webnovel

7 Secret past ( EX )

Pumasok na ako ng loob ng kwarto. Humiga ako sa kama. Nabigla naman syang bumangon. Naalala nya kasi na si John may iba nang babae. Samantala sya hindi parin nakakamove-on sa dating ex.

' MABUTI PA SYA NAKAMOVE-ON NA SAMANTALA AKO HINDI PA NANDITO PARIN ANG SAKIT ' sabi nya sa kabilang isipan.

* Kinabukasan ng umaga 5:00 ng umaga.

Nagising sya sa tunog ng cellphone nya. Sino ba tong tumawag ang aga-aga ginagalit ako.

" Sino to " mahinahong sabi nya.

" Ammm.....Celine si Ramos to. May importante lang akong sasabihin sana. Sasabihin ko sana kahapon kaso pagod kana kaya ngayon nalang. Sorry ha nagising ka yata sa tawag ko. Importante talaga " na ngunot naman ang noo ko.

" You don't have to be apologize for waking up early to me. So say to me. Ano ba yon ? " ungkat ko.

" Alam mo ba na ngayon ang birthday ko ? Makakapunta ka ba? " nagulat ako. Oo nga pala ngayon ang birthday nya hayss.

" Sige susubukan ko. May pasok kasi ako ngayon pero baka pamayang hapon. Aatend ako "

" Aantayan kita ha " natawa pa pagkatapos pinatay na nang kabilang linya.

Nagbihis na ako para pumasok sa trabaho. Pagbaba ko nagpaalam na ako kay kuya.

" Kuya sa shop na lang ako kakain baka malate na ako " pagpapaalam ko.

" Hindi ka na nakain? Ingat ha " Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni kuya pinaardar ko na ang bike.

Sa tuwing papasok ako ng trabaho. Lagi kong ginagamit ang bike ko. Para madali ako. Pagdating ko dun sinalubong ako ng katiwala ko dun. Isa syang babae, napakabait,masipag, talaga ngang mapapagkatiwalaan.

" Hindi po kayo nalate. Saka po ang dami na agad nating costumer. Masarap daw po ang milktea natin pati and dish natin " tumango ako.

" Basta lagi nyong pagbutihin ang trabaho. Asahan nyo na laging malaki ang suweldo na ibibigay ko sa inyo " seryoso kong sabi.

Pagpunta ko ng counter. Ang daming customer.

" Ako na muna ang bahala ko dito dun ka muna sa kitchen " sabi ko sa mga tauhan ko.

" Ano pong order nyo? " tanong ko sa Isang lalake na nakasalmin. Ang porma nito mukha ang gwapo.

" Isang 50 pesos na milktea " mayabang na boses nito.

" Ano pong flavor? " biglang inalis nito ang suot na sunglasses.

" Chocolate " ngumiti ito sa kanya.

" Oh Ramos wag kanang magbayad libre ko nalang yan " ngumiti ito.

" Naku salamat. Usap tayo pamaya pagkatapos mo ha. Iintayin kita duon " sabay turo. Dun lang pala sa may tabihan Yung dating inupuan namin ni Ella dati.

" Sige " sabay tango ko.

Ang daming customer felling ko haggard na ako. Parang ang laging binibili ng costumer ay milktea na may flavor na chocolate. Mas nasarapan sila sa lasa.

Hayss natapos din makakaupo na ako.

" Hey ikaw na dito. Papahinga lang ako ng kaunting oras " agad namang sumunod ang isang tauhan.

Inalis ko na sa katawan ko ang apron. Pumunta na ko kay Ramos.

" Oh pano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho? " Tanong ko. Sabay upo ko.

" Tinanong ko kasi sa kuya mo kaya nalaman ko " habang nakatitig sa akin.

" Ah ganon ba " tumango pa sya pagkatapos.

" Punta ka pamaya. Excited na ako sa birthday ko haha " natawa naman ako sa kanya.

" Bakit ang porma mo ngayon? San ka galing?" tanong ko.

" Jan Lang sa mall. Namasyal bagay ba? Lalo gang ako gumapo? " tumango ako.

" Bagay na bagay sayo " paglilinaw ko.

Si Ramos kasi isa syang may ari ng sasakyan ng Toyota na kompanya. Nakapagtayo narin sya ng sariling bahay sa Mindanao. Dati simple lamang syang tao ngayon mayaman na sya. Ngunit hindi parin sya nagbago sya parin ang dating nakilala ko.

" Bakit ka natulala? " biglang bumalik ako sa huwisyo.

" Wala ito pagod lang to " umiling ito.

" Ikaw ha. May hindi ka pa sinasabi sa akin. Sabi sa akin ni Ella. Nung nakausap ka raw nya tulala ka raw. Ano bang problema? " alalang boses nito.

" Wala pagod lang to " tumango ito.

" Sige alis na ako. Pamaya kita tayo sa amin " umalis na nga sya sa pinto. Sinundan ko lang ng tingin sya hanggang makalayo.

Hanggang kailan ko ba itatago sa kanila ang secret ko. Ang problema ko dahil sa dati kong ex. Pati sila nadadamay sa problema ko. Kaylan ko kaya makakalimutan ang dati kong ex. Mabuti pa sya nakalimutan na ako kung sa bagay maganda naman sa kin ang pinalit nya. Paalam John sana masaya kana sa buhay mo ngayon.

©Love To The Destiny

Próximo capítulo