webnovel

8+8 (2)

Bago pa nakasagot si Stan, sinugod ko na siya na parang medyo patalon para yakapin siya kaya pagkayakap ko sa kanya natumba kaming dalawa sa semento. Umaray naman siya pero naramdaman kong yumakap din siya sa akin. Nakaupo na kaming dalawa at yung unan nasa kaliwa ko na yakap ko din at siya sa kanan. Sa sobra kong saya parang nakalimutan ko na may kasalanan siya sa akin at na may girlfriend siya. Parang siya lang yung Stan na best friend ko.

"Ang bigat mo pa din, Risa," sabi niya sa akin.

"Hindi ah," reklamo ko, aalis na sana ako sa yakap pero hindi pa din niya ako pinapakawalan kaya niyakap ko na lang ulit siya.

"Ganto muna tayo Risa. Namiss ko kasi to," bulong niya sa akin.

"Ako din. Namiss ko to."

"So nagustahan mo yung regalo ko?" tanong niya habang nakayakap pa din kami. Ang dumi na tuloy ng uniform namin.

"Gusto? Higit pa sa gusto. Mahal na mahal ko tong regalo mo." Dahil sa sobrang tuwa at excitement ko mas lalong napahigpit yung yakap ko kay Stan. Feeling ko sasabog na ko sa sobrang ligaya ko tapos andito pa yung best friend ko, yung taong na laging nandyan simula nung bata pa kami.

"Mukha nga. Ang tagal mo ng hinahap yan dati pa ah at tsaka alam kong gustong gusto mo si Kaname."

"Risa? Stan?" may bagong boses na nagsalita.

Napahiwalay naman ako sa yakap ko kay Stan at ganun din siya. Nilingon namin kung sino yung tumawag sa pangalan namin.

"Lance," si Stan ang unang nagsalita. Tumayo na siya at tinulungan din niya akong makatayo. "Anong ginagawa mo dito, tol?"

"Susunduin ko sana si Liza," tahimik na sagot ni Lance.

Hindi ko alam pero hindi ako makatingin ng diretso kay Lance. Parang may ginawa akong mali. Si Stan ulit ang nagsalita dahil parang ang awkward bigla ng atmosphere, "Ahh. Balita ko kayo na daw ni Ate Liza. Congrats tol."

"Ipapasok ko lang muna to sa loob," singit ko bago pa nakasagot si Lance, sabay takbo papunta sa loob ng bahay namin.

Pagkapasok ko si ate ang bumungad sa akin, "Oh, Risa, akala ko pumasok ka na?"

"Oo, sana ate kaso nakasalubong ko si Stan," sagot ko sa kanya habang naakyat na ako ng hagdan, "Saka ko na lang ipaliwanag, malalate pa tayo eh."

Dali dali akong pumasok sa kwarto at inilapag yung unan sa kama ko. Kaso nung nakita ko ulit yung unan, kinuha ko ulit at niyakap ng mahigpit saka binitawan ko ulit at lumabas na kaagad ako ng kwarto dahil baka hindi ko na maiwan yun.

Paglabas ko, akala ko nakaalis na sina ate pati na din si Stan pero nandoon pa din sila at nagkwekwentuhan silang tatlo. "Bakit hindi pa kayo napasok?"

"Duh. Inaantay ka namin, malamang," sagot sa akin ni Stan.

Ayun, naglakad kaming apat papuntang school. Si ate at Lance nasa unahan naming dalawa, holding hands while walking pa nga sila. Kami naman ni Stan, tahimik all the way to the school. Pagdating namin sa lobby, naghiwalay na kami nina ate dahil ihahatid pa ni Lance si Ate sa room niya. Kaming dalawa ni Stan, pumunta na sa room namin at dahil mas unang madadaanan ang room ng seksyon ko, nagpaalam na ako kay Stan, "Sige Stan, pasok na ko ng room. Thank you nga pala dun sa unan."

Nginitian ko na lang siya. Parang ang weird ng atmosphere na namamagitan saming dalawa. Parang kanina, okay na naman. Sumagot naman siya, "Kung alam kong sasaya ka ng ganyan, matagal ko na sana hinanap yung unan na yun."

Hindi ko na napigilan at ngumiti na talaga ako ng bongga, yung kita na yung mga ngipin ko na halos kulang na lang tumawa ako. Sinakmal naman ng kamay ni Stan yung mukha ko, "Wag ka nga ngumiti ng ganyan, nakakahawa."

Sinilip ko siya at nakangiti din siya ng todo, "Pumasok ka na Risa. Usap na lang tayo mamaya."

At pumasok na nga ako sa room namin na nakangiti pa din. Pagdating ko sa upuan ko, pinagkumpulan kaagad ako ng barkada ko at sumasagap na ng chismis. Wala akong nagawa kundi magkwento hanggang sa dumating na yung teacher namin. Buong klase namin hanggang sa bago maglunch, iniisip ko pa din kung ano ang nakain ni Stan at ginawa niya yung kaninang umaga. Nakalimutan ko din na may girlfriend nga pala siya.

Nung lunch na ako na ang nagbabayad dahil tapos na ang usapan namin ni Lance, nasa usual place pa din kami ng barkada. Dahil usually, si Stan, Keith at Lance ang magkakasama at kasama din nila yung mga babae sa buhay nila bukod kay Keith na college na ang girlfriend niya. Kaya nagulat ako ng may nagtakip ng mata ko at nagsabi ng, "8 plus 8" sa halip na 'hulaan mo kung sino to.'

Ang weird nung tanong kaya sinagot ko na lang na medyo hindi pa sigurado, "16?"

Nawala yung kamay na nakatakip at nakita ko si Stan. Hinampas ko siya sa braso niya, "Stan!"

Nasaan si Denise?

Are you annoyed by me yet? Please check out my other work, Ugly Little Feelings. If you're into romance, manga with a sprinkle of smut, please do check it out. Oh and by the way, who's your guy bet? Lance? Keith? Stan?

Drop a comment, a vote or a review. And thanks for reading!

wickedwintercreators' thoughts
Próximo capítulo