webnovel

Chapter 8. “Close to You, yet so Far”

Chapter 8. "Close to You, yet so Far"

Laarni's POV

Natapos na ang klase. Naglalakad kami ngayon ni Leicy pauwi. Nalaman ko kasi na sa kabilang street lang pala siya nakatira. At tulad ng una kong impression sa kanya. Napakadaldal talaga niyang tao. Hindi siya nauubusan ng kwento.

"Nakikinig ka ba Arni?" tanong nito ng mapansin niyang lumilipad yata ang isip ko. Napatingin ako rito at ngumiti.

"Oo, ano na nga ba yung tungkol dun sa gagawing movie?" tanong ko rito.

"Ayon na nga. Hindi ako sang-ayon na sila ang gaganap dun sa movie. Alam mo hindi talaga bagay sa kanila yung role. As in! Hay nako, mahal na mahal ko pa naman si Top." Pagmamaktol nito.

Nagkukwento siya doon sa isang libro na gagawing pelikula. At hindi siya sang-ayon sa gaganap na lead role. Hindi ko naman alam kung anong libro 'yon.

"Ano bang title ng book na 'yon? Gusto kong basahin."

"Ah, Talk back you're Dead by Alesana Marie. I assure you, kikiligin ka." Napa-poker face ako sa sinabi niya habang namimilipit sa kilig.

"Ah, sige bibili ako ng libro. Uhm, Leicy, may itatanong lang sana ako." Nabigla naman siya at napahinto sa paglalakad sa sinabi ko.

"Ano 'yon Arni? Wag math ah? Mahina ako sa mga numero." Natatawang sabi nito.

"Hindi Math. Uhm, gusto ko lang malaman. Ang kalakaran sa school natin. Marami kasi akong napansin ngayong second day eh." Sabi ko rito.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.

"Ano naman ang mga napansin mo?"

"Napansin ko na, dalawa ang gate ng school. Yung isang gate para doon sa mga may sasakyan at yung isang gate naman para dun sa mga walang sasakyan." Sabi ko rito. Napansin kong napaisip si Leicy sa tanong ko.

"Alam mo kasi Arni, sa school natin. Meron rank or class ang mga students." Nagulat naman ako sa sinabi nito at naging interesado.

"Class? Rank?" tanong ko rito. Tatango tango naman ito.

"Ang una ay ang mga anak ng businessman. Ang nagmamaya-ari ng malalaking mall sa Pilipinas kasama na rin ang naglalaking food corps a bansa. Mga sikat na businessman ang mga tatay at may mga business sa ibang bansa. Halimbawa, si Lexter, Courtney at Abrylle." Paliwanag nito. Ako naman ang tango ng tango habang naglalakad kasabay niya.

Biglang pumasok isa isip ko yung kahapon. Sa gate namin pumasok si Abrylle.

"Pero kahapon sa gate na pinapasukan natin pumasok si Abrylle." Sabi ko rito.

"Alam mo 'yan rin ang pinagtataka ko. Simula pa kasi noong nagawa ang automated gate na 'yon. Don na rin pumapasok si Abrylle. Nobody knows why." Paliwanag nito.

"Ano ang pangalawa?"

"Ang pangalawa naman ay ang mga anak ng mga Politiko. Mga future lawyer at mga future politicians. Halimbawa, yung babaeng sumampal sayo kanina." Tatango tango ako ulit sa sinabi niya. "Pangatlo. Mga anak ng mga artista at mga network company."

"Talaga? May mga anak nga artista sa school natin?"

"Yup! At ang pang-apat. Ang mga scholar at mga anak ng empleyado at katulong ng mga nabanggit ko kanina. At doon tayo kabilang. Ang mama ko ay nagtatrabahon sa company nila Courtney bilang secretary ng Daddy niya."

"Ah, ngayon alam ko na." konklusyon ko sa sarili.

"Alam mo ba Arni, noong isang taon. Wala pa ang automated gate na 'yan. Nagkaroon kasi ng gulo sa school ng may makapasok na masamang loob at nagkaroon ng kidnapan." Mas naging interesado ako sa sunod niyang sinabi.

"At dahil 'don. Ang mga scholar ang nasisi. At baka raw isa sa mga scholar ang nag-inside job sa school natin. Kaya nagbawas sila ng scholar at naglagay ng automated gate para sa mga scholar."

"Ano?" nadismaya ako sa sinabi niya. "Hindi naman yata tama 'yon."

"Alam mo kasi, kung may pera ka, tama ka sa paningin ng marami. Pero kung wala. Nganga ka. Ang alam ko, 50 scholars na lang ang kinuha ngayong taon. Hindi ko lang alam kung kasama ka."

"Hay, para mas naguluhan ako ng konte pero salamat sa mga sinabi mo."

Hindi namin namalayan na nasa kanto na pala kami. Dahil sa pag-uusap namin. Huminto kami at hinarap ang sari-sariling kantong tatahakin.

"Bye Arni! See you tomorrow!"

"Bye, take care Leicy."

Tumalikod na kami pareho at naglakad na pauwi sa kanya-kanyang bahay. Habang naglalakad ako. Naiisip ko pa rin ang mga pinagusapan namin ni Leicy kanina. Kakaibang kakaiba pala ito kaysa sa inaasahan ko. Mukhang hindi magiging maganda ang haharapin ko. Mahihirapan yata akong mag-adjust sa mga mangyayari sa school.

Abrylle's POV

"Young Master, may pinapasabi po ang inyong Daddy." Pag-uwi ko. Bumungad agad sa harap ko ang katulong namin habang nakaupo ako sa sala at nanunuod ng TV.

"Ano?" tanong ko rito habang nakatingin pa rin sa pinapanuod ko.

"Doon raw po muna ang inyong Daddy sa Canada nang isang buwan para sa kanya business trip." Sabi nito.

"Anong gagawin ko?" tanong ko ulit rito.

"Ang sabi po. Umayos daw ka—" hindi ko na siya pinatapos at tumayo na. Tsaka mabilis na umakyat sa kwarto ko.

Kinalabog ko ang pinto. At inihagis ang sarili sa kama. Bakit pa ba ako magaaksaya ng panahon na makinig sa pinapasabi niya? Paulit-ulit lang siya. Ang sasabihin niya ay umayos ako. Umayos ako at mag-aral ng mabuti dahlia ko raw ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Walang hiya talaga siya. Kahit kailan.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang gigil sa nangyari. Ang sakit pa rin na isipin na naging ganito ang lahat. Kung naririto lang sana si Mommy. Edi sana may kakampi ako.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon. Naidilat ko ang mata ko at gulat sa nangyari.

"B-bakit ko naisip ang mukha niya?"

Diretso akong nakatingin sa kisame at gulat sa naisip ko. Anong nangyayari? Parang isang magic na nag-flashback sa akin ang ginawang pagligtas ng babaeng 'yon sa akin. At ang sinabi niya. Na parehong sinabi ni Mommy bago siya mawala.

Habang napapaisip ako. Biglang tumunog ang phone ko. Ang phone ko na kahit isang contact ay walang laman. Kaya naman nagtataka ako kung sino ang tumatawag. Tinignan ko ito at numero lang. Tumayo ako at sinagot ito.

"Who's the hell is this?" bungad ko pagsagot ko sa cellphone ko.

"Aba, ganyan ka pala kapag ibang tao ang kaharap mo." Nanglaki ang mata ko sa gulat ng marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko pa rin ang cellphone na nakatapat sa kanan kong tainga. Hindi ko nagawang magsalita dahil sa gigil. At naggigitgitan na lamang ang aking mga ngipin pati ang pagkuyom ng aking kamao. "Mawawala ako ang ng isang buwan. Nawa'y wag kang gumawa ng kalokohan, anak." Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa at pinutol ko na ang tawag.

Nanglambot ako sa nangyari at napaupo na lang sa kama habang nakatakip ang dalawang palad ko sa aking mukha.

Lumabas ako ng kwarto diretso rin sa paglabas ng gate. Hindi iniinda ang malakas na ulan. Tumakbo ako paglabas habang tumutulo ang aking luha. Hindi ko makaya na nakokontrol ng demonyong 'yon ang buhay ko.

Nakarating ako sa tulay. Nakahawak ang dalawang kamay ng mahigpit sa railings. Ang lakas rin ng hangin ganon na rin ang paghampas ng ulan sa buo kong katawan. Nakatingin lang ako sa ilog na malakas rin ang pag-agos. Sawa na ako. Ayoko na.

"Abrylle?" nagpanting ang tainga ko sa biglang tumawag sa aking pangalan. Dahan-dahan koi tong nilingon at nakita ko siya. "Anong gagawin mo? Wag kang tatalon!" tumakbo ito papunta sa akin. Pagdating nito sa akin at bigla na lamang ako nitong niyakap.

Laarni's POV

Bigla namang umulan ng malakas. Mabuti na lamang ay may dala akong payong. Pero ang kinakatakot ko eh sana wag naman. Namili kasi ako ng panghapunan namin ni Mama. Habang pauwi na ako. May natanaw akong taong nakatayo sa tulay. Nakahawak sa railings at nakatingin sa ilog. Lumapit pa ako para mas makita ito ng malinaw at laking gulat ko ng makita ko si Abrylle.

"Abrylle?" tawag ko rito. Dahan-dahan naman akong nilingon nito. Malungkot ang mukha nito at basang basa ang buong katawan. Naalala ko ang ginawa nitong pagtalon kahapon. "Anong gagawin mo? Wag kang tatalon!" tumakbo ako papunta rito at niyakap siya upang di niya magawa ang balak niyang pagtalon. Nabitawan ko ang hawak kong payong pati na rin ang plastic bag.

Mahigpit ko siyang niyakap habang nasa ilalim kami ng malakas na ulan.

Dinala ko siya rito sa 7/11 na malapit sa amin. Matapos ko siyang mapapayag na sumama sa akin. Nakaupo siya roon habang umuorder ako ng cup noodles para sa kanya. Pinuntahan ko siya at binigay ang cup noodles.

"Humigop ka muna ng mainit na sabaw. Baka ka magkasakit *achu*" epic fail naman akong nabahing sa harap niya. "Ay sorry," nakatingin lang siya sa akin. Expressionless. "Sige na humi—" nabigla ako ng iniusog niya ang cup noodles sa pwesto ko.

"Uy ano ka ba, para sayo 'yan. Treat ko na 'yan." Natatawa kong sabi rito. Napatingin naman ako sa mata nito. Seryoso siya. Bigla itong tumayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pumunta siya 'don sa counter. May binili siya? Nang bumalik 'to sa pwesto ko. Nagulat ako sa hawak niya. May dala siyang cup noodles.

Naupo uli siya sa tabi ko. Nakatingin naman lang ako sa kanya. Sa ginagawa niya. Binuksan niya ang cup noodles at agad na humigop ng sabaw nito. Huminto naman ito at tumingin sa akin.

"Humigop ka ng sabaw, baka ka magkasakit niyan." Sabi nito sa akin at bumalik ulit sa pagkain ng cup noodles na binili niya.

Ngayon na-gets ko na ang gusto niya. Napangiti na lang ako at humigop na rin ng sabaw ng cup noodles.

Tahimik lang kami pareho habang kumakain ng cup noodles. Nauna siyang natapos sa akin. Pero tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng 7/11. Tumingin naman ako sa labas ng 7/11, nagbabaka-sakaling makita kung ano bang tinitignan niya. Pero wala naman.

Natapos na akong kumain. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Masyadong awkward ang nangyayari. Huminga ako ng malalim.

"Uhm, Abrylle. Uuwi na ako. Ayos ka na ba? Maiwan na kita. Maghahanda pa kasi ako ng dinner namin eh" sabi ko rito. Pero wala man lang akong natanggap na response mula rito.

"Uhm, mukhang ayos ka naman na, anong oras na ba?" napatingin ako sa relo ko para tignan kung anong oras na. "Hala ka! Ala-singko na! Yung papanuorin ko!" nataranta na ako. "Osya, Abrylle, bye! Kita kits!" binuksan ko na ang pinto ng 7/11 at lalabas na sana ng makaramdam ako na may humila sa laylayan ng damit ko.

Napatingin ako sa humila ng damit ko. Si Abrylle. Nagulat ako sa ginawa nito.

"P-pwese b-ba a-akong sumama s-sayo?" nauutal na tanong nito. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya ng mga oras na 'yon. Pero mukhang hindi pa siya maayos at kailangan niya ng makakasama.

"Sige."

Próximo capítulo