Blood V: Chevalier
Zedrick's Point of View
Iminulat ko ang mata ko noong may maamoy akong mabango, dahan-dahan akong umuupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang aking ulo na medyo kumikirot sa sakit.
Inilibot ko ang tingin sa paligid, only to realize that this isn't my room.
Ibinaba ko ang tingin, takang taka na wala akong suot ni isang damit. Nakakalat lamang iyon sa sahig. "Bakit nandiyan 'yan?" Tanong sa sarili kasabay ang pagbukas ng pinto.
"Hoy! Gising ka na ba d'yan, Zedric--" napatigil siya nang makita ako, saglit pa kaming nagkatitigan nang mabilis kong ibalot ang sarili sa kumot habang pulang pula naman si Savannah na tumalikod sa akin. "BAKIT KA NAKAHUBAD?!" bulyaw niya sa akin. Ako dapat ang magtanong niyan, hoy!
"Aba, malay ko ba! Nagtataka nga rin ako kung bakit ako nandito, eh!" Sumilip ako sa kanya kaunti.
Nakita ko ang pagsapo siya sa kanyang mukha. "This is really unbelievable, how can you be so weak? Isang shot glass lang 'yon pero taob ka na kaagad?" Edi talagang nalasing nga ako kagabi? Hindi ko rin kasi nakita 'yung percentage ng tapang nung alcohol. At isa pa, hindi naman din ako umiinum, sinubukan ko lang kagabi dahil mukhang masarap I-partner sa kinakain namin.
"Pero bakit nga ako nakahubad? Hinuburan mo 'ko, 'no?" Pag-aakusa ko kahit biro ko lang naman.
Kunot-noo naman siyang humarap sa akin. "ANG KAPAL--" tumalikod ulit siya dahil nga sa itsura ko, huminga ng malalim saka nagbuga ng hininga. "Magbihis ka na lang, Zedrick. Tapos umuwi ka na sa inyo nang makapag palit ka na ng damit mo, huwag kang male-late sa school." Pagkasabi niya no'n ay sinarado na niya ang pinto. Iniwan niya akong nakatitig sa pintuan.
Hindi man lang ba niya ipapaliwanag kung ano pa ang nangyari? Siya lang ba ang nagdala sa akin dito o may tumulong din?
At isa pa…
Hindi ba niya ako aasikasuhin? Masakit 'yong ulo ko, oh-- Aray.
***
NAKAPAG BIHIS na ako kaya lumabas na ako sa kwarto niya. Siyempre bago ko ginawa iyon ay inayos ko muna ang pinaghigaan ko para hindi naman nakakahiya para sa kanya. Pero 'yung amoy ng kwarto niya, amoy na amoy niya. Ang sweet.
Naglakad ako papuntang sala at naabutan si Savannah na nagpupunas ng baril niya. Oo, totoong baril iyon. Iyon yata ang ginagamit niya sa mga Class-A vampires. Lumunok ako ng sariling laway habang pinapanood lang siya.
Lumingon ito sa akin saka inilapag ang baril sa glass table na nasa harapan niya para lapitan ako. "Tapos ka na pala, bye-bye." pagkaway niya sa akin noong makahinto sa aking harapan.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba ako ihahatid?" Tanong ko. Umiling siya at tinuro ang pinto kaya tiningnan ko rin iyon.
"The door is only there, do I still have to accompany you?" tanong niya kaya napakamot naman ako sa batok ko. Ang hina ko naman kay Savannah.
Naglabas ako ng hangin sa ilong at sandali na itinaas ang kamay bilang pagkaway rin sa kanya. "Thank you, see yah" Paalam ko at lumabas na nga sa kwartong ito. Nagpamulsa akong naglalalakad nang may maramdaman akong kakaibang presensiya mula sa kung saan dahilan para maglililingon ako sa paligid
Ngunit noong wala naman akong ibang nakita ay tumayo na ako nang maayos at muling naglakad para makabalik na nga sa…
Teka?
Tiningnan ko ang paligid at ibinaling ang tingin. "Hindi ba't…" Dumungaw ako sa railings na nasa aking kanan para tingnan ang lugar. "Eh?" Reaksiyon ko noong mapagtanto kong pareho kami ng condominium na pinag I-stay-an ni Savannah.
Tumakbo ako papunta sa harapan ng pinto ng babaeng iyon para tingnan ang room number niya. "407? Nasa itaas lang ng kwarto ko ang kwarto niya?"
307 kasi 'yong room number ko at nasa ibaba lang iyon! Parehong nasa pinaka't dulo't-dulo ang mga kwarto namin.
Ang pinagtataka ko lang, kahit kalilipat ko lang dito last week ay hindi kami nagkakasalubong o kaya nama'y nagkikita.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Savannah, nagsalubong ang kilay niya nang makita pa niya ako. "Why are you still here? You should go back to your eternal slumber."
Hoy, hoy… Ba't ba ang taray ng babaeng 'to?
Hindi na siya umimik pagkatapos at isinara na lamang ang pinto para lagpasan ako. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa marating niya ang harapan ng elevator at pumasok. "Oh."
Savannah's Point of View
Huminto ako sa harapan ng isang portal papunta sa Prison of Atlante kung nasaan nakatago ang karamihan sa mga Class-A vampires. Hindi school uniform ang suot ko because obviously, marurumihan lang ang damit ko. Eh, papasok pa ako mamaya.
May mga damit kaming mga vampire hunters kapag nasa gitna ng misyon. Napakaganda ng fabric at hindi siya madaling mapunit kahit pa na kalmutin ito ng mga bampirang umaatake sa 'min kaya laking tulong talaga nito. Our suit was made by the professional scientist in the laboratory area 2, mostly they're from United States but they decided to stay here in the Philippines to do the experimenting. Kumpara kasi sa US, karamihan sa mga Class-A ay rito matatagpuan.
Dito naman kasi talaga nag-umpisa ang war between human and vampires at dito na rin sila nakakulong halos lahat. Although no one really knows kung sa'n nagsimula ang mga bampira at kung sa'n ito nanggaling kaya nag e-exist sila sa henerasyon na ito.
Tiningnan ko ang wrist watch ko.
5:21 a.m
August 02, 2020
Basa ko roon sa relo ko bago ito tanggalin at ilagay sa tabi.
[Get ready] Paghahanda sa amin ng commander sa Platoon 4 bago ako tumango. Nag count down na muna bago ako pumasok sa portal papuntang Prison of Atlante.
Zedrick's Point of View
Kasalukuyan akong nakatitig sa white board namin kasabay ang aking paghikab. Nasa classroom na ako ngayon at three minutes na lang at magsisimula na 'yong klase, hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Savannah kahit pa na siya ang naunang umalis sa condo kanina.
Muli akong humikab. "Buddy! Buddy!" Tawag ni Hades na tumatakbo palapit sa akin. Kararating lang din niya ngayon. Inakbayan niya ako at inilapit ako sa kanya. "Ano'ng ginawa niyo kahapon?" Tanong niya.
Sino tinutukoy niya?
"Huh?" Tanging reaksiyon ko kaya parang pasakal niya akong inakbayan, sinabayan pa niya ng paggulo ng buhok ko.
"Inuunahan mo na 'ko kay Savannah, eh!" Tumawa lang ako habang pilit na kumakawala sa pagkaka-akbay niya sa akin. Mayamaya lang noong makarating na si Savannah kasama ang teacher naming napaka strikto.
Umupo na sa pwesto niya si Savannah gano'n din ang mga kaklase kong mga nakatayo. Umayos na rin kami para makinig sa sasabihin ng homeroom teacher namin. "Second day of class, I guess all of you are ready for the main activity, right?" Tanong nito na nagpatango sa lahat maliban sa amin ni Hades na transfer student.
Main Activity?
"As you can see… K.C.A. is for the Knight students who should know how to do horse riding to improve their coordination and develops core strength, exercise the mind and develops problem solving skills nang hindi naman kayo tatanga tanga sa klase…" Natawa kami ng pilit sa sinabi niya. "Hindi lang iyon ang nakakatulong sa inyo students, horse riding are also increases socialization kaya karamihan sa mga estudyanteng nag-aaral dito ay puro mga…" she gestured, "Noisy but in a good way, at nakaka improve rin ito for your mental state na p'wedeng makagawa ng oras makapag relax." Mahabang paliwanag niya habang nakikinig kami.
If I'm not mistaken, Mr. Okabe Sakai is the president of K.C.A. Maliban sa nakakatulong din ito sa mga vampire hunters, ginawa ba niya ito para rin sa mga estudyanteng nag-aaral sa paaralan na 'to?
"The materials that you needed are on the field, you can get it there after break time, kayo ang mauunang gagamit ng field para sa araw na ito." naghiyawan ang mga kaklase ko habang nakatitig lang din ako sa maganda kong guro.
Bumuntong-hininga at nagsalong-baba. "Okay sana kung marunong ang lahat, eh." Bulong sa sarili.
"Ako marunong ako! Gusto mong turuan kita?" Masiglang tanong ni Hades sa tabi ko pero isinubsob ko lang ang aking mukha sa lamesa.
"Huwag na lang." Tugon ko na narinig ko pang nagrereklamo. Hinayaan ko lang siya at pumikit na lamang.
"The rank 1 achiever of Horse Riding, Miss Curry will teach you, Mr. Olson." Inangat ko kaaagad ang ulo ko nang marinig ang apilyedo ko. Ano raw? And who's this Curry?
"Will you do it, Miss Curry?" Tanong ng homeroom teacher namin sa kausap niya kaya tiningnan ko naman iyon. Si Savannah ang tinitingnan niya!
Bakit niya tinawag na 'Curry' kung Sakai naman ang apilyedo ng dad niya?
She nodded in a calm and elegant way. "Yes, ma'am." Pagsunod niya.
Nagtakip ako sa bibig ko dahil sa sayang nadarama, ano ba 'tong nararamdaman ko? Gusto kong maiyak? Masyado na ba akong feminine no'n? "Damn" Sabi ko. Hinampas ako ni Hades sa braso kaya napatingin ako sa kanya, "What was that for?" Takang sabi ko at hinawakan ang braso ko.
"You're taking her away from me." Pagmamaktol niya na namumula na ngayon. Maputi kasi siya kaya madali na lang siyang mamula ng ganyan. Nasabi ko ba na half korean and american ang lalaking ito? Hades Nam Lee ang buo niyang pangalan.
Sinimangutan ko na lamang si Hades at pumaharap ng tingin pero inilipat din kay Savannah na nakikipag-usap kaunti sa katabi niya.
Naningkit ang mata kong tinitigan siya. "I smell blood."