webnovel

CHAPTER 6

JEWEL

"Hi I'm Lorraine." One of the assistant secretaries greeted me. She is more or less 150 cm tall. She has brown skin, curly hair, thick eye glasses and braces on her teeth. Tatlo kaming assistant secretaries sa office of CEO. The other one is Joanna and she was kind enough to guide me at my table earlier.

"Hi I'm Jewel. I'm excited to work with you and I'm willing to learn from you all." I gladly replied.

Lorraine smiled then slowly stared at me from head to toe. Na-concious ako kaya itinuwid ko pa ang aking tayo. "M-May mali ba sa hitsura ko? Do I need to change my clothes or do something to my hair and makeup?" nag-aalalang sabi ko. Baka meron silang standard ng pananamit at pag-aayos na hindi ko pa nalalaman.

"My god... walang mali sayo Jewel. Masyado ka lang maganda parang nakapanliliit tumabi sayo!" bulalas niya.

Nakahinga ako nang maluwag sabay tawa. "Hindi naman. Magaganda kaya tayong lahat dito. May kanya-kanya lang beauty at I'm sure may kanya-kanya ring talent."

"At least may maganda na dito sa office natin. Hindi na tayo pwedeng maliit-liitin ng mga sekretarya ng ibang directors. Lalo na yung mga secretaries ni Sir Luigi," pahayag ni Joanna. She's almost same height of mine which is 165 cm. She is slightly chubby. Short haired and with eyeglasses too,but not as thick as Lorraine's though.

"Please don't say that. I'm not here to be compared to other secretaries. Andidito ako para magtrabaho nang mabuti," maamong paglinaw ko.

"Nagbibiro lang ako," bawi ni Joanna. "Nakakapanibago lang na sa tinagal-tagal ay tumanggap ng magandang secretary si Sir Yul." Lumapit siya sa akin at sinuri ang aking mukha. "Hindi kaya nagandahan din lang talaga sayo si Sir Yul?" biglang hinang wika niya.

"I chose her!" Nagulat kaming lahat sa pagdating ni Ma'am Nora.

"Good morning ma'am," sabay-sabay naming bati.

"Good morning." Ma'am Nora looked at me and smiled. "Nice outfit Jewel."

I blushed. "Thank you po." Ang sarap sa pakiramdamdam na sa unang araw ko ay compliment agad mula sa aking superior ang aking natanggap. I'm wearing a white chiffon long sleeve with ruffled collar, black skirt and black heels. Pinuyod ko rin nang may hati sa gilid ang aking buhok. I'm thankful to my mother and to her timeless clothes. She's my incredible stylist. Hindi ko akalaing ang mga tinatago-tago't pinakaiingatan niyang mga damit ay mapapakinabangan ko balang araw. Her body when we were still wealthy was exactly same size of my body now kaya hindi ko na kailangang mamili ng mga bagong damit pang-opisina. Sa dati kong trabaho ay pwede kahit simpleng T-shirt at pantalon lang. Siyempre dito dapat araw-araw ay presentable at karespe-respeto ang mga damit ko.

"Tama na yang maagang tsimisan niyong dalawa. Lorraine i-orient mo na yan si Jewel habang wala pa si Sir Yul. Pagdating nun tiyak na busy na ulit tayong lahat. Joanna linisin mo na ang office ni sir."

"Yes Ma'am Nora." Mabilis na nagtungo agad si Joanna sa katapat na room.

"Let's go Jewel," aya ni Lorraine.

"Saan tayo pupunta?" taka ko.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang bibig. "I'll give you a quick tour of the building."

Una naming pinuntahan ang first level ng parking lot na nasa basement ng gusali.

"Maybe you're wondering why we're here," she stated which is very much on cue in what is running inside my head. Bakit kailangan niya pa akong dalhin dito when I don't even have a car?

She walked towards a vacant parking space. The nearest one to the elevator.

"Ito ang parking ni Sir Yul. Importanteng malaman mo ito para alam mo kung saan mo siya sasalubungin o ihahatid lalo na pag may mga kailangan kang bitbitin na mga gamit niya. Pero ang pinakapurpose kung bakit tinuturo ko sayo to ay para alam mo kung saan mo siya susundan sa nga sandaling may ihahabol kang mga dukomentong nakalimutan mong papirmahan. Sa sobrang dami ng mga papeles na tinatambak sa office natin hindi maiiwasang paminsan-minsan ay may nakakalampas sa mga mata natin."

"Ah okay. Points taken," tumatangong ngiti ko. Naglabas ako ng notepad at sinulat ang numero ng parking space.

"Kung di mo maabutan, sorry ka na lang you have to find him at all cost or else we have to face the outrage of the department requesting for his signatures."

Kumunot ang noo ko't napaisip. "Siguro mas mabuting siguraduhin ko na lang na wala tayong makakalimutan," ideya ko.

Umiling siya. "Uh-uh! Hindi mo yan masasabi dahil minsan nagmamadali rin lagi si Sir Yul lalo pag may mga pupuntahang meetings kaya kahit nasa table niya na ang mga papers, meron pa rin siyang hindi natatapos pirmahan. The department heads will not accept that as valid excuse. Of course they won't get mad at Sir Yul but they can definitely get mad at us for not doing our jobs."

Naguluhan ako. "You said we have to get his signature at all cost. Pero hindi ba nagagalit si Sir Yul kapag sinusundan siya kahit saan?"

"Malawak ang pang-unawa ni Sir Yul lalo na pagdating sa trabaho. Naiintindihan niya na kapag sinundan natin siya ibig sabihin lang nun ay urgent ang pipirmahan niya. Yun nga lang maghihintay ka talaga nang pagkakataong makasingit sa free time niya."

I shrugged. "I'm not a very busy person so I don't mind waiting for long hours."

She snapped her fingers. "That's exactly the reason why he preferred single secretaries. Ah and one more basic thing you should know, merong dalawang pagkakataon na hindi natin siya pwedeng basta-basta puntahan nang wala munang pahintulot niya."

"Ano ang mga yun?" tanong ko.

"If he's at the house and if he's with Ma'am Stella."

"Sino si Ma'am Stella? Siya ba ang girlfriend ni Sir Yul?"

Her eyebrow raised and then looked at me with smaller eyes. "Paano mo nalamang girlfriend siya ni Sir Yul? Huwag mo sabihing may tinatago kang radar ng pagiging tsimosa."

Napalunok ako. "I'm sorry I didn't mean it that way. Wala akong kaalam-alam tungkol sa personal na buhay ni Sir Yul. It's just a wild guess of mine dahil para hindi siya pwedeng gambalain pag kasama ang isang partikular na tao, it only means that that person is very special to him."

"Yes. She's the most special person to him kaya mag-iingat ka lagi sa mga sasabihin at ikikilos mo pagdating kay Ma'am Stella."

"Ah yes. Thank you for the tips," tango ko.

She pouted and folded her arms. "Alam mo sa tingin ko malawak ka mag-isip saka medyo mabilis ang pick-up mo kaya ka siguro nagustuhan ni Ma'am Nora."

"Thank you." I am really grateful for having welcoming office mates.

"Tara na. We're done here," aya niya.

Umakyat kami ng ground floor.

"Obviously this is the lobby at dito rin matatagpuan ang mga commercial stores like coffee shop and restaurants. Usually sa mga restaurants dito kumakain ang mga sosyal at may malalaking sweldong empleyado ng CGC samantalang ang mga simpleng empleyado ay doon sa cafeteria sa may third floor." Tinuro niya ang isang coffee shop na nangangalang Sweet Aroma Cafe. Halos okupado ang lahat ng mesa ng mga empleyadong nakabreak. "We're lucky to have that here in the building because their coffee is the best. Yan ang coffee shop na binibilhan natin ng drinks kapag may mga bisita at meetings si sir sa kanyang opisina. Later, ibibigay ko sayo ang mga preferred drinks ng mga importanteng kliyente natin at ng mga directors."

"Okay. How about Sir Yul? Diyan din ba natin siya ibinibili ng coffee?" I asked with enthusiasm.

Her lips twitched. "Hindi mahilig sa coffee si Sir Yul. Minsan lang siyang humingi ng kape at kapag nangyari yan ay kabahan ka na." She pointed her finger to my face.

"Bakit?"

"Dahil kapag nanghihingi siya ng hot coffee ibig sabihin ay stressed siya. Pag cold coffee, mainit ang ulo niya."

"Gaano kadalas mangyari yan?" Kinabahan ako. Don't tell me he's a terror boss.

"Bihira kaya bihira din siyang manghingi ng kape."

Nakahinga ako nang maluwag. "But if that happens, diyan din ba sa coffeeshop natin siya ibibili?" I still clarified.

"No. He prefers the freshly brewed coffee from our very own office pantry," she answered proudly.

"Okay. Tatandaan kong mabuti yan," nakangiting wika ko.

Next, we went to the second floor. It is consist of rooms divided by glass walls just like our floors. All employees are minding their own businesses that our presence are not even noticed.

"This is the office of CGC cooking oil products. Obviously, the largest department. If you're wondering why I bother to bring you here, that's because as one of the secretaries of Sir Yul lahat ng departamento ay pupuntahan mo kapag may ihahatid at kukunin kang mga papeles. Minsan kapag may mga special events tutulong ka rin sa kanila kapag kulang sila sa tao."

Nagtaka ako. Sa dami na nang nakikita kong mga empleyado, kinukulang pa rin sila sa tao?

"But it happens rarely, usually kapag may launching lang o promotional events na mabilisang gagawin," Lorraine said as if she was able to read my mind again. "Let's skip the third floor since I told you already it's the cafeteria but half of it is the security and sanitary department. The 4th floor is the accounting and legal office. Let's skip that one too dahil mukhang kukulangin na tayo sa oras."

Our next destination is the fifth floor. "It's the CGC refreshment and snack products floor. Nakatikim ka na ba ng isa sa mga products natin?" bungad ni Lorraine paglabas namin ng elevator.

I nodded. "The nata de coco juice is my favorite."

"Me too," she replied with smile. "Halika ipapakilala kita sa ilang ka-close ko dito. Dun tayo sa artistic section nila." Pumasok kami sa isang silid. Nagtaka ako kasi pagkakita nila kay Lorraine ay bigla silang nataranta sa halip na matuwa.

"Lorraine pinapakuha na ba ni Sir Yul ang final draft ng packaging ng bagong coconut juice natin? Bukas pa ang binigay niyang deadline ah!" a guy with a red headset wrapped around his neck said in panic.

Lorraine laughed. "Kayo naman pag nakikita niyo ako akala niyo may masamang balita lagi akong dala. I come here to introduce the new assistant secretary of CEO's office." She gestures her hands to me. "Guys this is Jewel. Bagong kasamahan namin. One of these days isa na siya sa mga bababa dito sa opisina niyo."

"Hi! I'm happy to meet all of you. I'm Jewel," I amiably smile and wave but I suddenly feel the awkwardness when no one reply. They just look at me with wide eyes and open mouth.

"Are you sure you belong in their office?" a lady in her mid twenties asked. Her hair is half-blond and half-purple.

"Y-Yes," sagot ko.

"Sa wakas meron na ring shining shimmering beauty sa opisina niyo Lorraine!" a guy in white polo shirt blurted out.

"Ah but you're married, I'm sure of that," sabi ulit ng babaeng makulay ang buhok.

Hindi agad ako nakasagot. Now that I learned the truth of my civil status, I begin hesitating to answer that kind of question. "I-I'm not married," medyo mahina't nakokonsensiyang saad ko.

"Then how about a fiance, partner or boyfriend," another lady asked.

"I'm not in any kind of relationship," mas sigurado ko nang sagot.

"What?! What's going on? May nangyayari bang milagro? You have single and beautiful secretary in CEO's office now!" Sabi ng babaeng unang nagtanong sa akin

The guy with headset approached me in rush. He offered a handshake. "Hi I'm Leonard. I'm single too," he said with friendlier tone.

Another two guys approached me and they shoved Leonard away.

"Hi Jewel. I'm Ellias, single at seryosong magmahal."

"I'm David. Iniiwan pero never nang-iwan."

"Hi. Nice to meet you all. Sana lahat kayo ay maging ka-close ko," nakangiti lang na sagot ko habang nakikipagkamay.

Lorraine stopped them. "Tama na nga kayong mga lalaki sa pagbibiro niyo. Ki aga-aga eh! Didiska-diskarte kayo ngayon pero pag si Jewel na ang nagbigay ng mga katakot-takot na instructions ni Sir Yul ewan ko lang kung matuwa pa rin kayong makita siya."

"Kahit oras-oras may utos si Sir Yul okay lang basta si Jewel ang bababa dito," sagot ni Leonard.

"Naku tara na nga Jewel at mamaya nandito na si Sir Yul. Malay mo baka biglang maisipan nung hingin na mamaya ang final draft ng packaging."

Biglang bumalik sa kani-kanilang mga mesa ang mga lalaking nakapalibot sa amin at seryosong nagtrabaho. Tatawa-tawa si Lorraine habang nililisan namin ang silid. "Alam mo maraming tulad nila dito sa CGC. Mga chickboys, pa-fall, paasa, GGSS at mga malalandi! Kaya huwag na huwag kang magpapabiktima sa isa man sa kanila."

I answered her with brief laugh.

"Kunsabagay mukhang hindi ka naman ang tipong basta-basta na lang nai-inlove dahil sa ganda mong yan, single ka pa rin hanggang ngayon."

To be honest, kanina pa ako nagtataka kung bakit parang napaka-big deal ng hitsura ko. Madami naman akong nakikitang magaganda, mga mas bata pa at di hamak na mas trendy pang manamit na mga empleyada. Saka bakit parang may-issue ang pagkakaassign ko sa CEO's office. Gusto ko sana itong itanong but it's just one of those nonsense questions fetching for useless information.

Próximo capítulo