webnovel

Realizing the Truth

Kasalukuyang kumakain si Joaquin at Russel sa dining area, dito naisipan ni Joaquin na maglunch ngayong araw. Medyo naiinip na rin kasi siya sa loob ng kanyang kwarto. Parang may gusto siyang gawin na hindi niya maintindihan. Parang may hinahanap na hindi makita, ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang pagkainip.

He feel so empty.

'Yon ang nararamdaman niya? After 5 years.. Ah, hindi! Buong buhay niya parang walang laman.

Ngayon niya naisip, ano bang halaga ng lahat ng ito? Kung hindi siya magiging masaya. Naging matagumpay s'ya sa lahat, maliban sa kaligayahan.

Pero meron siyang anak. Bulong ng kanyang isip, Ah.. Anak? Meron ba talaga siyang anak, anak nga ba niya ang batang 'yon? Bakit ba sumasalit sa isip n'ya ang batang 'yun, nitong huli.

Paano ba siya magiging ama dito, paano siya magiging mabuting ama? Kung sa tuwing makikita niya ang batang 'yon maaalala lang niya ang ina nito. Ito rin ang nagpapaalala sa kanya ng tagpong iyon na hanggang ngayon buong-buo pa rin sa isip niya. Ang panloloko ng walanghiya nitong ina.

Malayo na ang nalalakbay ng kanyang diwa ng magtanong si Russel sa kanya at magkwento ng tungkol sa babae ng kanyang papa. Hindi man niya gusto pero biglang nag-init ang ulo niya sa mga sinabi nito. Bigla tuloy napalakas ang kanyang boses ng sagutin ito. Hindi sinasadyang nakaagaw pansin ng mga naroroon. Pero wala siyang pakialam, hindi naman nila naiintindihan. Kaya nagulat pa s'ya nang may magsalita sa kanyang tabi.

"Excuse me sir, maaari po ba tayong mag-usap?" Saglit s'yang natulala dito, kahit pa inaasahan na n'ya ang paglapit nito. Dahil gusto nitong manatili pa sa Hotel.

Hindi niya maikakaila sa sarili na nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na tuwa sa kaalamang lumapit ito sa kanya.

Biglang napawi ang inis na kanina pa niya nararamdaman. Hindi rin n'ya napigilan ang sarili na pasadahan ito ng tingin, bago pa man niya ito nasagot..

"Yes?" Sagot niya habang pinagmamasdan si Angela.

Napakaganda nito kahit sa simpleng ayos lang at suot na uniform. Kahit hindi ito kataasan, nagtataglay ito ng maaliwalas at magandang hugis ng mukha. Masayang expression ng bahagyang singkit na mga mata, maayos at magandang kilay na mukhang hindi pa nahaharas ng kahit na sinong make-up artist, prominente at bahagyang matangos na ilong at labing katamtaman ang kapal at nipis at may natural na pula. Nang oras na 'yon parang kinasasabikan n'ya itong matikman.

Ah, ano ba itong nangyayari sa kanya alalahanin mo, pag-aari na s'ya ng iyong Papa. Ano kayang iisipin ni Liandro kung malalaman n'ya na pinagpapantasyahan mo, ang iyong madrasta? Hindi?! Bulong ng isip niya na puno ng pagtutol.

Una pa lang niya itong makita ng magkabanggaan sila, alam niyang kakaiba na ito sa paningin niya. May pagkakataon pa nga na hinahanap niya ito sa paligid. Pero pag-aari na pala ito ng iba.. Nang kanyang ama. Hindi tuloy niya mapigilang mainis, dahil ang kanyang ama ang pinili nitong makasama. Bakit hindi ito pumili ng kaidad nito? Maaaring matanda nga ito sa kanya ng isa o dalawang taon, pero bata pa rin ito kumpara sa kanyang ama. Hindi naman niya sinabing hindi mabuti ang kanyang ama. Hindi lang talaga niya maiwasang hindi mag-isip ng negatibo.

Paano kung hindi naman talaga ito seryoso sa kanyang Papa? Paano kung tulad din ito ni Liscel? Lolokohin lang nito ang kanyang Papa? Hindi.. Hindi siya makakapayag na lokohin nito ang ama. Sisiguraduhin niyang malalaman niya kung ano ang tunay na motibo nito sa paglapit kay Liandro.

His face was seen too many expression, from fondness to bitterness, irritated to anger. But now he feel's envy?

Habang pinagmamasdan ni Joaquin si Angela hindi niya maiwasang makaramdam ng pananaghili sa ama.

Mabuti pa ang kanyang papa.. Maaring masaya ito ngayon, dahil sa babae nito. Bakit ba hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit. Kahit hindi niya aminin lihim siyang humahanga sa babaeng ito.

"May sasabihin ka ba?" Aniya.

"Pumapayag na ako sa kundisyong gusto n'yo sir!" Anito, saglit itong lumingon kay Russel bago muling ibinalik ang tingin sa kan'ya.

"Please sit down first." Aniya, at tumingin kay Russel para ipakilala ito. "This is Russel my assistant."

"Hello mam, nice meeting you po!" Tumayo ito at inilahad ang kamay. Pero bago pa nito makamayan si Angela napigilan na ito ni Joaquin. "Okay na maupo na tayo!" Napakamot na lang ito sa ulo at naupo na ulit, ganu'n din si Angela.

Duh? He become to be possessive hah, but why he is? Hindi naman n'ya ito pag-aari. Bulong ng isang bahagi sa isip niya. Bago pa muli s'yang nagtanong.

"Sigurado ka bang pumapayag ka na?" Paniniguro pa niya. "Do I have a choice sir?" Tanong ni Angela at deretsong tumingin kay Joaquin at hinintay ang isasagot nito. "Wala!" Pinal at determinado ang naging sagot nito.

"So I don't have a choice, I don't want my family to disappointed me. I want them to make me proud, instead.

Sisiguraduhin kong mangyayari 'yon, ayokong magkaroon ng problema habang narito ako. Kaya sana maging patas din kayo sa'kin sir!" Depinido nitong sagot.

"So, how about your boyfriend, do you want him to be proud of you too?" Pahaging na tanong ni Joaquin na hindi pansin ang huling salita ni Angela. Dahil hinihintay niya ang magiging sagot nito. "Sorry sir, but I don't have one." Sagot nito, na ikinabigla niya pero hindi siya nagpahalata.

"Really? Oh com'on." Pa-uyam n'yang tanong, habang naglalaro sa kanyang isip kung bakit tahasang itinatanggi nito ang kanyang papa. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa sa ama at inis dito.

"If you don't believe me, then you don't.. Anyway sir, hindi ko na obligasyong magpaliwanag pa.. Lalo na't wala naman itong kinalalaman sa pagparito ko ngayon, right sir?" Inis nitong tanong.

"You think so?" He said to implying something. "Anyway that's enough! Mas pabor sa'kin na wala ka pa lang boyfriend? Lalo na sa pabor na gagawin mo para sa'kin." Aniya.

"Tama ba ang pagkaunawa ko, may hihilingin kang pabor?" Mausisang tanong nito. Mababakas sa mukha nito ang bahagyang kaba, at curiosity.

"Yes!"

"Then what?" Pabigla nitong tanong.

Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi at para pigilan ang mapangiti. Dahil halatang nagmamadali itong malaman ang sasabihin niyang pabor.

"Gusto mo bang pag-usapan na natin ngayon na?" Tanong ni Jaoquin.

"May tama pa bang oras at lugar para dito? Malapit ng maubos ang oras ng breaktime ko. Bakit hindi mo pa sabihin ngayon, may pagkakaiba pa ba 'yon?" Anito na halatang naiinis na. Bigla kasing nagbago ang expression ng mukha nito.

"I mean baka gutom ka na at gusto munang kumain. Let me order you first, you want anything to eat, a food or drinks maybe?" Tanong muna ni Joaquin dito.

"No don't bother, I'm not yet hungry. I'm fine, anyway salamat na lang sa concern." Sagot nito.

"You sure?" Paniniguro niya.

"Definitely sir!" Paniniyak nito.

Marahil mas nais nitong marinig ang pabor na sasabihin niya? Mababakas kasi sa mukha nito ang kuryosidad, tila hindi na ito makapaghihintay sa nais n'yang sabihin. Kung kaya tinanggihan nito ang kanyang alok. Habang si Russel matamang nakikinig lang sa kanila. Wala man itong kibo alam n'yang nagtataka rin ito sa ipinapahiwatig niya.

"Okay, let's talk. Simple lang naman ang pabor na hihilingin ko sayo."

Saglit muna siyang lumunok para maalis ang bara sa lalamunan bago nagpatuloy at tumingin ng deretso sa kaharap..

"Gusto kong magpanggap kang girlfriend ko, habang narito ka sa Hotel ko." Walang gatol n'yang utos dito.

"Ano?" Gulat nitong tanong. "Nagbibiro ka ba sir, don't tell me, you don't have one yet? Hindi naman ako naniniwala." May pagdududa sa tanong nito.

"No I'm not, I'm really serious! You hear me right?" Aniya.

"Pero bakit sir, hindi ko maintindihan at bakit ako?" Nagtatakang tanong pa nito.

"Dahil ikaw ang gusto ko.. Bakit ayaw mo ba sa'kin?" Tanong niya sa nang-aarok na tingin. Gusto n'yang makita ang reaksyon nito. Para masagot ang naglalarong mga tanong sa isip n'ya gaya nang..

Kung kaya ba nitong ipagpalit ang kanyang ama? Mas gusto ba talaga nito ang kanyang Papa? Pero nag-iwas lang ito ng tingin sa kanya at bumaling ng tingin sa ibang dereksyon.

"Dahil ikaw lang ang alam kong hindi magiging issue ang pagiging girlfriend ko. Beside, hindi naman ang tulad ko ang mga nagugustuhan mo.. Right?" Sabi niya sa makahulugang salita. At malamlam ang tinging inukol dito.

"Ano bang ibig mong sabihin, sir?" Tanong ni Angela na nagtataka sa huling sinabi nito Pakiramdam kasi ni Angela pinasasaringan siya nito. Ano bang alam nito sa kanya? Hindi nga ba isyu ang maging girlfriend nito? Tama nga, kung tutuusin isang karangalan ang maging nobya nito. Pero hindi pa naman siya baliw para tanggapin ito agad at hindi magtanong at magtaka sa gusto nitong mangyari.

"Nevermind! Sabihin na lang natin na ito 'yun parusa mo sa ginawa mong pagpapahirap sa akin noong isang araw." Sagot na lang ni Joaquin

"Pero hindi ko naman 'yun ginusto!" Sagot ni Angela na tila nagproprotesta.

Am I, rejected? Tanong ng isip n'ya. Sinabi ko na ngang parusa, parusa ba talaga sa kanya ang maging nobya ko?

"Muntik na akong mamatay at ikaw ang dahilan no'n.. You have one thing to pay for this and you know what I want?" Hindi man n'ya gustong sisihin ito. Pero ito lang ang paraan. Upang iparating dito na hindi s'ya magbabago ng desisyon.

"Pero bakit kailangan ko pang magpanggap?" Napataas ang gilid ng kanyang labi at bahagyang napangiti sa tanong nito. Pero bago pa man n'ya ito nasagot.

"No! I mean, anong dahilan at gusto mo akong magpanggap. Hindi ka naman siguro nahihirapang maghanap ng girlfriend, right? Imposible ring wala kang girlfriend ngayon o walang gustong maging girlfriend mo? In fact as I remember, I saw you before with a girl beside you. And I thought she's your girlfriend?" Tuloy-tuloy na wika nito ng bigla itong mapatda. Nahigit nito ang paghinga at umawang ang bibig ng tila ma-realized nito ang mga huling sinabi. Pero huli na ang lahat para bawiin pa.

"So as far as I know, lihim na pala kitang taga-subaybay!" Sagot niya na pilit sunusupil ang isang nakakalokong ngiti sa labi.

"Hindi sa ganu'n mali ka ng iniisip, na-nagkataon lang na kinikilala kita that time.. Kasi nga di ba ikaw 'yun nakabanggaan ko, iiniisip ko lang kung ikaw nga 'yun? Tapos nakita kong may katabi kang babae 'yun lang 'yun!" She's stammered this time. Ang ganda n'yang pagmasdan sa bahagyang pamumula at pagkapahiya. Habang habol nito ang paghinga sa mahabang paliwanag nito.

"Bakit ang haba naman ng paliwanag mo? Don't worry honey, Hindi ko pa iisipin na nagseselos ka!" Sabi niya na pigil ang pagtawa. Habang si Russel na kanina ay tahimik lang na nakikinig hindi na rin napigilan ang matawa. Dahilan para lalo itong makaramdam ng hiya at inis.

"At bakit naman ako magseselos sa'yo boyfriend ba kita?" Gagad na tanong nito.

"Hindi pa pero malapit na.. Wanna bet?" Sagot niya na sinabayan ng pagkindat dito, na lalo pa yatang ikinainis nito.

"Hindi mo ako pwedeng maging girlfriend, Hindi porke sinabi kong wala akong boyfriend ay pwede ng maging tayo." Sabi nito.

"Bakit naman hindi pwede?" Tanong din niya.

"Hindi talaga pwede.. Kasi wala nga akong boyfriend pero may asawa na ako!" Biglang naumid ang kanyang dila, dahil sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya asawa?

"At saka may.. May anak na rin ako! Ka-kami ng asawa ko!" Anito..

Hindi!!

Para itong bomba na sumabog sa kanyang pandinig.. Pagkabigla ang unang rumehistro sa kanyang mukha at hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit malinaw ang sinabi ni Angela meron na itong asawa at anak pero paanong nangyari 'yun? Tanong ng naguguluhan niyang isip.

"Niloloko mo ba ako?" Mariing tanong ni Joaquin nasa boses nito ang intensidad. Mahahalata rin sa mukha nito ang tinitimping galit.

Si Russel na tahimik lang kanina ay biglang naalarma. Dahil sa nakikitang tensyon sa mukha niya, mariing nakuyom din niya ang mga kamay. Dahil sa pagpipigil na maglabas ng emosyon.

"No sir! Hindi ko kayo niloloko, totoo ang sinasabi ko. Hindi lang naman ako ang gustong makatapos, kahit may asawa at anak na ah at saka 29 na ako hindi na ako bata baka mas matanda pa ako sayo! Kaya nga ayokong magpanggap dahil baka malaman ng asawa ko. Siya ang nagpapaaral sa'kin, ayokong masira ang pagtitiwala niya sa akin." Mahabang paliwanag nito, sa pag-aakalang mapapaniwala s'ya nito.

Biglang naningkit ang kanyang mga mata, dahil sa mga narinig mula dito. Hindi rin n'ya naiwasan ang maging marahas sa pagsasalita. Kahit wala naman s'yang dahilan para magalit dito.

"Gusto mong maniwala ako sayo? Isa itong kalokohan! Paano kayong magkakaroon ng anak ng pa..?"

"Boss!" Sansala ni Russel kay Joaquin bago pa man maituloy ang sasabihin n'ya. Para na rin basagin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Angela.

"Bakit naman hindi sir! Imposible ba 'yun?" Tanong ni Angela na parang nainsulto sa sinabi niya. Wala sa hinagap nito na may iba s'yang pakahulugan.

Alam n'yang hindi yun imposible dahil hindi naman baog ang kanyang ama. Pero nakakaramdam s'ya ng matinding pagtutol. Hindi rin n'ya alam kung bakit s'ya nagagalit?

Hanggang sa marahil nakaisip ito ng ibang paraan para mapaniwala s'ya nito..

"Eto.. Ito ang patunay ko! Heto ang picture ng anak ko tingnan mo.." Matapos nitong saglit na pindutin ang hawak nitong cellphone ay pilit iniabot sa kanya.

Dahil sa curiosity, tinanggap niya ito para tingnan. After a deep sighed..

Saktong pagharap niya sa screen, nakita niyang nakangiti ang isang batang lalaki. Marahil nasa apat o limang taong gulang na.

Ah! Para s'yang humarap sa salamin.

Dammed!

After all several years of refused to see him. Now he is, in front of me..

But why he looked like me and exactly the same when I was 5 year old?

Until a stupid question came to his mind, Is he really my son?

* * *

@LadyGem25

Próximo capítulo