webnovel

Chapter 10

Bigla ay binalot si Rin ng matinding kasiyahan. Kaagad siyang napatayo at tumakbo para yakapin ito.

Damn! She missed him. Hindi niya alam kung kailan niya pa naramdaman ang mga emosyong iyon pero hindi niya mapigilan ang sarili. Na-missed niya ang binata. The weird color of his voice, his scent, his face, his presence. Everything. She missed everything about him. Napangiti siya nang gumanti ng yakap si Grego sa kaniya.

"I missed you, Rin." Bulong nito sa tainga niya. She smiled, na kaagad ding napawi nang makaramdam siya ng isang bagay na tumutusok sa puson niya. "And also, you smell so good."

Bigla siyang pinamulahan sa sinabi ni Grego. Hindi siya tanga para hindi malaman ang bagay na iyon. Totoo ngang nagka-amnesia siya pero alam niya kung paano gumagawa ng milagro. At alam niya ring tinayuan ito dahil lang sa simpleng paglapat ng mga katawan nila.

She bit her lower lip. Kaagad siyang kumawala sa yakap nito nang makaramdam ng kakaibang init sa katawan. Damn! She wanted him to touch her. Pero napaka-imposibleng mangyari ng iniisip niya dahil nasa probinsya sila at malaking chismis kapag niyaya niya si Grego na pumasok sa bahay at magpalipas ng sandali.

Hindi na siya nagtataka sa init na kaniyang naramdaman. Nararamdaman niya iyon sa tuwing malapit ang mga katawan nila ng binata. Doon pa lang sa Poblacion ay nararamdaman na niya iyon kay Grego. Ano pa ba'ng bago?

Halos pa nga lang ay gusto niyang magpahalik na lang dito pero nagtimpi siya. Pariwara. Nagiging pariwara siya sa tuwing malapit si Grego. She never thought that she'll ever be this aggressive towards a man… to him. Siguro ay kung aayain siya nito na pumasok sa bahay nila at magpalipas ng sandali ay hindi na siya magdadalawang isip na ito'y pagbigyan.

"Teka, Rin. Sino siya?" Nagtatakang tanong ni Cholo sa kaniya.

"Uhm… Cholo, si Mayor Grego Perez nga pala. K-kaibigan ko. Siya yung tumulong sa'kin noong isinugod ako sa ospital."

Cholo gave Grego a very formal look. "I'm Cholo Domiguez. Nice to meet you." Cholo offered his hand for a handshake, pero nanatili lang na nakatayo si Grego at tinitigan si Cholo. 'Yung tipong anumang oras ay handa nang lapain ni Grego si Cholo ng buhay.

"I see. So, manliligaw ka ni Rin?" There's a bitterness in his voice. Halatang naiinis ito sa presensya ni Cholo. Kaagad namang binawi ni Cholo ang kamay na inalok nito nang maramdaman ang disgusto mula sa boses ni Grego.

"Yes. Manliligaw ako ni Rin. At aayain ko sana siyang pumunta mamaya sa bayan."

"No, thanks. I'll be the one to take her there. Actually, pansamantala akong tumitira sa isang Condotel doon na pag-aari ko kaya libre ako anumang oras."

Hindi maganda ito. She can sense a competition between the two. Kulang na lang ay may lumabas na kidlat sa mga tingin ng mga ito sa isa't-isa. Masyadong matalim!

"Nga pala?" She asked out of the blue. "Anong ginagawa mo dito sa San Rafael?" She asked Grego.

He smiled. "You'll find out." Then after that, he winked.

Halos maguhuramentado ang buong sistema niya dahil lang sa simpeng kindat na iyon. Damn! He look's so sexy when he's flirting. At siya namang marupok, napangiti na lang dahil sa ginawa ng binata. I wanted to find out his main agenda

She bit her lower lip, supressing a smile. Maging si Grego ay ganoon din ang ginawa.

Oh, god! When did i learn how to flirt?

Nahalata niyang tila naghihinala na si Cholo sa inaakto nilang dalawa kya tumigil na siya sa pagngiti at binalingan ito. "Cholo, pwede bang bukas na lang tayo pumunta sa bayan? May pag-uusapan pa kami ni Grego."

Cholo nodded in response. "Okay then. Mauna na ako." Cholo patted her shoulders then bowed a little to Grego, formally acknowledging his presence, before leaving.

Nang lingunin ni Rin si Grego ay nakabusangot na ang gwapong mukha nito.

She smiled. "Bakit parang ang lungkot mo yata?"

He frowned. "Nothing. It's just that… I don't like that guy."

"Why?"

"Because he's giving you the eye."

Natawa siya. "Anong eye ang ibinigay niya sa'kin? Right? Or left?" Hindi niya mapigilang matawa. Yes, she understand what he really meant to say pero mas pinili niyang biruin ito.

"Come on, Rin. Hindi nakakatawa." He sighed. "What i mean to say is… he's eyeing on you. He's into you."

"Okay."

He furrowed his brows. "Okay? Just okay? Come on, Rin."

"Eh ano naman kung may gusto siya sa'kin? Matagal ko nang alam iyon. At isa pa, Cholo is a good friend of mine. Harmless siya. Hindi siya masamang tao. And i like his voice. You should hear him sing. His voice is color red."

"Oh, yes. Red. Your favorite color. Yup. Of course. Hindi mo nga pala gusto yung kulay ng boses ko kasi weird. You despise gray so much. I get it." May bahid ng pagtatampo ang boses nito.

Right now, he's acting like a jealous kid.

Pero teka? Paano nito nalaman ang paboritong kulay niya at kung ano ang nakikita niyang kulay ng boses nito?

"Paano mo nalaman yung favorite color ko at—"

"Does it matter?" He interjected. "What matter is you like his voice. As simple as that."

Napasimangot siya. Gusto niya itong awayin pero hindi niya magawa. Natatakot siyang mas lalo pa itong magtampo. And for some reason, she likes the feeling of seeing his jealous face. Ang cute nito tingnan kapag nagseselos. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit nito alam ang mga nakikita niyang kulay ng boses nito?

Biglang napawi ang ngiti niya nang may ma-realize. Ayan na naman siya at nag-iisip ng malalim. Binibigyan na naman siya ni Grego ng mga bagay na nagiging sanhi ng pag-iisip niya ng malalim. At naiinis siya.

She's supposed to stay away from him! Dapat na siyang lumayo mula sa binata dahil ayaw niyang mag-isip pa ng mga bagay-bagay or worse, makaalalang muli. Ayaw na niyang mas maging pabigat pa pero anong nangyayari ngayon? Why is she letting Grego to break the barriers she built? Bakit niya ito hinahayaang makipaglapit sa kaniya? May usapan sila. He should stay away from her. Para na rin sa kaniyang ikatatahimik.

When he called her Poleng before, it triggered a part of her memory. May tumatawag sa kaniya sa pangalang iyon at hindi niya maalala kung sino. At labis siyang nagtataka dahil doon. Bakit siya tinatawag na Poleng sa alaala niya? Imposible namang siya at si Pauline ay iisa. Nai-kwento ng mga katulong sa kaniya ang eksaktong petsa ng paghihiwalay ni Grego at Pauline at nakakasigurado siyang nasa San Rafael siya nang araw na iyon. Imposible namang maging siya si Pauline dahil kung oo ay dapat wala siya sa San Rafael ngayon. At isa pa, 'Poleng' naman ang nasa alaala niya at hindi Pauline. Nagkataon lang siguro na magkatunog ang pangalan na 'yon na nasa alaala niya sa pangalan ng asawa ni Grego. Kagaya ng mga pangalan nila ni Erin. Halos magkapareho lang. Who knows, right? Life is full of surprises. Ni hindi nga inakalang may kamukha siya at nagkataon pang asawa ni Grego.

Coincidence. Tama! Coincidence!

Siguro ay imahinasyon niya lang iyong alaalang akala niya ay umahon mula sa kaniyang isipan kaya kinalimutan na lang iyon ni Rin. Ayaw na niyang mag-isip ng malalim at mainis lang sa huli dahil hindi niya alam o magpatagpi-tagpi ang mga alaalang umaahon. Kaya gusto niya sanang lumayo muna kay Grego dahil ayaw niyang ma-frustrate. Nagiging pabigat siya sa lahat sa tuwing sumasakit ang ulo niya at nahihimatay at ayaw niya iyon. Iyon ang nagtulak sa kaniya para umalis na sa pamamahay ng binata. For some reason, Grego always triggers her memory.

Napaatras siya ng kaunti, letting him know that she needed space... that she needed to stay away because he bothers her big time! Mukha namang nahalata iyon ni Grego dahil nagbago rin ang ekspresyon ng mukha nito. Sadness crossed on his face.

He heaved a sigh. "Look. Alam kong nangako ako sa'yo. I should stay away from you. Believe me, Rin. I tried. I tried to forget you pero hindi gano'n kadali iyon." His eyes were full of sadness and guilt. Na para bang maski ito ay naiinis din sa nararamdaman.

"I just wanted to check if you're okay here. That's all. Kahit huwag mo akong pansinin. Please?"

She bit her lower lip. Paano niya magagawa ang iwasan ito? Grego is embedded in her mind like a tattoo. Walang araw na hindi nawala sa isip niya ang binata maging ang anak nitong si Erin. Kaya ano pang silbi ang iwasan ito?

"Ilang araw kang mag-s-stay sa bayan?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Maybe a week?" Mukha rin itong hindi nag-plano base sa sagot nito sa kaniya. "And also, I am planning to buy a house, maybe a land here in San Rafael. Gusto kong magkaroon ng bahay-bakasyunan dito. This place is exactly what Pauline would love."

Nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam niya ay may kumurot sa kaniyang puso nang banggitin ni Grego ang pangalan ng ex-wife nito. So, mahal niya pa rin si Pauline?

"T-That's so thoughtful of you. Siguro nga magugustuhan ng ex-wife mo na manirahan dito," she tried to hide the bitterness in her voice but can't. Nababakasan pa rin ng pait ang boses niya nang sambitin niya ang mga katagang iyon.

"Of course, she will. She has always been in love with serene places like this. Siguro nga mas gugustuhin niya pang manirahan dito mag-isa o kasama ang iba kesa sa makasama ako."

Parang nakaramdam siya ng guilt sa puso niya. Para talaga itong nagtatampo. Ni hindi niya alam kung bakit nag-o-open up ng ganito si Grego sa kaniya. Kanina pa siya natatamaan ng mga salitang lumalabas sa bibig nito. Ni hindi niya alam kung bakit.

"I'm sorry," hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at nasabi niya iyon.

"Sorry for what?"

"For coming into your life. I messed it up. Ipinaaalala ko lang sa'yo ang ex-wife mo. And I'm sorry for that."

"Oh, baby." Napasinghap siya nang bigla siyang hatakin ni Grego at ikinulong sa mga bisig nito. "Don't ever say that."

Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari pero mas nangibabaw sa kaniya ang kagustuhang mas lalong idikit ang katawan sa binata.

"S-Say what?" Tanong niya sa garalgal na tinig.

"That you're sorry for coming into my life."

Naghuramentado ang sistema niya kasabay ng malakas na tibok ng kaniyang puso. And for some reason, she hugged him back like there was no tomorrow. His warmth felt so familiar. His scent. His voice. And she has this feeling in her heart that those thing was once a part of her being… a slice from a lifetime that has been taken away from her. And it feels so right to hold on to it… to hold on to him like reclaiming something that was once hers.

"Rin…" he whispered, his breath against her shoulder sent a delicious sensation down her spine. Then, his heat intensified, conducting a familiar sensation in her being. Para siyang sinisilaban.

"Grego…"

"I want you, Rin…" he said without hesitation.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Grego. How can she say no when her heart, mind, body, and soul responds 'yes' to his offer in any way?

She gently pushed him away, allowing her to have eye contact with him. Lumamlam ang titig sa kaniya ng binata kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. His eyes were sweet, almost adorable but it was tinted with desire. She unconsciously licked her lower lip, imagining how sweet his lips could be inside her mouth once again.

She was on fire… alam niya ang pakiramdam na iyon. She was feeling the same heat whenever she remembers the kiss they shared. But unlike before, the heat was so intense… so intense that her mind lost it's control over her body anymore.

Moments later, she found herself kissing Grego's delectable lips while dragging him inside the house.

Próximo capítulo