webnovel

C-83: THE PRETENDERS 2 (The real Amara)

"Dito na lang po ako Kuya sa tabi na lang po!"

Handa na sana siyang bumaba matapos iabot ang bayad sa taxi driver ng bigla niyang maalala na wala siyang masasakyan pabalik.

"Ah' Kuya p'wede bang pahintay na ako sandali magtatanong lang po ako sa loob. Magdadagdag na lang po ako ng bayad."

"Sige po ma'am kayo po ang bahala, nandito lang po ako!"

"Okay sandali lang..." Agad na siyang tumalikod at lumapit sa may gate...

Wala kasi siyang nakikitang dumaraan na pampasaherong sasakyan maliban sa taxi cab at private vehicles.

P'wede naman sana siyang tumawag ng service cab o kaya ay sa Grab. Ang problema wala siyang cellphone.

Kanina pa niya napansin sa Bus pa lang na wala ito sa kanyang bag. Siguro kung saan niya ito naibaba, habang kausap niya ang nurse kanina.

Dahil sa pagmamadali hindi na niya ito nagawang damputin. Hindi na nga niya maalala kung saan ba niya ito nailagay. Pero hawak niya ito kanina, sayang iyon pa naman ang cellphone na bigay ni Joaquin sa kanya noong nasa Venice pa sila. Natatandaan pa niya ito.

Parang nanariwa pa sa kanyang alaala ang mga kaganapan na magkasama sila, na para bang sa pakiramdam niya kahapon lang ito nangyari o kanina lang...

Pero sa isang banda naisip niya mabuti na rin na hindi niya ito nadala. Dahil baka ito pa ang maging dahilan para ma-trace siya ng mga ito.

Hangga't maaari ayaw muna niyang bumalik.

Hangga't hindi niya nakikita si Amara at nalalaman kung ano na ang nangyari sa mga ito?

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya hindi niya alam kung saan siya magsisimulang balikan ang dati niyang buhay. Gusto rin niyang malaman ang dahilan kung bakit ito nagpapanggap bilang siya. Ginagamit pa nito ang pangalan niya at kung bakit hindi ito nagpakilala sa kanya noong una pa lang...

Alam niyang maaaring nakilala na siya nito noong unang araw pa lang ng muli silang magkita.

___

Paglapit niya sa gate sumalubong agad sa kanya ang gwardya.

Alam niyang masyado pang maaga halos mag-aalas syete pa lang umaga. Pagkababa kasi niya ng Bus agad siyang sumakay ng taxi at nagpahatid ng Alabang. 

Medyo nag-alangan pa siyang   magtanong, ngunit nauna na itong magsalita.

"Good morning po Ma'am kayo pala... Bakit wala po yata kayong service?" Saglit pa ito luminga at tumingin sa taxi na sinakyan niya.

"Ha' ah' naka-taxi lang kasi ako." Medyo atubili niyang sagot. 

"Bakit nag-iisa po kayo hindi n'yo po kasama sila Sir Joseph?" Wika pa nito.

Bagay na nakapagpalakas ng kanyang loob, ibig sabihin kilala pala siya nito. Hindi lang siya sigurado kung ito rin ang guard na naka-assign dito noong unang beses na napunta siya dito.

Ah' hindi na iyon mahalaga, dahil mas mahalaga ang sadya niya kung bakit siya narito ngayon?

"May pinuntahan lang kasi ako na dito rin sa loob ng Village malapit lang dito kaya naisipan kong dumaan. May itatanong din kasi ako kay Tita Madz. Nariyan ba siya ngayon?" Saad niya na may kasamang pagkukunwari.

"Naku ma'am, magtu-two weeks na po na wala dito si Madam. Hindi po ba kayo na-inform ni Sir? Ang alam ko po alam ni Sir Joseph nang umalis si Madam kasi sila po ang naghatid kay Madam sa Airport eh'."

"Ah' ganu'n ba? Baka hindi ko lang naintindihan ang Sir mo. Eh' kailan naman kaya ang balik niya?" Dagdag pa niyang tanong.

"Baka po matagalan pa Ma'am, sabi po kasi ni Madam baka 3 to 6 months pa silang mananatili sa France. Baka nga po abutin pa ng taon kasi isa din po si Madam sa napiling magsponsor ng damit sa Miss Universe." Wika pa nito na may kasamang pagmamalaki sa naturang amo. 

Ngunit isang salita lang ang tumimo sa isip niya...

"Sila, kasama ba niya si Mandy?"

"Ay! Hindi po Ma'am matagal na po umalis si Ma'am Mandy. Bago pa bumiyahe si Madam. Kasama na nga po niya umalis si Kisha eh' at si Ate Yoly." Dagdag pa nito.

"Kisha, sino si Kisha?" Nalilito niyang tanong.

"Si Kisha po 'yun anak ni Ma'am Mandy!"

"A-anak may anak na si Mandy?" Gulat na tanong niya.

"Opo Ma'am hindi n'yo po ba alam, may anak na po siya si Kisha. Ang cute po ng batang 'yun nakakatuwa siya, tuwang tuwa po kaming lahat sa batang iyon. Lalo na po si Madam, siya nga po ang libangan sana namin dito. Kaya lang kinuha na po siya ni Ma'am Mandy."

"A-alam n'yo ba kung saan sila lumipat?" Tila ba lalo lang siyang nasabik na makita ito agad. Dahil sa nalaman tungkol sa anak nito. May anak na si Amara totoo ba ito?

Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ngayon lang niya nalaman na marami na pala talaga siyang hindi alam na mga nangyari sa kanyang kapatid.

Bigla tuloy niyang naalala ang anak na si VJ ang anak na inalagaan niya sa mga panahong wala siyang maalala.

"Hindi po eh' si Madam lang po ang nakakaalam. Hindi naman po nagkukwento si Madam tungkol sa kanya dito sa bahay. Papunta punta lang po kasi 'yun dito. Madalas iniiwan lang po ang bata at 'yun yaya tapos umaalis na. Madalang lang po s'yang magstay dito." Nagulat pa siya ng muling magsalita ang guard. Tila ba nawalan rin siya ng pag-asa dahil sa sinabi nito.

"Ah' Ma'am hindi na po pala kayo pumasok?"

Tila ngayon lang din nito naaala na kanina pa sila nag-uusap lang sa labas.

"Hindi okay na ako dito, baka hindi na rin ako magtagal. May naghihintay kasing taxi..."

Bahagya pa niyang nilingon ang taxing sinakyan. Mabuti na lang at naroon pa rin at naghihintay sa kanya.

"Ganu'n po ba Ma'am wala po ba kayong kailangan? Paano po ba 'yan wala po dito ang hinahanap n'yo baka meron po kayong ibibilin? Sabihin n'yo na lang po!"

"Ah' ano wala ba silang number na p'wede kong tawagan? Kahit sino sa kanila si Tita Madi o si Mandy?"

"Naku po Ma'am hindi naman po namin alam ang cellphone number ni Madam siya po kasi ang kusang tumatawag dito sa bahay. Pero sigurado po ako si Sir Joseph alam po 'yun. Bakit hindi n'yo na lang po itanong kay Sir?"

Daig pa tuloy niya ang nagmukhang tanga na walang alam sa harap ng gwardiya. Kaya tuloy parang nagdalawang isip na s'ya na kulitin pa ito. Baka makahalata na ito sa kanya?

"Ah' ganito na lang, p'wede bang hingin ko na lang ang number n'yo dito sa bahay? Ako na lang ang tatawag dito paminsan minsan para alamin kung sakali man na bumalik na dito si Mandy. Okay lang ba? Narito kasi ako sa Maynila ngayon. Baka hindi pa kami magkita ni Joseph. Naiwan ko naman kasi ang isa kong cellphone sa bahay. Doon kasi naka-save ang mga number nila."

"Ganu'n po ba? Oo naman po sandali lang isusulat ko na lang po sa papel. Hindi ko po kasi kabisado." Mabuti na lang hindi ito nag-insist na idikta na lang sa kanya. Malalaman pa nito na wala siyang dalang cellphone.

"Siya kasi talaga ang gusto kong makausap at saka p'wede bang kung sakali na mapunta siya ulit dito. Pakisabi naman sa kanya na, hinahanap siya ng kapatid ni Amara. Alam na niya kung sino 'yun?" Dagdag na wika pa niya.

"Ah' sige po Ma'am, hindi na po ba talaga kayo papasok? Baka hindi pa po kayo nag-aalmusal?"

"Ah' hindi na tutuloy na rin ako, maraming salamat na lang..."

Bigla niyang naalala na hindi pa nga siya nag-aalmusal, ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura. Ngunit hindi naman iyon ang ipinunta niya dito.

"Ah' okay po Ma'am ingat na lang po kayo!" Sinabayan pa nito ng ngiti. Kaya nakahinga na rin siya ng maluwag, kahit paano. Sana'y hindi ito nakahalata na nais lang talaga niyang magtanong.

___

Nakasakay na siya sa sasakyan ng muli siyang magmuni-muni.

"Amara nasaan ka na ba, saan na kita hahanapin ngayon?"

Ayaw na niyang bumalik ng Batangas. Hindi naman p'wedeng humingi siya ng tulong sa mga iniwan niya. Hindi, hangga't hindi pa niya nakikita si Amara.

Bukod pa sa nahihiya talaga siyang humarap sa mga ito. 

Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya lalo na nitong huli. Ano pa bang mukha ang ihaharap niya?

Sinira na niya ang tiwala ng taong naging ama-amahan niya sa loob ng mahigit limang taon.

At ang pagpapaasa niya sa taong wala namang ginawa kun'di mahalin siya pero binigo niya ito.

At ang lalaking gusto niyang ipaglaban ngunit hindi niya magawa. Dahil sa kumplikado nilang sitwasyon.

Kahit pa nga mahal na mahal niya ito.

Kung meron mang labis na nagpapahirap ng kanyang kalooban sa kanyang pag-alis. Iyon ay ang pag-iwan niya sa batang inalagaan niya sa loob ng mahigit sa limang taon.

Magmula ng bumalik siya mula sa Venice mula pa kagabi hindi na niya ito ulit makakatabi sa pagtulog. Sana lang hindi ito gaanong mahirapan sa kanyang pagkawala.

Kapag maayos na siya kapag nabuo na niya ang sarili niya at kapag kakayanin na rin niya ang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kapag hindi na siya kailangang matakot na mag-isa.

Babalikan niya ang lahat kapag hindi na siya kailangang umasa pa sa mga ito. Isang araw babalik rin siya babalikan niya ang lahat. Hindi bilang si Angeline o si Angela.

Babalik siya bilang si Amanda Ramirez!

"Ma'am saan ko po ba kayo ihahatid ngayon?" Tanong ng driver na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Pakihatid mo na lang ako sa South Mall. Doon na lang ako bababa!" Wika niya.

Pagkababa niya sa Mall bumili agad siya ng cellphone. Bago siya nagpasyang kumain ng almusal.

Mabuti na lang meron pa siyang dalang cash kahit paano. Pero limitado lang ito alam niyang kakailanganin na niya ang panggastos sa susunod.

Hindi naman siya p'wedeng magwithdraw sa Banko ngayon. Dahil sigurado s'yang ipapatrace ng mga Alquiza ang mga account niya sa banko o kahit saan upang makita s'ya.

Kaya't hindi siya maaari gumamit ng pera alin man sa mga account niya bilang si Angela.      

Meron naman talaga siyang pera sa Banko alam niya natatandaan pa niya. Sarili niya itong pera na kinikita niya sa pagbebenta ng cake.

Tama nagbebake siya ng cake ito ang trabaho niya. Ito rin ang pinag-aralan niya at saka wala pang isang Linggo ang nakaraang Graduation nila ni VJ.

Nagpapasalamat siya na hindi niya nakalimutan ang mga nangyari sa kasalukuyan niyang buhay. Subalit tila yata medyo kumplikado at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguan.

Magulo pa ang isip niya ngunit gusto muna niyang i-focus ang isip sa paghahap kay Amara at kapag nakita na niya ito at ang kanyang Mamang. Kasama n'ya ang mga itong haharap sa mga Alquiza upang humingi ng tawad at magpasalamat.

_____

ALQUIZA RESIDENT

"Ano, anong ibig mong sabihin? Sandali hindi ko maintindihan paanong mangyayari 'yun, hindi ba kasasabi mo lang namatay na ang inyong ama?"

Nagtatakang saad ni Joaquin na labis ring naguguluhan sa  sitwasyon.

"Hindi siya ang aking ama! Pero lumaki kami na iisa lang ang kinikilalang Ama." Wika ni Amara.

"Kung ganu'n magkaiba kayo ng Ama? A-alam ba ni Angela na magkaiba kayo ng Ama?" Muling tanong ni Joaquin.

"Hindi wala siyang alam ayaw ng Papang at Mamang na malaman niya, ayaw nilang malaman pa namin ang totoo. Ang gusto ng Papang siya lang ang kilalaning Ama ni Ate Amanda. Kaya't hindi nila sinabi sa amin ang totoo. Para magkaroon kami ng tahimik na buhay. Pero hindi iyon nangyari dahil sa kasamaan ni Anselmo! Kinuha niya sa amin ang lahat wala na siyang itinira. Napakasama niyang tao, wala siyang kasing sama!" Muli na namang bumabangon ang galit sa dibdib ni Amara ng mga oras na iyon.

"Huminahon ka hija, mabuti pa uminom ka muna!" Iniabot sa kanya ni Liandro ang tubig sa baso na ipinakuha niya kay Manang Soledad.

"Huh' Tito Maru' bakit po kayo umiiyak saka bakit gan'yan ang face mo? Kamukha mo na 'yung babaing pasaway na si Tita Mandy!" Nagtatakang saad ni VJ ng makita nito ang pagbabago sa itsura ni Maru'.

"VJ Anak doon ka muna kay Yaya Didang mo, mamaya na lang tayo mag-usap, okay?" Saad ni Joaquin sa anak para hindi na ito makagulo pa sa pag-uusap nila.

Ngunit...

"Papa!" Namimilog ang mga mata nito ng makitang naroon na ang Ama. "Kasama mo na ba si Mama, Papa? Ah' alam ko na baka nagluluto na si Mama ng breakfast, Mama..." Tuwang-tuwa na sigaw nito at dere-deretso itong pumunta ng kusina sa pag-aakalang makikita doon si Angela. Nasundan na lang nila ito ng tingin.

Tila kinurot ang puso ni Joaquin sa nakitang reaksyon ng anak. Gusto sana niya itong sundan at yakapin. Ngunit pinigilan muna niya ang sarili.

Saglit siyang pumikit upang pigilan ang emosyon at tila gusto ring magngalit ng kanyang mga bagang sa pagkadismaya. Dahil sa mga nangyayari, alam niyang masasaktan ang kanyang anak sa oras na mabatid nito na wala si Angela.

"Hayaan mo na ako na ang bahalang kumausap sa kanya." Mungkahi ni Manang Soledad sabay tapik nito sa balikat ng binata.

"Sige po Nay, kayo po muna ang bahala. Kakausapin ko na lang po siya mamaya.

___

"Dad, wala pa rin bang tumatawag sa mga tao ni Ninong Serafin?" Tanong ulit ni Joaquin kay Liandro.

"Kalma lang anak makikita rin natin siya sigurado naman na ginagawa ng Ninong Serafin mo ang lahat." Saad nito.

"Ang inaalala ko lang po, kailangan maunahan natin si Anselmo na makita si Ate Amanda."

"Oo hija gagawin natin ang lahat para mangyari 'yan!"

"Liandro! Ano na ang nangyari nasaan na si Angela?"

Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

Humahangos na lumapit si Dr. Darren ng makita sila nito na nasa salas ng bahay. Kasunod nito ang anak na si Dorin. Halos wala pa itong tulog ng buong magdamag.

Agad na silang dumeretso sa bahay ng mga Alquiza. Pagkagaling nila ni Dorin sa Maynila. Nalaman na lang nila na may masamang nangyari kay Angela.

Kagabi pa sana sila babalik ng Batangas subalit may Emergency sa Ospital. Kasalukuyan silang nasa St. Paul Hospital nang mga oras na iyon.

Nang isang pasyente ang kinailangan nilang operahan kaya't hindi sila agad nakaalis.

Kaya't ngayon lang sila nakarating halos tatlong oras pa silang nagb'yahe mula Maynila hanggang dito sa Batangas.

"Kumpadre mabuti at narito na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay."

"Sandali Tito, sinong... Maru'?"

"Maupo muna kayo para makapag-usap tayo ng mabuti. Maupo ka hija..." Si Liandro.

"Pero Tito nasaan na ba si Angela bakit narito kayo lahat sabi n'yo nasa Ospital si Angela. Sino ang nagbabantay sa kanya ngayon at saka ano naman ang nangyari sa isang ito?" Sabay turo nito kay Amara.

"Huminahon ka lang hija..."

"Wala na si Angela sa Ospital nawawala siya kanina pang madaling araw!" Saad ni Joaquin.

"Ano, paanong nawawala anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ulit ni Dr. Darren.

"Lahat kami nagulat umalis siya ng walang paalam. Pero sobra kaming nag-aalala sa kanya ngayon. Dahil sa sitwasyon!"

"Anong ibig n'yong sabihin, hindi n'yo man lang nalaman kung bakit siya umalis?"

"Ang totoo dalawa ang bagay lang ang pinag-babasehan namin na posibleng nangyari... Either umalis siya dahil may nangyari o may kumuha sa kanya sa Ospital?"

"Paanong? Kung hindi kayo sino naman kukuha sa kanya?"

"May humahabol po kasi sa amin Ninong kaya kami naligaw at bago pa s'ya nawalan ng malay!"

"Kung ganu'n pala bakit narito pa kayo at hindi naghahanap? Paano kung may masama ngang nangyari sa kanya. Ipinagbigay alam n'yo na ba ito sa mga pulis, Liandro?"

"Bago ka pa naparito ginawa na namin ang dapat gawin! May mga naghahanap na sa kanya ngayon. Ang gusto namin malaman ngayon kung may posibilidad bang bumalik na rin ang alaala niya kaya siya umalis ng hindi nagpapaalam?"

"Bakit n'yo naman nasabi ang gan'yan Tito anong basehan at naisip n'yo na mangyayari 'yun?" Si Dorin na nagtataka.

"May nangyari kasi na kakaiba sa kanya ng gabi na naligaw kami. Kaya siya nawalan ng malay. Dahil takot na takot s'ya nu'n, hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang siyang nagwala. Ang natatandaan ko nagsimula siyang maligalig noong tinutukan kami ng baril ng mga taong humahabol sa amin. Tapos lalo siyang nagwala noong mapunta kami sa liblib na lugar. Ang buong akala ko normal pa 'yon, dahil natural lang naman sa kanya na matakot. Pero nang tumagal hindi ko na siya makontrol parang hindi na niya ako kilala. Kaya nga kahit mahirap para sa'kin kinailangan ko pa siyang sampalin para lang tumigil siya sa pagwawala."

"Pero teka bakit naman may humahabol sa inyo, bakit ano 'yun holdaper, carnaper ano?"

"Ngayon lang namin nalaman ang totoong dahilan! Kaya nga po kami nag-uusap usap ngayon dito. Dahil may natuklasan kami sa babaing iyan!"

"So totoo pala ang hinala ko hindi ka pala bakla totoong babae ka!" Si Dorin na hindi na natiis na hindi kumibo.

"Babae siya at hindi siya si Mandy, siya si Amara!" Saad ni Joaquin.

"Amara naman ngayon? Pambihira naman, hindi ba ikaw rin si Maru' so baka bukas iba na naman ikaw na si Petra o hindi kaya si Delilah ano ba talaga ha'?!" Bulalas ni Dorin na hindi napigilan ang sariling magpatutsada.

Saglit na pumikit si Amara at huminga ng malalim parang gusto na niyang panghinaan ng loob.

Bakit ngayon pa? Ngayon na higit niyang kailangan ang lakas ng loob. Ang hirap pala kapag ang lahat ay nakatutok sa'yo at alam mong uusigin ka sa kasalanan na hindi mo sinadyang gawin nang walang dahilan.

Pero handa siyang tanggapin ang lahat, kung ito ang kaparusahan sa nagawa niyang pagkakamali.

Handa siyang gawin ang lahat at magpakumbaba para sa kabutihan nila ni Amanda. Dahil alam niya na malaki ang maitutulong ng mga ito para sa kanilang magkapatid.

Dahil sila na lang dalawa ngayon wala nang ibang tutulong sa kanila para labanan si Anselmo.

Kailangan nila ng makakapitan...

"Ako na talaga si Amara ang totoong Amara, maniwala man kayo o hindi totoo ang sinasabi ko. Hindi na ako nagkukunwari... Kristel Amara Ramirez ang tunay kong pangalan. Kung kailangang ipakita ko ang birth certificate ko sabihin n'yo lang at Amanda Ruth Ramirez naman ang tunay na pangalan ni Angela siya ang tunay na Amanda."

"A-ano, kapatid mo si Angela totoo ba ang narinig ko?"

"Hindi ko alam kung maiintindihan n'yo ako sa sasabihin ko? Pero sana h'wag n'yo muna akong husgahan ngayon, nakikiusap ako..."

Halos ang lahat ng naroon ay nabaling sa kanya ang atensyon.

"H'wag mong sabihin na meron ka pang hindi sinasabi?" Bigla na namang tumaas ang boses ni Joaquin dahil sa pagkabahala. Ngunit muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bago namatay ang Mamang pinalabas niya na ako si Amanda. Noong una hindi ko siya maintindihan kung bakit niya iyon ginawa? Dahil siguro bata pa ako noon kaya hindi ko siya naiintindihan. Galit ako sa ginawa niya dahil kinailangan kong magpanggap na si Ate Amanda. Dahil doon ako ang kinikilalang anak ni Anselmo. Ang buong akala niya ako talaga si Amanda. Kaya hindi niya ako sinasaktan, ngayon ko lang lubos na naintindihan kung bakit niya iyon ginawa ng Mamang? Gusto lang niyang maprotektahan kami ng sabay at para din pareho kaming manatiling ligtas. Pero nagkamali ako ang akala ko kasi kakayanin kong ang mag-isa. Sobra akong nagalit kay Amanda sinisisi ko siya sa lahat. Dahil sa maling akala at sa pag-aakala ko na nagpapanggap lang siya na ibang tao. Kaya't sinamantala ko ang pagkakataon sa pamamagitan rin niya hinangad ko na makaganti kay Anselmo at bawiin ang lahat ng kinuha niya sa amin sa lahat ng ginawa niya. Ang totoong dahilan kung bakit gusto ni Anselmo na makita siya ay dahil ang alam ni Anselmo siya ako, si Amara!"

"Ano ang ibig mong sabihin ipaliwanag mo?!"

"M-may, may ginawa ako na ikinagalit ni Anselmo. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabawi namin ang lahat sa kanya at makaganti sa kasamaan niya! Siguro dahil gulong gulo rin ang isip ko. Ang gusto ko lang ay makaganti, makaganti ako sa kanilang dalawa! Kaya't naisip ko na kung malalaman lang niya na ang masasaktan niya ay ang mismong sarili niyang anak ay mas magiging masakit na paghihiganti iyon sa kanya! Pero alam ko na ngayon na nagkamali ako hindi ko na sana siya dapat idinamay."

"Ang sama mo, alam mong kapatid mo pa rin siya at hindi mo 'yun mababago!"

"Alam ko, kaya nga alam ko na nagkamali ako! Saka hindi ko rin pala kakayanin na makita siyang nasasaktan. Bukod doon hindi ko rin alam na nagkasakit siya, ang buong akala ko nagkukunwari lang siya. Kaya nga labis kong pinagsisisihan ang nagawa ko... K-kahit alam ko na anak siya ng taong pumatay sa aking ama at sa aming ina!"

"Punong puno ka ng galit hija pero sa palagay ko kahit ang mismong Ama mo. Hindi niya gugustuhin na paghigantihan mo ang sarili mong kapatid. Dahil kung hindi siya mahalaga sa iyong Ama. Marahil hindi niya ito bibigyan ng pangalan..." Si Dr. Darren na nais makisimpatya.

"Tama po kayo hindi lang siya basta binigyan ng pangalan ng Papang ko. Hindi siya kailan man naging iba sa paningin ng Papang. Dahil mahal na mahal niya si Ate Amanda!"

Si Darren ng mga sandaling iyon ay nagtataka rin sa sarili. Kung bakit bigla siyang nagkainteres sa mga kwento ng dalaga.

"Isa ka rin pa lang Ramirez nakakatuwa namang malaman na parehas pala tayo ng last name. Hindi kaya kamag-anak rin kita hija?" Biro pa nito.

"Papang naman hindi lahat ng Ramirez ay kamag-anak natin. Maraming Ramirez sa buong mundo!" Si Dorin ang tila tutol sa naisip ng Ama.

"Ito namang anak ko masyadong seryoso. Anyway hija ano ba ang pangalan ng parents mo at taga saan ba kayo?" Muling baling nito kay Amara.

"Ang Mamang ko po ang taal na taga Iloilo pero ang Papang ko ay taga Maynila."

"Taga Maynila ba kamo ang Papang mo?"

"Opo hinahanap po namin ang mga kamag-anak ng Papang sa Maynila pero hindi namin sila makita. Iyon din po ang dahilan kung bakit napunta dito si Ate Amanda."

"Sabihin mo a-ano ang pangalan ng Papang mo?!" Tila kinabahan si Dr. Darren ng mga oras iyon.

"Bakit n'yo po gustong malaman hindi n'yo na po makikilala ang Papang ko. Dahil matagal na po siyang wala." Biglang nalungkot ang itsura nito ng mga sandaling iyon ng maalala ang amang si Darius...

"Just say it, I want to know!"

"Okay baka sakali ngang kilala n'yo ang Papang ko?" Wala sa loob niyang saad.

"Ang buong pangalan po niya ay DARRYL MATTHEW RAMIREZ pero ang ginagamit po niya ay ang pangalan ng kakambal niya na si DARIUS LEWIS RAMIREZ!"

"OH' MY GOD!"

"JESUS! A-ANAK KA NI DARRYL AT ANNABELLE?"

"HUH' BAKIT N'YO PO ALAM ANG PANGALAN NG MAMANG KO KILALA N'YO PO BA SILA?!"

Nagtatakang tanong niya na hindi makapaniwala at natutop na lang niya ang bibig ng maisip ang posibilidad.

Ngunit tanging mahigpit na yakap ang naging sagot ni Darren sa tanong ng anak ng nag-iisa at pinakamamahal nitong kapatid.

Kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata na hindi na napigilan pa...

*****

By: LadyGem25

Halo...

Narito na ulit ang ating update sa mga gising pa d'yan basa na...

Ako matutulog na! HAHAHAHa

Sana magustuhan n'yo ulit ang chapter na ito. Hanggang sa susunod ulit!

Tiyaga tyaga po sa paghihintay darating din tayo sa dulo?

Maraming salamat sa pagbabasa at suporta nin'yo...

BE SAFE ALWAYS EVERYONE AND GOD BLESS SA ATING LAHAT!!

SALAMUCH!

MG'25 (12-4-20)

=Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

=Like it ? Add to library!

LadyGem25creators' thoughts
Próximo capítulo