webnovel

Who are you thinking?

"HUY! Huy, Apple! Hello? Apple! Apple!"

Hinatak ako pabalik sa earth nang marinig ang boses ni Erin. Nagtatakang tumingin ako sa tabi ko, nakakunot ang noo niya habang nagpipigil naman ng tawa si Sam.

"Saan ka ba nakarating ate girl? Sa planeta ni Thor? Sama mo naman kami diyan sa pag-journey mo sa outer space," aniya na sinundan nila ni Sam ng bungisngisan.

Namula ang pisngi ko sa hiya sabay pasimpleng tumikhim at binuksan ang libro sa lamesa ko.

"Ikaw ha, napapansin namin palagi kang wala sa sarili. Sinu ba ang iniisip mo?" tanong ni Sam na may nanunudyong mga mata.

"Hmp, sinu pa ba? Edi si Kyle!" sagot ni Erin tapos dinutdot niya pa ang kili-kili ko, "Kamusta ang movie date niyo?"

"Ah, eh, okay naman, masaya," nang maalala ko ang mukha ni Kyle ay 'di ko napigilan ang sarili na mapangiti.

Ang totoo niyan, hindi si Kyle ang iniisip ko kanina kundi si Levi. Hindi ko kasi maalis sa isip ang nangyari sa amin kagabi. Paulit-ulit kong naalala kung paano niya bugbugin ang mga labi ko na para bang ayaw na niya akong makahinga. Pero ang agresibo niyang pag-galaw ay bumagal nang paunti-unti hanggang sa ritmiko na nasasabayan ko na siya.

The way he kissed me last night was a little… different. I can't exactly explain the feeling pero kung paano namnamin ni Leviang labi ko at hawakan ang mga kamay ko para bang may kakaiba sa kinikilos niya kumparaa noon sa mga unang beses ko siyang nahalikan.

It was too… passionate?

After we kissed, he looked at me with his dark gray eyes, he brushed the scattered strands of hair on my face while slowly scanning every part of my face as if he was trying to memorize everything in his mind.

"So nag-kiss na ba kayo?"

Bumalik ulit sa mundo nang magtanong ulit si Sam.

"Ah, hindi pa."

Sabay na napaungol ang dalawa. Umikot ang mata ni Erin tapos umakbay sa akin gamit ang isang braso sabay dinikit ang mukha niya sa'kin, "Anu ba naman 'yan Apple? Sa lahat ng mahilig manuod ng porn ikaw ang inosente. Siguro naman alam mo kung paano mag-french kiss?"

Namula ang pisngi ko dahil naalala ko na naman kung paano ako "turuan" ni Levi humalik. Agad akong tumungo-tungo, "I guess so?"

"Iyon naman pala eh, so anu pa inaantay mo? Kiss him!"

Nanlaki ang mata ko, "Bakit naman ako ang unang hahalik? Diba dapat siya?"

Nagpalaktak si Sam, "Ate girl, ano ka ba? Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara na dapat masyadong dalagang Pilipina. Moderno na ang mag-isip at kumilos ang mga tao ngayon. Besides, it doesn't mean na kung ikaw ang gumawa ng first move, eh, ibig sabihin wala ka ng delicadeza. Magkaiba ang babaeng confident sa sarili sa babaeng kamag-anak ng higad."

"Ako nga, kapag gusto ko ang lalaki, hinahawakan ko ang kamay niya, kini-kiss ko siya sa cheeks o kaya sa lips kasi gusto ko siya. Period. I want to show and express my affection. Believe me, mas gusto pa nga ng lalaki yung minsan ikaw ang mag-gagawa ng first move. Yung 'di nila expect. Hindi lang nila pinapahalata pero kinikilig sila sa ganun."

Napatunganga ako sa mga sinabi ni Sam at nag-isip. Kung sabagay, dalawang beses na naman sinubukan ni Kyle na mahalikan ako kahapon kung hindi lang dahil kay Levi. Wala naman sigurong masama kung ako naman ang unang kikilos, right?

"You need more lesson, Apple, you will only kiss no one but me, understood?"

Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Levi. Kinabahan ako bigla paano kung magalit na naman si Levi?

Pero ano naman kung makipag-kiss ako kay Kyle? Besides, hindi ko naman siya boyfriend para pagbawalan ako at kontrolin ako sa kung anu ang gusto kong gawin. Sigurado, pinagti-tripan lang ako ng demonyong yun.

Tama! Hindi dapat ako magpapadala sa mga patibong niya. I should be doing things and deciding on my own.

Determinadong humarap ako sa dalawa, "Okay, I'll make sure na makukuha ko na ang first kiss namin ni Kyle."

Impit na tumili ang dalawa, "That's my girl!" ginulo ni Erin ang buhok ko.

"Kailangan romantic, yung kayong dalawa lang," excited na dugtong ni Sam.

Naputol ang pagku-kwentuhan namin nang pumasok na si Ms. Selena sa classroom. Kanya-kanyang ayos na sa pwesto ang lahat.

"Good morning class," she flawlessly walked in front like a runway model with seductive smile on her lips.

"Good morning Ms. Selena," sabay-sabay na bati lahat. Higit ang mga kalalakihan na naging puso na naman ang hugis ng mga mata habang may literal na naglalaway pa.

Para bang biglang naging 'pink and glow' ang paligid ni Ms. Selena habang may lumulutang na mga bulaklak. Ganun siya kaganda, at ganun kalakas ang aura niya.

Nagtama ang mata namin at ngumiti siya sa akin. Namula ang magkabila kong pisngi sabay bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Grabe, I'm so speechless with her beauty.

Hey yah mga ka-birheng Maria! Sarreh na if natagalan sa updates. Dahil tapos na ang MBIAGR! I can now focus in DNBM and update DAILY! :) Most likely 2-3 chapters per day every 5PM.

We’re half through na ng novel this will run until 45 chapters max just like SB!

Thank you for your powerstones! We are featured in Filipino Originals Block and Trending Block. PLease continue voting with your PS. Para ganahan si Author mag-updates! Hehehe

AnjGeecreators' thoughts
Próximo capítulo