webnovel

Crimson Blood Eyes

Blood XII: Crimson Blood Eyes 

Zedrick's Point of View 

Hindi pa kami natatapos mamili ni Curtis at naghahanap pa kami ng mga kakailanganin niya. Inilibot ko lang ang tingin sa paligid noong may mabangga ako dahilan upang mapaatras ako. Laking gulat na si Savannah pala itong nabangga ko. 'Di ko kaagad siya napansin!

 Nakahawak siya sa noo niya nang imulat nito ang isang mata saka sumimangot noong makita ako kasama si Curtis. "Hi." bati ni Curtis kay Savannah na may pagkaway pa. 

 Hindi niya pinansin ang pagbati nito at ibinaling lang ang tingin sa akin na may kasamang pagtaas ng kilay. "Oh, hindi mo sinabi sa 'kin na may girlfriend ka." she asked. Bakit ma-issue ka?! 

Mabilis kong iwinagayway ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib. 

"Ha? Hindi! She's not my girlfriend! Sinamahan ko lang siy--" naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si Curtis.

Nakanguso siyang nakatingin sa akin at hinawakan ang dibdib niya, "What? Then why did you grope my breast?" Parang nang-aasar nitong sabi kaya tinakpan ko ang bibig niya. 

 Itinapat ko ng patayo ang hintuturo sa aking labi. "Don't say things that will misunderstood her." I whispered.

Savannah crossed her arms and hissed. "Wow, hindi ko alam na ganitong tao ka, Zedrick. You have no shame at all" Walang gana niyang sabi kaya napaabante na ako. 

 "It's not what you think!" Patuloy ko sa pagdepensa sa sarili. Kasi hindi talaga! 

 

 Pumaharap si Curtis kaya napatingin na si Savannah sa kanya. "Hi, I'm Curti--" Pinutol siya ni Savannah. 

Lumingon siya sa akin. "Tell her that I don't talk to strangers." Utos niya sa akin. Bakit ginawa pa niya akong messenger? 

Ngumiti si Curtis. "I see..." Nasabi na lang niya at kumapit sa braso ko. Ako naman itong biglang napatingin sa kanya. 

"Ho--" 

Idinikit niya ang dibdib niya sa braso ko kaya napatikum ang bibig ko. Pakiramdam ko ay aatakihin ako ng Savant Syndrome kung hindi pa siya lalayo sa akin. "Aalis na lang kami, okay lang naman siguro iyon sa 'yo, 'di ba?" tanong ni Curtis na 'di mo malaman kung nang-aasar o talagang sinasabi lang ba niya. 

Pilit ko naman siyang inilalayo sa akin pero higpit siyang nakahawak sa aking braso. Nakita ko 'yung kaunting paglukot ng mukha ni Savannah pero nagawa pa ring ibalik sa blankong ekspresiyon at iangat ang tingin sa akin. Hindi mapakali ang tingin ko't paiba-iba ang direksiyon. 

 Nginitian ni Savannah si Curtis. "Curtis, isn't?" Tanong niya nang hindi inaalis ang ngiti. 

 

 Lumapad ang ngiti ni Curtis kaya tila parang nagkaroon ng kuryente ang pagsukatan nila ng tingin. Pareho silang mga nakasuot ng ngiti pero makikita mong hindi nila gusto ang isa't isa

 "Yes, I'm happy that you remembered my name." Sambit ni Curtis at ibinaba nang kaunti ang ulo. "It's a pleasure." Dagdag niya. 

 Umismid si Savannah 'tapos taas-noo na dineretsyo ang tingin, "Whatever." cold niyang sagot bago ako lagpasan. She hates me now, I wanna cry. 

Hinintay lang namin siyang makalayo nang bitawan na ako ni Curtis at nagsimulang humagalpak ng tawa. "Look how twisted she is. She's not even certain of what she said, not honest at all, huh?" Pag-iling niya kasabay ang pagkibit-balikat. "Jealous?" Wika niya nang tingnan kung saan pumunta si Savannah. 

Lumingon naman ako sa kanya. "She's not." Pride lang niya iyon. Saka bakit naman siya magseselos? 

Sinundot niya ang tagiliran ko na wala namang kiliti. "You're getting excited, aren't you?" Patuloy niya sa pang-aasar sa akin at muling itinaas baba ang kilay. Tumagilid ako at bumuntong-hininga. Masaya sanang matukso sa taong nagugustuhan pero sana mutual para double happiness. 

Kinuha ni Curtis 'yong walang lamang basket na nandoon sa gilid saka inalis ang mga ingredients na bibilhin ko para ilipat iyon sa isa pang basket na kinuha niya, ibinigay niya iyon sa akin pagkatapos. 

 "Uuwi na ako, baka magtagal ka pa, eh." Nakatingin lang ako sa kanya nang kumaway na siya. "See yah." paalam niya't naglakad na paalis. Nagpasama siya sa 'kin, 'di ba? 

 Ibinaba ko ang tingin sa hawak ko. "Great."

"She's jealous." Naalala kong sabi ni Curtis kanina dahilan para takpan ko ang bibig ko para hindi makita ng kung sino na ngumingiti akong mag-isa. Mapagkakamalan pa akong baliw, eh.

 Hahh... Kahit nangangarap lang ako, ang ganda sa feeling na nagseselos 'yong taong gusto ko. Ang cute kasi niyang tingnan kahit paulit ulit niya akong tinatarayan. 

I composed myself saka tumikhim. Kukunin ko na muna kung ano ang dapat kong puwedeng lutuin mamaya bago siya hanapin kung sakaling nandito pa siya. Humakbang na ako ng isa subalit biglang napahinto nang maging kulay pula ang paligid. 

Ang kaninang mga gumagalaw ay ngayon ay nakahinto. Kung ano ang posisyon nila kanina ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Wha--?! 

 Bumuka ang bibig ko sa gulat at napalingon na lang nang may magsalita. "It's been a long time, Zedrick." Malakas na tumibok ang puso ko nang tumambad sa harapan ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lahat. Nasa ere ito at unti-unting bumababa. Wala pa ring pagbabago ang mukha niya gayun din ang mga nakakadiri niyang ngiti. 

 Nakalabas ang mga pangil niya habang nagiging kulay pula ang mata dahil sa activated ang vampire instinct niya. Nakalapag na siya sa sahig at ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. No, you're kidding me. What is he doing here of all places?! Akala ko ba nagpakalayo layo na siya rito?! 

 "I didn't expect you to be here. I wonder what you're up to?" plain niyang tanong at huminto. 

 Wala akong nailabas na kahit na anong salita at gulat na gulat pa rin. Ilang taon ko na siyang hindi nakita. Nandoon pa rin 'yong nakakatakot niyang presensiya pero hindi ko masasabing hindi ko siya kayang kalabanin ngayon. Hindi na ako iyong batang lalaki 'tulad noon. 

 Tiningnan niya ang suot ko at natawa. "Silly boy, this isn't the time to act like a student, what the f*ck are you even doing?" Parang nandidiri nitong sambit kaya ako naman itong tinaliman siya ng tingin. 

 Nanginginig din ang mata kong nakatingin sa kanya. "Why… are you here?" Paanas pero sapat lang upang marinig ng lalaking ito ang aking sinabi. Nagsalubong ang kilay ko. Tumataas ang dugo ko sa galit. "Bakit ka pa bumalik?!" 

Malakas kong sigaw. 

 

 He smirked. "Matagal na tayong hindi nagkita, hindi ba? Ayaw mo no'n? Reunion with your father!" Naiiling-iling niyang sabi at bumuntong-hininga. 

 Napasuntok ako sa mala-posteng pader sa tabi ko dahilan para mawarak ito, lumabas na rin ang vampire instinct ko tulad niya. "You are not my FATHER, you murderer!" I exclaimed. Nanlilisik ang mata kong nakatingin sa kanya. "This is all your fault! You killed my mom!" 

Nawala na ang ngisi sa labi niya. "Pathetic, crying over petty things. How will you grow if you are still acting like a kid?" Pati ang ekspresiyon na ginagawa niya kanina ay nawala na rin. 

"DON'T F*CK WITH ME!" At sumugod ako at mabilis na pumunta sa kanyang harapan. Sisipain sana siya sa mukha niya nang makuha niya ang paa ko at lakas na hinagis sa kung saan. 

 Tumama ako sa delata-han dahilan para sumabog ito't magkalat sa sahig. 

"You're still WEAK..." 

Napapangiwi ako sa kirot at sakit pero hindi iyon ang dahilan para 'di ako mapatayo. "Bastard... I will kill you..." Nanggigigil kong banta at galit na napayukom ang kamao. "I will f*cking KILL you!" Ngumisi lang ito lalo. Suminghap ako nang mabilis siyang makarating sa mismo kong harapan. 

Diniretsyo niya ang mga daliri't kamay niya at itutusok ang mga iyon sa sikmura ko nang hindi niya maituloy dahil may tumamang bala sa kanyang tagiliran. Lumayo siya sa akin at nilingon ang may gawa no'n. 

 Si Savannah na ngayon ay fearless na nakatutok ang baril sa lalaking nagngangalang si Bryan. 

"Only I can beat my man. You, get out of my sight!" Sunod-sunod na niyang pinutukan ng baril si Bryan habang iniiwas iwasan lang niya ito. 

 Nanginig ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit ni Bryan sa kanya. 

 "UMALIS KA RITO!" Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang sa pagputok ng baril. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Bryan at handa na sanang ibaon ang mga pangil sa kanyang leeg nang mabilis din itong sikuhin pataas ni Savannah dahilan para mapatalsik sa ere. 

 The next thing she did was that she gave a strongest air kick on his face. 

Tumalsik ito papunta sa pader kung saan unang tumama ang ulo nito na talagang maririnig sa buong paligid. Nagkaroon nang kaunting pag cracked ang simento saka siya bumagsak sa malamig na sahig. 

Lumapit sa akin si Savannah at niluhod ang isang tuhod para tingnan ang natamo kong sugat sa noo. 

I held her hand and convince her to leave. "You don't know how strong he is! if you stay here, you'll be killed!" 

Ibinaba niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "He would kill us if you're not going to stand up!" Asar niyang sabi saka ako pilit na itinatayo, pero medyo natutumba ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa likod ko. Ang lakas kasi ng impact nung pagkakatama ng likuran ko. "Are you even a man?!" nakaka-insulto, ah?

"Magiging lalaki ako kung hahalikan mo 'ko." Diretsyo kong sabi at bigla na lang akong kinurot sa braso. 

 "Umayos ka nga!" Suway niya sa akin bago ako binitawan. 

Humawak ako sa braso ko at tiningnan si Bryan na tumatayo na mula sa pagkakabagsak niya. 

 Kinuha ni Savannah ang kutsilyo na nandoon sa harapan at tinanggal ito sa pagkakabalot. Lumapit siya sa akin pagkatapos. Nakatapat ang patalim sa kanyang pulso. "Hoy! Ano'ng gagawin mo?!" Tanong ko dahil may ideya na ako sa ginagawa niya. 

 Nakatingin lang siya sa kutsilyo na 'yon at walang imik. Mga ilang segundo lang nang magsalita siya, "Dad told me once that vampire's strength will increase if they suck human's blood." Panimula niya at tiningnan ako. "Kung bibigyan kita ng dug--" Tinabig ko ang kutsilyo na hawak niya. 

Sumalubong ang kilay kong tiningnan siya. "Stupid! Stop, this isn't the right thing for you to decide and I don't want it! If you're going to hurt yourself, it is like you're breaking The rules of a God." Bumilog ang mata niya sa sinabi ko. "Deuteronomy 14:1 mentions cutting skin as an act of mourning for the dead. Even though it was normal in the old testament, God established a rule against the practice." Nabasa ko 'yon before, I tried to harm myself because of my severe depression last 6 years ago after the incident...

I cannot even sleep at night, having bad dreams every night and keep on thinking about negative stuff. But then the bible, it fell on the floor as if it is trying to take my attention. 

 I stood up and near it, kinuha iyon kasabay ang paglitaw ng isang pahina. 

Leviticus 19:28 says, 'you shall not make any cuttings in your flesh for the dead, nor tattoo any marks on you: I am the LORD.' 

I'm a vampire, they said we were made by evils... Satan. But I believe that without GOD. All living things will be nothing, we are not here. Evils is not going to exist. 

 In other words, God made me and I believe in him. 

Savannah smiled at me. "A religious vampire, eh?" Tango niyang sambit. "But, Zedrick. You see," hinawakan niya ang batok ko at inilapit ako sa kanya. "I have no reason not to give you my blood" Binuksan niya ang buttones ng blouse niya at ibinaba ang kanyang damit. Ngayon ay maaliwalas kong nakikita ang itsura ng leeg niya. 

 

 Nagsisimula ng bumilos ang tibok ng puso ko dahil sa pagdaloy ng dugo sa katawan ko. "If you don't want me to harm myself again, drink my blood. It is your way of living." Dugtong pa ni Savannah. 

 Napakagat labi ako. "Stop..." Lumabas na ang pangil ko habang nakatayo na si Bryan. "Don't do this..." 

Naramdaman ko lang ang mas lalo niyang pag ngiti at mas ibinaon pa ang mukha ko sa leeg niya. "Do it. O pareho tayong mamamatay rito." Hinawi ko ang buhok niya at ngumanga, handa ng ibaon ang matutulis na pangil sa kanyang leeg. 

I'm sorry... 

Itinusok ko na roon ang mga matutulis kong pangil dahilan para manginig ang buong katawan niya, hawak ko lang ang ulo niya para suportahan siya at yakap ko naman ang kanyang katawan gamit ang isa ko pang kamay. "Mmh..." Ungol niya sa sakit habang humihigpit ang kapit sa aking damit. 

Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya na parang hinihigop ng katawan ko mula sa kanya, mas bumilis ang daloy ng dugo sa aking katawan. 'Tapos nalaman ko na lang na unti-unting umiihip ang hangin sa paligid because of the power that I'm releasing inside my body. 

 Focus. Try to control your thirst. 

Inalis ko na ang mga pangil ko sa leeg niya habang napapapikit naman si Savannah. Buhat ko ang balikat iya. "Nako-kontrol mo naman pala, eh..." Panghihinang sabi while looking at my crimson blood eyes. Pinunasan ko na rin ang bibig ko saka siya isinandal sa tabi. Tumayo ako at hinarap si Bryan na ngayon ay nanlalaki ang mata. 

Tila nagulat sa kanyang napagtanto. Ngunit kaagad ding ibinawi at ngumisi . Ngayon pumusisyon na siya. "Come." Hindi ako ang naunang sumugod at hinihintay ko lang ang pag-atake niya. "Now, you're in trouble." Mas bumilis siya ngayon kaysa kanina. Nasa harapan ko na siya at masisipa na sana ang mukha ko nang iharang ko roon ang likurang palad ko para mai-blocked ang atake niya. I could see it. 

 

 Mabilis ko s'yang sinuntok sa mukha na hindi niya kaagad nailagan dahilan para muli nanaman siyang tumalsik, pero muli ring umatake. Sipa roon suntok diyan, tumatama sa akin ang mga iyon pero nakakabawi rin. Hindi ko maipagkakaila na malakas pa rin siya kahit nakakuha ako ng lakas mula sa dugo ni Savannah. 

 Atake lang kami nang atake hanggang sa gumawa kaming pareho ng distansya. Hingal na hingal ako habang parang wala lang nararamdaman si Bryan. 

"Compare to an ordinary. The color of your eyes became different as you sucked her blood. She must be special, huh?" 

 Tinaliman ko siya ng tingin. 

He chuckled. "I must leave. Nakita ko naman kung ano ang dapat na makita." Paalam niya. Hahabulin ko sana siya kaso bigla na siyang nawala, nag anyong paniki siya saka ito umalis. Binasag lang niya 'yung bintana sa itaas para roon dumaan. 

 Wala akong ganyang kakayahan dahil hanggang acceleration lang ang ability na mayroon ako. 

Bumalik na sa dati ang lahat, nakakagalaw na ang mga tao at bumalik ang kulay pero ang mga natamo nitong sira ay 'di na umayos pa, may mga sugatan din dahil sa nangyari at siguro ay mayroon ding mga namatay. 

Pero inasikaso ko na muna si Savannah. Mabilis kaming umalis sa supermarket bago pa kami makita. 

Próximo capítulo