webnovel

Kabanata 6: Pamamaalam

"Ito anak, kain ka pa," ngiting ani ni Ina habang nagsasalin siya ng kanin sa aking pinggan. Ako naman ay simpleng ngiti ang aking ibinigay.

"Elle! Wag mong ipahalata! Elle! Makisabay ka!" sigae ng isip ko na kanina pa nagbabala sa sarili ko. Pagkatapos kong mabasa ang sulat ng Ginoo ay may bakas na mayroon siyang ipinahihiwatig sa bawat salita bagaman ay kung sa literal na pagka-intindi ay hindi mo maiintindihan lalo na't nakasulat ito sa baybayin.

"Ina, tama na po. Mabubusog po ako lalo niyan hindi ko po alam baka maya maya't ay sumabog po ang tiyan ko," simpleng biro na siyabg ikinatawa nila.

"Palabiro ka pala, anak," ani ni Ina habang tumatawa.

Sinimulan na naming kumain habang sila ay kahit ano-anong paksa na ang kanilang natangkilik habang ako naman ay malalim na iniisip kung bakit, sa lahat ng pwedeng taong gumawa ng ganoon ay bakit sila pa?

"Ay oo nga pala, anak, asan na 'yung sinasabi mong mga kaibigan mo? Sabi mo pa't darating sila?"

Kung sila yung taong 'yun bakit kailangan pa nila ng tao? Kailangan pa nilang pumatay. Kailangan pang magdanak ng dugo? Ano ba ang layunin nila?

"Anak?"

Hindi ba pwedeng hayaan nila ang 'sang katauhan nga mamuhay ng matiwasay. Iyong libreng makasalamuha ang mga tao sa kahit kanino at ano mang oras ay pwede silang mag-usap?

"Anak, ayos ka lang?"

Bakit napaka-tuso nila? Bakit kailangan pang maging demonyo? Bakit gusto nila maging hari kung ang mundong ito ay matagal na naging demokratiko?! Mga walang awa! Mga walang kaluluwa! Mga demonyo!

"Anak?"

Napatayo ako, napadyak ang sariling upan at humahangos na humihinga. Mga demonyo! Ba't pa kayo nabuhay sa mundong ito?

"Anak, ayos ka lang ba?" nerbyosong tanong ni Ama. Napamulat ako sa aking malalim na iniisip at biglang natulala dahil sa mga kilos kong ginawa. Napakatanga mo talaga Elle.

"Patawad po, Ina, Ama," patango-tango ako sa kanila habang namumula na ang aking buong mukha dahil sa hiya. Anong katangahang ginawa mo Elle? At sa hapag-kainan kapa nag-eksena.

"Ayos ka lang ba anak? Kanina ka la namin tinatawag tila'y marami kang iniisip. Nagulat nalang kami ng simulan mong lukutin ang tisiyu at bigla ka na lang tumayo," kunot-noong tanong ni Ama.

"Patawad, Ama, Ina. Ako lang po ay," Elle, mag-isip ka! Huwag na huwag mong sabihin ang totoo! Mag-isip ka!

"Ahmm, ano ho. Ahmmm," jusmiyo Elle, mag-isip ka dali! "Ahmm, nag-alala lang po ako sa kaibigan ko. Nagkasakit po kasi siya at wala siyang mga magulang na mag-aalaga sa kaniya. Dahil ang kapatid niya lang po ang nandoon na hindi naman alam kung anong gagawin. Kung mararapatin po ay puwede ba akong matulog sa kanila ng maalagaan ko ang kaibigan ko?"

Ayos Elle! Magandang ideya nasabi mo! Pero halatang may mali sa sinasabi mo. Kaya naman ay napakunot ang kilay nila Inay at nagkatinginan silang dalawa. Ako naman ay nagpapaganda at kumurap-kurap para mas maakit ko sila.

"O siya, mukhang napaka-importantieng kaibigan iyan, Anak ha," ngiting ani ni Ina na halatang may panunudyo.

"Inay naman," simangot kong ani sa kanila. Dahilan nagtawanan silang dalawa.

"Sige na't tatapusin natin ang pagkain. Magbabalot na rin ako para sa magkapatid mong ka-i-bi-gan, " ayan na naman nanunudyo na naman.

"Nay!" simangot kong sambit.

"Biro lang. Siya nga pala Leonardo, kunin mona yung regalo natin kay Ellesmere," ani ni Inay at si Ama nama'y tumayo na para kukunin ang nasasabing regalo nila sa akin.

"Anak, huwag mong walain ito ha, napaka-importanti nito. Mawala man ang lahat ng bagay ay huwag lang ito," ani ni Amang nakangiti at binigay sa akin ang medyo kalakihan na kahon.

Ako ay nabigla nang binuksan ito ni Ama, napakaganda nito. Napakakintab at halatang yayamaning alahas. Kaya naman akoy napangiti maluha-luhang sinambit ang, "Salanat Ina, Ama," ng maisuot ito ay ibinigay sakin ni ni Ina ang maliit na salamin. Bagay na bagay sa akin! May palawit na araw at ito'y kumikinang pagnasisinagan ng ilaw!

"Ama, Ina, napakamaraming salamat po!" ani ko at akin silang niyakap isa-isa, ng si Ama na ay hindi ako napabitaw at tuluyan na akong humagolhul sa iyak. Naramadaman ko nalang na nakikiyakap 'din si Ina. Napakasayang Pamilya, sana ay palaging ganito. Matiwasay at walang problema, sabi ko sa sarili.

"O siya, mag-iiyakan pa ba tayo?" natatawang ani ni Ina. "Hintayin niyo ako dito, dahil magbabalot ako ng pagkain para sa magkapatid mong kaibigan," ani ni Ina na siyang tinanguhan ko at tumalikod na siya

"Anak?" tawag ni Ama.

"Po?" sagot ko sa kaniya at tumabi sa kaniyang kina-uupuan.

"Mag-ingat ka, hindi mo na kami makilala sa oras na magkasalubong ang itim at ang puti. Patawad, dahil ganoon ang itinrato namin sayo. Alam ko anak ay nagdadaramdam ka sa ginawa namin. Sana sa pagdating ng araw ay papatawarin mo kami," maluluhang sambit ni Ama at bigla na lang siyang lumuhod.

"Ama, tumayo kayo riyan. Bakit po kayo ay nakaluhod?" hindi ko man alam kung anong ipinahihiwatig niya ay nagsibuhusan ang mga luha ko. Ano ba ang nangyayare?!

"Anak, patawarin mo kami! Anak! Patawad! Patawad!" sambit ni Amang umiiyak, hindi pa rin siya tumayo sa pagluluhod niya.

"Ama naman, Ama. Wag ka na pong lumuhod diyan! Alam ko namang nagkakamali kayo ngunit hindi na po kailangang lumuhod kayo! Sigi na, Ama," ngunit hindi man lang siya nakinig sa akin at paulit-ulit na isinambit ang salitang patawad.

Ayoko nito! Oo, nagkakamali sila ngunit bumabawi na sila. Ngunit ang mga katagang isinasabi ni Ama ay hindi ko mawari kung ano ang kaniyang pinapahiwatig ngunit ang aking puso ay sumisigaw ng napakalakas-lakas na dapat akong magtala ng oras para sa kanila, kahit sa oras lang na'to. Ano ba? Ano ba kasi nangyayare?!

Nawalan ako ng lakas dahil hindi pa rin tumatayo si Ama, dala na rin siguro sa iyak ko. Kaya ako'y napaluhod at akin siyang niyakap.

"Ama, mahal po kita. Mahal ko po kayo ni Ina, kaya pakiusap huwag kayong umiyak dahil ako ang nasasaktan makita kayong lumuluhod sa akin. Ama, pakiusap," garalgal man ang boses ay pinililit kong isambit ang mga katagang iyon para naman ay mahimasmasan si Ama. Hindi pa ako nakakitang nagkakaganito siya kaya masakit ngunit hindi lang masakit, napakasakit.

"Anak, papatawarin mo ba kami? Hindi namin kontrol. Gusto naming bumawi ngunit wala ng oras," mahina-hinang sambit ni Ama sabay yakap sa akin.

"Ama, ano ba ang pinagsasabi niyo? Matutulog lang naman ako sa bahay ng kaibigan ko bakit ano-ano na ang pinagsasabi ninyo?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi man lang siya sumagot at siguro ay nahimasmasan na siya ay bumitaw siya sa yakap namin.

"Pakabait ka ha? Mag-ingat ka," ani niya sabay halik sa aking ulo. Ano ba ang nangyayare? Bakit parang namamaalam siya?! Si Ina! Ano ba ang nangyayare!

"Ama, ano po ba ang nangyayare dahil tila kayo po ay namama-alam na? Gusto niyo bang dito na lang po ako matutulog?"

"Hindi anak, doon kana sa bahay ng kaibigan mo," ngiting ani ni Ama.

"Sige ho, magbibihis lang po ako bago matapos si Ina sa kusina," tumango ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kaya naman ay dali-dali akong umakyat sa kwarto para magbihis ng puro puti, para hindi ako magkaroon ng sementa.

"Anak, nagbibihis ka ba?" tanong ni Ina'y sabay katok sa pintuan.

"Sanadali lang ho!" dali-dali kong sinuot ang lundo ko at binuksan ang pintuan, "Oh Ina?"

"Anak, magbalot ka ng mga damit mo, damihan mo ha."

"Bakit ho, Ina? Saan ba tayo pupunta?"

"Naku, kami lang ng Ama mo may pupuntahan kami, may nakuhang sulat ang ama mo ngayon lang. Maglalakbay kami ng isang linggo,"

"Po? Palagi naman pong may lakad kayo ay ako lang ang mag-isa sa bahay. Ngunut kung gayon naman po ay para saan naman po iyong pagbabalot ko?" hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o hindi na may galit akong nakita sa mukha ni Ina'y at may mga letra siyang sinambit na hindi ko naintindihan.

"Doon ka muna sa kaibigan mo, anak."

"Po?!" gulat na ani ko. Aba, sino bang matinong magulang na papatulugin ang kaniyang anak matulog sa hindi niya kilala ang tao?

"Oo, anak. Huwag kana magtanong pa dahil malaki ang benepisyo mo dun," ani ni Ina sabay kindat sa akin. Ayan na naman ang panunudyo niya.

"In—" pinutol niya ang salita ko at nagsenyas siya na huwag na umalang pa. Kaya naman ay wala akong nagawa at nagbalot gaya ng sabi ni Ina. Hindi marami ang mga damit na naibalot ko sapagkat katabi lang naman ng bahay.

"Anak?" tawag ni Ina sabay katok.

"Po? May nakalimutan ba kayo o ipag-uutos?" ani ko habang inaayos ko ang bagahe na aking dadalhin.

"Hindi anak, gusto ko lang naman na huwag mong kalimutan ang sinabi ng iyong Ama kanina. Anak, sana mapatawad mo kami," garalgal na boses ni Ina. Ayan na naman eh, hindi ko na naman naiintindihan ang pinagsasabi nila!

Napakarami ng mga bagay nagtatalo sa isipan ko kung no ang unahin kong isipin! Yung sulat o ang pamama-alam ng magulang ko! Ano ba talaga? Ano bang nangyayare?

"Ina, ano ba talagang nangyayare? Sa totoo lang po ay hindi ko gusto ang mga sinasabi niyo ni Ama. Maglalakbay lang naman kayo na palagi niyong ginagawa at doon lang naman ako matulog sa aking kaibigan."

"Anak, sa pagdating ng takdang panahon malalaman mo rin. Ngunit ngayon pa man ay nanghihingi ng tawa."

"Ina, matagal ko na kayong napatawad tungkol doon sa pagtrato niyo sa akin, diba noong isang buwan pa? Bakit niyo pa po tinatanong ulet? May nangyare ba?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi man lang siya sumagot at bigla na lang niya akong niyakap. Alam ko, alam kong pinipigilan niyang umiyak at pinipigilan niyang sasabihin kung ano ang nangyayare.

"Ina, hindi ko po kayo naiintindihan ni Ama," ani ko sa kaniya habang akin siyang niyayakap dahil impit itong umiiyak. Ngunit hindi man lang ito sumagot. Paano ko malalaman ang dahilan bakit nagkakaganito sila? Kung tatanongin ko naman y hindi man lang sasabihin kahit bakas man lang.

Kaniyang pinunasan ang luha niya at matamis-tamis na ngumiti. "Oh siya, anak. Magbihis ka na at maya-maya'y aalis na kam," siya'y tumango at tumalikod na.

"Ano ba ang ipinahihiwatig ni Ama't Ina? Bakit tila'y namama-alam sila kung gayon naman ay aalis lang sila dahil may paglalakbay na gagawin? Bakit may mali akong nararamdaman sa mga kilos nila Ina simula noong nagbago ang pakikitungo nila sa akin? May mali ba talaga o nababaguhan lang ba ako?" tanong ko sa salamin na larawan ng aking katawan.

"Isali mo pa ang hinanaing ng Ginoo. Dapat ko bang sabihin sa kanila? Dapat ko bang ipagkalat ang ano man ang pahiwatig ng sulat niya? O baka mapalahamak lang silang Ina? Ano ba talaga?"

Huminga ako malalim at napagdesisyonan ko na ang gagawin ko. Hindi ko sasabihin sa kanila dahil parang ako na mismo ang naghatid sa kanila kamatayan lalo na't may kung ano-anong problema silang dinadala. Napatango-tango ako sa pagsasang-ayon sa sarili.

"Ina, pupunta na ako," ani ko sabay halik sa kanilang dalawa.

"Sige, mag-ingat ka ha. Kung maglalakad kana sa kalsada ay huwag kang lilingon pabalik. Sana ay makinig ka anak, para lang ito sayong kaligtasan," maluluhang sabi ni Ina. Ayan na naman, ang mga salita nilang hindi ko naiintindihan.

"Anong ibig sabihin po ng mga sinasabi niyo ni Ama?"

"Ah wala, anak," at sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi naman nila sinabi ang totoo! Nagsihalikan sila sa akin at ako'y tumalikod na at iniisip ang ano sa liham ng Ginoo.

"Ang sumbrerong itim ay dala ng pusong may anim. Kinuha ang talim at tinusok sa mata mong walang tanim."

Ngunit nagkamali ako. Napakalaking mali ang nagawa ko. Nasira ang lahat dahil sa isang maling desisyon. Nawala ang lahat dahil sa tuso kong desisyon! Napakamasarili mong babae Elle!

Para sa inyo, ano ba ang ibig sabihin ng liham?

Derora_Acheloiscreators' thoughts
Próximo capítulo