webnovel

THIS IS THE MOMENT

"B-But you're tired..." pigil hiningang anas ni Inconnu. Namumula na ang mukha at labi. Ramdam ni Sierra ang matinding pagpipigil ni Inconnu na huwag siyang daluhungin at siilin ng halik. He breathe heavily. It seems he was palpitating with so much desire...

"No, Inconnu. I'm not tired so we can do this... right here... right now..." anas niya at puno ng lambong ang mga matang tinitigan ito.

At hindi na ito nagaksaya ng sandali. Inconnu kissed her passionately. She responded with so much heat and hunger. Sierra totally forgot everything because of Inconnu's lips. It was like magic. She was completely under his spell...

Hindi na napansin ni Sierra na nailipat na siya ni Inconnu sa kama. Kapwa mainit ang mga kilos nila habang magkasanib ang mga labi. Halos pagulong-gulong na sila sa ibabaw ng kama. Kapwa hindi mapakali kung papaano papawiin ang init na nararamdaman. At sa bawat pagkilos nila, isa-isa nilang inaalis ang saplot ng katawan hanggang sa tuluyan na nilang naramdaman ang init ng katawan ng bawat isa.

"Hmmm... Sierra... Oh, my Sierra..." anas ni Inconnu. May halong gigil at papanabik na tuluyang tumunaw sa puso ni Sierra.

At tuluyan siyang natunaw sa mga palad ni Inconnu. Hinayaan ni Sierra na paligayahin siya ng lalaki. Sa bawat haplos at halik, napapahalinghing siya sa luwalhati. Nagkikiskisan ang mga tuhod niya sa init na sumisiklab sa sistema niya.

"Inconnu!" nabibiglang anas niya ng maramdaman ang labi nito sa kaliwang dibdib niya. Napatingala siya ng hindi ito nagpapigil na lasapin siya. His right hand touches her right crown too. She moaned in delight, she float in ecstasy...

Napaungol siya ng lubayan ni Inconnu ang dibdib niya. Hinalikan nito ang gitnang dibdib niya at nagsimula na itong bumaba. Habang bumababa ay pinauulanan siya nito ng mabibining halik na muling nakapagpabaliw sa kanya.

Again, she didn't expect that Inconnu would kiss her that way. Ang buong akala niya ay magiging mapusok ito pero hindi. Naging banayad ito, sinasabik siya sa bawat minuto. Kung iyon ang paraan nito para baliwin siya, nagtatagumpay ito. She was aching deep inside. She was craving for the real thing. She wants him, deep inside her...

And right there and then, Sierra realized the Inconnu was so damn expert. Kayang-kaya siya nitong baliwin gamit lang ang labi. At ang ekspertong lalaking ito ay nanatiling mapagbigay. Hindi ito naging makasarili dahil kahit matagal na siya nitong gustong-gustong makuha, nakuha pa rin nitong unahin ang kaligayahan niya...

"Oh, I can't wait to have you now..." mainit na anas ni Inconnu saka ito pumuwesto sa ibabaw niya. Hindi pa siya sumasagot, siniil na siya nito ng halik. And she didn't dare to stop him instead, she kissed him back with so much passion and warmth.

Napakagat si Sierra sa labi ni Inconnu ng maramdaman ang kanilang pagiisa. Tumigil ito sa pagkilos bagaman hindi iniwanan ang labi niya. Halos malunod siya sa halik nito pero hindi niya alintana. Tila iyon ang naging gamot niya sa sakit ng una niyang pakikipagtalik.

After a few minutes, Inconnu tried to penetrate her completely. Naging banayad ang kilos nito sa bawat paglubog. Naging mabilis ang pangungos nito palabas at nagiging banayad sa muling pananakop. Sierra was truly grateful for that. Inconnu's tactic made her feel at ease, he made it easier for her to adjust.

"Oh!" naliligayahang ungol niya ng magsimulang kumilos na ng mabilis si Inconnu. Hindi na niya naramdaman ang sakit kundi wala ng hangganang luwalhati ang naramdaman niya.

Napamulat ng mga mata si Inconnu. Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Sierra ng magtama ang paningin nila. She felt it was so damn romantic. He was making an eye to eye contact while he was burying himself deep inside her...

"Sierra..." mainit na anas nito at mariing naipikit ang mga mata. Itinukod nito ang noo sa noo niya at niyakap naman niya ito sa leeg.

"I-Inconnu..." pigil hiningang anas ni Sierra. Tuluyang nalulunod sa init ng pagsasanib ng kanilang katawan.

Mariin niyang naipikit ang mga mata ng maramdaman ang sariling reaksyon. Napasinghap siya ng maramdaman si Inconnu sa kaloob-looban niya. Damang-dama niya ang tila paglaki nito...

"Sierra!"

"Inconnu!" sabay nilang sigaw at mahigpit ang naging yakapan. Inconnu buried himself deep inside her and they both collapse. Kapwa sila hinihingal ni Inconnu habang nakapikit ang mga mata. Pagod man, walang nagtangkang kumawala sa isa't isa. Pareho nilang hinayaan ang isa't isang damhin ang init ng bawat isa...

"Oh, I can't get enough of you, Sierra..." mainit na anas ni Inconnu at napasinghap siya ng maramdamang kaya pa nito ng another round! Natatawang tinapik niya ito sa dibdib. Aba'y wala itong balak na tigilan siya! Ah, hindi na siya dapat pang magtaka. He's not a normal being. She bet he can have her until his heart's content.

"Are you still soring?" seryosong tanong nito.

Pinakiramdaman niya ang katawan at tumango. Nanginginig pa ang mga tuhod niya! Papaanong hindi manginginig? Ang tindi rin ng naging reaksyon niya! Aba, kailangan niya munang maka-recover.

"Let me sleep. Just thirty minutes. Gisingin mo na lang ako, okay?" lambing niya saka umunan na sa dibdib nito.

Natawa ito ng bahagya. Gayunman, hindi na siya nito pinigilan. Napangiti siya ng maramdamang kinumutan nito at hinalikan ang kanyang ulo. Ah, her heart. It melted again. Inconnu's sweetness was the reason why her heart acted that way.

She smiled at the thought.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Everything is quiet... since you're not around... I live in numbness now... in the back background...

Isang mapait na ngiti ang lumabas sa labi ni Sierra nang marinig ang kanta ng bandang Third Eye Blind na pinamagatang 'In The Background' sa car stereo habang nagmamaneho. Parang sa kanta lang ang tunay na nararamdaman ng dalaga. Naging tahimik ang buhay niya magmula ng mawala si Inconnu...

Her heart broke again. Napabuga siya ng hangin para pagaangin ang dibdib na bumigat. Pinaalala niya ulit sa sarili na iyon naman talaga ang magiging katapusan nila. Oras na makuha nito ang kabayaran, aalis na ito.

Kaya matapos ang maraming beses nilang maiinit na pagniniig, nagising na lang siyang nagiisa sa kuwarto. Lumong-lumo siya. Bagsak na bagsak ang pakiramdam. Ilang beses niyang binigyan ng kasagutan ang pagiisa. Baka nasa CR lang si Inconnu o baka may pinuntahan lang kaya wala ito noon. Pero sa huli, naiyak siya sa sobrang pait ng dibdib.

Inconnu was gone. Alam niyang iyon na ang huli nilang pagsasama. Dapat niyang tanggapin iyon. Sa loob ng dalawang linggong lumipas, iyon ang ginawa niya. Pinagaralan niyang tanggapin pero bakit ganoon? Sa tuwing pinagaaralan niya, pakiramdam niya ay hindi tama. Sa tuwing ginagawa niya ang tama, pakiramdam niya ay mali ang ginagawa. Ah, sasabog na talaga siya.

Napabutong hininga si Sierra at napatingin sa passenger seat kung saan madalas nakaupo si Inconnu. Mapait siyang napangiti ng biglang lumalim ang naramdamang pangungulila dito. Doon niya napatunayan na tuluyang nakapasok na sa puso niya ang demon. Hindi magkakandaletse ang isip niya kung wala siyang malalim na damdamin dito.

She sighed. There. She admitted it to herself. Ang biglang pagkawala ni Inconnu ang isang dahilan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Ang pagkawala nito ay nakatulong para maipamulat sa kanya ang tunay na damdamin para sa demon.

She found herself crying. Naitabi niya ang sasakyan dahil sa panlalabo ng paningin. Hilam na hilam na ang mga mata niya sa luha. Sobrang bigat at sakit ng dibdib niya. Ngayon lang napatunayan ni Sierra na nakakamatay pala ang sobrang lungkot at pangungulila. Pakiramdam niya, kapag hindi pa niya nakita si Inconnu kahit saglit lang ay mamatay na siya...

Summon him again... makipag-deal ka ulit para makita mo siya... bulong ng isip ni Sierra. Napasinghap siya sa ideyang nabuo sa isip. Oo nga naman. Alam niya kung saan nakabaon iyon. Puwede naman niya iyong kuhanin ulit para mai-summon si Inconnu...

Biglang kumabog ang dibdib ni Sierra. Tuluyan siyang binalot ng pananabik sa naisip. Dahil doon ay agad niyang pinunasan ang mga mata at agad na umuwi. Paspas siya sa pagmamaneho. Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa mansion. Agad na siyang dumiretso sa likuran. Pumasok siya sa isang maliit na kuwarto doon kung saan nakalagay ang mga tools. Kinuha niya ang pala at agad ng nagpunta sa lugar kung saan niya ibinaon ang libro.

Pero nabitawan niya ang pala ng makitang nahukay na ang lupa! Bakante na iyon at wala na ang libro! Hinang napaluhod si Sierra at natagpuan na lang ang sariling nagiiyak habang hinuhukay iyon. Umaasang nandoon pa ang itim na libro...

"No... d-dito ko lang ibinaon iyon... i-it must be here..." luhaang anas ni Sierra. Patuloy sa paghuhukay.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Napasinghap siya ng marinig ang malamig na boses ng daddy niya. Parang nanlaki ang ulo niya sa kaba. Napalunok siya habang mabilis pa ring namamalisbis ang mga luha sa pisngi.

"Sierra, I am talking to you. Is this the reason why this past few days, you were out of your mind?" malamig na tanong ng daddy niya.

Napahinga ng malalim si Sierra at hinanda ang sarili. Mukhang pati ang daddy niya ay nahalata na ang pagiging balisa niya. Lagi rin siyang tahimik. Magmula ng mawala si Inconnu ay lutang ang utak niya. Palibhasa, ang demon lang ang laman ng isip niya.

Hinarap niya ang ama at napalunok ng makitang hawak nito ang itim na libro. "G-Give that to me, dad. Importante ito. K-Kailangan kong magtawag ng d-demon d-dahil..."

"Oh my God, Sierra... you are really out of your mind!" singhal ng ama niya at hinaklit siya sa braso. Hindi na niya magawang makapagreklamo sa sakit dahil ang mahalaga sa kanya ay ang libro at si Inconnu.

"Yes, dad! Nababaliw na ako kaya ibigay na ninyo sa akin ang libro!" luhaang bulalas niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"No! Look at yourself!" singhal nito at naluha sa sobrang desperasyon. "Kung alam ko lang na magkakaganito ka... hindi ko na ipinagkatiwala sa'yo ang libro..." nagsisising anas nito habang disappointed siyang hinahagod ng tingin.

"D-Dad..."

"Noong una, iniisip kong guni-guni lang ng mga katulong na naririnig ka nilang nagsasalitang magisa. Marami na ring nakakakita sa'yo na tumatawa at nagsasalitang magisa dito o sa opisina. I always justify your actions because I don't want to believe that you are having any connections to demons. I trusted you. You made a promise not to use the book..." desperadong paliwanag ng matanda at napabuga ng hangin. "Pero noong kumakain tayo pagkatapos mong magkasakit, lihim kitang inobsebahan. From there, I smelled a little glint of sulfur in you. Kinabahan na ako noon. Kinausap ko ang mga katulong at sinabi nila'ng napapansin nila sa'yo. Hinanap ko ang libro sa kuwarto mo hanggang sa sinabi ni Nana Lilith sa akin na nakita ka niyang naghuhukay noon sa likuran. Sinabi din niya na nagpahanap ka ng mga dugo ng hayop noon. You made a deal with a beast! How could you do that?" luhaang bulalas ng ama niya.

Naiyak ng tuluyan si Sierra. Wasak na wasak ang kalooban. "Dad..."

"Tama lang pala ang ginawa ko. Dahil sa mga napansin ko, kinuha ko itong libro. I remembered some incantation in here that we can make a beast go back in hell. Ginawa ko iyon. Mukhang nagtagumpay ako dahil hinahanap mo siya ngayon. I told you not to do that, Sierra. I told you no to summon a beast..." lumuluhang anas ng daddy niya. Bakas ang panghihina sa bawat salita.

Luhaang umiling siya. Alam niyang nasaktan niya ang ama sa ginawa at pinagsisihan niya iyon. "I-I'm sorry, dad... a-ayokong mamatay kayo at mapunta sa impyerno... you don't deserve that..." luhaang paliwanag niya at sinabi ang mga nararamdaman.

Naiyak ang matanda at napailing. "Tell me, ano ang kapalit?"

Napayuko siya. Napaiyak siya nang malakas ng yugyugin nito. "I-I'm sorry, dad..."

"Tell me!" singhal nito.

"My body, dad! My body!" luhaang amin niya at napahagulgol sa palad. Hindi na rin napigilan ni Sierra ang sariling magtapat. Sinabi na niya ang lahat sa ama para ganap nitong maitindihan ang lahat. Napaiyak siya ng malakas ng mabitwan nito ang mga balikat niya.

"Sierra..." hindi makapaniwalang anas ng matanda. "You gave your body to Buer?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Natigilan siya. "B-Buer? No... it's Inconnu dad... I made a deal with him a-and—"

"Inconnu? Who's that?" putol nito. Tiim na tiim ang bagang. Nagtaka si Sierra dahil sa reaksyon ng matanda. Mukhang hindi nito kilala si Inconnu kaya pinaalala niya ulit na ito ang demon na ginawan nila ng deal.

Nagtaka siya ng makitaan ito ng panlulumo. Natutop nito ang noo hanggang sa hinawakan siyang muli sa balikat. "I made a deal with Buer, not Inconnu. I don't know that demon, Sierra. You made a deal with a wrong demon." seryosong saad ng ama hanggang sa pinaliwanag nito ang mga nangyari noon.

Para siyang sinampal sa narinig. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa mga ideyang naghalo-halo na sa isip niya. Kung totoo ang sinabi ng daddy niya, ibig lang sabihin ay niloko siya ni Inconnu!

"N-No... this is not true..." nanghihinang anas ni Sierra.

"They are devils, Sierra. Ano ang inaasahan mo? Do you seriously expect them to be honest?" nagtitimping tanong ng matanda.

Lutang siyang napailing. Hindi pa rin matanggap na nauwi sa ganoon ang lahat. "Pero nagawa ka niyang iligtas. It only means—"

"Will you stop it, Sierra?" singhal ng matanda para magising siya sa bangungot na iyon.

Pero ayaw pa rin niyang magising. She'll die if she did that. She'll be shattered if she believed that... "Dad, baka naman inilipat ni Buer kay Inconnu ang deal kaya ka nabuhay. H-Hindi niya ako lolokohin—"

"Sierra!" singhal na awat ng matanda.

"I love him, dad!" luhaang amin niya at napaiyak sa mga palad. Paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang iyon na alam niyang sa pandinig ng ama ay katangahan. Pero ang kabaliwang iyon ang laman ng puso ni Sierra. She was in love with the beast. And thinking that the beast betrayed and cheated her broke her bit by bit...

"You are hopeless case, iha. Gumising ka. They are wicked, manipulative and scheming creature. You should have guarded your heart..." mapait na anas ng daddy niya.

Tuluyang napaiyak nang malakas si Sierra. Hindi na niya alam ang gagawin at iisipin. Ayaw tanggapin ng utak niya ang lahat. Ikababaliw niya iyon.

Napahagulgol na lang siya sa naisip.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Miss Manaois, are you okay?"

Napaigtad si Sierra sa tanong na iyon ni Mr. De Guzman—ang VP for Marketing nila. Kasalukuyan silang nasa meeting at pinaguusapan ang joint venture nila sa ibang kumpanya para mas mapalago pa ang negosyo.

Nasa kalagitnaan siya ng meeting pero hayun siya, si Inconnu pa rin ang laman ng isip. Magmula ng malaman niya ang buong katotohanan sa ama ay mayroon siyang napatunayan: na kahit niloko siya ni Inconnu ay hindi pa rin maalis ang katotohanang minahal niya ito.

Ganoon niya siguro ito kamahal. Wala na siyang pakialam sa mga dahilan nito basta magpakita na lang ito. Gabi-gabi siyang umiiyak. Gabi-gabi niya itong hinahanap. Dahil doon ay nagmamakaawa na siya sa ama na ibigay ang itim na libro—bagay na ikinagagalit nito ng husto. Ano pa daw ba ang kailangan niyang malaman para magising sa katotohanan. Niloko daw siya ni Inconnu. Kung talagang minahal din siya ni Inconnu, dapat ay naging tapat ito.

Mapait at masakit iyon sa dibdib. Gayunman, dahil tuluyan na siyang nalubog sa pagmamahal kay Inconnu, naging manhid at bulag na siya. Higit kanino, siya ang nakakilala kay Inconnu. If ever Inconnu lied to her, that doesn't mean he really didn't care. Ramdam niya iyon dahil kung walang pakialam si Inconnu sa kanya, dapat ay noon pa lang ay hindi na ito naging mabuti sa kanya.

"I am fine. Continue, please," malamig niyang sagot para ipagpatuloy ang discussion. Lumbay na lumbay siya. Dalawang linggo na siyang ganoon at pakiramdam niya ay taon na ang dumaan. Napakatagal ng oras kapag wala si Inconnu.

"What can you say about the plan, ma'am?" tanong sa kanya ni Mr. De Guzman.

Napabuntong hininga si Sierra at napatingin sa mga hawak na folder. Dahil lutang siya sa buong meeting, minabuti niyang iuwi na lang ang mga files. "I have to think about it." simpleng sagot niya at napatango ang mga ito.

Inayos na niya ang mga gamit. Matapos iyon ay umuwi na siya. Nadatnan niya ang ama sa sala. Tahimik itong nakaupo doon. Dahil ginagalang pa rin niya ang ama, kahit masama ang loob nila sa isa't isa ay humalik pa rin siya rito.

"Your Ninang Concepcion and I talked," panimulang tukoy nito sa malapit niyang Ninang na nakatira na ngayon sa states.

Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Kahit malapit sila sa ninang niya dahil kaibigan naman ito ng daddy niya, wala naman siyang maisip na rason para magusap ang mga ito. "What about it?"

Malamig siyang tinitigan ng matanda. "Pumayag na siyang tumira ka muna sa poder niya. Ako muna ang bahala sa kumpanya—"

"No!" agad niyang sagot at ibinagsak ang gamit sa carpeted na sahig. Nangilid ang luha niya. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Ang sakit-sakit na ng kalooban niya sa pagkakalayo nila ni Inconnu, gusto pa nitong magpakalayo-layo pa siya? Ano'ng klase iyon?

"You are out of your mind, Sierra!" singhal nito. Nanginginig na at namumula sa sobrang galit.

"Yes! Nababaliw na nga siguro ako. Sa paningin ninyo, ganyan ako! Bakit? Because Inconnu was a demon? Baka nakakalimutan ninyo? Ang demon na inaayawan ninyo ang dahilan kung bakit kayo buhay ngayon!" singhal rin niya.

Natigilan ito hanggang sa bumalatay ang matinding sama ng loob. Biglang natigilan si Sierra. Binalot siya ng guilt sa nakikitang hinanakit ng matanda. Napalunok siya at naluha dahil sa pait na nalasahan sa lalamunan...

"D-Dad..."

"You really love him that much? Kahit na ako na daddy mo, inaaway mo na para lang sa demon na 'yan," mapait nitong tanong.

"Dad... it's not that. I-I'm sorry if I have to do this... I am so sorry for hurting you... Dad, gusto ko lang ipaalala na anuman ang ginawa ni Inconnu, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang siya ang dahilan kung nakawala kayo sa deal kay Buer..." luhaang paliwanag niya. Ang bigat-bigat na ng dibdib niya. Hindi pa rin madali para kay Sierra na makitang nasasaktan ang daddy niya lalo na't siya ang rason.

"Pero niloko ka niya. How can I trust someone like him? He's a demon. Wala kang mapapala sa kanya..." giit ng matanda.

Luhaang napatango siya. "Kilala ko si Inconnu. May rason kung bakit niya itinago iyon. Pero kung sakaling sinadya niya para makuha ako, maiintindihan ko siya. Iintindihin ko ho siya, dad. Mahal ko siya. Dahil sa pagmamahal na iyon, handa akong patawarin siya sa mga naging pagkakamali niya..." pinal na saad niya.

Natahimik ang matanda. Nagalala siya ng hinang natutop nito ang noo. Agad niya itong dinaluhan pero itinaas nito ang kaliwang kamay.

"Dad..." hindi makapinawalang anas niya dahil tinatanggihan nito ang pagaalaga niya.

"I-Iwanan mo muna ako..." nagtatampong anas ng daddy niya. Naiyak na siya sa nakikitang kamiserablehan ng ama. Alam niyang kailangan nito ng sapat na oras at panahon dahil nabigla ito sa palitan nila ng salita.

Sa huli ay lulugo-lugo niya itong iniwanan...

Próximo capítulo