webnovel

CHAPTER 2

JEWEL

"Can you answer my question first. Why do you want to marry me?" Ulysses asked me when we were about to enter the Mayor's office.

"Don't tell me you expect me to say because I love you," diretsong tugon ko.

He chuckled. "Of course not. Sino ang maniniwalang mahal mo na ang taong kahapon mo lang nakausap. But whatever you're reasons are, I still want to hear them," seryosong wika niya.

"Baka bigla kang umatras" alinlangang saad ko.

"I won't."

"Gusto akong ipakasal ng Daddy ko sa lalaking hindi ko kayang sikmurain. And this is the only way I can stop that horrible marriage. I'm going to show him the piece of paper that there's no way I can legally get married again to other man."

Natigilan siya. Alam kung nabigla siya sa sinabi ko pero pinilit niyang huwag ipahalata ang totoong nararamdaman.

"Now what? Gusto mo na bang magback-out?" natetensiyong tanong ko.

Ngumiti siya sabay iling. "Let's get inside now."

"Why do you want to do it despite knowing my real motives?" ako naman ang nangusisa.

"Because I want to help you," he answered honestly. "I can imagine how desperate you are to come up with this idea."

"But what if you regret it? Aren't you gonna blame me?"

"You just gave me a reason to run away but I am making a choice too. And that is to get married with you."

"Sigurado ka ba talaga?"

"Gusto kitang ligawan dahil gusto kitang maging girlfriend but who am I to refuse when you even asked me to become your husband." Marahan niyang hinawakan ang aking kamay at sabay kaming pumasok sa silid kung saan naghihintay na ang taong magkakasal sa amin.

"MISS! MISS! MISS!!!" Napaiktad ako sa sigaw ng driver. "Andito na tayo. Kanina ka pa nakatulala diyan."

Tumingin ako sa labas. Nasa harap na nga kami ng CGC Building. Dali-dali akong nagbayad at bumaba. Bago pumasok ay inayos ko muna ang suot kong suit. Pinaghirapan ni mommy plantsahin ito kaya dapat bigyan ko ng hustisya ang pagkakasuot.

Masigla akong pumasok nang gusali at kumpiyansang sumakay sa elevator. I always start my day positively specially on interview days. Kahit anupaman ang maging resulta, at least I always give my best shot.

Maaga ako nang isang oras pero nagulat ako nang maabutang marami na palang nauna sa akin. There are ten ladies queuing already. I sat on one of the ten vacant chairs. I guess there are twenty of us who passed the preliminary.

Tahimik akong naghintay ng oras hanggang sa sumagi na naman ang alaalang madalas na dahilan ng pagkakatulala ko. I wonder why I keep thinking about those memories lately samantalang halos nakalimutan ko na yun ng ilang taon. Siguro kapag nagkakaedad ka na ay isa-isang bumabalik sayo ang mga pagkakamali sa nakaraan mo lalo pa't may nasaktan kang tao. Maybe my conscience is telling me to find him and at least sincerely ask for forgiveness.

YUL

"Yes Ma'am Stella! Sorry po! I'm really sorry I promise I won't commit the same mistake again."

Tatawa-tawa lang ako habang pinagmamasdan si Nora, ang aking chief secretary. Nakaupo lang kami sa likod ng kotse pero para siyang nakaharap sa Buddha dahil maya't mayang yumuyukod habang nakikipag-usap sa telepono.

"Ano napagalitan ka na naman?" napapangising wika ko matapos niyang makipag-usap. She is my secretary for four years kaya komportableng-komportable na ako sa kanya.

"Opo. Napakahigpit talaga ng girlfriend niyo sir. Hindi ko lang agad nainform sa kanya na tapos na ang meeting niyo, nasabon na agad ako. Ganyan po ba talaga kayong mga executives kwentado lagi ang oras?" napapailing na wika niya.

Tumawa ako at gaya ng inaasahan ko sunod na nag ring ang phone ko.

"Hi Love!" bati ko.

"How's your meeting?" she asked directly.

"It's a done deal. In a month time baka paglaunch na kami ng bagong beauty products," may pagmamalaking sagot ko.

"Congratulations I'm so proud of you Love!"

"Ikaw? Kumusta diyan sa Vietnam?" may pag-aalalang tanong ko.

"I'm fine. Nagkasundo na kami ng architect at landscaper sa mga pinapabago ko sa resort namin dito. Maybe in three to four days ay makakauwi na ako ng Pilipinas."

"Ang tagal naman. Sobrang miss na miss na kita," nagrereklamo pero may lambing na wika ko.

"Miss na miss na rin kita. Promise, I'll finish my work as soon as I can para hindi na maextend pa ang stay ko dito."

"Make sure to clear your schedule on the day of arrival. Gusto kitang masolo."

"Yes Mr. CEO. I'll be all yours," she answered laughing.

"Bye. I miss you," paalam ko sabay halik sa telepono.

"Bye. Don't skip meals."

"Yes Ma'am."

Stella Villarante is my girlfriend for three years. She is the Vice-President of Villa Buena, a corporation that dwells on Hotel and Resort businesses. She is the sole daughter of the Chairman and the eldest granddaughter of the founder. Siya ang pinakamatagal kong nakarelasyon. Sa lahat ng mga dumaang babae sa buhay ko, sa kanya lang muli natutong tumibok ang puso ko. Our personalities matchand we have lot of common interests. Isa lang ang medyo sablay, yung minsan ay pagiging sobrang selosa niya which I find even more flattering dahil nagpapatunay lang yun kung gaano niya rin ako kamahal.

"Alfred bilisan mo may appointment ako ng 10am sa head office," Nora said to the driver while looking at her phone.

"Anong appoinment mo?" kaswal na usisa ko.

"Ako ho ang mag-iinterview sa mga assistant secretary applicants na nakapasa sa initial screening."

"Ah so we' re hiring new secretaries," napapatangong tugon ko.

"Yes sir medyo kinukulang na ho tayo dahil marami na sa kanila ang mga napromote at nalipat sa ibang posisyon. Yung iba naman mga nagsipag-asawa na at hindi na kaya pang ma-accommodate ang demand ng trabaho kaya ayun isa-isa nang nagsisipagresign."

"Do we also need a new one?"

"Yes sir. Wala na si Krizza, two weeks ago pa."

Kumunot ang aking noo. I didn't notice her absence. "Talaga? Asan na siya?"

"Nasa London na. Dun na siya maninirahan sa lola niya."

Saka ko naalala na nagbigay nga pala siya ng resignation letter a month ahead dahil mangingibang bansa na nga. "Alam mo na yung ilalagay mong bagong secretary sa opisina ko ha," paalala ko kay Nora.

"Of course sir. Hindi niyo na kailangang sabihin yan. Siyempre ang kagaya kong hindi kagandahan pero matalino at magaling sa trabaho. Yung tipong nangungunang kandidata sa pagiging matandang dalaga. In short, yung imposibleng pagselosan ni Ma'am Stella."

"Good. As much as possible I want to avoid anything that can trigger her jealousy. Alam mo naman yang Ma'am mo nagiging dragon pag nagseselos."

"Iba po talaga kayo pagdating kay Ma'am Stella, nag-iibang katauhan kayo pag siya na ang pinag-uusapan. Sa mga mata at ngiti niyo pa lang ay kita ko na kung gaano mo siya kamahal. Hindi na nga po ako makapaghintay na may makitang bagong singsing na nakasuot sa daliri ni Ma'am Stella."

My mood is suddenly ruined by her last line. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Matagal ko na ring gustong gawin ang pinapasaring sa akin ni Nora pero may isang lihim akong tinatago na hindi ko alam kung matatanggap ba ni Stella kapag nalaman niya ang totoo. I've been thinking lately if I should just secretly clean up the mess I made a long time ago. It happened because of my naivety and ignorance, believing that first love is all that matters in this world.

"Pero sir alam niyo meron sana akong gustong applikante para sa office natin. Base sa work experience niya ay mukhang magaling naman siya kasi tumagal siya dun eh. Nagsarado lang ang kumpanya kaya nawalan ng trabaho."

"What is special about her?" I asked with less interest.

"Wala siyang diploma pero alam ko namang hindi niyo priority ang degree as long as magaling sa trabaho yung tao. Nakapag-aral siya ng dalawang taon sa America. Sa University of California. Take note isa po yun sa mga outstanding universities sa US. She can also speak other languages like Spanish, French, Japanese and Italian. Very useful lalo't madalas tayong may mga foreigners na kausap."

Tumaas ang kilay ko. "Kung ganoon naman pala, anong problema? Hire her and assign her to our office."

Biglang bumagsak ang mga balikat ni Nora sabay tingin sa akin nang may malamlam na mga mata. "Masyado po siyang maganda....Pero may isa rin naman sana siyang qualification para mapunta sa office natin."

"Ano?" Matapos marinig ang mga qualities ng aplikante unti-unti akong nagkainteres.

Nora smiled. "She's 28 and single. Kandidata na rin sa pagiging matandang dalaga."

"And what makes you think na tatandang dalaga siya. Aren't you too judgemental? I am 29 and Stella is 28 too does that means na matandang binata at dalaga na rin kami?"

"Ay iba naman po kayo kasi in a relationship na pero yung mga kagaya naming single pero malapit nang mawala sa kalendaryo, mahirap na hong makipagkumpitensiya dahil marami nang nagkalat na magaganda at batang dalaga." She pouted. " Hay sayang naman siguro ilalagay ko na lang siya sa paborito mong pinsan na board of directors din tutal mahilig naman siya sa magagandang sekretarya."

"Go ahead, assign her to him." I shrugged but deep inside I am hesitating to give that talented employee to my rival cousin.

"Alfred 9:30 na humanap ka naman ng ibang mas maluwag na daan. May lunch meeting pa si Sir Yul kaya kailangang matapos ang interviews ko bago mag lunchtime," apura ulit ni Nora sa driver.

"Ms. Nora ito na ho ang pinakamaluwag na daan na tinuturo ng waze," sagot ng driver.

"Naku nangangatwiran ka na naman. Bakit kasi hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kabisado ang mga shortcuts."

"That's enough Nora. Huwag mong masyadong ipressure si Alfred baka mabangga pa tayo," saway ko sa naistress ko na namang kasama.

Dumating kami sa CGC ng 9:50. Kalmado akong bumaba ng sasakyan habang si Nora ay pinipigilang mag-panic. Maya't maya siyang tumitingin sa relos na lalo ko pang inaasar dahil binabagalan ko ang paglalakad habang isa-isang sinasagot ang pagbati ng bawat nakakasalubong na empleyado. In elevator, her foot is thumping na para bang may magagawa yun para mas bumilis ang pag-akyat namin.

Sa pasilyo pa lang ay natanaw ko na ang naghihintay na mga aplikante. I pretended to look at some papers while walking to avoid their gazes. I hate begging stares. Yung mga tinging nagmamakaawa na tanggapin sila. While passing by, may nahagip ang gilid ng aking mata. My instinct tells me to stop and look back.

I can't believe who I am seeing. I'm sure it is the face of a woman I used to secretly watch from afar during college. She is staring at me too, tila nakakita ng multo. Kilalang-kilala ko kung sino siya. The ungrateful girl who ran away after she got what she wanted!

Próximo capítulo