webnovel

Turuan Mo Ako, Please

"Kuya, anong lulutuin mo?" tanong ni Gussion kay Gin habang nagbibihis ito.

"... Ramen nalang, matatagalan tayo kapag nagluto tayo ng masarap eh" sagot ni Gin kay Gussion habang naghahanda ng meryenda nila.

*******

"Ooorange streeeet,tapos, nuummberrr.. 14! Aha dito na siguro bahay ni Gussion" bulong ni Ezekiel sa sarili niya habang sumisilip sa bahay ni Gussion.

Habang nagte-training ang magkapatid na Sonata ay may naramdaman si Gin na sumisilip sa bahay nila na isang bata.

"Gussion, nararamdaman mo ba 'yun?" pabulong na sinabi ni Gin sa kanya.

"Oo kuya, ako na sisilip tutal bata naman 'yun" suggest ni Gussion at pumayag si Gin sa suggest nito.

Ng palabas si Gussion ng bahay ay sumigaw bigla ang bata at nagulat ito.

"Nandito ba si Gussion? GUSSIOOON!" bulong atsigaw ni Ezekiel at nagulat ang mag'kuya dahil pamilyar ang boses.

"Ezekiel, 'kaw ba 'yan?" tanong ni Gussion kay Ezekiel habang naka-sandal ang tenga nito sa gate ng bahay nila Gussion.

"Haha, nandiyan ka pala ehh. Oo si Ezekiel 'to, Gussion may sasabihin ako sa'yo" mahinahon na sinabi ito ni Ezekiel. "Pero buksan mo muna yung gate" suggest nito at binuksan ni Gussion ang pinto.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Gussion sa kanya.

"Gussion.." sabi ni Ezekiel at lumuhod ito. "Gussion, turuan mo ako pleasee, turuan mo ako mag-martial arts para 'di ako nabubully sa school, Gussion please turuan mo ako please please please please~" hiling ni Ezekiel kay Gussion habang naka-yakap ito sa tuhod niya at nginitian niya ito.

"Gussion.." tinawag siya ng kuya niya na nasa likuran lang niya.

"Kuya, ano? Payag ka ba?" tanong ni Gussion kay Gin tinitigan siya nito ng seryoso.

"... Ikaw, kung gusto mo" suggest ni Gin kay Gussion.

".. Gusto mo ba talaga?" tanong ni Gussion kay Ezekiel at nginitian niya ito.

"Haha oo naman!" sagot ni Ezekiel at ngumiti ito ng ngiting wagi.

".. Oh tara na pasok, tsaka.. Bumitaw ka na rin sa tuhod ko, para kang bakla ehh" sabi ni Gussion kay Ezekiel at nginitian nila ang isa't isa.

"Dun tayo sa likod namin, sa bakod" dagdag sabi pa ni Gussion.

Ng makapunta na sa likod ang tatlo ay namangha si Ezekiel dahil halos kumpleto ito sa gamit.

"Woahh! Ang ganda naman dito at. Ang lawak paa" bulong ni Ezekiel sa sarili niya.

"Magsi-simula ka muna sa basics, sa pag-akyat ng puno, tapos bababa ka. Pero bago tayo pumunta sa part na 'yun, kailangan mo muna matutong sumuntok ng malakas" sabi ni Gussion kay Ezekiel at pumunta ito sa punching bag habang pinapanood lang sila ng kuya nito. "Itong punching bag ang magiging first stage natin, kasing tigas ng buto ng tao ang punching bag na 'to, kaya dapat lakasan mo yung pagsuntok mo at 'wag kang manghinayang, 'gaya nito—" sumuntok si Gussion sa punching bag at nagsalita bigla ang kuya nito.

"Mali ka, kung tuturuan mo siya ng 'basics', dapat turuan mo muna siya kung papa'no ang posisyon kapag makikipaglaban na" sabi ni Gin habang palapit ito kay Gussion, "Ako na magtuturo" suggest ni Gin at umupo si Gussion sa upuan habang si Ezekiel naman ay patuloy na nakikinig, "Kapag makikipaglaban ka, dapat tinitigasan mo 'tong ang paa mo, pero bago 'yun. Stretching muna tayoo" dagdag sabi pa ni Gin at nagstretching silang dalawa habang si Gussion nagpapractice kung pa'no gumamit ng arnis, "Ok, 'yan gayahin mo ko, yuyuko ka ng kaunti at yung tuhod at paa mo kailangan mong tigasan" sabi ni Gin at lumapit ito kay Ezekiel. "Iyan, ganyan matigas na matigas dapat" dagdag sabi pa nito at bumong si Ezekiel.

"Ahhh nakakangalay" bulong ni Ezekiel sa sarili niya.

"Nakakangalay talaga 'yan, tapos yung kamay mo dapat nasa harapan ng ulo mo, nasa harapan ang kanan at nasa gitna ang kaliwang kamay at nasa likod ang mukha para masasangga mo agad yung suntok at sipa nila, dapat 'di masyadong mahigpit ang kamao mo, kase mangangalay agad 'yan, dapat kapag susuntok ka, straight 'di yung iiikot mo pa yung braso mo bago ka sumuntok, kapag 'yun ang ginawa mo mahina lang ang magiging resulta nun, tingnan mo susuntukin ko yung punching bag gamit ang hindi straight" sabi ni Gin at sinuntok nito ang punching bag, "oh, diba mahina" sabi ni Gin at tumango lang si Ezekiel sa kanya. "Ikaw, gawin mo" suggest ni Gin at lumapit ito sa punching bag at pumosisyon ito ng kagaya ng posiyon ni Gin.

"Oh, 'di ba mahina, kung susuntok ka ng straight, follow me; Pull and Push, Pull and Push 'yun ang gagawin mo, dapat magmumula dito, dito sa gilid ng katawan natin kase may puwersa 'yun, tingnan mo susuntukin ko yung punching bag gamit ang Pull and Push" sabi pa ni Gin at sinuntok niya ang punching bag at umatras ng kaunti ang puncing bag. "Oh, 'di ba umatras, ikaw naman gayahin mo yung ginawa ko" suggest ni Gin at sinuntok naman ni Ezekiel ang punching bag gamit ang Pull and Push tactics ng kuya ni Gussion habang naka posisyon ito ng 'gaya ng turo nito sa kanya.

"Woah oo nga umatras 'to kahit na walang buwelo yung pagsuntok ko" bulong ni Ezekiel sa sarili niya.

Habang nagte-training ang dalawa ay nagte-training rin si Gussion, kung papa'no gamitin ang mga sandatang gawa sa kahoy kagaya ng dagger, arnis, at iba pa. Dahil hindi pa pwede gumamit si Gussion ng totoong armas ay ito muna ang ginagamit niya at pinagpapraktisan niya ang dalawang kahoy na nasa kaliwa at kanan niya. Matibay ang pagkaka-gawa sa kahoy na 'yun kaya't hindi ito natutumba o nababali.

"Haaa... Haaa" hiningal ang dalawa matapos ang dalawang oras na pagte-training ng mga basics habang si Gussion ay nagte-training pa rin kung paano gamitin ang dagger.

"Kuyaa" tawag ni Ezekiel kay Gin at lumingon ito sa kanya. "Pwede bang araw-araw akong magpaturo sa'yo" hiling ni Ezekiel kay Gin.

"Sige ba! Pero bihira ko lang kayo matuturuan kase nag-aaral rin ako, si Gussion ang magtuturo sayo minsan kapag wala ako, marunong naman si Gussion, 'di lang siya marunong magturo ng mga basics haha, marunong ka na ba sa basics?" tanong ni Gin sa kanya at tumango nalang ito dahil nahihirapan silang magsalita kase hinihingal sila.

"Gussiooon!"

"Bakit kuya?!"

"Meryenda naa! Dito ka na rin magmeryenda para may lakas ka pag-uwi mo" suggest pa ni Gin kay Ezekiel at nginitian siya nito.

"Haha opo kuya"

salamat sa pagbabasa <3

MicroIsLifecreators' thoughts
Próximo capítulo