"Lance?" tanong ko, nagtataka at naguguluhan kung anong nangyari.
Pero sa halip na sagutin niya ako mas lalo niya pa hinigpitan ang yakap sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kadahilanang nagulat ako sa kanya at dahil sa yakap niya. Nakakailan na tong lalaking to ha.
"Huy Lance?" tapik ko sa likod niya pero wala pa din, hindi man lang lumuwag ang yakap niya. Masama talaga sa puso ko ang pagsama kay Lance.
"Ano bang problema?" tanong ko ulit sa kanya, "Nabusted ka ba ni ate?" nakangiti pa ako ng tinanong ko sa kanya.
Akala ko hindi pa din niya papansinin ang sinabi ko pero bigla na lang niya inalis yung pagkakayakap niya sa akin at noong nakita ko ang mukha niya, ang ngiti niya abot sa tenga. Bigla akong nadismaya ng hindi ko inaasahan.
"Hindi nu, ako mabusted? Asa!" sabi niya sa akin habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko. Ngiti niya hindi man lang nabawasan.
"Eh ano sinagot ka na niya?" tanong ko sa kanya ng medyo may pagkasarcastic.
"Eh-" sagot niya ng mahina, "Hindi pa, pinayagan pa lang niya ako manligaw."
"Yun lang naman pala. Ang babaw mo talaga!" sabay hampas sa braso niya, "Bakit may kasama pang yakap? Nancha-chansing ka lang ata eh."
"Kapal ng mukha mo!" gumanti siya at binatukan ako, "Masaya lang talaga ako at ikaw kaya ang tumulong sa akin para mangyari lahat to."
Ngumiti lang ako pero yung ngiting alam kong pigil at pilit. "May bayad kaya lahat ng itinulong ko sayo. Baka nakakalimutan mo na."
"Ako? Makalimot? Hindi mangyayari yun at tsaka magiging sis na kita soon," tumawa siya at natawa na din ako.
"Bakla ka talaga!" loko ko sa kanya, "Ano nga pala ginagawa mo pa dito? Bat nasa labas ka?"
"Ahh, kasi nagpaalam na akong uuwi na kaso gusto kitang makita kaya inantay kita."
"Ay sus, pwede mo naman na itext na lang ako o di kaya bukas na lang."
"Iba yung ngayon sa bukas at sa text sa personal."
Natouch ako dun ha kasi alam kong naappreciate niya yung tulong na binigay ko sa kanya.
"Kung hindi ka lang may gusto sa ate ko, napagkamalan ko ng may gusto ka sa akin," bulong ko sa sarili ko.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong niya sa akin.
Agad naman ako umiling at sumagot ng, "Wala."
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong maraming miscalls at text. Napansin ko din na gabi na kaya tinanong ko na si Lance kahit na gusto ko pa siyang makakwentuhan, "Hindi ka pa ba uuwi Lance? Gabi na oh. Hindi ka ba hinahanap sainyo?"
"Ay oo nga pala," sabi niya bigla sabay snap ng daliri niya, "Tatawagan na lang kita mamaya ha, madami pa akong kkwento sayo. Uwi na ako ha."
"Bakla ka talaga, mas madaldal ka pa sa akin," tumawa ako at tiningnan lang niya ako ng masama ng pabiro, "Sige, ingat ka ha," paalam ko sa kanya.
Pagkaalis ni Lance, pumasok na ako ng bahay. "Andito na po ako," sigaw ko.
"Ate!" sigaw ni Tommy at nagbukas ang pinto papuntang salas.
Hinila niya ako papasok ng salas at nakita kong nanunuod ng tv ang buong pamilya namin. Nagmano ako kila nana, mama at papa. Tumabi ako sa mga kapatid ko at nakinuod na din habang nagkakalikot ng cellphone ko. Binasa ko ang mga text galing sa barkada, kay Dan, Aya at Mia pati meron din galing kay Andy.
Isa lang ang tinutukoy nila sa text nila at yun ay kung sasama ako bukas magshopping at sobrang excited na sila. Ang tanong excited saan? Ni hindi ko maintindihan ang mga to.
Rereplyan ko na sana si Mia dahil siya lang naman ang siguradong sasagot ng ayos dahil ang text lang naman niya sa akin ay sumama na ako bukas para naman hindi siya maiwan mag-isa sa kamay ni Aya ng biglang nagtext si Lance.
Ang sabi niya, 'Asa bahay na ako sis. May kkwento nga pala ako sayo. Tawagan na kita ha.'
Dadali-dali ko naman tinype sa cp ko na, 'Teka lang,' kaso biglang naudlot kasi biglang nagring yung cp ko.
"Ma, pa, akyat na po ako ha," paalam ko sa kanila at nagmadaling umakyat papuntang kwarto ko para maiwasan ang kung ano pa mang intriga.
Pagkadating ko sa kwarto, sinara ko agad ang pinto at nilock ito. Tinapon ko ang bag ko sa sahig at humiga sa kama at sabay sinagot ang cp kong nagriring pa din.
"Hello," sabi ko ng medyo patanong ang dating.
"Ang tagal mo naman sumagot," reklamo ni Lance.
"Ikaw ba naman kasi, ang bilis mo masyado nakarating. Atat ka kasi," asar ko sa kanya, "Palibhasa namiss mo ako kasi hindi mo man lang ako nakatext o nakausap maghapon."
"H-Hoy!" sigaw niya na medyo nauutal nung simula, "masyado kang feeling ha. Masaya lang talaga ako kaya gusto kong i-share sayo."
"Reasons, ayaw pa kasing umamin," pang-aasar ko pa din sa kanya.
"Feelingera ka lang," ganti niya, "Speaking of umamin, nagawa ko na."
"Bakla ka talaga, mga words mo pangbading," loko ko muna bago tinanong siya ng tino, "Oh, tapos? Ano na?"
At ayun, tuloy-tuloy na ang pagkkwento niya sa nangyari kanina sa kanila ni Ate. Natigil lang siya ng bigla niyang naalala yung naghatid sa akin kanina, si Jared. Well, tinanong lang naman niya kung sino yun at kung bakit hindi ako nagkkwento sa kanya. Ang daldal talaga ng lalaking to, wala naman sa itsura niya eh, siguro bading nga to kaya ilang beses ko din siya inasar hanggang sa inantok na kaming dalawa at nakalimutan ko ng tanungin si Mia pati na rin ang magpalit ng damit kaya kinaumagahan nagising ako sa katok.
"Risa, gumising ka na. Andito na yung mga kaibigan mo. Kanina ka pa nila inaantay," gising sa akin ni mama habang kinakatok yung pintuan kong nakalock.
"Ha? Wala naman kaming usapan ah," sabi ko sa sarili ko habang kinukusot ang mata ko.
Nang nasa diwa na ako saka ko lang napagtanto na ang damit ko ay ganun pa din at tanghali na. Sympre dali-dali na akong gumayak at nakakahiya naman sa mga kaibigan kong gumambala sa ang aking pagtulog.
"Ano bang ginagawa niyo dito at ang aga niyo?" tanong ko agad sa kanila pagkapasok ko ng salas.
"Maaga?" tanong ni Aya na halos pasigaw na rin, nilapitan niya ako at mukhang masesermonan na naman niya ako, "Tanghali na Risa! Diba nagtext naman kami sayo na sumama ka sa amin at magshoshopping tayo."
"Sus. Shopping lang naman pala akala ko kung ano na," pabuntong hininga ko sinabi sa kanya.
"Shopping ka lang diyan," sabi niya sa akin at bumalik na siya sa tabi ng boyfriend niyang si Andy.
Lumingon muna siya sa akin at may inihabol pa, "May isusuot ka na ba para bukas?"
"Bukas? Anong meron?" tanong ko sa kanila na halatang halatang na naguguluhan sa nangyayari.
"Hay naku Risa," si Dan naman ang lumapit sa akin, "malapit na magbirthday si Tito Renz ah. So the usual, we're going out of town."
"Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan yun ah," naupo na ako sa tabi nila. "So saan ang lakad natin ngayon?"
***
Kinabukasan all set na kami para sa outing. Na sasakyan na kami, syempre kompleto ang pamilya namin. Sa amin din kasama sila Mia at Dan samantalang si Andy, Lance at Aya ay kila Stan na sasakyan. Tatay kasi niya yung may birthday, si Tito Renz. Every year kaming nag-oouting kasama ang pamilya namin kasi eversince close na talaga ang pamilya namin.
Syempre kahapon todo shopping kami. Ang weird nga lang kasi for the first time hindi namin kasama si Stan magshopping for the outing. We bought bikinis because we're going to the beach.
Nang nakarating kami dun kanya kanya kaming takbo papuntang beach. Kung anong arrangement namin sa sasakyan ganun din sa beach house na nirent ng pamilya namin maliban sa lahat ng girls sa amin at boys naman kay na Stan. After masettle lahat ng gamit namin, nagpalit na kami ng damit.
"Tara na Risa, mamaya sobrang init na," aya sa akin ni Mia kasi nakalabas na ng kwarto si Aya at nakikipaglaro na siguro sa iba naming kasama.
"Sige una ka na, puntahan ko lang si Dan. Nasa kanya ata yung phone ko," paalam ko kay Mia, "Susunod na lang ako sa inyo."
Pumunta na ako sa katabing cottage, yung kay na Stan. Nakalimutan ko ng kumatok kaya dire-diretso na ako.
Pagkabukas ko ng pinto si Stan ang agad ang nakita ko, nakapose ng kagaya ni Buzz Light year at sumisigaw ng, "To infinity and beyond!"
Tatawa na sana ako ng malakas pero pinigil ko kasi bigla kong naalala na war pa nga pala kami. Tatanungin ko pa sana siya kung anong ginagawa niya dahil wala naman siyang kalaro na bata subalit iba na lang tinanong ko, "Hmm, si Dan?"
Mahina ang pagkakasabi ko pero mukhang narinig naman niya, "Nasa labas na."
Tiningnan niya ako ng masama simula taas hanggang baba kaya napatingin din ako sa suot ko. Hindi naman over revealing, tama lang. Two piece siya pero shorts naman yung pang-ilalim, light blue parehas na may print na white lilies.
"Ahh, okay. Sige hahanapin ko na lang siya sa labas," paalam ko kay Stan kaso pinigilan niya ako, "Teka, kung yung phone mo ang hinahanap mo, nandito ata sa bag niya."
Pinuntahan niya ang bag ni Dan at kinuha yung phone ko dun sa bulsa. Inabot niya sa akin at dun ko lang narealize na namiss ko tong mokong na to. Magpapasalamat na ako kaso biglang bumukas yung pinto ng banyo, lumabas si Denise.
Napatingin ako sa kanya pero umiwas agad ako at nagpasalamat kay Stan, "Salamat. Alis na ako," sabay karipas ng takbo sa papalabas.
Nung medyo nakalayo na ako dun sa cottage sa ako napatawa ng malakas dahil naalala ko yung ginawa kanina ni Stan. Nakakatawa talaga para lang siyang ewan na nakaharap sa salamin at nakashorts at sando lang naman.
Tumigil lang ako sa pagtawa ng may tumawag sa akin, "Risa, pwede ba tayong mag-usap?"