webnovel

Chapter I

THE sound of the continuous ringing of the doorbell woke me up. Napamura ako nang maramdaman kong parang mababasag ang aking ulo dahil sa sobrang hang-over. I could still smell the alcohol and cigarette on me from last night kaya mas lalong sumama ang aking mood. I lazily stood up at saka tinungo ang pintuan. Ganito na lang ba ang buhay ko? Sumilip ako sa peephole and the moment I saw my unwanted visitor ay napahilamos ako ng mukha.

"What?" inis kong tanong kay Heldra nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Ang aga-aga naman kasi nitong mambulabog at ngayon pang may hangover ako.

Before I got married, she was my steady girlfriend. I even asked her to be my mistress for a while hangga't hindi pa ako annulled sa aking asawa. Ganon ako kagago. She's my ex-girlfriend ngunit ang nakakatawa ay naging ninong ako ng kanyang mga anak. I thought hindi pwedeng maging magkaibigan ang dating magkarelasyon but here we are, the living proof. We were good friends back then so we decided to bring it back. Awkward noong una ngunit unti-unti ring nawala.

Minahal ko naman talaga si Heldra but Pierre deserves her more. But the main reason is, I realized that I love Eevie more than her so I let her go. Hindi ko naman siya pwedeng lokohin at paasahin na lang sa wala. She deserves to be treated fairly. Buti nga naalala ko pa yan para sa kanya ngunit sa sarili kong asawa.. I grimaced at the thought.

"Can you babysit Zander just for today?"

I raised my eyebrow asking her why.

"It's our anniversary kasi and sobra kasi kaming busy nitong mga nakaraang linggo," paliwanag nito.

"And Alexus, pwedeng maligo ka naman pagkatapos nating mag-usap? Amoy na amoy ko pa yung alak sa iyo, eh," utos nito while giving me a disgusted look. I looked at Zander and he gave me a warm smile ngunit bigla na lang itong nagtakip ng ilong.

I just sighed.

Okay lang naman sa akin na maiwan dito si Zander. Babysitting a four-year-old kid is not a handful at all. Hindi naman kasi ito makulit. Malambing nga ito kumpara sa ibang mga bata.

"I know, last night was your fifth wedding anniversary. Pero, Alexus, drowning yourself in alcohol or shitting your life will never be the answer to bring her back."

Kung wala lang si Zander ay pinaalis ko na ito. I don't need a nagging friend today. Alam ko naman iyon kahit hindi nila sabihin sa akin. But drinking was my way to escape the pain. Iyon na nga lang ang tanging paraan para makalimutan ko pansamantala na wala na siya sa aking buhay.

Zander suddenly ran inside my condo at saka binuksan ang aking TV. "Dada, do you have chocolates?" masiglang tanong nito sa akin. Nakasanayan na kasi nitong tawagin akong dada at wala namang problema sa mag-asawa iyon.

"No stock, kiddo," sagot ko. "But we will buy mamaya, okay?" ani ko nang makitang lumungkot ang kanyang mukha.

"Maligo ka na rin po," pahabol nito at saka ipinagpatuloy ang panonood nito ng cartoons.

Heldra handed me Zander's bag. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang tuwa. Mabuti pa siya samantalang ako andito parin nakakulong sa nakaraan. "Don't forget his vitamins, okay?" paalala nito.

"Baby? Mommy will go na. Behave, okay? Huwag mong papasakitin ang ulo ng dada mo," bilin nito sa anak. Zander just gave his mother a thumbs up because he's too busy watching kaya napailing na lang kaming dalawa.

"He's growing up too soon. Noon ay ayaw na ayaw niya akong mawalay sa kanyang paningin. I will go na, okay? Take good care of him, ha?"

"Ingat. Huwag mong alalahanin si Zander because he's in safe hands," I assured her.

"Alexus, nandito naman kami. Just reach out, okay?"

Nang mawala na siya sa aking paningin ay saka pa lang ako pumasok sa loob. Zander is quietly watching kaya tinungo ko muna ang aking kusina. I checked my fridge and cupboard pero napailing na lang ako nang makita ang laman. Couple of beers and instant noodles is not a good sight for babysitting a child. Napagdesisyunan kong maligo na lang muna at saka na lang kami kakain sa labas mamaya.

Sometimes, naiisip ko na ring mag-settle down kaso hindi ko pa nakikita ang babaeng makakapagbura sa pagmamahal ko sa kanya. Karma ko na rin siguro ito for hurting many women and breaking their hearts especially her. Hinayaan ko na lang na anurin ng malamig na tubig ang umuusbong na pagsisisi sa aking puso. Maraming 'sana' at 'bakit' ang tumatakbo sa aking isipan. Suddenly, memories of that day came crashing in. How I stupidly threw her love because of my freaking ego...

Próximo capítulo