webnovel

TREASURING THE MOMENTS WITH HER

Naalimpungatan si Flora Amor sa ingay na nagmumula sa kabilang kwarto. Kinapa niya ang katabing lalaki pero wala na ito do'n kaya napilitan siyang idilat ang mga mata at hanapin ang relo sa buong kwarto. Ngunit nang makita ang nakasaad sa orasan sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng bed ay napabalikwas siyang bangon.

Alas tres na nang hapon?! Ang tagal niyang nakatulog? Ang pagkakaalala niya, Alas Nwebe lang nang dalhin siya ng manager niya sa opisina ng chairman at ilang minuto lang ang itinagal bago sila nakatulog na magkayakap.

Isang oras na lang at tapos na ang work niya, matatapos nang gano'n lang. Parang nagpunta lang siya rito para matulog.

Nakakahiya.

Hinanap agad ng kanyang paningin ang amo ngunit wala na ito sa loob ng kwartong 'yon. Tumayo siya't sunod na hinanap ang banyo para maghilamos.

May isang saradong pinto sa tabi ng bed, lumapit siya roon, iyon nga ang banyo. Ang balak lang niya'y maghilamos lang ngunit nang tumambad sa kanya ang loob niyon, may shower sa tabi ng toilet bowl, sa tapat ay bath tub at merun pang natatabingan ng kurtina sa may dulo, nang hawiin niya iyo'y umawang ang kanyang bibig sa pagkamangha nang makita ang oval-shaped jacuzzi na sakto lang sa dalawang tao ang luwang.

"Woah! Ganda naman ng banyong 'to!" 'Di niya mapigil isambulat ang paghanga sa nakitang tanawin.

Napangiti siya, alam talaga ng lalaking 'yon pano siya mapapangiti. Pero ayaw niyang gumamit ng jacuzzi, sa halip ay gusto niyang magshower hanggang magsawa siya. Ang ganda pala ng buhay niya bilang PA nito, pwede niyang gamitin lahat ng mga naroon. Ahh, hindi lang pala PA ang gusto nitong mangyari sa kanya kundi isang asawa sa loob ng isang linggo. Kung gan'to naman kabongga ang banyong mapapasukan niya at gano'n kalinis at kaluwang ang kwarto at opisina nito, why not basta no strings attached, just for a deal. Kakayanin niya ang isang linggo. Malay niya, baka blessings in disguise pa 'yon para sa kanya, baka 'yon ang maging daan para maalala niya ang kanyang nakalimutang alaala noon.

Pumasok siya sa maluwang na cubicle kung saan naruon ang shower at binuksan agad ang isang maliit na kabinet na nakadikit sa dingding. Naruon ang iba't ibang klase ng imported na sabon at shampoo, pati lotion, toothpaste at toothbrush. Naroon din ang gamit niyang sabon at shampoo. Talagang kumpleto 'yon sa mga gamit, wala na siyang hahanapin pa.

Ngingiti-ngiti siya habang isinasara ang transparent glass na pinto ng cubicle at mabilis na naghubad ng damit. Dapat gan'to ang ipagawa niyang banyo sa loob ng kanyang kwarto. Kahit shower lang ang ando'n, tama na 'yon sa kanya.

Nagsimula siyang kumanta ng The Journey ni Angela Zhang tulad ng ginagawa sa bahay nila, kumakanta habang naliligo.

Napansin niya ang dalawang gripo ng shower.

Bakit dalawa? May kulay pula at blue. Maang niyang binuksan ang kulay blue na gripo at agad siyang nanginig sa lamig ng tubig na lumabas mula sa shower diretso sa kanyang katawan habang nakatapat do'n.

"Weeeww! Lamig ahhh!" bulalas niya sabay yakap ng katawan at agad isinara ang gripo.

Curious niyang binuksan ang kulay pulang gripo ngunit bigla siyang napasigaw nang lumabas sa shower ang tila kumukulong tubig sa init.

"Arayy!"

Buti na lang at nakailag siya agad at higit na mabuti na lang, may biglang pumasok sa loob ng cubicle at nagbukas ng isa pang gripo, saka lang na-neutralize ang timpla ng tubig na lumabas sa shower.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Dixal sa kanya.

Ngunit isang tili na uli ang pinakawalan niya nang mapagtantong hubo't hubad siyang nakaharap sa lalaking ilang beses na lumunok habang pinagmamasdan ang kanyang kabuuan.

"Walanghiya ka, ba't ka pumasok? Lumabas ka! Labas!" pagtataboy niya habang panay hampas ng kamay sa dibdib nito.

"Hey, basa na ako. Let me take a shower too." pakaswal nitong sagot.

"Ano?! 'Di pwede! Naliligo ako!" tutol niya agad.

"Why? I'm your husband after all. Tsaka nakita ko na lahat ng 'yan," anitong hindi pansin ang panggigigil niya, bigla ba naman itong naghubad sa kanyang harapan dahilan upang agad siyang pumihit patalikod at agad umupo para itago ang maseselang parte ng katawan mula sa lalaki.

"Bastos ka talaga! Alam mong naliligo, sumabay ka pa!" mangiyak-ngiyak niyang singhal.

"Iabot mo sakin ang damit ko, walanghiya ka talaga!" gigil niyang utos saka itinaas ang isang kamay.

"O ito na po," parang batang sagot ng lalaki sabay abot sa hinihingi niya.

Siya nama'y agad tumayo saka isusuot na sana ang ibinigay nito nang mapansing damit nito ang ibinigay sa kanya.

"You damn man!" Pagalit siyang humarap dito at inihampas ang damit sa mismong mukha ng lalaki sabay matalim na tumitig rito only to find out that he was staring at her whole body.

Kahit takpan niya ang buong dibdib ngayon, wala na talaga siyang maitatago sa hinayupak na lalaking ito. Ang kailangan niya ngayon ay lakas ng loob at pag-isipan kung ano'ng sunod na gagawin.

Subalit nang mapansing ito man ay wala ring saplot sa katawang nakaharap sa kanya ay ilang beses din siyang napalunok habang nakatitig sa pagitan ng mga hita nito.

"I'll use the---the jacuzzi out---side." she stammered while blushing.

Subalit iniharang ng lalaki ang katawan sa pinto.

"Let's shower together," mariin nitong sagot.

"Ito ang gusto mo noon, remember? We showered together while you were singing."

Napanganga siya. Pa'no nito nalamang mahilig siyang kumanta habang naliligo?

Lumapit ito sa kanya, napaatras siya hanggang sa sumandal ang kanyang katawan sa wall ng cubicle.

"Amor, I won't touch you if you don't want to. I just want to accompany you just like before,"

saad sa seryosong boses, hindi kumukurap at 'di rin nag-i stammer.

Ilang beses na nagtaas-baba ang kanyang dibdib.

Kaya ba niya? Kaya ba niyang maligo nang sabay sa lalaking itong pinaggigiitang asawa niya at magkunwaring balewala lang? Tutal andito na siya, bakit 'di niya subukan?

"Okay, deal!" matapang niyang sagot.

"But no body contact!"

Sumilay ang isang ngiti sa labi nito.

"Okay, no body contact." Nag thumbs up ito saka tumapat sa shower at muling tinimpla ang tubig.

Siya nama'y natitigilan sa isang tabi at mataman lang itong pinagmamasdan sa ginagawa.

Kumuha itong face towel sa loob ng maliit na kabinet at isang sabon saka ibinigay sa kanya.

"This is your favorite soap, dove, at 'yong panghilod mo," nakangiti nitong sambit.

Pati 'yon alam nito?

Naaasiwa niyang kinuha ang sabon saka face towel at nagtatakang tinitigan ito sa mata.

"Come, let's sing your favorite song," yaya sa kanya.

"Uhm-uhm... It's a long, long journey," simula nito.

"Sintonado ka naman. Ganto 'yon," agaw niya.

Marahan itong tumawa pagkuwa'y napayuko.

"It's a long, long journey," simula niyang kumanta.

Pumalakpak ito agad.

"Galing mo pa rin kumanta hanggang ngayon."

Humagikhik siya sa papuri nito at itinuloy ang awiting sinimulan with actions pa habang ito nama'y tuwang-tuwa sa ginagawa niya.

'Di mapigil ni Dixal ang pagkawala ng isang butil ng luha sa mga mata ngunit bago pa niya makita iyon ay tumapat na agad ito sa shower at hinugasan ang mukha.

'Just like this, Amor. I'll be contented with just like this.' sigaw ng isip nito.

Ilang minuto lang ay nawala na ang kanyang pagkaasiwa at sabay na silang kumakanta habang magkasabay na nakatapat sa shower.

"Teka umusog ka do'n, kalahati lang ng katawan ko ang nakakaramdam ng tubig," reklamo niya maya-maya sabay tulak sa lalaki.

"Ano ba? Sabi mo no body contact," angal nito.

"Sinusulo mo 'yong shower eh!" singhal niya.

"Ako muna maligo. Ayan hiludan mo likod ko." Pagalit niyang ibinigay dito ang towel at itinalikod ang katawan.

"Pagkatapos mo, ako naman hiludan mo, walang dayaan," anitong sinasabayan ang tono ng kanyang salita at nagsimulang ilapat ang towel sa likod niya sabay taas baba niyon habang siya nama'y itinuloy pa rin ang 'di natapos na kanta kanina.

"O tapos na. Ako naman," anito.

"Aba, kalalaki mong tao, magpapahilod ka sa'kin? Gawin mo mag-isa mo!" angal niya saka kinuha ang palmolive pink na shampoo sa maliit na kabinet at naglagay ng kunti sa palad.

"Ayan, kuha ka din. Ikaw na magbalik," iniabot niya rito ang hawak na sabon.

"Tsk! Tsk! Sabi ko na nga ba't alila ang labas ko sa'yo."

"Aba, lumabas ka kung ayaw mong utusan." bara niya agad, pairap na sumulayap dito.

Tumawa ito nang malakas ngunit natigilan din pagkuwan, remembering the old Flora Amor, gano'n pa rin ito ngayon, palautos pa rin.

'Amor, I'll treasure this moment with you.' bulong ng isip nito kasabay ng pagsilay ng isang ngiti.

"Sir Dixal," tawag niya sa lalaki habang nakaharap sa kabinet malapit sa bed kung saan nakalagay ang mga damit nila.

"Dixal. Call me Dixal in private. That's what you used to call me," anang lalaki nang makalapit at tumabi sa kanya saka kinuha doon ang dalawang towel, ibinigay sa kanya ang isa.

Siya nama'y patay malisyang nagkuskos ng buhok sa harapan nito pagkuwa'y ibinalot sa buhok ang towel at hinila ang gamit na towel ng lalaki saka ipinangtakip sa kanyang katawan.

"Asan ang gagamitin mong damit dito?"

usisa niya.

"Wala d'yan. Tingin ka sa drawer sa baba. May T-shirt do'n at pantalong maong," sagot nito habang mataman siyang pinagmamasdan sa ginagawa.

Lumuhod siya at binuksan ang isang drawer. Tulad ng sinabi nito, kinuha niya ang isang T-shirt na blue at pantalong maong na itim, isinara ang drawer pagkatapos, saka siya tumayo at iniabot dito ang damit.

Muli siyang lumuhod at naghanap ng brief sa isa sa mga drawer, nang makita ang hinahanap ay dumampot siya ng isa saka iniabot dito at muling tumayo, damit naman niya ang kinuha sa mga nakahanger doon.

"Magkasukat ba kami ng fiancee mo ng damit?" Biglang lumabas sa kanyang bibig nang makita ang mga pambabaeng slacks at long-sleeve blouses na nakahanger sa loob ng kabinet. Pati undies ay nakahanger din.

"No, those are all yours. Nobody is allowed to enter here but my wife," mula sa likuran ay sagot nito.

"Ahh." Pakaswal niyang sambit, ginawa na lang natural sa pandinig ang salitang asawa siya nito.

Nakaramdam na uli siya nang pagkaasiwa nang yakapin siya mula sa likuran at halikan ang kanyang batok, dahilan upang mapapitlag siya, marahil ay napansin din nito ang kanyang naging reaksyon kasi bahagya nitong inilayo ang katawan sa kanya.

"Magbibihis lang ako."

"I'll help you."

"No, ako na!"

Subalit hindi ito nagpapigil at agad tinanggal ang kanyang suot na towel saka kinuha sa hanger ang undies niya, ito ang nagsukat ng kanyang bra.

"Ito ang madalas mong ipagawa sa'kin 'pag nagbibihis ka. Ako ang nagkakabit ng hook," anito habang ikinakabit ang hook ng kanyang bra sa likuran.

Hindi siya umimik, inayos na lang ang pagkaksuot ng underwear.

"Ginagawa mo ba 'to sa fiancee mo?" muli niyang tanong.

"I don't have any fiancee. I only have a wife." walang gatol nitong sagot saka muling kinuha ang slacks sa hanger at ibinigay sa kanya.

Isinuot niya 'yon ngunit ito na rin ang nag-zip niyon at nagkabit din ng hook na tila natural lang dito ang gano'ng ginagawa.

"Does your wife really looks like me?" Kasabay ng pagharap niya rito'y ang pagkawala ng tanong na 'yon, 'di nakaligtas sa paningin niya ang pagkunot ng noo nito habang hawak ang kanyang blouse, na paneguradong isusuot din sa kanya, parang bata siyang pinapamper.

"You're my wife. That face of yours is only yours, wala kang kamukha," mariin nitong sagot.

Natahimik siya. Kung magtatanong siya uli, baka mainis na ito kaya minabuti na lang niyang tumahimik habang isinusuot nito ang damit sa kanya.

"Dixal--" ngunit 'di niya mapigilan ang sarili.

"Hm?"

"Ga-gan'to ka ba talaga sa'kin kahit noon pa?"

Huminto ito sa ginagawa, napangiti sa kanya.

"Ikaw ang may gustong magpadamit sa'kin hanggang nakasanayan ko na lang 'yon."

"'Di ka ba nagagalit na inaalila ka ng asawa mo when you're the chairman of your own company?"

Tumawa ito nang malakas at mahigpit siyang niyakap pagkatapos siyang damitan.

"This is what I want, sweetie," bulong nito sa kanyang tenga saka siya hinalikan do'n.

"Dixal, kanino mo nalamang may amnesia ako?" maya-maya'y usisa niya.

Natahimik ito, pagkuwa'y binitawan siya at kinuha sa ibabaw ng mesa sa tabi ng bed ang phone nito.

"Come iuuwi na kita," wika nito pagkuwan.

Nagtataka ma'y hindi na siya nagsalita.

Próximo capítulo