Blood XLI: The Possible Blood-Curdling War
Zedrick's Point of View
"WHAT?!" Sabay-sabay na reaksiyon namin ni Vermione na medyo nagpapitlag kay Mr. Okabe sa inuupuan niya samantalang ngingiti ngiti lang si Hades sa swindle chair habang nakikinig lamang sa pinag-uusapan namin. Hinampas ko ang lamesa niya na nagpatalon sa mga gamit niya.
"Are you sure about this, Mr. Okabe?!" Hindi makapagpigil na sigaw ko kay Mr. Okabe kaya ipinatong ni Vermione ang kamay niya sa kaliwa kong balikat senyales na uminahon lang ako.
Ipinag intertwine ni Mr. Okabe ang mga daliri niya matapos niyang ipatong ang dalawang siko sa kanyang lamesa. "Mr. Lee has the potential to be a part of the SEVENTH platoon of K.C.A.-- to be on your team. There's no way that I won't take this seriously, Mr. Olson." Pag emphasize niya sa number ng platoon namin.
Ano ba'ng mayro'n sa Platoon VII at parang ang laki ng responsibilidad na panghahawakan nito?
"I didn't mean to be rude, I apologize if it sounded that way but Mr. Okabe, will you consider this decision one more time? Joining the organization means all unfortunate and danger will come to us and there's no guarantee na mananatili siyang ligtas. Maraming risk ang sasalubong sa kanya kung papasok siya sa katotohanan ng mundong 'to. If he keep on going, he'll never be able to return." Mahabang litanya ko.
Ayokong siyang isama sa kahit na anong gulo na pwedeng mangyari sa hinaharap. Kung pwede nga lang na manatili siyang bulag sa katotohanan para magkaroon ng normal na buhay, gagawin ko. Pero--
"Knowing the existence of vampire community doesn't change the fact that he also have to confront the truth. It's up to him whether he'll fight for it, or take the blissful of ignorance." Tugon niya. "Didn't I already mention before? Hades has the potential." Kinuyom ko ang kamao ko. Potential?
Pumaabante si Hades na kanina'y na sa likuran lang din namin. "Zedrick. I'm not an immortal so there's no escaping DEATH. In the end, all of us are going to die and we must accept that. It is not a vampire that will kill us, but TIME." Napaawang-bibig ako sa biglaang pagsasalita ni Hades lalo na sa sinabi niyang niyon. "Time which will come when we have to sacrifice our lives in order to protect people who deserves to live."
'Di ko sigurado pero ang gusto ba niyang ipalabas na kung mamamatay man siya, it means it's already his time? And vampire is his own metaphor of DEATH? Iyon ba 'yon?
"Mr. Okabe isn't to blame. He told me about the consequences of what would happen if I were to enter the world of truth." Tukoy niya sa katotohanan na hindi alam ng nakararami-- Vampires. "At handa ako sa pwedeng mangyari, wala rin akong balak na maging sagabal sa inyo kaya gagawin ko ang makakaya ko habang nabubuhay ako, hindi ako makakapayag na nandiyan lang ako sa gilid kahit alam kong may taong pumoprotekta sa akin-- sa amin. " Seryoso niyang sabi nang lingunin ako. "Kung hindi ako sasali sa platoon ninyong tatlo, I will be forced to erase my memories again."
Nakabuka ang bibig ko nang alisin ko ang tingin sa kanya kasabay ang aking pagtungo. "Hindi na ba magbabago ang isip mo? Alam mo ang pwedeng mangyari 'pag pumasok ka sa totoong realidad." Paninigurado ko.
Nakita ko mula sa peripheral eye vision ang tipid niyang pag ngiti at kaunting pagyuko.
"Para rin 'to sa mga taong mahahalaga sa akin kaya handa akong mamatay."
Inangat ko na ang tingin ko sa kanya saka labas sa ilong na nagpamulsa. Wala na nga siguro talaga akong magagawa, sa huli hindi ako ang pwedeng masunod.
Siya pa rin pipili't magdedesisyon sa gusto niyang tahakin.
"Hades Nam Lee will be in your care, Savannah. The Initial Training will start this weekend. Prepare yourself." ani Mr. Olson pagkalingon kay Hades kaya sumaludo naman ito na parang isang sundalo. Ibinaling ko naman ang tingin kay Savannah na nakahalukipkip at wala lamang imik sa gilid.
Pagkatapos ay napatingin kay Hades nang bigla siyang akbayan. Luh!
Tinuro ni Hades ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Please, don't go easy on me."
Dahan-dahan namang tinulak ni Savannah ang mukha ni Hades palayo. "Alis."
Ngumiti si Mr. Okabe at tiningnan kami isa-isa. "Now there are four of you in the group, you just have to look the other missing piece to be completed. I am now declaring Savannah, Hades, Zedrick, and Vermione under Miss Eihart Faux to hold the number of the Seventh Platoon in this generation. Congratulations!" Ang kaninang nakatungo na si Vermione ay biglang napatingala samantalang nanlalaki ang mata ni Savannah na nakatingin sa ama niya.
Si Miss Eirhart naman na nandoon lang sa pintuan at nakasandal ay walang imik na napangiti. Kaya pala siya isinama ni Mr. Okabe rito dahil siya ang magiging mentor namin. 'Di kapani-paniwala.
Alam niya ang tungkol sa vampire community-- ang katotohanan ng mundo but because I only see Miss Eirhart as a normal teacher despite being a ruthless person, killing vampires by her own hands never even crossed my mind.
"P-Platoon VII?" Nauutal na banggit ni Savannah sa Platoon VII.
"I thought you're just bring it up to messed around." Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Vermione na nginitian lamang ni Mr. Okabe.
Vermione's Point of View
Isinara ko na ang pinto nang makalabas na kami sa office ni Mr. Okabe. Nauna na 'yong tatlo habang nahuhuli lang kami ni miss Eirhart. Habang may pagkakataon, lumapit ako sa kanya't tinawag. Huminto ito at napalingon sa akin. "Velasco." Tawag niya sa apilyedo ko kasabay ang pagharap sa akin.
Ngumiti ako gaya ng usual. "You mentioned the Seventh Platoon before, alam mo na ba na mangyayari 'to noon pa lang??" tanong ko. "Ano ang nalalaman mo sa nakaraan ng Platoon VII?" Dagdag tanong ko pa. Hindi siya umimik at nagkibit-balikat lamang bilang sagot. Ngayon mas naku-curious pa tuloy ako.
"Who knows?" Patanong niyang sagot bago ako tinalikuran at maglakad. 'Di kaagad ako nakaalis sa pwesto ko't tinitigan lang ang likod ni Miss Eirhart.
Huminto naman si Hades 'tapos lumapit sa akin.
"Ano'ng problema?" Tanong niya at tiningnan ang tinitingnan ko.
"Why are you looking at her butt?" Tanong niya na nagpapitik ng kung ano sa sintido ko. This moron.
Nauna na nga lang akong naglakad habang sinabayan naman ako ni Hades. Umiling siya na may pangiti ngiti pa sa labi. "Hindi lang talaga cool 'yung adviser natin, ang sexy pa." Tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view at pabirong hinampas ang likod niya.
"You're drooling."
Lumingon siya sa akin at malapad akong nginitian. "Protektahan mo 'ko kung sakaling alanganin ako sa tatahakin natin, ah? Takot pa rin naman akong mamatay kahit handa ako."
Napalingon na rin ako tulad niya. Labas sa ilong na ngumiti saka ibinaling ang tingin. "We're always at your back. Hindi natin pwedeng hayaan na may mamatay sa 'ting apat." Nanliit ang tingin ko. "No one. We'll get through this together."
Hade's Point of View
"Ah! Aray! Masakit, Sava--" Sunod-sunod ang tumba ko sa bawat pag-atake ni Savannah. Ilang araw pa lang kaming nagte-training pero hindi niya ini-easy-han at talagang sineryoso ang sinabi ko.
Palaging masakit 'yong katawan ko dahil sa araw-araw talaga kaming bugbog dito sa likod ng bahay ko. Tutal, naghahanap talaga kami ng pwedeng mapag-training-an at dito nila naisipan dahil malawak ang lugar. "Ackk!" Tumalsik ako sa ginawang pagsipa ni Savannah sa sikmura ko't nagpagulong gulong sa damuhan.
Sh*t! Kababae niyang tao pero ang lakas lakas. Nai-imagine ko pa lang 'yung mga paghihirap na sinapit niya bago maging isang ganap na Vampire Hunter, napapangiwi na lang ako.
Ang sabi nila, kung paano ka i-train ng mentor mo, gano'n din daw ang ginawang training sa kanya nung master niya. Kaya wala akong karapatang magreklamo.
"Arckk!" Isang palo ng stick sa panga ko ang muling nagpatalsik sa akin saka ako bumagsak ulit sa damuhan. Kaya ngayon ay nakatitig na lang ako sa asul na kalangitan kasabay ang pagdapo ng paru-paro sa ilong ko.
…pero kahit yata sabihin kong hindi ako magrereklamo, sobrang hirap pa rin nito.
"Mamamatay na ako ng maaga, men." Nauubusang hininga kong sabi nang hindi tinatanggal ang tinign sa paru-paro.
Nag cheer naman si Vermione samantalang relax lang itong si Zedrick na nakaupo sa Lace-up Chair at umiinum ng iced tea. Hindi pa nakuntento at naka shades pa.
"Stand-up." Seryosong udyok ni Savannah dahilan para iangat ko ang kalahati kong katawan kasabay ang paglipad ng paru-parong iyon.
"Easy-han mo lang, m-masakit na 'yung--" she cut me off.
"Stand." Malamig at may awtoridad na sambit saka nag posisyon tapos mabilis na pumunta sa akin. Napilitan pa tuloy akong mapatayo upang ilagan ang atake niya pero noong iiwasan ko sana ay siya namang kasabay sa pagtunog ng likod ko. Mukhang napwersa!
Aha ~ ! The power of adulthood.
Noong gagamitan niya ako ng high-kick ay napayuko na ako't bumagsak.
"T-Time out." Nanginginig kong sabi kaya ang nakaangat niyang paa ay dahan-dahan niyang ibinaba't bumuntong-hininga. Nakasuot naman siya ng fitted na jogging pants at white shirt kaya kumportable lang din siya kung gumalaw.
"Fine. Water break." Cool lang na sabi ni Savannah saka pumalakpak si Miss Eirhart na lumabas mula sa loob ng bahay. Siya ang mentor at head commander ng Platoon VII kaya natural na siya ang nandito't under observation kami sa ilang araw na magte-training kami. Siya rin minsan ang nakikipag ensayo sa akin lalo na sa mga mahihirap na parte ng martial arts.
Tumayo kaagad ako't hawak-hawak ang likuran ko. "Nabuo nanaman 'yong araw ko, nandito nanaman si Miss Eirhart!" patingkayad na pangbobola ko pa pero hindi lang niya ako pinansin at inilipat ang tingin kay Savannah.
"Good work. May idi-discuss din ako sa inyo pagkatapos nating kumain." Aniya at ibinalik ang tingin sa akin. "Nag improve ka, ipagpatuloy mo 'yan." Puri niya sa akin at muling pumasok sa bahay. Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Zedrick na nakapamulsa na papunta sa akin.
Tinuro ko kung saan pumasok si Miss Eirhart. "Narinig mo 'yun? Pinuri niya ako, men!���
Huminto siya sa tabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin kung nasaan kanina si Miss Eirhart. "Nakakapanibago nga. May puso pala 'yon?" Mangha niyang sabi na narinig naman ng adviser namin kaya mula sa loob ay binato ni Miss Eirhart ang sapatos niya na imabilis namang nilagan ni Zedrick. "Savannah ver. 2!" Namimilog na sabi ni Zedrick.
Binigyan ng pilit na ngiti ni Vermione si Zedrick. "Ang immature mo talaga kahit kailan. Kaya hindi ka gusto ni Savannah, eh."
Napatingin na rin sa kanya si Zedrick. "Luh! Paano ka nakakasigurado riyan?! S-Saka huwag ka ngang maingay, baka marinig ni Savannah. Nakakahiya." Nahihiyang sabi ni Zedrick at sumulyap kay Savannah na nandoon sa hindi kalayuan at umiinum sa tumblr niya. Pawis na pawis na rin siya tulad ko dahil kanina pa talaga kami nagte-training.
Pumunta ako kung saan ibinato ni Miss Eirhart ang sapatos niya saka ibinalik sa kanya na kunot-noo na pinapagalitan si Zedrick. Napahinto lang siya nang makarating ako sa harapan niya't biglang iniluhod ang kaliwa kong tuhod na may kasama pang paghawak sa aking dibdib na animo'y isinasapuso ang pag-abot ko sa kanya nung sapatos. "Ikaw lang pala ang hinahanap ko, aking cinderella."
Pagkasabi ko niyon ay nakatikim ako ng mainit niyang kotong. Tumayo ako noong tumalikod siya sa amin. "I love you, Miss Eirhart." Sabay flying kiss.
Nilagpasan naman ako ni Vermione na may ngiti pa rin sa labi niya. "Gutom na ako." Rinig kong sabi niya. "Miss Eirhart, hindi ka pa naman nakakapagluto, 'di ba?" Tanong niya kaya napahinto naman si Miss Eirhart at hinarap kami.
"Ah yes, nakalimutan kong sabihin. We don't have any food left in the fridge. Pwede bang pumunta ang isa sa inyo sa supermarket habang nagpe-prepare pa ako? Aasikasuhin ko rin 'yung pinapagawa ng head." Tukoy niya kay Mr. Okabe.
Palihim naman kaming nag "yes" gesture.
Pumaabante ako. "Ah! Kahit si Savannah na lang 'yung magluto, Miss Eirhart 'tapos asikasuhin mo na lang 'yung kailangan mong gawin kay Mr. Okabe."
Nakapasok na rin si Savannah habang nagpupunas ng pawis niya gamit ang malambot na bimpo, naramdaman ko ang paglipat niya ng tingin sa akin. "W-Well, okay lang naman."
"Hindi, kahit ako na lang 'yung magluto 'tapos kayo ni Vermione ang pumunta sa supermarket para bilhin 'yung magiging ulam natin." Segunda ni Zedrick na ngiting tinanguan ni Vermione.
Umiling si Miss Eirhart. "Ako na, mag focus kayo sa training n'yo." Gusto kong matuwa dahil maliban sa pagiging titser namin, ginagampanan din niya 'yung role ng pagiging ina sa amin pero kasi…
Mas ngumiti pa ako ng pilit. "Miss, ayaw ka naming ma-stress kaya-- Eek!" Binigyan niya kami ng nakamamatay na tingin.
"Are you trying to say that my cooking isn't good enough for you, you piece of sh*t?" Pare-pareho kaming umiling na apat kaya umismid ito at kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa. "Brats." Tawag niya sa amin at inilagay na sa labi ang stick para muling magpatuloy sa paglalakad niya paloob.
"M-Miss. Bawal sigarilyo sa loob…" Paanas kong sabi kaya hindi niya narinig. Nakakatakot…
***
LUMABAS NA NGA kami ni Vermione sa bahay para dumiretsyo sa kalapit na supermarket. Hindi na kami nag commute dahil walking distance lang talaga papunta ro'n dahil nasa central ang bahay namin kaya malapit-lapit lang siya sa mall at groceries.
"Maganda siguro 'yong city lights mula sa inyo 'no?" Biglang tanong ni Vermione na nasa unahan ko. Sumabay ako sa kanyang maglakad, nahihirapan kasi talaga akong makipag-usap kapag hindi ko katabi 'yong kinakausap ko.
"Yep, 'tapos kapag new year. Makikita mo talaga 'yong fireworks display kahit na sa loob ka lang ng bahay." Ngiti ko namang sagot.
Lumingon siya sa akin. "Alone?" Tanong niya na nginitian ko't tinanguan. Medyo ibinaba niya ang ulo niya, mahahalata mo rin na may gusto siyang itanong pero mas pinili niyang manahimik at pumaharap na lamang ng tingin.
Wala 'yung kasambahay namin ngayon dahil pinag off ko muna sa trabaho dahil nga rin sa magte-training ako. Ayoko rin naman na marinig niya ang magiging usapan namin.
Gumawa ng ibang topic si Vermione. "Aside of agreeing to erase your memories. What's the other reason that you chose to keep on going despite of knowing the truth? I suppose that you know that the old Hades Nam Lee will no longer live if you continue to go deeper and shall offer your own normal happiness and pleasure to the world-- for the sake of the people that you don't even know."
Pumikit ako dahil sa kanyang sinabi. Tama… I'm aware of that.
Ipinasok ko ang kaliwa kong kamay sa aking bulsa at tumingala para titigan ang ulap na mabagal na gumalaw. "Abandoning the normal pleasure is my choice. But this is also my advantage, hindi ko man sigurado ang pwedeng mangyari pero kung wala akong alam sa makipaglaban, pa'no ako mabubuhay kung dumating 'yong araw na mangyari ang nasabing War between Human and Vampire? Paano ko poprotektahan 'yung mga mahahalagang tao sa akin?" Paliwanag ko na bakas sa mukha ang pagkabahala.
Nakita ko sa peripheral eye view ko ang kaunti niyang pagsilip sa aking mukha. "Are you really afraid of dying? Doesn't look look like it to me."
Humagikhik ako. "Grabe naman, takot din naman ako, 'no?" Tugon ko 'tapos nagbuga ng hininga. "But we're born to die. Kung dumating ang kamatayan sa 'di mo inaasahang oras, there's nothing you can do. The only thing you need to do is to accept and rest."
If human being discover and learns about the existence of the vampire, great fear and fright will bloom. Other people may accept the secrets in reality but others don't.
They will eliminate all vampires that they think does not belong in Earth where it could lead the other group of doing the same thing--making revenge. Hatred and Repugnance will occur.
Ibinaba ko na ang tingin para makita ang dinadaanan kung saan makikita mula rito ang siyudad. Sasakyan, mga tao, kalsada, at ang iilang puno sa gilid.
Tila para silang nagso-slow motion sa bawat pagpikit ng aking mga mata.
What can we do to prevent this blood-curdling war?
***
BUMALIK NA KAMI sa bahay dala-dala ang pagkain na lulutuin. Binuksan ni Vermione ang gate dahil marami akong hawak. Dumiretsyo na ako sa pinto at pumasok sa loob kung sa'n muntikan ko pang mabangga si Savannah na papalabas din ng bahay. "Oops, sorry." Hinging paumanhin ko but she didn't mind at itinuon lang ang atensiyon sa hawak niyang makapal na papel at lumabas.
Savannah is still busy investigating the reports from Prison of Atlante.
Umangat ang tingin ko 'tapos lumingon sa kaliwa't kanan. Wala 'yong mga tao rito, nasa'n na?
Lumakad na nga lang ako papunta sa kusina kung saan bumungad kaagad sa akin si Miss Eirhart para agawin ang pinamili ko. Tiningnan niya ang laman ng supot tapos tumango-tango. "It's a good thing you picked these." Sinunod ko lang naman kung ano 'yung gusto ni Zedrick.
And speaking of Zedrick, bigla siyang bumungad mula sa kung saan. Aagawin niya sana ang supot kay Miss Eirhart na mabilis ding sinikuhan ng adviser namin sa mukha. Napapikit ako lalo pa noong makita ko ang pagtalsik ng dugo sa ilong ni Zedrick saka siya bumagsak sa malamig na sahig. "Boiii!" Reaksiyon ko sa gulat at napatingin kay Miss Eirhart na nagsisimula ng maglakad para simulan ang lulutuin.
Dumating ang nagtatakang si Vermione para makita ang nangyayari. "Hold on while I whip something up." Sinabi ni Miss Eirhart habang pinapatunog ang katawan. Samantalang binigyan naman ako ng nanlulumong tingin ni Savannah noong makarating siya sa tabi ko.
"Why didn't you stop her?" Tanong ni Savannah na wala na ring magagawa saka pinuntahan si Zedrick na nakahiga sa simento. "Hoy, buhay ka pa?"
"Magka-cup noodles na lang ako. Sabihin kong diet ako." Ngiting sabi ni Vermione. Humawak muna ako sa ulo ko bago ko italikod si Vermione sa akin at itulak siya palabas ng kusina. Sumunod na rin sina Savannah pagkatapos.
Ang totoo kasi niyan, sa ilang araw namin dito sa bahay. Si miss Eirhart talaga ang nagluluto, pero lahat ng mga ginagawa niya... Hindi mo malaman kung talagang pagkain o... Lason.
Kaya ngayon ay pilit naming iniiwasan na siya ang magluto, kaso ang lakas ng willingness niya kaya wala kaming magawa.
Sumilip si miss Eirhart mula sa kusina. "About the thing that I will discuss later on, tungkol iyon sa camp training na darating sa susunod na weekend. I need your medical status from K.C.A. dahil hindi madali ang gagawin natin, even for you Savannah." Ani Miss Eirhart kung saan naging seryoso ang ekspresiyon sa mukha ni Savannah.
Mukha ngang hindi magiging madali.