nagpigil siya. Hindi pwedeng pairalin niya ang kasupladahan ngayon, baka mapaaway siya nang 'di oras at mapatalsik sa lugar na 'yon lalo't fiancee ito ng may-ari ng kompanya.
Kaya napilitan siyang itago ang nararamdaman at kinuha dito ang bitbit na Louis Vuitton bag, iba na naman ang kulay niyon. Napaisip siya tuloy kung ilang Louis Vuitton ang bag nito. Baka isandaan. Grabe, sobrang yaman talaga ng babaeng ito. Sabagay, isang mansyon naman ang bahay ng mapapangasawa nito. Natural lang na kukuha rin ang lalaki ng kasinyaman nito. Bagay talaga ang dalawa.
Pero bakit may biglang kumirot sa kanyang dibdib? Ano 'yon? 'Wag sabihing nagseselos siya kasi kunwari lang ang pagiging asawa niya kay Dixal, pero ang nasa harapan niya'y ang magiging totoong asawa nito.
Napaisip na naman siya. Bukas na pala ang katapusan ng kasunduan nila. Pagkatapos no'n ay pwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya. Pwede na siyang magsuot uli ng body con dress at mini-dress na sleeveless. Mas gusto talaga niyang magsuot ng walang sleeve tutal flawless naman ang kanyang kilikili, maputi na walang buhok at walang amoy. Hindi tulad ng mga gusto nitong isuot niya, maganda naman pero 'di siya talaga masanay sa gano'ng suot. Tsaka, hanggang ngayon itinatanong pa rin niya sa sarili bakit kailangan nilang magkunwaring mag-asawa eh sila lang din naman ang nakakaalam no'n.
"Where's Dixal ba? Bakit walang sumasagot sa phone niya?" maarteng sambit ng dalaga na halata sa salubong na kilay ang pagkaaburido.
"Hey, lady. Do you know where Dixal is? You're his PA, right?" baling nito sa kanya.
Umiling siya.
"Wala po siyang sinasabing kahit ano sakin, ma'am," painosente niyang sagot ngunit nang maalalang sinabi ng lalaki kagabing may meeting ito ngayong umaga at naglaro sila ng build and undress ay tila na-guilty siya, agad nagbaba ng tingin, kunwari'y inayos ang slacks na suot.
"You really look familiar. Taga-saan ka?" curious na tanong ng ginang na kasama ng dalaga.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at takang bumaling sa nagsalita.
"Who are you talking to, Misis? Ako po ba?" maang pa niyang usisa.
"Of course, ikaw lang naman ang andito liban samin ni Shelda, idiot!" Pabalang itong sumagot at nang-insulto pa sa dulo na nagpakulo agad ng dugo niya ngunit pinili niyang pigilan ang nararamdaman.
"Taga Cavite po," magalang niyang tugon, agad iniiwas ang tingin nang 'di nito mapansing naiinis na siya. Napasulyap siya kay Shelda na panay ang pindot sa phone, seguro'y tinatawagan si Dixal ngunit 'di pa rin sumasagot ang lalaki.
"Tumira ka ba sa Novaliches?" curious na naman nitong usisa sa kanya.
Sumulyap siya rito at agad na umiling, sabay iwas ng paningin, ayaw niyang mahalata nitong nagsisinungaling siya. Bakit panay ang tanong nito? Kilala ba siya ng babae? Wala naman siyang maalalang nakita na niya ang ginang pero bakit nahulaan nitong do'n sila dati tumira sa Novaliches? Ibig bang sabihin, kilala talaga siya nito, 'di lang siya namumukhaan at 'di lang din niya ito matandaan kasi may amnesia nga siya?
At bakit gano'n na lang kumabog ang dibdib niya na tila nakakaramdam ng takot sa ginang na 'to, takot ba o galit? Ewan, 'di niya maintindihan ang nararamdaman nang mga oras na 'yon.
"What's your name? I'm really sure I've seen you before. What's your name?" Nasa mukha nito ang masidhing paghahangad na makilala siya at malaman kung anong pangalan niya.
Lalo lang lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. Bakit gano'n na lang ito kung magtanong sa kanya? Ano bang merun sa mukha niya't ayaw siya nitong tatantanan?
"I'm Fl---"
"Shelda!"
Naagaw ni Lemuel ang atensyon ng lahat nang tawagin nito ang fiancee ng chairman na lukot na ang maamong mukha sa inis habang panay dutdot sa phone.
Maging si Flora Amor ay napatingin rin sa vice-chairman na tila nagmamadaling lumapit sa kanila, parang hinahabol ng tikbalang sa likuran.
"The chairman is not there. Let's go to my office instead. Nagpahanda siya do'n ng pagkain. It's your anniversary today, right?" saad agad ng lalaki pagkalapit lang.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Shelda. Mabilis naman pala itong utuin.
"I really like that man, though. He's very romantic in his own way. Akala ko nakalimutan na niyang anniversary namin ngayon. May surprise na naman pala siyang ginawa." Pagkasabi'y napahagikhik ito.
"Oh, well yeah," pinagpapawisang sagot ni Lemuel sabay sulyap sa kanyang nakagat ang ibabang labi.
Anniversary pala ng dalawa ngayon, kaya pala nagmamadali itong umalis kanina, 'di man lang siya hinintay na magising. Nagpahanda pala ito ng pagkain para sa anniversary nito at ng fiancee.
Napayuko siya. Bakit tila bumigat ang kanyang dibdib sa nalaman? Ano bang pakialam niya sa dalawa? Natural na magse-celebrate ng anniversary dahil magjowa ang mga 'to at malapit na ngang ikasal. Sino ba siya para masaktan? 'Wag sabihing umaasa siyang seseryosohin siya ni Dixal eh isa lang naman siyang laruan para dito, ginagawa lang siyang libangan. At lalong 'wag sabihing nahuhulog na ang loob niya sa lalaki?
Tumaas ang dalawa niyang kilay sa naisip.
'Ang pagmumukha ng lalaking 'yon, magkakagusto ako? It's a big no! Kahit siya pa ang matirang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa, ni 'di ko siya susulyapan man lang.' tutol ng kanyang isip.
'Denial... Di pa amining nagseselos.' tudyo ng kanyang puso. Napaismid tuloy siya.
"Hey, you!" tawag ni Lemuel.
"Bakit?" pasinghal niyang sagot at salubong ang mga kilay na bumaling rito.
Sumenyas ito sa kanya subalit wala siyang maunawaan sa gusto nitong sabihin.
"Ah, Shelda. Let's go to my office now," anito sa dalaga.
"And you, punta ka sa research department, do'n ka muna magtrabaho." Nakataas ang isang kilay na baling nito sa kanya saka kinuha ang dala niyang bag at bahagya pa siyang itinulak palayo.
Nang maunawaan ang ibig nitong sabihin kaya pala sumenyas ay mabilis ang mga hakbang na lumayo siya sa tatlo at nagpunta sa research department.
--------
"WHAT ARE YOU DOING HERE?" takang tanong ng manager na si Nicky pagkakita sa kanya sa loob ng research department, eksaktong ito ang una niyang nakasalubong sa may pinto, papasok siya't ito nama'y palabas ng department.
Itinaas niya ang isang kamay at itinuro ang labas ng pinto.
"Ang sabi po ng vice-chairman, dito raw ako mag work kasi ala 'yong chairman sa opisina," sagot niya.
Blangko ang mukhang tumitig ito sa kanya ngunit pagkatapos marahil ng isang minuto'y saka lang ito tila natauhan.
"Oh, I almost forgot. Hiniram nga pala kita kay sir para samahan si Elaine gumawa ng report about sa bagong building na ginagawa," anitong lumingon agad sa paligid pagkatapos magsalita.
"So, ano pong gagawin ko ngayon?" usisa niya.
"Look for Elaine at pag-usapan niyo ang gagawin," utos nito, salubong pa rin ang mga kilay na lumayo sa kanya.
Nalilito man sa ekspresyon ng mukha ng manager ay 'di na lang niya iyon pinansin, pasimpleng nilapitan si Elaine sa cubicle nito na 'di niya akalaing mapapalundag sa takot nang gulatin niya at humarap sa kanyang nakatakip ang kamay sa bibig upang pigilang kumawala ang isang halakhak nang makita niyang nagulat talaga ang kaibigan sa ginawa niya, 'di lang nagulat, namutla pa.
Hinampas siya nito sa braso nang agad makabawi.
"Sira ka talaga Flor. Anong ginagawa mo dito?"
Tinanggal niya ang kamay sa bibig at pigil ang hagikhik na pinakawalan.
"Ano ba kasing ginagawa mo, ba't nakangudngod 'yang mukha mo sa phone?" natatawa niyang usisa.
Muli itong umupo sa swivel chair at humarap na naman sa phone.
"Kausap ko si Joven, 'yong pinsan ko. Bibisitahin niya raw ako rito. Sabi ko, dito ka rin nagtatrabaho kaya ayun, excited nang makapunta rito para makita ka. Ang akala ko pa naman, ako bibisitahin, ikaw pala," paismid nitong kwento.
"Joven?"
Sandali muna siyang nag-isip kung sinong pinsan ba ang tinutukoy nito. Marami kasi itong pinsang mayayaman ang mga magulang, hindi lang basta mayayaman, super yayaman pero nakapagtatakang ayaw magtrabaho ng kaibigan sa mga pinsan nito at mas ginustong mag-apply sa ibang kompanya. Sa lahat ng magpipinsan, si Elaine lang ang tila mahirap.
"Ahhh, si Joven. 'Yong kasama mo noong nagpunta sa birthday ko no'ng college pa lang tayo tapos nangulit nang kunin ang number ko at nanligaw sakin," saad niya nang maalala ang lalaki.
"Oo. 'Yong binasted mo agad kasi sabi mo may anak ka na," susog nito.
Nag-blush siya bigla. Inaamin naman niyang crush niya 'yong lalaki noon dahil liban sa mabait ito'y mahilig pang magpatawa, hindi boring kasama. Naalala niyang nakipag-date pa siya rito pero duon niya rin sinabing may anak na siya, ayaw niyang magpaligaw muna at magpo-focus siya sa pag-aaral. Pagkatapos no'n, hindi na niya nakita ang binata. After a month ay nalaman na lang niya kay Elaine na do'n na pala ito nagpatuloy ng pag-aaral sa Canada at mula noon ay wala na siyang balita tungkol sa huli.
"Elaine, ang sabi ni Ma'am Nicky, sasama daw ako sa sa bagong building na ginagawa. Tutulungan daw kitang gumawa ng report about do'n," pag-iiba niya sa usapan.
"Ah, oo," anito't isiniksik ang phone sa loob ng bag nito.
"Bakit, may problema ba do'n?"
"Ewan ko, inutusan lang akong I-record ang mga materyal na ginamit doon at ang mga taong involved sa paggawa ng building na," pakaswal nitong turan.
"Ahh, gano'n ba?"
Naalala niyang may binanggit na bagong building sa secret meeting nina Dixal, kung saan sub-standard ang ginamit sa paggawa niyon. Iyon kaya ang tinutukoy ng kaibigang pupuntahan nila?
Hindi ba't confidential dapat iyon, bakit ipagkakatiwala kay Elaine ang paggawa ng report about do' eh baguhan lang din ang kaibigan sa trabaho?
Tapos isasama pa siya eh parehas lang din naman silang baguhan? Hindi ba nag-iisip ang manager ng research department? O sinusubukan sila kung anong kaya nilang gawin sa trabaho? Ewan, hindi niya magets ang dahilan ni ma'am Nicky, kaya nagkibit-balikat na lang siya.
Good luck na lang sa kanilang dalawa ni Elaine.