webnovel

THE DEVIL IS FLIRTING

"Nasa labas kaya siya?" pigil hiningang tanong ni Maricon sa sarili at pinakiramdaman si Baldassare sa labas ng kuwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya basta makalapit dito. Inaasar kasi siya nito dahil sa nangyari. Magmula noon ay hindi na ito tumigil kaka-flirt.

At nauuwi iyon sa asaran na sa huli ay Maricon ang natatalo. Palibhasa ay mayroon siyang gusto kay Baldassare. Mas nauuna siyang maapektuhan. At kapag malapit nang mabisto ang damdamin ay umiiwas na siya saka nagkukulong sa kuwarto—bagay na itinatawa na lang ni Baldassare.

Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya puwedeng magkulong. Kailangan niyang lumabas para magpunta sa office at kuhanin ang payment niya sa huling approve. Balak din niyang dumaan sa bookstore para bumili ng supplies. Ubos na ang notebook na sinusulat niya ng draft. Balak din niyang bumili ng bagong dictionary.

Lumabas na si Maricon at nahigit niya ang hininga nang makitang prenteng nakaupo si Baldassare sa sofa. Agad itong napatayo nang makita siya. Nang mapansing nakabihis siya ay napakunot ang noo nito.

"Where are you going?" takang tanong nito.

At agad nagpaliwanag si Maricon. Napatango naman si Baldassare. "Dito ka na lang," aniya.

"No. I'm coming with you." anito at pumitik. Agad nang bumukas ang front door.

Napakamot sa sentido si Maricon. "Ako na lang ang aalis. Dito ka na lang," giit niya at sana ay pumayag na ito. Baka mamaya ay sa daan pa siya nito harutin. Hindi siya makakasagot basta. Baka isipin nilang nababaliw na siya oras na sagutin ito dahil siya lang ang nakakita kay Baldassare.

"No. Sasama ako. No buts," giit nito. Mukhang hindi na niya mababali ang desisyon.

Napaungol na lang si Maricon sa kawalang magawa. Natawa ito. "Bakit ka ba umiiwas? Katawan ko na nga lang ang tinitigan mo pero kung makaasta ka, parang katawan mo ang tinitigan ko," tudyo nito.

Namula ang mukha ni Maricon. "Baldassare!"

Natawa ito hanggang sa nagseryoso. "O baka naman... gusto mo pang tingnan?" nangaakit na anas nito at iisa-isang inalis ang butones ng polo.

Nayanig na yata pati ang kaluluwa ni Maricon. A part of her was so shocked, she wanted to run but a part of her was excited too. She couldn't even hide it. Bigla siyang na-toxic sa sobrang antisipasyon. Halos hindi na siya makahinga dahil sa naglalaban-labang emosyon.

"B-Baldassare!" bulalas na awat niya nang lumantad na ang dibdib nito na nagpabaliw sa kanya ng husto. Hayun na ang tukso! Dumudungaw!

Natawa na lang si Baldassare sa nakita niyang pagkataranta. Hindi nagtagal ay sinara na nito ang polo. "Baka mahimatay ka."

"Nakakainis ka!"

"Oh, you want some more?" namamanghang tanong nito.

"Baldassare naman!" desperadong bulalas ni Maricon. Halos sabunutan na ang sarili. Kung balak nitong baliwin siya ay nagtatagumpay na ito.

Napahalakhak si Baldassare. Si Maricon ay natawa na rin sa huli. Napapailing na lang din siya sa sariling reaksyon.

"Basta. Sasama ako," ani Baldassare.

"May magagawa pa ba ako?" sukong sagot ni Maricon. Napangisi si Baldassare. Napailing na lang si Maricon. "Basta. Huwag kang maingay at huwag mo akong kausapin. Baka bigla kitang masagot at may makakita, maisip pa nilang nasisiraan na ako,"

"Don't worry. Hindi kita ilalagay sa alanganin. Magbabatay lang ako. Like a security guard. I'll see to it that you'll be fine. Just like I promise," seryoso nitong sagot.

Naginit tuloy ang puso ni Maricon. Hindi pa pala ito nakakalimot. Dahil doon ay pumyag na siya. Hinayaan na niya si Baldassare na bumunot-buntot hanggang makarating sa opisina.

Próximo capítulo