webnovel

Chapter 26. "That Annoying Guy"

Chapter 26. "That Annoying Guy"

Courtney's POV

"My God! Hindi ko talaga akalain 'yon."

"Pwede ba Tracy? Wag ka ngang mag-inarte diyan na parang bata!" sita ko dito, kanina pa kasi siya angal ng angal. Reklamo ng reklamo dahil sa nangyari kanina. Hindi na lang uminom ng uminom ng alak.

"Pero Courtney? Nakita mo bang yung nangyari kanina?" tanong nito. Uminom ako ulit ng baso ng alak.

Muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Kung paano sila masayang kumakanta, kung paano hawakan ni Abrylle ang kamay ng babaeng 'yon. Kung paano magsitilian ang mga tao sa kanila. Lahat, lahat ng 'yon kinaiinisan ko ngayon.

Tumungga ako ulit, pero ngayon, yung bote na ng alak ang tinungga ko.

"Hoy Courtney! Baka naman masobrahan ka niyan!" saway sa akin ni Tracy sabay kuha ng boteng tinutungga ko.

"Ano ba Tracy! Give it back to me! Gusto kong maglasing!" sigaw ko rito habang pilit na inaabot ang bote ng alak. "Ibalik mo 'yan, or else I'll kill you!" banta ko rito, mukha namang natakot siya at ibinalik sa akin ang bote ng alak.

Kinuha ko ito at tinungga ulit. Ugh! Hindi maalis sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Naiinis ako, pero hindi ko man lang mailabas, ang babaeng 'yon. Ang kapal niya, bakit niya sa akin inagaw si Abrylle! Akin si Abrylle! Nakakainis!

Wala na ako sa katinuan. Nahihilo na ako at masakit ang ulo. Si Tracy naman, iniwan na akong nagiisa dito sa bar. Pati ba naman siya iniwan ako.

"Hoy, bartender, bigyan mo pa ako ng isang bote." Sabi ko sa bartender.

"Ma'am, pasensya na po pero lasing na po kasi kayo." Ang sagot nito.

"Ako? Lasing? Huh, hindi pa ako lasing! Kaya sige na kuya bigyan mo ako."

"Ma'am hindi na po talaga pwede, mukha pa po kayong minor."

"Minor my ass?! I'm already 18 damn you!" sigaw ko rito. "Ugh! Pati ba naman alak pinagdadamot niyo na sa akin? Huh! Kaya ko kayong bilhin! Akin na ang alak!"

Hindi na sumagot ang bartender ng maramdaman kong may naupo sa katabi kong stool. Lalaki 'to at naka-business attire pa. Ano namang ginagawa ng isang 'to?

"Hoy, ikaw." Kinalabit ko yung lalaki. Lumingon naman 'to sa akin. "Order mo ako ng alak." Sabi ko rito.

"Excuse me?" he asked.

"Are deaf? Or just stupid like all of the people I've known?"

"Huh, kababae mong tao, ang lakas mong uminom ng alak. Tapos ngayong lasing ka na, nagmumukha kang baliw at kakalabit ng lalaki para omorder ng alak sayo. Who do you think is the stupid between us?"

"Aba, bastos 'to ah!"

"Miss, ikaw ang bastos, boss isa ngang margarita diyan." Narinig kong order nito.

"What? Ladies drink lang ang inorder mo? Huh, bakla ka pala eh." Pang-aasar ko rito.

"Miss, you're drunk. Umuwi ka na."

"Bakit? Tatay ba kita? Eh ayaw ko pa eh, gusto ko pang uminom." Pagmamaktol ko.

"Hay, bahala ka sa buhay mo."

Nanahimik naman ako habang nakatingin sa kanya. Parang babagsak na ako. Nahihilo na ako at inaantok.

"Oh? Anong ginagawa mo?" hindi ko namalayan na napahiga na ako sa dibdib niya.

"Ihatid mo na ako...Abrylle..."

"What? Who's Abrylle?"

"Ano ka ba, edi ikaw. Sige na. I'm so tired."

Kinabukasan. Nang imulat ko ang aking mata. Hindi ko alam kung nasaan ako. Masakit pa ang ulo ko dahil sa alak.

"Ah, ang sakit ng ulo. Gosh! Ano bang nangyari? Where am I?" nilibot ko ng tingin ang buong paligid. "Kaninong condo 'to?"

Nang laki ang mata ko ng ma-realise kong, hindi ko alam ang lugar na 'to. Shit, baka naman na-kidnapped na ako? Or baka naman rapist ang isang 'to? I check myself pero yun pa rin naman ang suot ko mula kahapon.

May narinig naman akong ingay sa kusina. Kaya pinuntahan ko ito pagpasok ko. May lalaking nagluluto. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko, he's half naked at ang hot ng katawan nito. Iniwas ko ang tingin ko at sumandal sa haligi ng pinto ng kusina.

"Oh, gising ka na pala. Anong ginagawa mo diyan?" dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakatingin siya sa akin habang nag-aayos ng mga plate sa table.

"Where am I? And who the hell are you?" mataray kong tanong dito. Bigla naman niyang binagsak yung spoon sa table.

"Ganyan ba ang igaganti mo sa akin after what I've done for you?" iritang tanong nito.

"Excuse me Mister, I don't ask for your help, kaya mo akong sisihin!" ganti ko sa kanya.

"What? Sino kayang nagsabing "Ihatid mo na ako" ng ilang beses sa akin! And you're calling that "Abrylle" name. Alam mo bang pikang pika na ako sayo? Kung masama lang akong tao iniwan na kita sa kalsada! O dun sa bar!" nagulat at natameme naman ako sa sinabi nito.

"Galit galit?"

"Oo! Tapos kagabi, alam mo bang...Ugh!" parang nandidiri siya. "Ako pang naglinis ng—" parang namang naduduwal siya.

"Oh my gosh! Did I just—"

"Oo!" sigaw nito. Natahimik naman ako sa inasal nito.

"Okay, s-sorry. Don't worry. I'll pay you back later" marahan kong sabi rito.

"Hay, oo! Bayaran mo talaga ako, dahil hindi na ako nakapasok sa trabaho ko dahil sayo. Pinuyat mo ako sa kadramahan mo."

"What? What do you mean? You mean? Gosh! Ginawa ko 'yon?"

"Nagtaka ka pa? Para kang baliw."

"Aba, loko ka rin ah. Kahit na ginawan mo ako ng kabutihan, wala ka pa ring karapatang sabihan akong baliw!"

"Oh? Talaga? Ewan ko sayo. Kumain ka na! Maliligo lang ako." Padabog naman 'tong lumabas ng kusina.

"Sino naman 'yon? Hays, ang yabang, kala mo kung sino."

Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ng mga hinanda niyang pagkain. May kape na ring nakatimpla.

"Hmmm, in fairness masarap ah." Sabi ko habang kumakain.

After I don't know minutes, bumalik na siya sa kusina at nakabihis na. (Ugh, sayang naman, di ko pa nakita ng matagal yung abs niya.)

"Pag tapos mo diyan pwedeng umuwi ka na?" tignan mo 'to, walang manners. Inismira naman ako nito at lumabas ulit.

Pagtapos kong kumain, umalis na ako sa lugar na 'yon. Nakakaasar, ang yabang niya. Bilhin ko pa ng 3x ang condo niya ng malaman niya. Hmp!

Paguwi ko sa bahay. Normal lang, the usual thing, wala na naman akong inaabutan sa bahay. At ito ang kulang sa buhay ko, ang atensyon ng isang magulang. Since my father was too busy in other country, minsan ko lang siya makita. And my Mom? Oh, she's too busy for her work than me. I think, she already forgotten that she have a daugther.

Tinawagan ko si Tracy para naman gumala kami pero ang loka loka di sumasagot. Isa pa 'to, iniwan ako kagabi sa bar. Hay nako. Lahat na lang ng tao iniiwan ako.

Bigla ko muling naalala ang mga nangyari kahapon. That bitch! Ugh! Gaganti ako sa kanya!

Nasa kwarto ako habang nakahiga sa kama ng may kumatok.

"Yes?" I asked.

"Young Lady, nandito po ang inyong Mama." Napatayo ako bigla sa kama.

"What? Anong sabi?"

"Pinapatawag po kayo sa study niya."

Sandali akong natahimik. Ano naman ang ginagawa niya rito?

"Sige, susunod ako."

Pumunta ako sa study niya. At sa wakas, pumasok din sa isip niya ang umuwi ng bahay. Kadalasan kasi, isa o dalawang beses lang siyang umuwi ng bahay. Dahil 'dun siya nakikituloy sa lalaki niya. Hiwalay na sila ng Daddy ko. At siya ang nangloko sa Daddy ko. Well, matalino siyang babae, kayang kaya niyang paikutin ang mga lalaki sa mga kamay niya.

Pumasok ako sa loob, agad ko namang siyang nakita na nakaupo at nakatutok sa loptop siya.

"Maupo ka hija." Sabi nito sa akin. Lumapit ako sa kanya, at naupo sa upuan sa harap ng table niya.

"What do you need?" I asked impatiently.

"Wait for a while," she said without even giving me a sight. I rolled my eyes.

"Sorry, I can't wait any longer." Tumayo ako at naglakad palabas ng study niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng matigil ako dahil sa sinabi niya.

"We will talk about your wedding." She said in chorus. Nilingon ko naman 'to agad. This time, her attention is on me.

"What?" nagtataka kong tanong. "What the hell are you talking about?"

"Ipinagkasundo kita sa anak ng isa sa mga shareholders ng company."

"And now and I'm one of your paperworks? No freaking way. Walang ikakasal. Who the hell are you?" I turned back and hold the doorknob. I was about to exit but the, I stopped when she said that thing.

"Ayaw mo bang ikasal sa lalaking gustong gusto mo?" napalingon ako muli sa kanya.

"Ano?"

Tumayo ito at naglakad. Tumingin ito sa labas ng bintana.

"The inheritor of De Mesa Food Corporation at West Bridge Academy, and soon to be your husband," lumingon ito sa akin. "John Abrylle De Mesa."

Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko nakuhang magsalita dahil sa gulat. Ano daw? Ikakasal ako kay Abrylle?

"You're kidding me right? Is this a prank right?"

"Hija, sa business industry, hindi uso ang biro o kalokohan. Well, whether with or without your permission. Wala kang magagawa. Like what you've said, you're one of my paperworks, and all of my paperworks, is mine. I can do what ever I want to my paperworks, and for you. I want you to marry Abrylle." He laughed. "Isnt it too easy?"

"I'll think of that."

"You don't have to think of it darling~ kalat na sa internet ang engagement niyo."

"What?"

"Oh my the way, I want you to go in Monterverder Hotel. Talk to Mr. Lourd, siya ang magsasabi ng iba pang detalye." Matapos nitong magsalita. Bumalik na ito ulit sa ginagawa niya.

Bakas pa rin ang pagkalito sa mukha ko paglabas ko ng study niya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. No, I mean, I'm wishing for this for my whole life, pero I cant marry a man who don't love me and going to marry just for business purposes. This is insane!

I get my phone. Nagulat ako sa dami ng missed calls and messages. I checked it, and all of my classmates asking me about the news. About that damn engagement.

I browse that internet at nakita ko nga ang trending sa news.

The inheritors of Aickman Group and De Mesa Food Corp. engagement

"This is absolutely bullshit! Ugh!"

I fixed myself at pumunta sa Monteverde Hotel. Pumunta ako agad sa office ni Mr. Lourd. Pagpasok ko, nanglaki ang mata ko sa nakita ko.

"What the hell are you doing here?"

"Ugh? Di ba ako dapat magtanong niyan?"

"Ugh! Can you please just answer my question! I'm not in a good mood to argue with someone! Especially like you!"

Nagtitigan naman kami ng lalaking 'to. Siya yung lalaki kanina. Yung tumulong sa akin at inuwi ako sa condo niya.

"You're here Courtney darling~" sabay kaming napalingon sa pagpasok ni Mr. Lourd. "Your Mom just called me a while a go."

"Wag mo na nga akong utuin? Di na ako bata." Pagtataray ko dito. Wala talaga siyang pinagkaiba sa anak niya. Ugh!

"Hahaha, ikaw din hija, mainipin ka pa rin. Have a sit. Uhm Mr. Santos, pakuha ng folder doon sa reception, naiwan ko kasi." Napatingin naman ako sa kinausap nito. Yung lalaking 'yon?

"Wait, ano mo naman ang isang 'to?" anong ko.

"Hahah, he's my secretary." Nagulat ako sa sinabi niya.

"The hell?"

"Bakit? Magkakilala ba kayo?" napatingin naman si Mr. Lourd 'dun sa secretary niya. So Mr. Santos pala ah.

"Master, hindi ko po siya kilala. Excuse me."

"Anong hindi? Huh?!" lumabas na lang ang lalaking ewan at iniwan akong nakatunganga.

Paglabas nito, nabaling muli ang tingin k okay Mr. Lourd.

"What now?" I asked with my raised eyebrow.

"Alam ko namang narinig mo na sa Mama mo ang iba, pero alam ko ring hindi ka maniniwala sa kanya. Kaya naman ako na ang magsasabi sayong, totoo ang lahat ng ito."

"Okay? Paano kung hindi ako pumayag?"

"Maghihirap ka." Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. "Babagsak ang inyong kumpanya at babagsak kayo sa lupa."

"What? Huh, that's imposible."

"Pero you can save your company and your lives with the help of De Mesa's, vice versa, makakatulong din kayo sa De Mesa."

Nakatulala lang ako sa kanya. Seryoso naman siya, pero bakit parang di pa rin ako makapaniwala?

"By the way, the wedding is a double wedding."

"What?" halos mahulog na ang panga ko dahil sa gulat.

"Yes darling, ikakasal din ang anak ko."

"With whom?"

"You'll know soon."

Paglabas ko sa office ni Mr. Lourd, hinanap ko sa hotel si Lexter. Imposible namang wala pa siya dito dahil Saturday. And there he is. Nakita ko siyang may kinakausap na guess at mukhang tapos na sila dahil nag-shakehands na sila. Lumapit ako sa kanya. Nagulat naman 'to ng makita ako.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?"

"We need to talk."

"Talk to my hand." Sagot nito.

"I'm freaking serious asshole!"

"I'm damn serious Madame." Natatawa nitong sabi.

"Alam mo pareho kayo ng tatay mo! Ang sarap niyong isako!"

"Oh? Galing ka sa office ni Dad?"

"Oo! And do you know about this damn double wedding?"

"What?"

"Huh, I guess you're not inform. Well, ask your father for more information!" I rolled my eyes and totally went outside.

Próximo capítulo