webnovel

CHAPTER THREE

"Okay na ang lahat. P'wede na tayong mag-operate next week," nakangising saad ng kuya Colin ni Cherry kay Mang Kanor. Tuwang tumango naman ito at nag-aya na kumain sa kalapit na restaurant.

"Kumusta naman kayo ng anak ko, iha? Hindi mo pa yata sinasagot," Biro nito sa kanya habang kumakain.

Nagkadasamid-samid siya. Ngayon lang kasi siya nito biniro ng ganoon kadirekta. Lalo tuloy siyang hindi mapakali ng maalala ang mga moves ni Elixir. Wala siyang masabi sa pagiging supportive nito at mayroon pa siyang natuklasan sa loob ng ilang araw na panunuyo nito sa kanya: masarap itong magmasahe.

Namilipit ang puso niya sa kilig. Noong isang gabi, napagod siya sa shooting at nais nitong may magawa para doon. Hindi kasi ito mapakali sa pagmamaneho hanggang sa pumarada sila sa isang convenience store at minasahe ang hita at binti niya. Pinaupo siya nito sa likuran ng sasakyan at kinalong ang hita niya para magawa iyon.

Nakadagdag sa pogi points nito ang ginawa nito. Nakaramdam siya ng kaginahawahan. Idagdag pang dama niyang walang halong pananamantala ang pagmamasahe nito at natutumbok ng wasto ang mga nangalay na muscle niya. Hindi ito tumigil hangga't hindi siya nakakaramdaman ng kaginhawahan. Bukod pa roon ay binilhan pa siya nito ng gamot na may kasamang 'kiss' sa noo.

Lihim siyang napahagikgik dahil sa kilig hanggang sa nakarinig siya ng tawanan sa harapan. Namula ang pisngi niya ng makitang ngising-ngisi ang kuya niya at si Mang Kanor! Tiklong-tiklo siya sa pagbabalik tanaw!

"Mabait naman ang anak ko, iha. Baka p'wede mo naman siyang ikonsidera." Nakangiting untag nito sa kanya. "Mawalang galang sa inyong magkapatid, ano? Pero gusto kong malaman ninyo na… gusto kita para sa anak ko."

Napanganga siya rito. Hindi yata't gusto nitong maging kupido sa love life ng anak nito at labis siyang nagtataka. Si Elixir ang tipo ng lalaking hindi na kailangan pang hanapan ng kapareha. Ngiti lang nito ay may mahuhumaling na rito kaya why o why?

"Bakit ako? Mas siga pa ho ako sa anak ninyo," aniya saka napangiwi. Hindi niya maiwasang sabihin iyon dahil may pagkamagaslaw siya sa pananalita at kilos. Dahil na rin iyon sa uri ng kanyang trabaho at nahihirapan siyang maging pino. Baka mag-nosebleed siya kapag pinilit niya.

"Wala naman akong nakikitang masama sa'yo. Mabuti kang bata. Nakapag-aral ka naman. Marunong kang makisama at mabiro. Hindi ka maarte kaya boto ako sa'yo," anito saka ganadong kumain. Kung magkakatuluyan sila ni Elixir ay napakaswerte naman niya. Boto na ang magiging biyenan niya.

Magtigil ka sa ilusyon! Biyenan agad?Hindi pa nga kayo ni Elixir! Ang layo ng hakbang mo ateng! Kantyaw ng isang bahagi ng utak niya at napakamot siya sa sentido. Anu-ano tuloy ang naiisip niya.

Ilang sandali pa ay napaigtad siya dahil nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang si Elixir ang caller. Kinalma niya ang sarili. Pambihira talaga. Tawag pa lang, natuturete na siya.

"Where are you? I've been calling you. Kumain ka na ba?" diretso nitong tanong pagkasagot ni Cherry sa telepono.

"Kumakain kami ng daddy mo dito sa Burgos Restaurant. Malapit lang ito sa Sta. Ana—hello? Hello?"

Napakunot na lamang ang noo ni Cherry ng busy tone na lamang ang narinig niya. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan pero hindi nito sinasagot hanggang sa nabigla na lamang siya ng pumarada ang sasakyan nito sa tapat ng pwesto nila at dali-dali itong bumaba. Todo-kabog ang puso niya at wala sa sariling inayos niya ang buhok. Gusto rin naman niyang maging presentable sa harapan ni Elixir.

"O, iho. Kumain ka na ba? Halika't sabayan mo kami nila Colin," ani Mang Kanor at nagtawag ito ng waiter.

"I was just in the area and Cherry told me that you're here,"

Nahigit niya ang hininga ng tumabi ito sa kanya. Ang bango talaga nito. Nasasamyo niya agad ang bango nito sa pagkakalapit nila. Kinikilig na naman siya ng lihim.

Napatingin siya sa pananahimik nito. Mayroon itong pagkakataong ganoon at minsan, natutukso siyang tanungin ito. Dama kasi niyang mayroon bumabagabag dito kagaya na lamang ng oras na iyon. Matiim itong nakatitig sa mesa. Saglit na nagdilim ang mukha nito na tila dinaya lang siya ng paningin hanggang sa sumusukong napabuntong hininga at hinagod ang buhok. Sumikdo ang puso niya ng humarap ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya saka hinalikan.

Gusto na niyang mahimatay! Doon mismo sa harapan ng ama at kuya niya, muli itong umastang ganoon at namula siya ng todo sa labis na hiya at kilig! Halo-halo na!

"Nabusog ka ba? Baka kulang pa ang kinain mo. May shooting pa kayo mamaya, hindi ba?" masuyo nitong saad saka inayos ang bangs niyang nawala sa pwesto.

Iyon ang isang dahilan kaya nais niyang ayusin iyon. Dahil kapag ito kasi ang gumawa, nawawala siya sa sarili. Napapatanga siya. Kaya hayun siya, nakanganga na naman na tila nalunok na niya ang dila.

"Iho, matutuwa ka sa ibabalita ko. Tinulungan ako nitong magkapatid na magtayo ng bagong branch dito at si Colin ang magiging tao ko at auditor ko si Cherry," untag ni Mang Kanor at ipinaliwanag nito ang lahat.

Napatingin siya kay Elixir ng maramdamang dumiin ang pagkakapisil nito sa palad niya. Muling nagdilim ang mukha nito pero saglit lang hanggang sa napabuga ito ng hangin at unti-unting nawala ang gatla nito sa noo. Nahagod na lamang nito ang sentido at tuluyang hinarap ang ama nito.

"You mean… she'll invest too?" paniniyak nito at napatingin ito sa kanya. "Can you handle it? I mean… you were busy."

Napangiti siya. First time! Ngumiti siya ng matamis dahil gusto niyang ipaabot dito na okay lang siya. Tinapik niya ang kamay nito. "Oo. Naisip ko rin naman na habang hinete ako, mayroon din naman akong ibang pinagkakakitaan."

"God… I'm just worried…" anitong tila nanghihina. Ilang beses itong napailing at napabuga ng hangin.

"Okay lang ako, ano ka ba? Sobra ka namang mag-alala…" kinikilig tuloy ako kaya stop it! Baka halikan kita sa lips, mamatay akong bigla sa kilig!

"Okay then. Anyway, I'm here. Aalalayan kita," masuyo nitong saad. Namumula tuloy siya at ang kuya niya, ngising-ngisi! Hindi talaga siya pinalulusot ni Elixir. Kahit saan, kahit kailan ay ipapakita nito ang concern kesehoda kung sino ang nakaharap.

Nang dumating ang pagkain nito ay hinintay nila itong matapos kumain. Pero napakamot na lamang siya ng ulo ng subuan siya nito. Nagkandailing siya.

"Come on. Ang konti ng kinain mo," anito saka itinuro ang pinggan niyang wala ng laman. Ang totoo'y hindi na siya naka-round two dahil dumating ito. Nahihiya siyang ipakita ang pagkain niyang pang-construction worker! Sa katunayan, ang lahat ng baon at ang isang basket na prutas ay siya lang ang kumain. Hindi rin naman mahilig kumain ng ganoon ang kuya niya at ama kaya siya lamang ang umubos.

"Nakakahiya!" hindi mapigilang asik niya rito.

"Please?"

Letsugas na mga mata, hindi niya ito matanggihan! Napakagaling magmakaawa at lumalambot ang puso niya. Kaya sa huli'y pumayag rin siya at namilipit ang puso niya sa hiya at kilig!

"Ang sweet naman ninyo. Naiinggit tuloy kami ni boss dito," natatawang tudyo ng kuya niya.

"Enjoy your lunch. Mauuna na kami, iho." Paalam naman ni Mang Kanor.

Kulang na lang ay pigilan niya ang mga ito pero mayroong bahagi ng puso niyang nais na paalisin ang mga ito. Hindi na siya makakilos ng tama! Naiilang na nga siya, kinikilig pa! Hindi na niya alam ang uunahin!

"Dessert?" masuyo nitong tanong at tumango siya. Gusto niyang sabihing ito na lamang ang dessert pero lihim niyang sinuway ang sarili. Nagiging mahalay siya ng wala sa oras!

"Are you sure you'll going to be alright?" untag ni Elixir kapagdaka.

Natawa na siya rito. "Opo. Masyado kang nagaalala. Kaya ko po 'yun. Nag-aral naman po ako—"

"It's not that. I was thinking, pagod ka sa pangangabayo at paano kung kailangan mong mag-audit? May katagalan din iyon. Naisip kong baka mahirapan ka," anito saka napabuntong hininga. "Let's see a doctor so he can give you vitamins. Kahit man lang pang anti-flu vaccine, magpabakuna ka para protektado ka. No buts, okay?"

Isang simpleng tango ang iginawad niya rito at nang malingat ito, lumingon siya sa ibayong direksyon para kilig na ngumiti! Nakakakilig ang concern at pag-aalaga nito sa kanya. Ganoon pala ang pakiramdam kapag mayroon isang taong concern at nagaalaga. Dama talaga niyang mahalaga siya rito.

Haba ng hair… nag-rejoice ka ba girl… awit ng puso niya at lihim siyang napahagikgik. Haba talaga ng buhok niya. Pinapahaba naman kasi ni Elixir!

"Okay! Take four! Lights, camera… action!" sigaw ng director at tumalima si Cherry. Dahan-dahan siyang bumaba ng kabayo at nang madama niya ang malaking electric fan ay inalis niya ang riding helmet saka hinayaang lumugay ang alon-along buhok na ikinulot pa ng mga baklang nag-ayos sa kanya. Ayon sa mga ito, para maging bouncy daw iyon at magkaroon ng volume.

Nang hagisan siya ng bote ng Sweet Booster ay agad niya iyong sinalo—tulad na mahigpit na bilin sa kanya. Binuksan niya iyon at tumungga na tila iyon ang pumawi sa pagod niya. Ilang sandali pa ay pumikit siya at dinama ang malamig na bote sa pisngi. At nang makuntento ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at itinuon ang paningin sa camera saka itinaas ang isang sulok ng labi sabay sabing... "Wanna get wild? Drink Wild Cherry and be like me. Sweet Booster makes me go wild in field…"

"And Cut! Good take!" sigaw ng director sabay baling sa kanya. Ngiting-ngiti ito dahil ayon dito, napakamasunurin daw niya at hindi daw ito nahirapan sa kanya. Pero sa loob-loob niya, gusto na niyang manuntok! Ang kapal ng make-up niya! "Fifteen minutes break muna tayo, Miss Ronquillo. Pagkatapos ng break, kukuhanan ka namin ng iba't ibang anggulo sa tagline mo bago pa tuluyang magdilim, okay?" anang butihing director.

Tumango siya rito at nagtungo sa upuang laan sa kanya. Agad niyang sinipat ang mukha sa salamin at naiimbyerna siya! Gustuhin man niyang burahin iyon ay hindi niya magawa. Hindi pa tapos ang ginagawa nila. Mabuti na lamang, sa tuwing susunduin siya ni Elixir ay tapos na siyang naghilamos kaya todo dasal siyang huwag nitong makita iyon.

In fairness, kinulit siya ni Elixir sa plano nito kaya hayun, nakapagpa-vaccine na rin siya at mayroon ng mga vitamins. Hindi uso iyon sa kanya pero sa pangungulit nito—dahil kailangan daw niyang mayroong panlaban sa sakit—ay pumayag na siya. Para din naman daw iyon sa kanya.

Kahit nakikita niyang pagod ito mula sa project nito ay sinisikap nitong mahatid-sundo siya kaya hindi niya masisisi ang sarili na sa tuwina'y hinihintay na rin niya ito. Dama niyang hinahanap na ito ng puso niya at kasalanan ng mga moves nito. Napakagaling nitong magpalambot!

Napaigtad na lamang siya ng marinig ang cellphone. Napangiti siya ng makitang galing iyon kay Elixir.

How's your day? Are you having fun on your shooting?

Kilig na ni-reply-an niya ito. Okay naman. Break time kaya nakapag-reply ako. Ikaw? Kumusta ang araw mo? Sagot niya saka kabadong pinindot ang send. Ano ba 'yan! Text pa lang natuturete pa rin siya!

Napaigtad pa siya ng sumagot ito at dali niya iyong binasa. Impit siyang kinilig ng makita ang mensahe nito.

I was having a bad time today. 'Can't wait to see you. I feel really good inside just staring at you… 

Napahagod niya ang buhok at biglang hindi mapakali. Hindi niya alam ang ire-reply! Nandoon na titipa siya at muli iyong buburahin. Hindi na niya alam kung ilang beses niya iyong ginawa hanggang sa mag-ring iyon.

Napaungol siya sa kaba. Lihim niyang iginala ang paningin at labis siyang nagpapasalamat dahil walang nakakapansin ng turete moves niya. Napabuga siya ng hangin para pahupain ang damdamin at sinagot iyon.

"What happened?" alalang bungad nito pagsagot niya sa cellphone. Dinig pa niya ang kalampagan sa paligid nito at halatadong nasa site pa rin ito.

"May ginawa lang ako," simpleng sagot niya at napangiti. Mukhang hindi na nito mahintay ang sagot niya kaya tumawag na. "Nami-miss mo naman ako agad. Nagkita lang tayo kaninang umaga, ah," biro niya rito.

Napabuntong hininga ito at parang nakini-kinita niyang hinagod pa nito ang buhok. Isa iyon sa napansin niyang ugali nito at gusto niya iyon. Pakiramdam niya, sa tuwing ginagawa nito iyon sa harapan niya ay nagpapapogi ito at siya naman, napopogian!

Letsugas! Ang landi mo na talaga! Kantyaw ng isip niya. Totoo naman kasi at aaminin niya, naglalandi na talaga siya. Pambihira! Sa edad niyang iyon, noon lamang niya iyon nasubukan at napakasarap pala noon sa pakiramdam. Minsan, para na siyang engot na nakangiti sa kawalan kapag naalala ito. Hindi na niya iyon napapansin sa tuwing naaalala ito.

"But I do really miss you," mahinang saad nito pero gabundok na kilig ang hatid noon sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi na naman siya mapalagay dahil hindi niya iyon alam tugunan. Gusto niyang sabihing ganoon din siya pero nahihiya siya.

"Magkikita pa rin naman tayo mamaya," aniya rito saka muling natawa ng mahina. Pigil na pigil siyang huwag mapahalakhak dahil sa kilig!

"And I am looking forward to that. Let's have dinner after your work, okay?" anito saka huminga ng malalim. "God… I miss you…"

Natunaw ang puso niya sa tono nito. Masuyo iyon at dama niya ang sinseridad. Napangiti siya at nakagat ang ibabang labi. Kahit sa simpleng salita lamang ay nakukuha nitong maipadama kung gaano siya kahalaga dito.

"Sige. Ilibre mo ako. Gutom na gutom ako, kulang 'yung ginawa mong sandwich. Itinaob ko na ang lalagyanan," biro niya rito at lalo siyang napangiti ng marinig ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya.

"That's my girl. Let's have dinner at Kamayan,"

Natuwa siya. Rice-all-you-can doon at gusto niya iyon. Nagkasundo sila nito at ilang sandali pa, nakangiting ibinaba na niya ang telepono. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakatanga hanggang sa impit siyang napatili. Tutop ang bibig para pigilang kumawala ang hagikgik!

Nabasag lang ang kilig moment niya ng tawagin na siya ng isang crew para muling lumarga. Tumalima na siya. Bitbit sa loob ng dibdib ang kaligayahang dulot ni Elixir. Ganado siyang muling sumunod sa lahat ng utos ng director.

Inabot na sila ng dilim hanggang sa tuluyan na silang nag-pack up. Paglingon niya sa tabi ng upuan niya ay ganoon nalamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makitang nakatayo doon si Elixir. Mataman itong nakatingin sa kanya samantalang naturete siya. Nagkaroon ng sariling utak ang mga paa niya, patakbo siyang nagtungo sa CR at agad na pumasok doon.

Napasandal siya sa hamba, tutop ang nagwawalang dibdib. Napaigtad na lamang siya ng makarinig ng sunud-sunod na katok.

"What's happening?" nagaalalang tanong nito saka muling kumatok.

Nagkukumahog na kinandado niya iyo. Agad niyang hinagilap ang wet tissue sa bulsa at dali-daling pinahid ang mukha para maalis ang letsugas na make-up. Gusto na niyang sabunutan ang sarili ng kumatok itong muli! "Anak ng tokwa naman, Elixir! Naka-make up ako! Nakakahiya!"

Nakarinig siya ng tawa hanggang sa nauwi iyon sa halakhak. Hindi na naman siya mapakali kaya todo kaskas na siya sa mukha. Napaungol na lamang siya ng muli itong kumatok.

"Naman! Sandali lang!" angil niya pero hindi ito tumigil.

"Let me at least see you for a second," lambing nito. Napabuntong hininga siya. Alam niyang hindi siya nito titigilan kaya tumalima na lamang siya. Lumabas siya habang pinupunasan ang mukha.

Nanikip ang dibdib niya ng dahan-dahan nitong hawakan ang kamay niya at niyakap siya. Pakiramdam niya ay sobrang na-miss siya nito at ang sarap noon sa pakiramdam. "I missed you… so much," anas nito at sinamyo ang buhok niya.

"Ang pangit ko…" angal niya saka nahihiyang isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

Natawa ito ng mahina. Kinuha nito ang wet tissue at ito mismo ang nagpunas ng dahan-dahan.

"Ano'ng pangit? You don't have any idea how lovely you are," masuyo nitong saad saka nagpatuloy. "Namumula na tuloy ang pisngi mo kakakaskas."

Hindi na siya talaga mapakali. Gahibla na lamang ang distansya ng mga mukha nito at amoy niya ang mabangong hininga nito. Amoy mint iyon at hindi niya tuloy alam kung saan titingin. Natutukso kasi siya sa mga labi nitong mapupula.

"Let's go?" tanong nito matapos siyang punasan.

Agad siyang tumango dahil baka saan pa tumakbo ang isip niya. "Tomguts na talaga ako," aniya saka napangiwi. "Sensya na sa termino ko. Nasanay lang ako…"

Namula ang pisngi niya dahil sa hiya. Ngumiti lang ito saka siya pinagmasdang maigi.

"You don't have to say sorry, Cherry. Ano ka ba? Isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa'yo…" anito.

Lalo siyang hindi mapalagay! Nagkatunog na ang ngiti nito at hinawakan ang kamay niya. "And keep in mind that I don't want you to change, okay?"

"Okay…" simpleng sagot niya pero nagiinit na maging ang leeg niya. Ang lalaking ito, tanggap talaga kung ano siya at kinikilig siya. "Gutom na ako…" angal niya ng makabawi.

Tumalima na sila. Agad siya nitong dinala sa Kamayan at masagana silang kumain. Natutuwa talaga siya dahil dito siya nito dinala. Solve siya sa dami ng putahe doon.

"Kanin pa?" nakangiting tanong nito. Agad siyang tumango at tumawag ng waiter. Lalo siyang nasiyahan ng dagdagan pa nito ang ulam niya sa pinggan. Ang sweet talaga nito at napakamasikaso. At bilang ganti ay binalatan din niya ito ng hipon saka iyon inilagay din sa pinggan nito.

"Kain ka ng kain, ha? Huwag kang mahiya. Ikaw naman ang taya!" biro niya rito at natawa ito. Gusto rin niya sa pakiramdam ang napapangiti ito. "Balik tayo ulit dito, ha." Untag niya rito kapagdaka.

"Oo naman," anito saka siya nginitian. Nang mapansin nito ang makulit niyang bangs na tumabing sa mga mata niya agad nitong pinunasan ang kamay saka mayroong kinuha sa bulsa. Nagulat siya ng isang set iyon ng clip. Kinikilabutan siyang magsuot noon pero natuwa siya sa disenyo. Simple lamang iyon at walang arte. Kumuha ito ng isang clip at hindi siya kumilos saka hinayaan itong ilagay hanggang sa kuntentong napatango ito.

"That's more I like it," ani Elixir.

"Ikaw talaga… bumili ka pa ng ganito?" nahihiyang komento niya rito.

Ngumiti lang ito. "Of course. I like doing some things for you, Cherry. It makes me happy,"

Ah, kinikilig talaga siya dahil obvious naman na like talaga nito iyon. Matagal pa siya nitong pinagmasdan bago muling kumain. Lihim siyang napahinga ng malalim. Natutunaw ang puso niya sa tuwing nakikita itong ganoon kasaya sa tuwing magkasama sila. Bagaman hindi nito sabihin iyon ay nararamdaman naman niya. Muli siyang napangiti sa kakuntentuhan.

Próximo capítulo