webnovel

Chapter six

"Gusto kong makilala mo ang tita Olivia mo. Ganu'n din ang step brother and sister mo. Ikinasal na kami noong nasa Boston pa ako." Paliwanag ng Daddy niya matapos na sabihan siyang lumapit.

"Papa, nagpakasal ka na?" Tanong ni Keiffer. Alam niyang huli na para magprotesta. Ano pa ba ang magagawa niya? Nandito na sila.

"Oo, Bakit may problema ba iho? Hindi naman siguro masama kung mag-asawa ako ulit. Besides, matagal ng wala ang mama mo at 'yun ay dahil sayo. Remember?" He said in sarcastic tone.

"Papa!" Tanging nasabi niya sa ama, tahimik na napatingin na lang s'ya dito.

Bakit ganu'n Papa? Bakit hindi ko alam na ito pala ang gusto mo. Bakit hindi mo man lang hiningi ang opinyon ko. Hindi naman ako tututol, Dahil gusto ko rin naman maging masaya ka! Kaya lang, Bakit ganu'n? Pakiramdam ko wala lang ako sayo! Sigaw ng isip niya, ito rin ang mga salitang gusto niyang sabihin sa ama. Pero hindi niya nagawa.

Nagulat pa siya ng magsalita ang napangasawa ng kanyang Papa sa tabi niya.

"Mukha naman siyang mabait. Sweetheart  sa tingin ko hindi naman ako magkakaproblema sa kanya." sabi nito, sabay lingon nito sa kanyang Papa at muling bumaling sa kanya at nagtanong.

"Hello, iho! Ilan taon ka na? Sabi ng Dad mo. Daniel Keiffer daw ang name mo. Anong gusto mong itawag ko sayo, Daniel ba O Keiffer? Masyado kasing mahaba ang Daniel Keiffer"

Nanatiling nakatayo si Keiffer at nakatitig lang sa babae, iniisip niya kung dapat  bang sagutin niya ito?

Nang biglang magsalita ang Daddy niya.

"Kinakausap ka ng tita Olivia mo, Keiffer! Magsalita ka huwag kang bastos, sumagot ka!" Sigaw ng Papa niya. Then he heard sudden commotion besides him. When he looked who make it the noise? Nakita niya ang dalawang anak ni Olivia na pinipigan ang pagtawa.

"Mag si-sixteen na po ako, bahala na po kayo kung anong gusto n'yong itawag sa akin. Pareho ko namang pangalan 'yon!" Pilit na sagot niya dito.

"Keiffer! Ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo!" His Dad shout at him in irritating voice.

"Hon, marahil naninibago pa sa akin 'yun bata kaya hayaan mo na!" Pagpapakalma pa nito sa kanyang ama.

Muli itong bumaling sa kanya at muling nagtanong.

"Kailan ba ang birthday mo iho? Magkaidad lang pala kayo ni Tricia!" Then she called Tricia.

"Tricia, Honey? Come over here, iha!" Lumapit sa kanila ang Tinawag na Tricia na hindi nalalayo sa idad niya. Maganda ito at maputi, balingkinitan ang katawan, mataas sa pangkaraniwang idad nito. Parang sa isang modelo ang aura. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, subalit pasimple s'ya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. He sighed at the moment.

"This is Patricia, just call her Tricia my younger and the other one, my eldest son. His name Michael Conrad, but we call him Mico." May pagmamalaki nitong pakilala sa mga anak. Hindi maipaliwanag ni Keiffer, kung bakit iba ang pakiramdam niya sa mga ito? Lalo na sa Micong ito, na kanina pa ang ngisi sa kanya na parang nakakaloko. Mas matanda ito sa kanila ng ilang taon, kaya sa idad nito ngayon binatang binata na ang itsura nito. Malaki  ang pangangatawan na mukhang alaga sa ehersisyo. Gwapo rin ito at matangkad. Bumagay pa sa kagwapuhan nito ang bahagya pa lang tumutubong bigote. Hindi man niya gusto, pero bahagya siyang nakaramdan ng pananaghili sa kaharap.

"Alam mo magsi-sixteen na rin si Tricia sa March 3, ikaw kailan ka naman?" Kunwa'y tanong nito, marahil kinukuha nito ang loob niya. But the fact is? Malamang na naka-pagresearch na ito tungkol sa kanya.

"Hindi po ba nasabi sa inyo ni Papa, kung kailan? Alam ko po kasi hinding-hindi niya 'yun makakalimutan, hindi ba Papa?"

He ask in sarcastic tone, he looked straight on his face, to see how he was reacts on what he said.

Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Olivia, habang nagpapabalik-balik ng tingin sa kanilang mag-ama.

Habang ang dalawang anak nito ay tila wala namang pakialam. Bumalik lang ulit ang mga ito sa kinauupuan kanina.

Bumaling muna ng tingin sa kanya ang kanyang Papa, bago ito nagsalita.

"S'yempre naman makakalimutan ko ba ang kaarawan ng nag-iisa kong anak? Feb. 14, Ang birthday niya!" Mariing sabi nito kahit alam ni Keffeir na hindi naman talaga ang kaarawan niya ang inaalala nito, kapag dumarating ang araw na iyon. Hindi ito nagsasaya, kun'di nagluluksa!

"Oh, Valentines 'yun hindi ba? At this coming Saturday na? Dapat pala magpaparty tàyo iho, Ano sa tingin mo sweetheart?" Olivia said.

Habang sa isip ni Keiffer, "akala niya siguro makukuha niya ang loob ko ng gan'un-gan'un lang.."

"Hindi na po kailangan, ok na po sa akin ang simpleng selebrasyon lang wala naman po akong bisita eh." Agad niyang sagot dito, bago pa man makasagot ang Papa niya.

"Ano ka ba iho? Birthday mo 'yon kaya dapat may party, ako na bahala sa lahat. Marahil dati wala sigurong nag-aasikaso at busy lagi ang Dad mo. Ngayong nandito na ako kaya ako na ang bahala, Okay? Siguradong hindi naman tatanggi si Daddy, hindi ba hon?" Pinalambing pa nito ang boses, sabay kapit ng braso sa kanyang Papa.

"Sige ikaw nang bahala! Gusto ko rin naman magpaparty tayo, para sa welcome party n'yo ng mga bata. Isabay na lang natin, para advance celebration na rin sa graduation nu'n dalawa." Lihim siyang napalingon ng marinig ang sinabi ng Papa miya.

Tama ba ang narinig ko? Bakit ganu'n, advance celebration nila? Ako dad kasali din ba ako sa selebrasyon na 'yan? Lihim niyang tanong na tanging sa isip niya lang kayang gawin. Kahit  lalaki s'ya hindi n'ya maiwasang maging sentimental.

"Sandali! Hindi ba sabi mo graduating na rin itong si Keiffer? Wow! Ang galing sabay-sabay pala sila gagraduated. Kung ganun dapat nga pala tayong magpaparty. Ano sa tingin mo iho?" Sabi nito na puno ng excitement, na akala mo sa akin nakasentro ang gagawing selebrasyon. Gayung alam ko naman na para sa kanila 'yun. Sinong niloloko nila!

"Sige po kayo na ang bahala. Doon po muna ako sa kwarto ko. Medyo napagod po kasi ako sa school kanina." Pagdadahilan ko gusto ko na kasing matapos ang usapang ito. Kahit hindi ko na nasabi ang tungkol sa Graduation.

"Bakit ka naman napagod? Puro aral lang naman ang ginagawa mo. Wala ka namang sinasalihang kahit anong sports sa school niyo. Nakakapagod na bang mag-aral ngayon? Hindi bale sana kung katulad ka nitong si Mico. Kasali siya sa Varsity sa school nila. Kaya natural na mapagod. Ano bang pinaggagawa mo ngayon?" Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sa akin ito. Pero nakaramdam ako ng bahagyang pagkairita. Ano bang ibig niyang sabihin..

"Wala po Dad! Napagod lang po talaga ako." Ang totoo gustong gusto ko na talagang umalis sa harapang ito. Iba na kasi ang pakiramdam ko. Parang gusto kong mainis, gusto kong magalit. Hindi ko naman ito dating nararamdaman. Pero bakit iba na ang pakiramdam ko ngayon?

"Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kalokohan sa school n'yo! H'wag na huwag mo akong ipapahiya. Naiintindihan mo?" Sigaw nito sa akin.

"Opo, Dad! Sabi ko na lang habang nakayuko. Ayokong makipagtalo sa kanya ngayon. Hindi ngayon!

"Sweetheart, hayaan mo na ang bata. Baka talagang napagod siya sa school." Sabi ni Olivia sabay baling sa akin.

"Sige na iho, magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa Daddy mo."

"Okay, sige magpahinga ka na.. Aasahan ko na pakikisamahan mong mabuti, ang tita Olivia mo at si Mico at Tricia. Maliwanag ba 'yun ha? Keiffer!" Sabi ng kanyang ama.

"Opo, Dad! Sagot niya ayaw na kasi niyang humaba pa ang usapan. Pagkatapos magpaalam tuloy-tuloy na siyang pumanhik sa itaas.

Pagdating sa kanyang kwarto. Pabagsak siyang nahiga sa kama. Dala ang inis, "bakit ganu'n siya, gusto ba talaga niya akong ipahiya sa bago niyang pamilya."  Bulong niya sa sarili.

Ahhh! Dapat sanay na ako sa ganito. Matagal na akong balewala lang sayo. Pero bakit gano'n? Mas masakit pala sa pakiramdam, na binabalewala mo ako sa harap ng ibang tao. To think na sa mga taong iyon pa, bakit Papa?

Iyon ang nasa isip niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Bigla siyang natigilan at agad na bumangon at naupo. Agad niya itong kinuha, kasabay sa pagkuha nito nalalag ang isang panyo mula sa kanyang bulsa.

Hindi niya ito pansin, ang tanging nasa isip lang sagutin ang tumatawag sa kabilang linya.

"Hello!"

"Bro! Punta kami d'yan ngayon. Sounds trip tayo" si Keith sa kabilang linya.

"Hindi pwede ngayon Bro! Nandito na si Daddy, kasama 'yun bago niyang pamilya sa ibang araw na lang saka badtrip din ako ngayon!" Sagot niya.

"What? Bro anong sabi mo? Sino kasama ng Dad mo?" Tanong ni Keith na nalilito.

"Yung bago niyang asawa at may bitbit pang dalawang anak" sagot niya.

"You mean, si tito Andrew nag-asawa ulit kelan pa bro? Parang hindi yata nabanggit ni Daddy 'yan ah, alam na kaya niya?" Si Keith.

"Ewan? Kung ako nga na anak ngayon ko lang nalaman eh! Pero sabi niya nagpakasal na sila habang nasa Boston siya, last month pa 'yun. Sabagay kahapon lang naman siya umuwi. Baka tinapos muna nila 'yun honeymoon. Bago nila naisipang ipaalam sa'kin. Ano sa tingin mo bro? I said in sarcastic tone.

"Hey! Bro, Are you okay?"

"T***ina Bro! Mukha ba akong okay? Ipinaramdam lang naman sa akin nang ama ko, na wala lang akong kwenta dito sa bahay sa mismong harap pa ng bago niyang pamilya. Ang saya diba?"

"Hey! Bro, relax lang ok? Gusto mo bang pag-usapan natin? Pupunta ako diyan." Pagkonsola pa ni Keith sa kanya.

"Ok lang ako bukas na lang siguro. Alam mo naman, na sanay na rin ako kay Papa. Minsan lang kasi nakakainis na."

"Sigurado ka?"

"Oo naman, bukas na lang tayo gumimik Sunday naman"

"Ok sige ikaw ang bahala, sabi mo 'yan ha?"

"Oo, sige na bro pahinga lang muna ako"

"Ok sige! Huwag mo na lang kasi isipin 'yung mga sinasabi ni tito. Ang isipin mo mahal ka nu'n, ikaw lang yata ang nag-iisa niyang kamukha." Ito ang huling sinabi ni Keith bago niya patayin ang linya. Kamukha? Alam niyang nagbibiro lang ito. Marami ang nagsasabi na mas kahawig niya ang kanyang Mama, mata lang ang nakuha niya sa kanyang Papa. Purong pranses ang kanyang lolo Damien namana nilang mag-ama ang abuhin nitong mga mata. The rest sa kanyang Mama na. Mula sa kulay ng balat, hanggang sa bahagyang pagkakulot ng buhok. Sobrang puti kasi ng kaniyang Papa at mapusyaw lang siya, idagdag pa ang nunal niya sa gilid ng ilong na katulad din ng sa kaniyang mama.

Mahihiga na sana siya ulit ng may mapansin siyang panyo sa ibabaw ng kama. Saglit siyang napaisip kung kanino ang panyo? Nang bigla niyang maalala ang nangyaring insidente kanina.

Sa isip.. "Nahawa yata ako ng kamalasan sa babaing 'yun!" Naalala niya kung paano siya nito sinigawan kanina. "Ang ganda pa naman n'ya. Pero ang sungit naman, bakit kaya siya umiiyak? Sayang kailangan pa naman niya. Itong panyo kanina." Muli niyang pinagmasdan ang panyo at binasa ang nakasulat dito.

"Paano ba 'yan hindi na kita maisosoli sa babaing 'yun kaya sa akin ka na. Mukhang kailangan din kita. Pwede bang sa akin ka na lang? Iniwan ka na niya. Kapag pinalad at nagkita kami ulit ng babaing 'yun, saka na lang kita isosoli. Parang baliw na kunwari kinausap pa n'ya ito."

Malayo na ang itinatakbo ng kanyang isip nang may kumatok sa pinto..

"Huh! Sino 'yan?"

"Ako ito anak! Pwede ba akong pumasok?"

Si Papa, tama ba ang narinig ko? Tinawag ba niya akong anak O halusinasyon ko lang, nabibingi na ba ako?

"PAPA!"

* * *

LadyGem25

Próximo capítulo