webnovel

Chapter 74: Modeling?

Sa Classroom habang wala pa ang kanilang guro...

"Oh, ikaw lang? Bakit di mo ata kasabay si Barbs?" Tanong ni Uno kay Kenny na kararating lang.

"May nakikita ka pa bang kasabay ko?"

"Chill, bakit bad mood ka ata eh agang aga?"

Kinuha ni Kenny ang libro nya at nag simula ng di pansinin si Uno.

"Tignan mo itong taong tao kapag nag babasa na di na talaga ma distorbo."

"Di ka pa ba sanay?" Sagot ni Gaile na nag lalaro sa phone nya.

"Napansin ko lang naman na di niya kasabay si Barbie di ba lagi sila mag kasabay?"

"Ehhh... May motor naman si Kenny kaya baka nauna na at kasabay ni Principal si Barbs."

"Yeah. Pero di mo ba napapansin na di sila nag papansinan? Matagal na rin na di ko sila nakikita mag usap tahimik madalas si Kenny tas si Bie naman kung wala sa library kasama niyo ni Dana."

"Well, time will tell."

"Hmm?"

"Sa madaling salita wag kang pakialam! Kung mag kaaway sila then fine, kung trip lang nila wag mag pansinan then fine also! Dami mong sinasabi eh wala ka namang ambag sa buhay nung dalawa."

"Hoy! Meron!"

"Tsss! Whatever!"

"Good morning guys!" Bungad ni Sam.

"Morning! Late ka ata." Sabi ni Uno.

"Yeah. Nalate ng gising si Mommy."

"Mommy mo pa talaga ang sinisi mo? Huh! Ibang klase mag alarm ka kasi!"

"Eh nalimutan ko kasi."

"Hi folks!" Bungad naman ni Dana na kararating lang din.

"Hulaan ko na late ka rin ng gising dahil di ka nag alarm no?" Sabi ni Uno.

"Oo eh."

"See! Bagay talaga kayo ni Sam. Parehas kasi kayo ng ugaling makakalimutin."

Nagkatinginan naman sila Sam at Dana.

"A-- Ano ba yang pinagsasabi mo?!"

"Sus! Kunwari ka pa Sam crush mo naman talaga si Dana." Sabi ni Gaile na busy parin mag laro sa phone nya.

"Hoy Gaile!"

"Ang ingay!" Sambit ni Thew nakararating lang din.

"Ano?!"

Thew smirked at him at umupo na.

"Where's Barbie? Wala pa sya here?" Tanong ni Dana.

"Oh, speaking of... ayan na sya... Eh? Bakit kasabay nya si Baron?" Sabi ni Uno at sabay-sabay pa ngang nagsi lingon ang tropa na kahit si Kenny na busy sa pag babasa nya at napalingon.

"Anong meron?" Sabi ni Sam.

"Um. Sige maya nalang." Sabi ni Barbie kay Baron at naupo na at di napansin ang mga nakatingin sa kanila.

"Okay." Sagot naman ni Baron at ngumiti na parang ang saya-saya.

Gaya ng dati tahimik lang si Barbie at kinuha ang mga notes nya at nag sulat.

"Anyare? Kailan pa naging close si Baron at Barbie?" Mahinang sambit ni Sam kila Uno.

"Baka naman nag kasabay lang sa pag pasok dine. Kayo naman masyadong malisyoso!" Sabi ni Gaile.

"True!" Sambit naman ni Dana.

"Talaga lang...Knowing Baron? Tignan nalang natin." Sabi naman ni Uno.

"."

Gaya nga ng inaasahan ni Uno kay Baron na kasama ng nga oras na iyon si Barbie sa library...

"Eh? Sinundo pa ni Baron si Barbie dun sa tambayan nyo?" Sabi ni Sam kila Gaile at Dana nakababalik lang ng classroom nila.

"See, sabi ko senyo eh di naman basta makikipag close yang si Baron sa babae dahil gusto lang nun ka level nya." Sabi ni Uno.

Kasalukuyan namang nag babasa na naman si Kenny ng libro nya.

"Then what will you do, Kenny?" Tanong no Gaile.

Tumingin lang si Kenny kay Gaile at di kumibo.

"Pre, tignan na natin yung dalawa." Sabi ni Uno kay Kenny.

"Oo nga curious din ako." Sabi naman ni Sam.

"Ito namang dalawang ito parang may gagawin naman kung ano si Baron kay Barbs eh." Sabi ni Dana.

"Bakit hindi k ba curious na bigla nalang close yung dalawang yun?" Tanong ni Uno.

"Ahm... Curious din kasi ang tahimik lang ni Barbs eh para kasing sad sya."

"Sad? Sino si Barbie? Huh! Imposible!" Sambit ni Kenny.

Nagulat naman yung tropa sa sinabi ni Kenny.

"Then why both of you being awkward to each other knowing na iisa lang ang bahay na tinitirhan nyo." Sagot ni Gaile.

"Oo naman pre. Napapansin namin na parang di kayo nag papansinang dalawa ni Barbie. Nag away ba kayo? At bakit naman?"

"Wala! Tsk! Diyan na nga kayo!" Sambit ni Kenny at lumabas na ng classroom nila.

Gaile smirked "I knew it! Di nya matitiis si Barbie."

"Hmm? You mean pupuntahan nya si Barbie?" Tanong ni Dana.

"Yeah. Kilala ko si Kenny di yan magaling mag tago ng emotion nyan. Isa pa, ayaw nyang nauunahan sya ng iba."

"Yeah... That's Kenny." Anila.

Meanwhile sa Library,

Busy sila Barbie at Baron sa sinusulat nila habang kumakain ng ice cream.

"Just ask me lang kapag may statement kang di maintindihan." Sabi ni Baron.

"Um. Thankies."

Napansin naman ni Baron na nadadali ng buhok ni Barbie ang ice cream nitong kinakain.

Kinuha ni Baron sa bulsa nya yung ipit na binili nya para kay Barbie at inilagay sa buhok nito.

"Hmm?"

"Bagay sayo."

"Clip?"

"Um. Napansin ko kasing ang habanng buhok mo at di ka madalas nag tatali ng buhok."

Tinanggal ni Barbie yung clip.

"Eh? Ayaw mo?"

"Ah, hindi naman sa ganon. Wala kasing salamin gusto ko lang makita."

"Oh... akala ko..."

"Ang cute, I like grapes. Thanks."

At binalik na ni Barbie sa buhok nya yung clip na bigay ni Baron.

"We-- Welcome." Then he smiled while staring at her.

Balik sa pag aaral si Barbie at napansin nyang nakatitig sa kaniya si Baron.

"Is there something wrong? May dumi ba ko sa mukha?"

"Ha? Wa-- Wala..."

"Then, back to your senses mag aral ka na!"

"Yes Ma'am."

"Huh! Yes Ma'am? Kailan pa nya naging teacher si Barbie! Tsss!" Pabulong na sambit ni Kenny habang nakamasid dun sa labas na kanina pa naroroon simula nung nilagyan ng clip ni Baron si Barbie.

"Selos ka?"

Hinanap naman ni Kenny yunh nag salita at pag lingon nya sa likuran nakita nya si Thew.

"Thew."

"Himala ata at ang isang bookworm ay nasa labas lang ng library. Bakit takot ka na ba ngayon sa mga libro?"

"Wag mo kong simulan Thew. Alam kong alam mo kung bakit ako nandito. At gaya ko ganun ka rin."

"Oh really?"

"Then why are you here? Isa ring himala na nasa library ang isang gaya mo na bola lang naman ang alam hawakan."

"Tsss! Wala kong panahong maki pag debate sayo ngayon. Kaya umalis ka dyan."

Tinulak ng bahagya ni Thew si Kenny na sumilip rin sa bintana para makita yung dalawa.

"Ako diyan!"

"Kanina ka pa! Ako naman!"

"Thew!"

At nag tulakan na nga yung dalawa gang sa gumawa na nga sila ng ingay na narinig nila Barbie at Baron kaya lumabas para tignan.

"A... Anong ginagawa nyo?" Pagulat na sambit ni Barbie dahil nakita nilang parehas ng nasa lapag yunh dalawa na para bang nag sasapakan na.

"Don't tell me kanina pa kayo dito at tinitignan kami ni Barbie sa loob." Sambit naman no Baron na para bang nang iinis.

Nagkatinginan naman sila Kenny at Thew at dali-daling tumayo at inayos ang sarili nila.

"Ahem. Mauna na ko. Bumalik na agad kayo sa room malapit na mag start ang next subject." Sabi ni Kenny na para bang walang nangyare.

"O-- Oo nga!" Pag sangayon naman ni Thew at sabay pa sila ni Kenny na umalis at nag tutulakan pa.

Pero biglang humarang si Drei sa kanila.

"Pinatatawag kayong apat sa Director's Office."

Nagkatinginan yung apat at nag taka kung bakit.

Makalipas ang ilang minuto...

"Po? Pero hindi po ba ang sabi dun sa announcement sa bulletin kailangan po mag audition? Bakit kaming apat po ang napili?" Sabi ni Kenny.

Nakaupo yung apat sa sofa at ang mag kakatabi doon sa isang sofa ay sila Baron, Kenny at si Thew at dun sa single na sofa ay si Barbie lang. Habang nasa sariling office chair naman si Mr. Tang at naka tayo si Drei.

"Um. Yun din ang inaasahan pero dahil kayo ang napusuan ng producer hindi na daw kailangan ng audition. Approval nyo nalang at ng mga magulang nyo ang kailangan."

"Game po ko! Right Thew?" Sabi ni Baron.

"Well, okay lang pero paano po ang klase namin? At varsity po kami."

"No worries, kami ng bahala doon and weekends naman gaganapin ang modeling schedule nyo." Sagot ni Drei.

"How about you Barbie? Do you want to try?" Tanong ni Mr. Tang.

"Ahm... Actually..."

"No, hindi po kami pwede, sorry... Barbie, halika na." Sambit ni Kenny at hinawakan ang kamay ni Barbie.

"Sandali lang!" Pag pigil ni Thew.

"Alis!"

"Huh! Sino ka ba sa tingin mo? Bakit ikaw ang nag dedesisyon para sa kaniya?!"

"She is my responsibility kaya kapag sinabi kong hindi kami pwede then that's it! Barbie tara na!"

"Let me go!" Pagalit na sambit ni Barbie.

"What?"

"I said let me go!"

Lumapit si Baron at tinanggal ang kamay ni Kenny kay Barbie.

"She said it bro. Kung ayaw mo wag kang sumama." Sabi no Baron.

"Huh! At sa tingin mo dahil gusto nyo sasama na rin sya?"

"Then why are you trigger?"

"Barbie let's go!"

Hahawakan na sana ni Kenny yung kanang kamay ni Barbie pero tinapik ito ni Thew at sya ang humawak sa kamay ni Barbie.

"You may go, without her!"

"Huh! Ibang klase!"

Hawak ni Baron ang left hand ni Barbie at ang right hand naman nito ay si Thew kaya napahawak sa batok nya itong si Mr. Tang na na iistress sa nakikita nya bilang sya ang daddy ng babaeng pinagaagawan nung tatlo.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Sambit ni Drei sa mahinang tono habang nag aaway away yung apat.

"Haysss... Ano sa tingin nila ang ginagawa nila sa baby ko?!"

"Sir, kumalma po kayo baka kung anong magawa nyo."

"No! I can't stand it! How dare they touch my baby girl?"

Napatayo si Mr. Tang at inialayo si Barbie dun sa tatlo na kinagulat naman ng mga ito.

"Kayong tatlo iwan nyo muna si Barbie."

"Po?" Anila.

"Si-- Sir..." Sambit ni Drei na sumesensyas kay Mr. Tang na parang gustong sabihing "anong ginagawa nyo?"

"I... I mean... I just want to talk to her. I noticed that hindi sya makapag desisyon ng ayos dahil sa inyo kaya sige na lumabas na muna kayo ipapatawag ko nalang kayo kay Drei."

"Pero Mr. Director..." Sabi ni Kenny pero di na nya natapos ang sinasabi dahil the two dragged him out.

"Drei sige na sa labas ka na rin muna."

"Opo."

Bigla namang natahimik ang atmosphere bigla ng sila Barbie at Mr. Tang nalang ang nasa loob.

"Ahem! Mr. Director, pasensya na po sa inasal namin lalo na yung tatlo ang kukulit po kasi talaga ng mga yun. Ako na po ang humihingi ng sorry para sa kanila."

"No-- No need to apologize ayos lang."

But deep inside he said "tsss! Subukan lang nilang ulitin na hawakan ka baka ipa expell ko sila."

"Mr. Director?"

"Hmmm?"

"Ahm... Malapit na po kasi mag start ang class namin ano po ba bang sasabihin nyo? Kung about po sa modeling kineme."

"Modeling what?"

"Ah, sorry po salita po yun para i-express yung parang tinatamad kang sabihin na word. You know were teenagers."

"Ah... Oh... Yun pala yon. I heard that many times and even Drei... I heard him saying that word."

"Hehe... Bata parin po kasi si assistant Drei. Pero mabalik po tayo dun sa modeling... Ayos lang po sakin nabanggit na rin naman po yun sakin ni Uncle Bruce."

"So pumayag sya?"

"Opo. May problema po ba?"

"Ah... Wala naman hindi ko lang akalain na papayag syang agad knowing him..."

"Close po kayo kay Uncle?"

"Ha?"

"Para po kasing close kayo sa tono ng pananalita nyo."

"Ah... O... Oo naman dahil principal sya at di lang naman sa kaniya pati na rin sa ibang teachers dito."

"Ohh... Friendly po siguro kayo."

" You think?"

"Opo, actually di po talaga ako comfortable makipag usap sa iba lalo na kung stranger para sakin pero iba po sa inyo. Para po kasing matagal ko na kayong kakilala."

"Re-- Really?"

"Opo, for some reason ang gaan po ng pakiramdam ko sa inyo. Siguro nung past life po natin baka kamag anak ko kayo."

"Ohh..."

"Opo ang angas po di ba? Hehe...."

Nakikinig lang si Mr. Tang sa mga sinasabi ni Barbie sa kaniya habang naka ngiti.

Bell... Bell...

"Ah! Nako, mag start na po ang class sige po balik na po muna ako sa classroom namin. It's nice to talk to you po Sir Director."

"Just call me Daddy." Mahinang sambit ni Mr. Tang na di napansin ang nasabi nya dahil nadala sya sa emotion nya habang kasama si Barbie.

"Po?"

"Ha? A-- Ano... Sabi ko sige pumasok ka na. At..."

"Po? May gusto pa po ba kayong sabihin?"

"At kapag kailangan mo ng kausap punta ka lang dito. I'm willing to listen just call me and I'll be there."

"O-- Okay po?"

Nailang naman bigla si Barbie sa sinabing iyon sa kaniya ni Mr. Tang kaya nag madali syang lumabas ng office nito.

"Sir, ano pong nangyare? Mukahng ang saya nyo po."

"Um. Muntik ko na ngang masabi ay nasabi ko pala na ako ang daddy nya."

"Ano po?!"

"OA?"

"Eh kasi naman po Sir... Sabi nyo di nyo muna sasabihin tapos sinabi nyo na without further ado?"

"Keme ka naman!"

"Po? Keme? Alam nyo yon?"

"Of course! Pero hindi ko sinabi na ako ang daddy nya well sinabi ko."

"Ano ba talaga Sir?"

"Galit ka?"

"Hindi naman po. Ang akin lang eh..."

"Nasabi ko sa kaniya pero in a wrong way di nya ko narinig mahina rin kasi ang pag kakasabi ko. Buti na rin yun dahil baka mag panic yun pag narinig nya."

"Sino ba naman pong hinde? Kahit po ako nung narinig ko yung sinabi nyo nag overreact na po tuloy ako."

"Yeah. Pero... Anong gagawin ko?"

"San po?"

"Gusto ni Barbie na mag model at pumayag raw si Bruce."

"Po? Si Principal Bruce? Pinayagan si Ms. Barbie na maging model?"

"Um. Hindi ko alam kung alam nya na kapatid ko yung may pakana ng modeling kineme na yan. Dahil sigurado akong di yon papayag."

"Sir ah, puro na kayo kineme."

"Ah, si Barbie kasi... Hehe..."

"Ngayon nalang po kayo ulit ngumiti ng ganyan. Balak nyo na bang aminin kay Ms. Barbie? Eh paano po pala si Ma'am Desa? Ayos lang talaga sa inyo na maging magka trabaho ang kapatid at ang anak nyo?"

"Basta, wala kang sasabihin kay Desa tungkol kay Barbie at sakin magiging maayos ang lahat at hindi malalaman ng Mom'ma."

"Yes Sir noted po!"

Próximo capítulo