webnovel

TOGETHER

"Impulsive incineration!" sigaw ni Baldassare. Biglang nagkaroon nang matalim na hangin at tumama iyon sa mga demon. Agad naging abo ang mga iyon! Ramdam ni Maricon ang malakas na kapangyarihan ni Baldassare. Nangingilabot siya. Dito niya napatunayan na hindi talaga basta tao lang si Baldassare. May kapangyarihan ito at kayang-kayang tulungan si Mfiel.

Pero dito rin napatunayan ni Maricon na kahit gaano man kagaling si Baldassare, kahit mayroon pa silang kasamang anghel ay persistent pa rin ang mga demon. Lalong-lalo na sina Beelzebub at Joaquin. Mukhang ramdam nila na mas malakas ang pinagsamang puwersa nina Mfiel at Baldassare.

"Eeeeeeeeeeeh!" tili ni Maricon nang balikan sila ni Beelzebub at binayo ang harang. Lumaki ang lamat noon at nataranta siya!

Sumunod si Joaquin. Pinalaki nito ang kamao at naghugis iyong malaking martilyo saka ipinukpok sa harang! Napatili silang magina dahil sa pagakyat pa ng lamat!

"Joaquin! Beelzebub!" gigil na sigaw ni Baldassare at hinarap ang dalawang demon. Isinigaw nito ulit ang 'impulsive incineration'. Napasigaw si Beelzebub ng matamaan ang ilang langaw nito at naging abo!

"Damn you, Baldassare!" galit na sigaw ni Beelzebub at inutusan nito ang mga langaw na atakehin ang lalaki. Kinuyog naman ito ng mga langaw pero agad naman iyon nalabanan ni Baldassare. Binalot man ito ng libu-libong langaw, dahil sa pinakawalang hangin ni Baldassare ay naging abo rin ang mga ito.

"Impetus Bestiarum!" sigaw ni Baldassare sa wikang Latin at nagkaroon ng itim na usok ang dalawang kamay nito. Palaki iyon ng palaki hanggang sa inihagis niya iyon kina Beelzebub at Joaquin. Nang dumapo iyon kay Beelzebub ay nakarinig sila ng malalakas na kahol nang mababangis na aso at parang pinaglalapa ito. Unti-unting naubos ang mga langaw hanggang sa tuluyan na itong nawala. Pumailanlang na lang sa buong bahay ang malakas na sigaw ni Beelzebub.

"Damn you!" galit na sigaw ni Joaquin at umatake. Gayunman, agad itong naharang ni Mfiel at inundayan ng espada. Hati ang katawan nito!

"J-Joaquin..." luhaang anas ni Maricon at natutop ang bibig sa nakitang pangalawang kamatayan ng kaibigan.

"Ah!" sigaw nito nang tanggalin na ni Mfiel ang espada at tuluyang naging abo si Joaquin. Parehong hingal sina Baldassare at Mfiel.

"Inconnu! Inconnu—! Let's go!" malakas na sigaw ni Baldassare nang makabawi.

Natigilan si Maricon nang mayroong malaking lalaking pumasok sa bahay at agad silang kinuha. Nakapasok ito ng walang kahirap-hirap sa harang. Ibig lang sabihin ay hindi ito demon!

"Come on! Let's go!" hingal na saad ni Inconnu at inalalayan silang makatayo magina.

"Pero—"

"You can trust me, okay? I'll explain everything later." determinado nitong saad at iginiya na silang magina palabas. Nakasunod naman sa kanila sina Baldassare. Ang dalawang lalaki ang pumoprotekta sa kanila sa tuwing mayroong demon na aatake. Mayroon pa rin natira matapos malabanan sina Joaquin at Beelzebub.

Napalingon si Maricon kay Baldassare nang isakay na silang magina sa kotse. Kahit abala si Baldassare ay nakuha siyang tanguan. Nasa mga mata ang pagsangayon na umalis na sila roon.

Nagsitakbuhan na silang tatlo palabas ng bahay at agad na sumakay sa nagaabang na itim na Montero nang biglang magkaroon ng malakas na pagsabog! Nahintakutan silang magina hanggaang sa napasigaw na lang ng ubod lakas si Maricon.

"Baldassssssssssaaaaaaaaare!" hindik niyang sigaw. Nagtangka siyang lumabas pero pinigilan siya ng ina at ni Inconnu.

"We need to go!" giit ni Inconnu.

"Baldassare!" sigaw ni Maricon. Nakakabaliw ang takot na biglang bumalot sa puso niya. Parang hindi na siya makahinga. Parang mamatay din siya. Hindi niya ito makita dahil sa kapal ng usok!

Doon natuklasan ni Maricon na wala na siyang maramdamang galit para kay Baldassare. Paano pa siya magagalit? He sacrificed himself for them! Obvious ang ginawa nito. Obvious iyon sa mga ipinakita nito.

Ginawa ba nito iyon para lang mapaniwala siya? Tingin ni Maricon ay hindi. Hindi nito ibubuwis ng ganoon ang buhay kung dahil lang iyon sa misyon.

"Huwag tayong umalis!" luhaang bulalas niya nang paharurutin na ni Inconnu ang sasakyan. Handa siyang magmakaawa nang sandaling iyon.

"Anak..." luhaang awat ni Maita sa anak.

"'Ma..." luhaang baling ni Maricon sa ina.

Niyakap siya nito nang mahigpit. Durog na durog naman ang puso ni Maricon. Hagulgol lang siya nang iyak hanggang sa makarating sa Manila. Hindi na niya napansing pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdivision at isang malaking mansion ang tumbok nila.

"We're here," anunsyo ni Inconnu at bumaba. Agad sila nitong pinagbuksan ng pinto at inilahad ang kamay. Tinanggap naman iyon ni Maricon. Kailangan niya ng lakas dahil hinang-hina siya mga nangyari.

"Kaninong bahay ito?" tanong ni Maita.

"Sa akin ho. Magisa lang akong nakatira rito. Stay out ang mga katulong kaya tayo lang ngayon ang nandito. Matagal na akong bumukod sa taong kumupkop sa akin noon. Huwag kayong magalala. Ligtas kayo rito. Mayroon itong harang laban sa mga demon," ani Inconnu.

Kahit paano ay napanatag silang mag-ina. Gayunman, hinang-hina pa rin si Maricon. Parang hindi matanggap ng sistema niya ang mga nangyari.

"Maricon,"

Napasinghap si Maricon nang marinig ang boses ni Baldassare. Napakurap-kurap siya at agad napalingon. Nahigit niya ang hininga ng makitang kasama nito si Mfiel na bumaba mula sa ere gamit ang pakpak.

At hindi na napigilan ni Maricon ang sarili. Napabunghalit siya nang iyak at sinugod si Baldassare nang yakap.

Próximo capítulo