webnovel

Chapter XIX

"Lex-"

Sumulyap siya sa akin and our eyes met. Hindi ko alam kung naririnig niya yung malakas na tibok ng aking puso. Just staring at those jet-black eyes ay parang nanghihina na ako. That's his effect on me.

"Hmmn?"

Bigla ko siyang niyakap at naramdaman ko ang kanyang pagkagulat. Hindi kasi ako masyadong showy sa feelings lalo na at maY reservation ako dahil hindi pa ako nakakaalala. I felt like there is something holding me back. I'm afraid of the unknown.

"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong niya at sinilip ang aking mukha. Mas lalo akong nagsumiksik sa kanyang dibdib. Isang araw magiging adik na ako sa kanyang amoy. I just love smelling his minty scent. Lalaking-lalaki ang dating.

"Eevie?"

"I want you to be mine." There I said it. Ilang drum din ng lakas ng loob ang aking nilunok para masabi ko yun. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Ano kaya ang kanyang magiging reaksyon?

He chuckled. "I can't hear you. Umayos ka kasi. Ano ba kasi iyon?"

I mentally face palmed. Mas lalo na tuloy akong nahiya. Kung pwede lang ako lamunin ng lupa sa oras na ito. Kung pwede lang akong tumakbo palayo. Bakit ba kasi nasabi-sabi ko iyon. Pwede naman kung in-open up niya yung topic.

"Eevie? What is it? Tell me," tanong niya saka kumalas sa aking yakap. He held my face kaya nag-iwas ako ng tingin. Pupusta ako. Pulang-pula na ang aking mukha dahil sa hiya.

"Hmmmn. Kasi ano.." Nagbaba ako ng tingin. I can't do this. No, you can do it, my subconscious yelled at me. Kung sana ganoon naman kadali!

"If you're not comfortable to say it, it's okay. No worries. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Nga pala, saan mo gustong mag-dinner mamaya? I heard there is a seafood party in the neighborhood. Gusto mo pumunta?" yaya niya.

I shook my head and looked at him. I held his chin at saka tumitig sa kanyang mga mata. I want to read his reaction through his eyes. Wala ng hiya-hiya. If I dont do it now, kailan pa? Mas dumoble pa yata ang bilis ng tibok ng aking puso. I held his hand and nervously smiled.

"O baka gusto mo na ipagluto na lang kita. Ano ba ang ang gusto mo?" Mukhang naiilang pa siya sa aking ginawa. His ears were starting to get red. Ang cute cute niya tignan.

"Ikaw," I unconsciously answered. I bit my lower lip the moment I realized what I said. Ano ba naman yan! Humohokage na yata ako, eh.

"Huh?"

Nakahinga ako ng maluwag nang ma-realize na hindi niya masyadong naintindihan ang aking sinabi. Ngunit sa tingin ko ay ngayon na ang tamang oras para sabihin kung anoman ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman siguro ako mabilis. Yung mga iba nga ay ilang araw lang, eh. Hindi naman kasi nasusukat ang tunay na pagmamahal kung gaano kayo katagal. At alam ko naman sa aking puso na siya iyong matagal ko ng hinihintay.

Ibinaba ko ang aking kamay at saka huminga ng malalim. Mukhang naguguluhan na siya sa aking ikinikilos. Ako nga ay naguguluhan din, siya pa kaya. I held his hand and intertwined our fingers together. "Alexus, I want you to be mine. My mind could tell me a hundred reasons why I need you but my heart could tell you thousands. Nang dumating ka ay alam kong mag-iiba na ang lahat. Natatakot akong sumugal ngunit mas natatakot akong mawala ka na lang."

Mukhang hindi pa nagsi-sink in sa kanyang isipan ang aking sinabi. Ngunit biglang namilog ang kanyang mga mata.

"You're not joking, right? Sinasagot mo na ako?" hindi makapaniwalang aniya.

Umiling ako. Sino naman ang magbibiro ng ganoong bagay? Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay tumayo siya at nagsisisigaw. People looked at us ngunit wala man lang siyang pakialam. "This woman is already mine! Sinagot na niya ako!" masayang sigaw niya. Some clapped but some didn't care. Natawa na lang ako sa naging kanyang reaksyon. Para kasi siyang nanalo sa lotto. Ano bang nagawa ko to deserve this kind of man? He's too good to be true.

Hinila niya ako patayo at saka niya ulit ako niyakap. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Thank you. Thank you talaga. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi dahil sa desisyong mong ito but one thing is for sure. I'll make sure you'll feel happy and loved and I can only promise one thing. Mamahalin kita araw-araw. I love you, babe."

And with those words, my heart fell deeper for him. Alam ko salita lang ang mga iyon ngunit ramdam ko na sinsero siya. Kung noon may agam-agam pa ako sa kanyang motibo kasi nga kailan lang kami nagkakilala pero love is not about how long you know the person because you'll just feel it.

Time will not always be the test of love but the experience throughout the journey of your relationship. And love is about risking it all. If you're not brave enough to take, you'll always on the losing end. Kaya kung naramdaman mo na, then gamble. Kaya ganon na ang ginawa ko ngayon.

"I love you too, babe," sagot ko at saka nginitian siya.

Próximo capítulo