webnovel

Bulong

"Bulong"

Madilim na ang paligid nang maalimpungatan ako mula sa pagkakatulog.

Lumingon ako sa bintanang nakabukas sa tabi lang ng kama ko.

Matagal kong tinitigan ang kurtinang tila sumasayaw habang inililipad ang parte nito ng malamig na hangin na pumapasok sa aking silid.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagkalito.

Nag umpisa nang mag lumikot ang aking mga mata, pilit akong naghahanap ng kahit kaunting liwanag sa paligid. Subalit wala talaga akong makita, kahit kudlit lang.

Kaagad akong tumayo mula sa aking hinihigaan, hindi na rin ako nag atubiling hanapin ang tsinelas ko sa lapag.

Nagmamadali akong gumapang para pumasok sa ilalim ng kama ko.

Naririnig ko pa ang pintig ng puso ko habang hinahabol ang sarili kong hininga.

Nang maramdaman ko ang unti unting pagbukas ng pintong kanina lang ay nakasara.

Isa...

Dalawa...

Tatlo.

Kagaya ng dati, tatlo pa rin sila.

Ipinikit ko nang mariin ang talukap ng aking mga mata habang kagat ang aking pang ibabang labi.

Natatakot akong kahit hininga ko ay marinig nila.

Nang marinig ko ang paghampas ng isang bagay sa pader.

Mabilis na umangat ang kanang kamay ko upang takpan ang aking bibig, mula sa impit na boses na kumawala mula rito.

Hanggang sa unti-unti, papalakas nang papalakas ang mga naririnig kong mga bulong nila.

Unti-unti ko na ring nararamdaman ang panginginig ng katawan ko.

Ayaw ko na—

Tama na—

Tama na—

Bulong ng isip ko habang nakatakip sa mga tenga ko ang dalawang palad ko.

Halos magsalubong na ang ang tuhod ko at baba mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig sa ilalim ng kama ko. Habang pinipigilan ko ang kusang panginginig ng katawan ko.

Mas lalo pa akong sumiksik sa gilid ng kama nang maramdaman ko ang unti unting pag uga nito hanggang sa bumilis—pabilis nang pabilis.

Pati na ang ang malakas na pagbukas at pagsara ng mga pinto ng mga kabinet ko sa kuarto.

Hindi ako aalis—

Dito lang ako.

Tama na.

Paulit-ulit.

pabalik-balik.

Nakapapagod—

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pag ragasa ng mga luha ko mula sa mata.

Tapos na—

Nakita ko na ang pagliwanag ng paligid.

Ngunit nanatili pa rin ako sa ilalim ng kama.

Habang umiiyak— noong una ay mga impit lang hanggang sa hindi ko na napigilan na lumakas ito.

Patawad, Ma.

Papa...

Mga bulong ko, kahit hindi ko alam kung naririnig nila ako.

Hanggang sa marinig ko ang boses ni mama.

"Sofia, anak manahimik ka na."

"Magpahinga ka na, anak," boses ni papa.

"Ipagdasal na lang ulit natin siya," wika ng kasama nilang matandang lalaki.

Muli ko lang niyakap ang mga tuhod ko habang walang humpay ang pag iyak.

Patawad po,

kung sana hindi ko kinitil ang buhay ko

hindi ninyo ako pipiliting umalis sa silid ko.

Dito lang po ako— wala po akong mapupuntahan.

🥀Anino