webnovel

NIOA 1

1.

"Ang galing naman!" napalingon ako sa isang bata na tuwang tuwa habang nanonood sa isang magician.

Napangiti na lang ako.

Magic?

Ano bang mayroon sa magic at nagagawa nitong magpasaya ng ibang tao kahit hindi naman ito totoo? Bakit natutuwa parin sila at napapangiti kahit alam nilang nililinlang sila?

Pero sabagay, masaya nga naman kasi talaga manood ng magic. Nung bata pa ako, isa din ako sa kanila, natutuwa kapag nakakapanood ng magic, napapangiti at napapatawa pa nga ako noon eh pero ngayon...hindi ko alam.

Bigla na lang nawala yung paniniwala ko sa mga ganyan.

Magics, fairytale and charms. I don't believe in them. It's just that, they aren't real.

I'm still staring at them when someone touch my shoulder, making me jump in shock. Agad akong napalingon sa aking likuran and Tita Aly meet my sight. "Nagulat ba kita? I'm sorry, Aleah." Tita doesn't really look like she's sorry. Nakangiti pa nga siya eh.

"It's okay, Tita. Aalis na po ba tayo?" I asked. Tita Aly nod her head. "Yes. We need to go." sagot ni Tita. I just smiled. A smile that even myself doesn't know if it is real.

Muli akong tumingin sa mga bata bago ko binalingan si Tita na nasakanila narin pala ang tingin. "Alam mo ba, nung bata ka pa, gustong gusto mo ring manood ng mga ganyan. Their simple tricks can make you laugh and truly smile. Bilib na bilib ka sa kanila to the point na halos pag aralan mo na ang mga tricks na kanilang ginagawa." Tita Aly said without even looking at me. Nasa mga bata pa rin ang kaniyang atensiyon habang ako naman ay nakatingin sa kaniya.

I wasn't expecting that Tita will face me kaya hindi ko maiwasang magulat ng harapin niya ako. She raised her hand and put it on the top of my head, then slowly caress my hair. "So what happen to you, Aleah?" she asked.

Hindi ko inaasahan yung tanong niya. Nakatitig lang ako kay Tita habang patuloy niyang hinahaplos ang aking buhok. I lowered my head, I can't look at Tita Aly. I just can't.

"Tara na. Baka mahuli pa tayo." Tita said as she guide me the way back home.

Maghahanda pa sana ako pero sabi ni Tita ayos na daw ang mga gamit ko, she only gave me 30 minutes para makapag ayos ako ng aking sarili. Ng matapos ako ay agad na kaming umalis, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.

Ang sabi lang ni Tita sa akin, 'It is the place where you truly belong.'

Where I truly belong? Where is that? Is there really I place where I can feel that I am belong?

When I graduated in College, I thought I already found where my destiny is going. Akala ko natapos ko na ang misyon ko sa buhay. But at the day of my graduation, one old lady came to me and told me that it was just starting. That I just started the real mission of my life.

Confusion starts running in my mind. Parang nawala lahat ng paghihirap ko nung nag aaral pa ako. Parang bumalik ako sa panahon na wala pa akong alam. Nakalimutan ko lahat ng mga plano ko sa buhay. Parang sa isang iglap, wala na ulit direksiyon ang buhay ko.

After that day, hindi ko na alam ang dapat kong gawin. My life is like a routine. Gigising ako sa umaga, kakain ng breakfast then I'm just gonna read books hanggang sa magsawa at mapagod ako. Eat lunch, dinner then sleep. Ganon na ang routine ng buhay ko until this day came.

Sinubukan kong muling lumabas. Naglakad ako sa park and a group of children meet my eyes. They were laughing. Parang wala silang mga problema. I can't help but to stared at them. I felt a strange sense of longing. I saw something in them I wish I can have.

Habang nasa daan kami ay napalingon ako sa bintana ng kotse ni Tita. This place is not familiar. Nasa kagubatan ba kami? Where the hell is this place? There is no street lights, buildings, other vehicles or even other people. Nasaan na ba talaga kami?

"Tita, tama pa ba tong daan na tinatahak natin?" naguguluhan kung tanong kay Tita. She smile mischievously. Again, a smile that is very strange.

"Syempre naman Aleah. Hinding hindi ko makakalimutan ang daan papunta sa lugar kung saan tayo nababagay." there she goes again with the place where we truly belong. Tita really know how to make someone think deep bago malaman ang kasagutan sa kaniyang tanong.

Hinayaan ko na lang si Tita dahil pag inisip ko pa ang mga sinabi niya kanina, sasakit na talaga ang ulo ko. I just get my phone and put my earphone on. Nakinig na lang ako sa music habang sinusubukan kong matulog. Mahaba haba pa naman raw kasi ang byahe namin.

Nagising ako ng maramdaman kong mahinang yinuyogyog ni Tita Aly ang aking braso. Minulat ko ang mata ko at kinusot ito. "We're here. Ready yourself, I'm sure maninibago ka." tinanguan ko si Tita. Inayos ko lang saglit ang aking itsura at lumabas na ng kotse. Agad na kumunot ang aking noo habang inililibot ko ang paningin sa buong lugar kong nasaan kami.

Seriously!? Where are we!!?

"Tita, asan po tayo?" naguguluhan kong tanong kay Tita. Ikaw ba naman, matagpuan ang sariling nakatayo sa gitna habang napapaligiran ka ng napakaraming puno, di ka matatakot at maguguluhan. "Let me show you how our world really works." nakangising sagot ni Tita at parang nagdrawing ng bilog sa hangin tsaka niya nilagyan ng hati sa gitna.

Tatawa na sana ako dahil sa pinaggagawa ni Tita pero napaatras ako dahil sa aking nakita. Biglang lumiwanag ang buong lugar at may lumitaw na parang portal sa harapan ni Tita. Bilog ito na puti at blue ang gilid nito na kumikinang pa, siguro kong hindi ako nagulat ay mamamangha ako ng sobra sa ganda nito.

Humarap sakin si Tita at dahil na rin siguro sa aking pagkagulat ay di ko napansing nagbago rin pala ang suot na damit ni Tita Aly. Kanina kasi ay nakajeans siya at long sleeve polo na white but now, naging palda na mahaba ang suot niya at long sleeve na polo na color blue at nagbago rin ang design nito. Wala itong mga butones sa gitna pero may collar parin ito na checkered na brown and white ang color at may tatak na ito sa gilid na logo. Parang logo ng isang school na ang nakalagay sa gitna ay 'NIOA' At may nakapatong sa kanya na coat. Yung coat na mahaba, long sleeve at may hood. Dark blue ang color nito at may parehas na logo rin ito sa gilid.

Hindi ko alam kung kaya pang i-digest ng utak ko ang lahat ng nagyayari ngayon. I've seen so many unbelievable scenes that I can't just imagined to be real. Like, it's so unbelievable to be true. "Aleah, let's go. Pag nakarating na tayo doon tsaka ko ii-explain lahat ng nangyayari. Please don't be scared. Wala kang dapat ikatakot cause this is our real world, our real selves!!" hindi ako nakasagot ng bigla niya kong hilahin papasok doon sa portal.

Próximo capítulo