webnovel

Itay

Tay, ako na po" sabi ko sa matandang nagtutulak ng kariton.

Araw-araw ko siya nadadaanan dito, hirap na hirap na sa pagtulak sa kariton niya paakyat ng estero.

"Salamat anak" nakangiting wika niya.

At tinulungan ko na nga siya sa pagtulak.

Dahil sa madulas ang daan, nalihis ang gulong nito at tumama nang kaunti sa sasakyan na nakaparada sa gilid.

"HOY!" sigaw ng isang babae habang dinuduro ako.

" Ano iyan? Tatakasan ninyo? " galit na wika nito habang itinutulak ako.

"H-hindi po, igigilid ko lang po sana ang kariton" sagot ko sa kanya.

"Nakita ko na nga eh!" Muling sigaw nito.

"H-hindi po talaga namin sinasadya Miss" hinging paumanhin ko.

" Anong paumanhin? Bayaran ninyo iyan"  malakas na sabi niya, naging dahilan para dumami ang mga taong nakiki-usyuso.

"Pasensisiya na talaga Miss, madulas kasi ang daan" sabi ko ulit.

" Ang sabihin mo tatanga-tanga kasi kayo ng tatay mo, wala pala kayong pam bayad eh maninira kayo ng gamit ng iba" muling wika nito, habang dinuduro ang matandang kasama ko.

"Punasan ninyo iyang talsik ng putilk diyan" muling sigaw niya.

Agad naman ako naghanap ng maaring ipam-punas sa sasakyan niya.

"Anong hinahanap mo?" Muling tanong niya sa akin

"Basahan po Miss" magalang na wika ko.

"Basahan? Sa tingin mo papayag ako na madampian ng madumi ang sasakyan ko?" Muling sigaw niya.

"Tanggalin mo ang uniporme mo at iyan ang gamitin mo" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

" Huwag na Jun, ako na lang" sabi ng matandang kasama ko.

" Anong ikaw? Eh madumi pa damit mo kesa sa basahan ko! Hala! Tanggalin mo uniporme mo at punasan ninyo iyong putik sa sasakyan ko" galit pa rin na wika niya

Pinili ko na lang na sumunod, nahihiya na rin ako sa mga nanonood sa amin.

Pinunasan ko ang putik sa sasakyan niya gamit ang bagong laba ko na uniporme.

Naramdaman ko ang paghawak ng matanda sa braso ng matapos ako.

Sumakay na ang babae at iniwanan kami ng usok ng sasakyan niya.

"Ayos ka lang? Pasensiya ka na Jun" sabi ng matanda.

"Hayaan na po ninyo iyon 'tay" sabi ko habang tinutupi ang uniporme ko na puno ng putik.

"Paano nga po pala ninyo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko.

Tanging tapik sa braso ang isinagot niya at itinulak na namin ang kariton niya.

"Senyorito! Gising na po, mahuhuli po kayo sa klase" ito ang naririnig ko, naka bukas ba ang telebisyon? Teka, wala akong telebisyon. Mula nang mamatay ang magulang ko at mabenta lahat ng gamit para sa kanila, walang natira sa akin. Binubugay ko ang sarili sa pag-trabaho sa gabi at aral sa umaga.

"Senyorito! Ipinapatawag na po kayo ng inyong papa" muling sabi ng tao sa likod ng pinto.

Sinubukan ko na imulat ang mata at baka nananaginip pa ako.

Para lang magulat sa aking makikita.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili habang pinapasadahan ko ang magarbong silid at ang malaki at magandang kama na hinihigaan ko.

"Senyorito?" Muli ang katok sa pinto.

Napilitan akong bumangon kahit na kinakabahan.

"Hay! Salamat. Senyorito kain na po kayo, naghihintay ang inyong papa sa komedor" wika ng may edad ng babae.

"O-opo" tanging nasambit ko at lumabas na ng silid.

" Halika na Jun" wika ng matandang lalake na nakaupo sa pangunahing upuan sa hapag kainan.

Sinusubukan ko siyang kilalanin, ngunit ngiti lang ang kaniyang isinukli sa mga tingin ko.

Natakot ako na magtanong.

Ibinaling ko na lang sa pagkain ang aking sarili, lalo na at mga paborito ko ang nakahain.

Magkatabi kami ng matandang lalake, na ayon sa  kanila ay papa ko daw.

"Tonyo, idaan muna natin si Jun sa paaralan bago mo ako ihatid sa opisina" sabi nito sa driver ng sinasakya namin na kotse.

Nakatigil ang sasakyan namin marahil ay traffic na.

Nang mapansin ko ang mga nagsisigawan sa kalye.

Pamilyar ang mukha ng babae na nanduduro sa bata. Naalala ko ang babae kahapon, kahawig nito.

Pero imposible, dahil ang suot nito ay madumi. Iba sa itsura nag babae kahapon na naka postura.

Tinititigan ko pa rin siya hanggang sa umusad na ang sasakyan at makarating ako magandang eskuwelahan.

"B-bakit po tayo nandito?" Naguguluhang tanong ko.

"Dito ka na mag-aaral, hintayin mo mamayang hapon ang sundo mo" sabi nito, bago marahan na tinapik ang balikat ko.

Naguguluhan parin ako habang naglalakad papasok ng eskuwelahan.

Nang maalala ko ang gawi ng pagtapik niya sa balikat ko at ngiti.

"Tay?"

-Anino-

Próximo capítulo