webnovel

THE CHEATER

Dahil sa kilala na si Joaquin ng mga guard, hindi na siya nahirapang makapasok sa loob ng subdivision. Maging sa loob ng bahay nila Liscel, agad din siyang pinapasok ng guard. Madalas din kasi siyang nagpupunta dito. Hindi naman nagtagal may nagbukas na ng pinto. Ang matagal nang kasambahay ng pamilya Borromeo si Manang Fe. Tila nagulat pa ito at sandaling napatulala ng mabungaran si Joaquin sa may pinto. Kaya si Joaquin na rin ang unang nagsalita at bumati dito.

"Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Bungad niya ng pagbuksan siya nito ng pinto.

"Sir! Kayo po pala, ano po ang ginagawa niyo dito? Hindi kayo dapat naparito.." Sagot ni manang, nakapagtataka? Hindi niya alam pero parang may kakaiba sa kilos nito. Pero tuloy-tuloy lang siyang pumasok.

"Hey! May problema po ba, si Liscel po nakauwi na po ba? Magkasama lang po kami kanina manang, sabi niya uuwi siya dahil maaga ang alis niya bukas. Naiwan po kasi itong organizer niya kaya dinala ko na!" Nang tingnan niya ulit si manang para itong namumutla.

"Ganoon ba? Iwan mo na lang sa akin 'yan at ako na ang bahala! Umuwi ka na anak at gabi na!" Sabi nito na tila ipinagtatabuyan s'ya, para talagang may kakaiba?

"Manang pwede po bang dito na lang din ako matulog? Tinatamad na kasi ako magdrive pabalik sa condo ko. Tulog na ba sila tito Oscar?" Tanong pa niya dito.

"Naku anak!! Hindi ka pwedeng matulog dito ngayon at saka wala sila sir at mam, si mam Lizcel lang ang nandito at tulog na!" Sabi nito na parang natataranta.

"Okay lang po manang dati naman akong natutulog dito. Kahit wala sila tito ako na po ang bahala. Besides, ikakasal naman na po kami ni Liscel. Saka manang, sige na po h'wag niyo na po akong samahan pagpanhik sa itaas." Sabi niya dito At akma ng papanhik ng pigilin siya nito.

"Naku, huwag sandali lang anak!" Pigil nito.

"Ako na muna ang papanhik gigisingin ko muna si ma'am Liscel." Sabi pa nito, subalit hindi siya nagpapigil dito.

"Si manang talaga ako na po ang bahala, buti pa magpahinga na rin kayo. Kabisado ko naman po itong bahay kaya okay lang po!" At tuluyan na siyang pumanhik sa itaas ng kabahayan. Pero nakapagtataka na pilit pa rin siya nitong pinipigilan. Akala ba nito hindi niya nahahalata?

"Teka lang anak! A-ano kasi, nagbilin siya na h'wag gisingin." Damned! Napamura na siya sa isip parang may nararamdaman siyang hindi maganda, hindi s'ya tanga para hindi makahalata. Dahil kitang kita niya sa mga mata ng matanda ang pagkalito at pag-aalala. May inililihim ba si Liscel sa kanya? Hindi niya naiwasang itanong sa sarili. Pero pinilit pa rin niya ang kumalma.

"Manang hindi po magagalit sa akin 'yon!" Sabi na lang niya dito at pinilit ngumiti.

"Pero hindi mo naiintindihan anak.." Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang nangyayari? Kakaiba ang kilos nito kanina pa, kaya lalo lang siyang na-curious na alamin ang dahilan ng pagkabalisa nito. Kaya nagpatuloy na lang siya sa pagpanhik at hindi na nagpapigil pa dito. Hanggang sa makarating siya sa pintuan ng kwarto ni Liscel, nakasunod pa rin ito sa kanya. Nakapagtataka, ano ba talaga ang meron dito?

Nang nasa tapat na sila ng pintuan ng kwarto ni Liscel. Kakatukin na sana niya ang pinto ng bigla siyang matigilan.

Dahil sa narinig niyang mga boses sa loob nito. Ang isa ay sigurado siyang kay Liscel at ang isa ay boses ng isang lalaki. Gusto sanang pabulaanan ng kanyang isip ang narinig, pero paano? Kung naghuhumiyaw sa kanyang isip ang katotohanang..

"Ay!hihihi.. Ano ka ba Warren nakikiliti ako" He was shocked for awhile and feel devastated. To think the fact, who came that voice inside the room. Like a bomb dropped down to his head and 'boom!

Hindi!

Ano itong naririnig ko?

Nagkakamali ba ako ng dinig?

Hindi! Hindi ito totoo!

Nagkakamali lang ako.

Kailangan kong makasiguro?

Sunod-sunod nang bulong ng kanyang isip.

Hanggang sa hindi na siya nakatiis ubod lakas niyang binalya ang pinto, wala na siyang pakialam. Basta kailangan niyang alamin ang kawalanghiyaan ng mga ito!

Basta gusto niyang malaman ang katotohanan..

"BLAAGGG!"

Kaya naman halatang nagulat ang mga tao sa loob, hindi agad nakakilos.

Pero mas nagulat siya sa kanyang nakikita at nasasaksihan.. Ang dalawang taong kanina lang narinig niyang nag-uusap lang, ngayon nakikita na niyang magkayakap at parehong walang anumang saplot sa katawan sa ilalim ng iisang kumot.

Like they had done before, with a couple of an hour ago.. WTF!?

Ang mga walanghiya! Agad niya itong sinugod at hindi na nag-isip pa..

"Your asshole! Son of a bitch!" He grabbed his arms from behind to face him. Then he punched it once, then another one. Until it fell down to the floor.

"You're fvck! Damn it." Sigaw pa dito! Narinig pa niya na nagtitili sa pagkagulat si Liscel, tinangka siya nitong awatin.

Naging dàhilan ito para makalapit sa kanya at magantihan siya ng suntok. Buti na lang gumagana ang reflexes niya, nailagan niya ang suntok nito. Nang makabawi, muli niya itong sinuntok hanggang bumagsak ulit ito sa sahig.

Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong makabawi. Dahil kinubabawan niya ito at muling pinagsusuntok! Wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ito!

His mind blurred by anger at that moment and to think straight is difficult. He want to kill them both.

Namalayan na lang niya na magkatulong silang inaawat ni manang Fe' at Lizcel.

"Tama na, Joaquin please.. Tumigil ka na, tigilan mo na!" Until he found himself felt devastated again. When he see, Liscel's covered herself into that bastard. 'WTF' meaning of this?

'We'll the fact is.. She doesn't love him anymore?'

"Kailan mo pa ako niloloko? Kailan n'yo pa ako ginagago ng hayup na lalaking 'yan ha? Magsalita ka!" Sigaw niya dito, hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso. Anong karapatan nitong sabihan siya na tumigil na. Pagkatapos ng lahat ng nakita niya, pasalamat nga ito at hindi siya nanakit ng babae at tao pa rin siya. Dahil ang totoo ngani-ngani na niya itong sakalin.

"Joaquin ano ba? Nasasaktan ako! Magpapaliwanag ako makinig ka muna sa akin.. Please!" Sabi nito, ang kapal ano pa ba ang ipaliliwanag nito, malinaw naman hindi ba?

"Magpapaliwanag ano bang akala mo sa akin gago? Damn you! Minahal kita pero ginago mo ko!"

"No! Please Joaquin listen to me. At least for once.. Please! Pakiusap nito na pinagsasalikop pa ang kamay.

"Damn you! You're fvcking slut woman. Don't you ever go near me, from now on your nothing! I don't want to see you never again, not anymore! Naiintindihan mo?" Mariing sigaw niya dito. Pagkatapos tuloy tuloy na siyang tumalikod at umalis. Para hindi na muling bumalik pa kahit kailan.

"No! Joaquin.. Please nooo!(sob)" narinig pa niyang sigaw ni Liscel, bago pa man siya makalayo.

Hindi! Hindi niya ito mapapatawad ang kapal ng mukha nila. Gusto n'yang magwala, gusto niyang sakalin pareho hanggang sa maubusan ito ng hininga.

Pero hindi n'ya ito gagawin. I know it's useless!

Dahil sasayangin n'ya lang ang lakas n'ya. Para sa mga taong walang kwenta. Kahit paano matino na ang isip n'ya at sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para lang makapagtimpi.

Dahil sa mga pangyayari nagpasya siyang bumalik na agad sa Australia. Pagkatapos niyang magpakalango sa alak ng gabing iyon. Kinabukasan agad na rin siyang nagpabook ng flight pabalik ng Australia.

After a month, nalaman niyang buntis si Liscel. Wala sana siyang pakialam, kaya lang ang sabi nito siya daw ang ama. WTF! Damn that woman to tell him that trick of her.

Ano bang akala nito, ganu'n lang siya kadaling utuin. Para maniwalang siya nga ang ama ng bata? Ngayon pa na nalaman niyang matagal na pala siyang niloloko ni Liscel. Ginawa siyang tanga! Kaya kahit ano pang sabihin nila tungkol sa bata. Wala siyang pakialam dito.

Hindi niya matatanggap ang batang 'yon! Hindi na siya magpapaloko pa.

Hanggang isang araw..

Nakatanggap siya ng tawag, mula sa kanyang ama. Para sabihin sa kanya na kinuha nito ang bata at iniuwi sa bahay nila sa Batangas, after nitong maipanganak.

"Anong itong ginawa mo Papa? Isauli mo na ang batang 'yan sa ina niya! Bakit ka ba naniniwala sa kanila? Hindi ko anak ang batang iyan! Alam mo kung ano ang ginawa nila sa akin, sa atin. Niloko nila tayo, kaya bakit ka ba nagpapauto sa kanila?" Sabi ni Joaquin  sa galit na tono. Alam niyang maaaring halos mabingi na ang ama sa kabilang linya. Dahil sa lakas ng boses niya. Gusto niyang magalit, pakiramdam kasi niya tinraydor siya nito. Dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Huminahon ka iho, alam kong galit ka dahil sa ginawa ko anak. Pero anak mo siya, ayokong basta na lang siya pabayaan ng kanyang ina. Ayaw rin ni Warren sa bata, mula noong lumabas ang resulta ng DNA at mapatunayang ikaw ang ama. Pinadala ko naman sayo ang result ng DNA test, hindi ba? Alam kong alam mo na, positibong ikaw ang ama ng bata." Paliwanag pa ng kanyang ama. Pero walang panahong makinig si Joaquin dito.

"At naniwala naman kayo sa kalokohang 'yan! Ano bang malay ko kung napalitan na nila 'yon? Hindi ba nagawa nga nila akong lokohin ng matagal, 'yon pa kayang sandaling oras lang na test?"

"Anak nalalabuan ka lang sa ngayon, hindi lang ito tungkol sa resulta ng DNA. Kung makikita mo lang siya siguradong maiintindihan mo, kung bakit gusto ko siyang kunin anak. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya anak." Sabi ng kanyang Papa, pero hindi nito makukuha ang loob niya.

"Tama na Pa, kung gusto mo siyang kunin bahala ka! Pero huwag mong asahan na tatanggapin ko ang batang 'yan. Dahil hindi mangyayari 'yon!" Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

"Anak! H'wag mo muna sanang isara ang isip mo. Huwag ka sanang magsalita ng.." hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang may narinig itong pagtawag.

"Sir! Sir Liandro, may babae po sa may pampang.. Nakita po nila sa dulong bahagi ng resort, patay na po yata?"

Hindi niya gaano maintindihan, pero may naririnig siyang nagsasalita na kausap ng kanyang Papa sa kabilang linya.

"Hello Pa, sino 'yong kausap mo d'yan may problema ba? Hello Papa.." Curious niyang tanong.

"Anak, sa susunod na lang ulit tayo mag-usap ibaba ko na!" Nagmamadali paalam ng kanyang ama. May pakiramdam siyang may nangyayari, pero hindi niya alam at hindi rin niya kayang hulaan..

"Ha! Teka lang Papa anong nangyayari d'yan?" Pahabol na tanong niya dito, ngunit hindi na siya sinagot nito.

*  *  * T. Y.

@LadyGem25

Próximo capítulo