webnovel

MY TREACHEROUS HUSBAND

Naalimpungatan si Flora Amor sa mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang hita, idagdag pa ang tila mahabang kamay na nakayapos sa kanyang beywang.

Sinipa niya iyon at agad tumagilid patalikod, subalit muling pumulupot sa kanyang beywang ang mahabang kamay na 'yon at kinabig siya palapit rito.

"Ano ba, 'di ako makahinga," atungal niya sa inaantok pa ring boses.

"Hmmmmm... Amor, I'm not done sleeping yet," sagot sa kanya ng baritonong boses na halatang ayaw magpaistorbo sa pagtulog.

"Eeeee, bigat ng katawan mo ayy!" reklamo niya, bumalik ng higa paharap sa katabi.

'Katabi!'

Sa inaantok pa ring diwa ay sumagi doong may katabi siya, patunay ang boses na kanyang narinig at 'yong tila hitang nakadagan sa hita niya, maging mga kamay na nakayakap sa kanya.

Agad siyang nagdilat ng mga mata at ilang beses na kumurap habang binabalikan sa alaala kung anong nangyari kagabi at kung kaninong kama ang tinulugan niya.

"Amor..." usal ng katabi niyang muli siyang niyakap nang mahigpit.

Napamulagat siya nang maalalang nasa bahay siya ni Dixal----at magkatabi sila sa pagtulog?!

Naguguluhang pinagmasdan niya ang mukha ng nakapikit pa ring lalaki habang nakayakap sa kanya. Bakit sila magkatabi ng lalaki?

Nang may biglang pumasok sa isip niya'y sinipat agad ang sariling katawan sa ilalaim ng nakatakip na kumot.

"Ahhhhhhhh!!!" umalingawngaw ang matinis niyang tili sa buong bahay habang pinagsisipa ang lalaking walang magawa kundi indahin ang sakit ng ginagawa niya.

"Anong ginawa mo sa'kin, hinayupak ka? Bakit wala akong saplot sa katawan?" mangiyak-ngiyak niyang akusa dito habang nakaupo sa headboard ng kama at mahigpit ang hawak sa makapal na kumot sa tapat ng dibdib.

"What's wrong with what we did? We're married anyway. Natural lang sa mag-asawa ang gano'n," paliwanag ng lalaking maliban sa brief na suot ay wala nang ibang saplot sa katawan.

"Walanghiya! Idedemanda kita ng rape sa ginawa mo!" hiyaw niya kasabay ng pamamalisbis ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing gagahasain siya nito, nagtiwala pa naman siyang gentleman itong tao, na hindi siya sasaktan at lalong hindi siya gagalawin hanggat wala siyang pahintulot. Pero heto ni-rape na siya nang wala man lang siyang kalaban-laban.

"Rape?!" dismayadong bulalas ni Dixal.

"Amor, I thought you liked it. Panay pa nga ungol mo kagabi, but then you're accusing me of rape now?" di makapaniwalang sambit nito't bahagyang hinila ang kumot na mahigpit niyang hawak.

Natigilan siya sa sinabi nito't hindi agad nakasagot. Gano'n ba siya kasabik sa sex para gawin ang sinasabi nito? Bakit wala siyang matandaan? Ang natatandaan niya lang ay 'yong hinabol siya ng aso at sumampa siya agad sa katawan nito sa sobrang takot na baka malapa siya ng asong 'yon. Maliban doo'y hindi na niya alam kung anong nangyari pa.

Muli niyang sinipat sa ilalim ng kumot ang walang saplot na katawan at namumula ang pisnging napatitig sa lalaking nakaawang din ang bibig at naghihintay ng sasabihin niya.

Pero bakit wala siyang saplot man lang sa katawan kung walang nangyari sa kanila? Bakit sila magkatabi sa pagtulog at nakayakap pa ito sa kanya?

Pinakiramdaman niya ang sarili. Maliban sa masakit na hitang napagod seguro kakabuhat sa mabigat na hita ng lalaki, wala na siyang iba pang maramdamang masakit. Subalit ang tila basa niyang pakiramdam sa pagitan ng mga hita niya'y patunay lang na may nangyari nga sa kanila, pero hindi siya nito ginahasa? Ibig sabihin nagustuhan rin niya ang ginawa nila? Pero ba't wala siyang maalala sa nangyari?

"Se--gurado ka bang panay ang ungol ko?" itinigil niya ang pag-iyak at pautal na nagsalita.

"Yes! How should I say that? Or do you want me to demonstrate?"

"No! No! No!" pigil niya agad sa sobrang hiyang biglang bumalot sa pagkatao niya.

'My gosh! Nakakahiya pala ang ginawa ko. Sabihin pa lang ng damuhong na 'to, kagabi lang ako nakatikim uli ng sex.'

Hindi na siya nagsalita uli, sa halip ay parang maamong tutang bumaling sa lalaking 'di niya malaman kung anong laman ng isip ng mga sandaling 'yon.

"Sa--n napunta ang--ang undies ko?" nahihiya niyang tanong at dahan-dahang iniusad ang katawan sa gitna ng kama.

Lumapit ang lalaki sa malaki nitong closet sa tabi ng TV, kumuha duon ng isang t-shirt.

"You can use this for now. I don't have anything but this. Nasa labahin na ang mga damit mo," anito at pagkaabot lang sa kanya ng damit ay muli itong tumagilid sa kama paharap sa kanya, pinagmasdan siya habang nagsusuot ng damit.

Sa nangyari sa kanila kagabi, ano pa bang maitatago niya sa lalaki? Wala na. Lahat naipakita na niya, walang silbi kung magpapaka-demure siya ngayon, kaya binitawan niya ang hawak na kumot at hinayaang malantad ang kanyang dibdib sa paningin ng lalaking 'di kumukurap habang nakatitig sa nakalantad na 'yon, ilang beses ding lumunok upang kontrolin ang nag-iinit na katawan sa pagnanasa.

"Let's sleep again, sweetie. Madaling-araw pa lang. We can still have another round if you like," usal nito sa nanunudyong boses.

"No! Let's just sleep," maagap niyang sagot, pulang pula ang pisngi, 'di makapaniwalang ipinagkanulo siya ng sariling katawan kay Dixal.

Pagkakita lang na muli siyang nahiga'y yumakap agad ito at ipinatong ang hita sa hita niya.

"Sweetie, let me cuddle you like the way I used to do. I'm already contented with this," he whispered bago niya naramdamang muli itong nakatulog habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang harapan.

Nalito siya sa huling sinabi nito, subalit mas nakakalito 'yong mannerism nitong ilalagay ang kamay sa harap niya saka ito nakakatulog nang mahimbing. Subalit bakit tila 'yon ang gusto niya't wari bang sanay na siya sa gano'ng ginagawa nito at heto nga't naghihikab na siya?

"Amor... I love you."

Narinig niyang anas nito bago siya tuluyang makatulog.

--------

TUNOG NG ALARM clock ang nanggising kay Flora Amor. Kinapa niya sa tabi si Dixal, nang malamang wala na ito sa higaan ay saka lang siya nagdilat ng mata at napabalikwas ng bangon.

"Dixal!" tawag niya subalit walang sumagot.

Saka lang niya napansin ang damit pamasok sa gilid ng kama, tyernong underwear at sandals. Nakaipit sa ilalim ng sandals ang isang papel.

"The car is waiting outside."

"'Yon lang?" taas ang isang kilay na sambit niya.

Wala man lang, "good morning", walang "I love you" pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi?

Inis na nilamukos niya ang papel at itinapon sa baba ng mesanin ngunit natigilan din pagkatapos.

Bakit siya naiinis nang dahil lang sa 'di romantic ang message ng lalaki sa kanya?

Pakialam ba niya kung 'di ito romantiko. For his information, hindi dahilan ang sex nila kagabi para bigla na lang siyang magkagusto sa lalaki. Kahit sabihin pang nagustuhan niya 'yon, sex lang 'yun. It meant nothing to her.

Aburido siyang tumayo at binitbit ang isusuot pababa sa mesanin at nagmamadaling naligo para makapasok na sa opisina.

HINDI PA MAN NAKAKALAYO sa pinto ng bahay si Flora Amor ay narinig na uli niya ang tahol ng asong humabol sa kanya kagabi. Natural na kumaripas uli siyang takbo papasok sana sa loob ng bahay subalit bago pa niya magawa ay may biglang nagsalita sa kanyang likuran.

"'Wag po kayong matakot Madam. Kilala po kayo ni Rossy, imposible pong kagatin niya kayo," anang boses ng isang lalaki.

Sa narinig ay agad siyang napaharap sa lalaking nakasuot ng pang-security guard.

"Anong hindi? Eh kagabi nga'y hinabol pa ako niyan hanggang sa loob ng bahay ni Dixal. Ikaw pala ang may-ari niyan ba't 'di mo itinatali 'yang aso mo nang 'di makapanakit sa mga kapitbahay mo rito?" agad niyang sermon sa lalaking napatda bigla sa kinatatayuan.

"O, ba't 'di ka makapagsalita d'yan?" pasuplada niyang tanong habang nakapameywang.

"Eh Madam, wala naman pong kapitbahay dito. Nasa loob pa rin po kayo ng mansiyon," napapakamot sa ulong sagot ng guard saba'y turo sa likod ng bahay saka nilingon ang asong tahimik na nakaupo sa likod nito.

"Anong--" Napatingin siya sa buong paligid at napanganga pagkuwan lalo na nang makita sa 'di kalayuan ang mataas na gate, sa gilid niyo'y naroon ang guard's quarter. Hindi nakuntento sa nakitang gate at tinungo ang likuran ng bahay upang tingnan kung anong sinasabing mansyon ng lalaki, nang makita ang tinutukoy nito'y halos lumuwa ang mga mata niya sa pagkamangha.

Totoo ngang isang mansyon ang nasa kanyang harapan, a Modern French Mediterranean mansion na sa exterior designs pa lang ay nagsusumigaw na sa kagandahan na hindi niya halos mai-describe sa ganda.

"Ito ang---ang mansyon ni Dixal?" pautal niyang tanong habang itinuturo ang malaking bahay.

"Opo Madam. Itong bahay sa harapan po'y private room po ni sir. Kayo lang pong dalawa ang pwedeng makapasok sa loob," paliwanag nito.

Napalunok siya sa tinuran nito.

"You mean kilala mo talaga ako?"

"Opo Madam. Ipinakita po samin ni sir kahapon ang picture mo at binilinan 'yong aso na 'wag kang kakagatin. Matalino po ang asong 'to Madam. Imposible pong kagatin kayo nito," sagot ng lalaki.

"P--pero bakit hinabol niya ako kagabi kung kilala pala niya ako?" takang tanong niya sabay turo sa asong tahimik lang habang nakaupo't nakatitig sa kanya.

Kumamot na uli sa ulo ang gwardiya.

"Eh kasi po madam, sumenyas po si sir kagabing 'wag kayong palalabasin ng gate," atubili nitong sagot.

"Ano?!"

Nagpantig agad ang kanyang tenga sa narinig. Ang kanina'y pagkamangha sa nakitang tanawin ay napalitan ng panggigigil kay Dixal na kung nasa harapan lang nito ang lalaki'y baka nabugbog na niya ito.

Nakuyom niya ang dalawang kamao sa galit at nagtatagis ang bagang na nagmarcha palapit sa gate.

'Dixal! Mababalatan kita ng buhay hinayupak ka!' sigaw ng kanyang isip nang agad mapahinto sa biglang naalala.

Ngayon niya lang natatandaang naglaro pala sila ng tinatawag nitong "build and undress" at sa kasamaang-palad ay natalo siya, subalit naisahan niya ang lalaki kaya binalutan siya nito ng coat. Pa'nong wala na siyang undies man lang pagkagising niya?

Pilit niyang inalala ang sunod na nangyari.

"'Yon nga!" bulalas niya sabay pilantik nang maalalang pinunasan pala siya nito ng tubig na may alcohol.

"Let me take off your undies, Amor," naalala niyang paalam nito at dahil antok na antok na siya nang mga sandaling 'yon ay 'di na niya nagawang tumutol pa saka siya tuluyang nakatulog.

So, ibig sabihin, wala talagang nangyari sa kanila kagabi? Tinabihn lang siya nito sa pagtulog pero walang nangyari sa kanila? Pero dahil inisip niyang may nangyari sa kanila pagkagising niya ng madaling araw, hindi na siya umangal kahit yakapin pa siya nito, kahit isiksik nito ang palad sa pagitan ng mga hita niya, samantalang alam nitong wala naman palang nangyari sa kanila?

Ang laki niyang tanga. Ang tanga-tanga niyang napapaniwala agad sa mga sinabi nito.

Muli niyang nakuyom ang mga kamao sa sobrang galit sa kaalamang naisahan na naman siya ng hinamapk na 'yun.

"Grrrrrr! You brute! You bastard! You treacherous damn man! You psycho! Walanghiya ka talaga! Mababalatan kita ng buhayy!!" ang lakas ng sigaw niya sa sobrang galit at muling magmarcha palapit sa gate habang kunut-noong nakasunod lang sa kanya ang gwardiya.

Próximo capítulo