webnovel

71 His condition is dangerous (JAKE)

Nagpunta kami sa Room no.144. Kasama ko si Kuya.

Kwarto iyun ni Jake. Si John naman. Ayos na sya kaso hindi pa gumigising pero stable na. Kinakabahan ako kay Jake. Iba ang kaba ko.

" Doc? Is his condition is okay? " Bungad ko dito. Kakalabas lang ito sa kwarto ni Jake may kasamang nurse.

" Sorry miss. He is not really okay. Yes he is good but we should.....observe him. Maraming nawala na dugo sa kanya. He got shot at nasaksak din sya at nabangga sya. Hindi agad sya naisugod sa operating room. Nang tingnan namin sya nahihirapan syang huminga. Wala namang na damage na organ sa kanya. Pero mukhang matatagalan sya dito sa hospital " walanghiya na buhay to oh. Pati sya napahamak dahil sa akin. Kawawa naman sya.

" Kinakailangan nyang masalinan ng dugo. Parang balda pa ang mga paa nya. May sugat din sya sa noo. Pero miss pagbubutihin po namin na sya ay mapagaling. Excuse us " tumango ako. At umalis na si doc.

" Celine? Sya ba yung tumulong sayo para sa Milktea shop mo? Saka nagligtas sayo? " tumango ako. Nangangatal ang kamay ko. Kung bubuksan ko ba ang door knob o wag.

" Sige na. Pumasok kana. Uuwi lang ako " umalis na si Kuya. Tiningnan ko lang itong umalis.

Binuksan ko ang pinto dahan-dahan. Bakit sya umabot ng ganito? Sinarhan ko ang pinto.

Mabagal akong naglakad. Ang paa nya ay may nakalagay. Mga nakakapit na surgical tape ba yun oh?ano? Ewan? May nakalagay din sa ulo. Parang bandage ata. Umupo ako sa kaunting spacio ng higaan. Gusto kong hawakan ang mukha nya pero hindi ko ipinagpatuloy. Tumayo ako at pinagmasdan sya.

" Sana gumising ka na...Salamat sayo niligtas mo ang buhay ko. Sinamahan mo ako kahit delikado " nagpatakan ang luha ko pero agad ko iyung pinunasan.

" Salamat...." suminghot ako at tumalikod sa kanya. Hoooo! Umiiyak ka nanaman ano ba yan?! Pumaling ako sa kanya. Gumalaw ang kanyang kamay. Pinindot ko yung pantawag kina doc dalawang beses ko yung pinindot.

Nagsidatingan na agad sila. Dahan-dahang mumulat si Jake. Lumapit sa kanya si Doc. Chine-check ito.

" I'm not sure but its a good sign para sa kanyang paggaling " nalulungkot ako sa kalagayan ni Jake.

" Okay doc " tumingin ako kay doc. Tumawa ito at tinapik ang likod ko. Inaayos rin ng nurse ang kanya swero.

" Sige. Babalik kami bukas para icheck ulit sya" tumango ako. Tumawa ako kay doc. Lumabas na ito. Bumuntong hininga ako bago tumingin kay Jake.

" I'm sorry talaga....." Sabi ko. Bakit nagaalala ba ako? sa kanya? Syempre! Sya ang kasama ko para takasan ang problema ko. Naawa ako sa kanya.

Umupo ako sa kanya. Hinawakan ko ang ulo nya. Hinaplos ko ang malambot nitong buhok. Bumalik sa isipan ko. Nung mga pangyayari na sabay kaming naghahalikan sa isa't-isa. Palagi kong gustong hawakan ang malambot nitong buhok.

" Gusto kong isama ka sa bagong mundo. Na kasama ka. Yung walang gulo. Ayaw kong masaktan ka at mapahamak. Handa akong gawin ang lahat para sayo " hinawakan ko ang kamay nya.

" Sorry...dahil pati ikaw napahamak dahil sa akin....Isang akong taong dapat na iwasan mo" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Kaya siguro mahirap magmahal. Handa mong gawin kahit ano. Alam kong sa mundo mong Malaya ako ang naging dahilan kung bakit gumulo ang buhay mo ngayon.

" Jake....."

" I'm not sure about feelings for you Jake...." Hindi ko na pigilan na yakapin ang ulo nito. Napaiyak na nga ako.

" Pero Mahal na yata Kita..." handa na sigurong ibigay ko ang puso ko sayo. Kaya gumising ka na jan! Miss ko na yung ikaw na....Palaging palabiro. Ang tawanan natin....Gusto kong maibalik. Wake up! I miss you!

*********************

At dahil nga sa nangyari kahapon. Hindi ako makatulog. Nakadagdag pa sa isipan ko. Kung sino ba talaga ang laman ng puso ko? Si John or Jake. GRRRRRR! Nakakainis!

Matapos kong gawin ang routine ko sa umaga. Nanuod kmi ng balita ni Kuya. Balita ruon na si Ramos ay mahabang taon na pagkakakulong.

" Mabuti nga sa kanya " napatingin ako kay Kuya. Niyakap ko ang braso ni Kuya. Habang kitang-kita ko na pinarurusahan si Ramos. Naawa rin ako sa kanya kahit papaano. Para sa akin nung mga bata kami. Sya ang pinakamatalik kong kaibigan. Pero nawala iyun ng isang iglap.

Ang hiling ko na lang ay sana magbago na sya. Sana bumalik na yung dating Lorenzo Ramos. Sana nga.

©Love To The Destiny

Próximo capítulo