webnovel

ALL FOR THE DEMON

Saan kaya nagpunta iyon?

Napabuga ng hangin si Kaye ng muling maalala si Dem. Hindi niya mapigilang magalala. Three days na itong hindi nagpapakita. Pagising niya ay wala na ito sa tinitirhan. Hindi naman niya ito maharap na hanapin dahil naka-receive siya ng tawag sa isang kumpanyang ina-apply-an. Pinapahanda ang ibang requirements niya kagaya ng NBI clearance at Police Clearance para makapagsimula siyang mag-training. Iyon na lang daw ang kulang niya. Ibig sabihin ay tanggap siya! Iyon ang lalakarin niya ngayong umaga kaya binibilisan niyang maligo. Mabuti na lang, ang ilang lumang damit nilang magtiyahin ay naibenta niya sa ukay-ukay. Tatlong sako iyon. Nabenta din niya ng limang daan kaya mayroon siyang maipanglalakad ng requirements.

Gusto pa naman niyang ibalita iyon kay Dem pero nasaan ito? Wala! Ah, sumasakit na ang ulo niya kakaisip dito. Hindi naman niya magawang ipagtanong ito sa mga kapitbahay. Siguradong uusisain lang siya. Iba na nga ang tingin nila sa kanya dahil lagi silang nakikitang magkamasa ni Dem. Alam din niya na alam na ng mga ito na doon na rin nagi-stay ang lalaki.

Hindi kaya siya bumalik sa underworld? Ah, imposible iyon. Naka-seal ang kapangyarihan niya. Hindi siya makakapunta doon...

Napabuntong hininga si Kaye sa naisip at tinapos na ang paliligo. Lumabas siyang pinupunasan ang buhok. Pakanta-kanta siya habang naghahanap ng isusuot sa cabinet. Inilagay niya iyon sa kama isa-isa hanggang sa makuntento. Sunod naman ay inalis na niya ang towel sa katawan para magsuot ng panty at bra nang biglang bumukas ang pinto!

"Kaye? I have—wow..." napamulagat na anas ni Dem ng makita ang katawan niya! Mabuti na lang, naka-bra at panty na siya pero kahit na! Parang nakahubad na rin siya! Naginit ang buong mukha niya sa pagkapahiya!

"Eeh—!" tili niya at agad na kinuha ang towel para itakip sa katawan! Lalo siyang sumigaw ng mukhang hindi man lang natinag si Dem! Nakamulagat pa rin ito sa kanya. Nakatakip na siya ng towel, kung makamulagat pa rin ito ay parang nakikita pa rin ang katawan niya! "Dem! Labas!" asik niya ng makabawi at binato ito ng unan.

Sapul ito sa mukha! Napaigtad ito at nang makabawi ay lumabas na. Taas baba ang dibdib niya. Pambihira. Katatapos lang niyang maligo, pinagpapawisan siya! Ano ba 'yan!

Kinakabahang nagbihis siya. Dinalian na niya para maharap si Dem. Nakakaloka. Lihim din niyang pinagalitan ang sarili dahil hindi siya nagla-lock ng pinto! Nakalimutan na rin kasi niya sa pagmamadali kanina. Nakita tuloy siya ni Dem sa ganoon kalagayan. Ah, masesermunan talaga niya ito. Bigla itong mawawala tapos ngayon ay bigla itong susulpot at makikita siya sa nakakalokang sitwasyon!

"Dem!" sigaw niya pagkalabas ng kuwarto. Nadatnan niya itong palakad-lakad sa labas ng kwarto niya at natigilan siya ng makitang pulang-pula ito at pawis na pawis! Mukhang affected talaga sa nakita!

"I-I'm s-s-s-so-o-o-or—"

"Oo na!" agad niyang awat. Kita naman niya sa mukhang guilty ito at hanggang ngayon, bilang demon ay hirap itong sabihin iyon. Gayunman, napapahiya pa rin siya. Pakiramdam niya ay wala na siyang maitatago dito. "Sa susunod, kumatok ka muna. Okay?" angil niya. Nagiinit pa rin ang pisngi.

Tumango ito. Napabuga ulit siya ng hangin at kinalma ang sarili ng mapasinghot. Dahil sa nangyari, hindi niya napansin ang kakaibang amoy nito. Dati na itong amoy sulfur pero sa pagkakataong iyon ay parang lumakas iyon. Parang nahaluan ng amoy araw. Muli, napasinghot siya at napaungol ng makumpirmang hindi maganda ang naging amoy nito.

"Ano ba 'yan? Saan ka galing at ganyan ang amoy mo?" takang tanong niya sabay takip ng ilong. "Maligo ka nga. Now na. Nahihilo ako," angal niya saka ito hinila papuntang banyo. Hindi naman ito nagreklamo. Tahimik na sumunod. Mabuti naman dahil nahihilo talaga siya.

Nang marinig niya ang lagaslas ng tubig ay nakuntento na siya. Nagpunta siya sa cabinet at naghanap ng towel saka extra shirt. Napangiwi siya ng makitang wala siyang panlalaking damit. Gayunman, may malaking t-shirt naman siya na pantulog. Iyon na lang muna ang ipapagamit niya. Nag-mental note siya na kapag nagsahod ay bibilhan ito ng damit. Iniwan niya iyon sa kama at lumabas.

Napabuga siya ng hangin at natutop ang ulo para isipin muli ang mga dapat gawin. Napapitik siya ng maalalang magluluto na siya ng breakfast. Nagpunta siya sa kusina at nagulat ng makita ang limang plastic ng grocery na nakapatong sa mesa.

Bigla siyang kinutuban at sinilip ang mga laman. Napasinghap siya ng makitang puro pagkain at ilang gamit pangkusina ang laman noon. Biglang-bigla si Kaye. Mukhang nagdilhensya si Dem sa loob ng tatlong araw kaya nawala ito. Nagiinit tuloy ang puso niya pero at the same time ay nahiya rin. Mukhang naaawa ito sa kanya kaya gumawa ng paraan.

"May kulang ba? Sabihin mo lang para bilhin natin mamaya," ani Dem sa likuran.

Agad siyang napapihit at napatili ng makitang wala itong suot na pangibaba! Agad siyang tumalikod pero wala na. Nakasaksak na sa memorya niya ang itsura nito. Ang tanging suot lang ni Dem ay ang t-shirt na bigay niya na umabot sa lampas pangupo nito. Kitang-kita niya ang mabalbon na legs ng lalaki at magandang hubog noon. Nagpupunas ito ng buhok at mukhang balewala lang na wala itong salawal!

"Dem naman! Magpantalon ka naman!" napapahiyang angal niya saka natutop ang mukha. Ano ba naman silang dalawa? Kanina, siya ang nakitaan nito. Ngayon naman ay nakita niya ito! Nakakaloka!

Natawa ito. "Naka-panty naman ako. Nabasa ang pantalon ko. Nahulog sa banyo kanina kaya naghanap na ako ng panty sa lalagyanan mo ng damit,"

"Ano!?" dumadagundong na tanong niya. Hindi niya alam kung matatawa siya kay Dem o mapapaiyak! Ah, sumakit na yata ang ulo ni Kaye dito. Natutop niya ang noo. Nai-stress siya na hindi na niya maintindihan! "N-Nag-panty ka? N-Nagkasya?"

"Actually, no. Look—"

"Huwag na! Okay? Huwag na..." nanghihinang angal niya saka nagisip. Hindi puwedeng mag-panty si Dem! Ano ba naman 'yan? Ah, kailangan niyang gumawa ng paraan. Natural na hindi magkakasya iyon! Medium ang sizes ng panty niya samantalang ang laki nitong tao! Baka lumabas ang...

Napailing-iling si Kaye at pinigilang mag-imagine! Mahirap na. Baka kung saan pa mapunta iyon. Napabuga ng hangin si Kaye at lumabas. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Dem. Mabilis siyang naglakad papuntang labasan hanggang sa natanaw ang mga sidewalk vendors na nagtitinda ng mga mumurahing medyas at brief. Agad siyang bumili ng brief at umuwi.

"Heto ang isuot mo. Now na. Go!" agad niyang taboy kay Dem at isinaksak sa dibdib ang plastic. "Sige na. Kahit isuot mo na lahat 'yan. Utang na loob, palitan mo na ang suot mo!"

Namamanghang napatitig ito sa kanya hanggang sa napangising tumalima. Napabuga siya ng hangin. Hindi tuloy niya magawa ang mga dapat gawin dahil kay Dem. Ilang minuto ang lumipas, lumabas na ito. Gamit na rin nito ang isang short niya na maluwang. Mukhang nakapaghalungkat sa gamit niya. Siguradong parang binagyo na ang kuwarto niya pero okay lang. Ang mahalaga, nakasalawal ito. Umabot naman iyon hanggang tuhod nito. Kahit papaano ay nakuntento na siya.

"Okay na?" nangingiting tanong nito.

Umismid siya kuno pero sa loob-loob, natatawa na rin. "Natatawa ka pa talaga," sita niya rito.

"I couldn't help it. You looked so cute getting shocked and irritated,"

Biglang kumabog ang dibdib ni Kaye sa puri ni Dem. Cute daw siya! Sinabihan siyang cute ng isang guwapong lalaki. Ah, ang puso niya. Parang dinuduyan sa saya.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat kiligin! Dapat, inuusisa niya ito kung bakit ito maraming dalang grocery!

Napatikhim si Kaye at inignora ang nararamdaman. "Nangaasar ka pa. Ang mabuti pa, ipaliwanag mo ang mga plastic. Saan ka kumuha ng pera? Saan ka rin nagpunta? Ilang araw kang nawala! Hindi ako nakakatulog kakahintay sa'yo. Ano ba 'yan? Magpaalam ka naman," sita niya at sermon.

Napahalakhak ito. Natigilan siya dahil natulala siya sa kaguwapuhan ni Dem. Ibang klase ang halakhak nito. May buhay. May init. Hindi iyon nakakaloko o nakakatakot. Pakiramdam niya, masaya talaga ito. At ang kasiyahan nito ay nakakahawa. Parang umaabot iyon sa puso niya...

"You are acting like a nagging wife." nakangising sagot nito saka siya nilapitan. Kumabog ang dibdib niya at napaatras. Bigla siyang na-overwhelm sa presensya ni Dem. "Naghanap ako ng mapagbebentahan ng singsing ko. Naikot ko na yata ang buong Manila kakahanap ng makakabili. Mahal daw kasi. Pero huwag kang magalala, nabenta ko naman sa isang antique shop na nakita ko sa Recto." paliwanag nito saka dumukot sa bulsa. Napamulagat siya ng ilabas nito ang isang bundle ng lilibuhin saka ibinigay sa kanya!

"M-Magkano ito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"I sold the ring for one hundred fifty thousand pesos."

Napamulagat siya. "A-Ano ba ang singsing mo?" namamanghang tanong ni Kaye.

"Vintage Jade with yellow gold?" balewalang sagot ni Dem.

Muntik na siyang mahimatay! Ang mahal ng singsing nito! Baka nga hindi pa iyon ang market value ng singsing! Tapos ay ibenenta lang ni Dem ng ganoon para ibigay sa kanya?

Biglang naginit ang puso ni Kaye. Napatitig siya sa pera at namasa ang mga mata. Pakiramdam niya, mayroong pumipisil sa puso at sikmura. She was happy. She was delighted but at the same time, ashamed...

"Why are you crying? Kulang ba? May singsing pa ako dito. Puwede pa natin itong ibenta," nalilitong tanong ni Dem.

Lalo tuloy siyang napaiyak ng ipakita ni Dem ang mga singsing. Hindi niya iyon pinapansin noon dahil hindi naman niya pinagdidiskitahan ang mga gamit nito sa katawan. Maganda ang thumb ring nito. Makapal ang band at nakabaon doon ang limang pulang bato. Tingin niya ay ruby iyon. Siguradong milyon ang halaga noon. Galing ba naman iyon sa underworld? Mukhang collector's item. Siguradong yayaman siya oras na ibinenta nila iyon.

Pero umiling siya at pinunasan ang luha. "Dem, hindi na natin kailangan gawin 'to. M-May trabaho na ako. Aayusin ko lang ang mga requirements ko para makapagsimula na ako," sisinghot-singhot na paliwanag niya.

Napangiti si Dem. Saglit na natulala si Kaye sa nakitang ngiti ng lalaki. Papaano ba naman? Nakakatulala ang ngiti nito! Iba rin iyon sa lahat ng ngiting nakita niya mula kay Dem. He looked... divine. Nawala tuloy ang aura nitong nakakatakot. Naging kaibig-ibig ito...

"That's great! Congratulations!" natutuwang sagot ni Dem. Nabigla siya ng yakapin nito ng mahigpit saka pinakawalan. Nagulat siya ng ilagay nito ang pera sa kamay niya at ikinuyom iyon para mahawakan. "Take this. Kung hindi ka kumportableng bigay ito, utangin mo na lang. Bayaran mo ang lahat ng puwede mong bayaran para sa akin ka na lang may utang. Sa akin ka maghulog. Okay?"

Nahihiya man, tumango na siya. Mas kumportable siya doon. Magsasalita sana siya pero napasinghap siya ng punasan ni Dem ang pisngi niyang may luha. Nahigit niya ang hininga dahil sa init ng palad nitong dumampi sa pisngi niya.

"Don't cry, okay?" anas nito. Nasa mga mata ang init at pagsuyo. "Simula na ito ng pagbangon mo kaya huwag kang umiyak,"

Naginit tuloy ang puso ni Kaye. Tumango siya saka huminga ng malalim. Tama si Dem. Iyon na ang simula at alam niyang nasa tabi lang niya si Dem sa pagsisimulang iyon.

Lihim siyang napangiti dahil dito.

"Kaye! Gabi na!"

Napaigtad si Kaye sa lakas ng boses ni Dem. Napaungol siya ng makita ang orasan at napasubsob sa unan. Gusto pa sana niyang matulog pero alam niyang hindi na puwede. Alas otso na ng gabi. Alas diyes ang pasok niya sa Sonics bilang technical support. Kailangan na niyang bumangon para makapaghanda.

Magmula ng magsimula siyang magtrabaho sa Sonics dalawang linggo ng nakaraan ay gumanda na ang mga araw ni Kaye. Nabayaran na rin niya ang tatlong buwang upa kaya good shot na siya sa landlady. Bukod doon ay nabayaran na rin niya ang ibang pinagkakautangan at sa ngayon ay wala na siyang balance. Kay Dem na lang siya may utang. May sobra pa nga siya pero hindi nito tinanggap noong ibalik niya. Ang sabi nito ay gamitin muna niya iyon habang hindi pa nagsasahod.

Napangiti siya ng maalalang araw na ng sahod iyon. Siguradong paguwi niya kinabukasan, may laman na ang ATM niya na pang-payroll. Na-excite siya! Mabibilhan na niya ang damit si Dem. Ah, surprise iyon. Kagaya ng ginawa nitong tulong, ganoon din ang gagawin niya. Bawian lang ang drama niya.

Natawa siya sa naisip at minabuting bumangon na bago pa gibain ni Dem ang pinto. Lumabas na siya at naabutan niya itong nakasimangot. Natawa tuloy siya. "Ano po ang problema, mahal na leader ng 66th legion ng underworld?" biro niya.

Umismid ito. "Ang tagal na nating magkasama, ngayon mo lang ako ginalang." angal nito na ikinatawa niya. Napailing ito. "Baka lang kako mahuli ka. Sige na. Maligo ka na,"

"Oki doki." nakangiting sagot niya saka tumalima.

Naligo na siya bago pa ma-beastmode si Dem. Pakanta-kanta pa siya sa banyo hanggang matapos. Paglabas ay sinigurado niyang naka-lock ang kwarto niya. Mahirap na. Baka mamaya ay ma-excite na naman si Dem, mahuli siya nito sa nakakalokang sitwasyon.

Nagbihis na siya. Simpleng polo na hapit na hanggang siko ang sinuot niya at itim na skinny jeans. Naglagay din siya ng manipis na make up. Napangiti siya ng makita ang itsura sa salamin. Tama si Dem. Maganda siya kahit walang make up.

Napangiti siya at napahawak sa pisngi hanggang sa napasinghap! Aba! Kinikilig siyang maalala iyon? Ah, naloko na. Napapakilig talaga siya ni Dem kahit sa simpleng alaala lang!

Bumilis ang tibok ng puso ni Kaye. Ramdam niya na mayroong na talagang nagbago sa damdamin niya para sa demon. Sa tingin niya ay hindi siya masisisi. Demon man si Dem, mayroon pa rin itong mga katangian na maaaring magustuhan ng isang tao. Hindi man ito ideal man kagaya ng ibang hero sa mga nobela at totoong buhay, para kay Kaye ay ito pa rin ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Iyon ang sa tingin niyang strength ni Dem. His imperfections made him stood among the rest and made him lovable.

"Kaye? Ang tagal mo na naman. Male-late ka na," angal ni Dem saka kumatok. Napangiti si Kaye. Ang mga angal ni Dem ay parang musika na sa pandinig niya. Kapag hindi niya narinig ang angal o reklamo ni Dem, pakiramdam ni Kaye ay kulang ang araw niya. Right. Malala na nga siya.

Lumabas na siya at sinalubong ng ngiti si Dem. Napabuga ito ng hangin bagaman kita naman niyang kumislap sa pagkaaliw ang mga mata nito. Mukhang pinanindigang sungitan siya sa kabagalan niyang kumilos.

"Kumain ka na at magkape," anito saka siya pinapunta sa kusina.

Napamaang siya ng makita ang nasa mesa. Kanin, hotdog at kape ang nakahain. Hindi man iyon special, nakakamaang pa rin dahil nagluto ito!

"Hindi ako nagluto. Binili ko 'yan sa labasan." pagtatama nito sa kanya.

Natawa tuloy siya. Hindi siya na-disappoint dahil nag-effort pa rin ito. Aba, pinaghain siya ng leader ng 66th legion! Napangisi tuloy siya kay Dem.

"Nagiging thoughtful ka na," tudyo niya rito at inakbayan. Sa taas nito halos ma-stretch na ang braso niyang nakahawak sa balikat nito. Napasinghap siya ng maramdaman ang init ni Dem. Parang gusto pa tuloy niyang sumandig dito.

Natawa ito at napailing-iling. Napangisi siya. Alam niyang magde-deny ito pero hindi rin naman niya paniniwalaan dahil hayun ang kislap ng mga mata nito. Obvious!

"Hindi ako thoughtful. Nababagalan lang ako sa kilos mo kaya ako na ang gumawa." pagdadahilan nito.

"Okay. Fine. Sabi mo, eh. Naniniwala na nga ako," tudyo niya at naupo na.

Napaungol ito dahil alam nitong hindi siya naniniwala. Natawa na lang siya at natawa na rin ito sa sarili. Magaan ang loob ni Kaye na kumain ng dinner hanggang sa natapos.

Pagkatapos kumain ay hinatid siya ni Dem. Naiwan ito sa labas ng gusali at iginiit na maghihintay lang ito doon hanggang sa umuwi siya. Kinikilig tuloy siya kahit ano'ng pigil niya. Pakiramdam kasi ni Kaye ay nagiging totoong hero ang dating accidental hero niya.

Napangiti na lang si Kaye sa naisip.

"Mauna ka ng umuwi. May bibilhin ako. May dadating akong sulat. Pakihintay na lang at baka hindi nila iwanan kapag nalaman nilang walang tao sa bahay," pagdadahilan ni Kaye kay Dem para huwag itong sumama. Pambihira. Ilang araw niya itong sinusubukang huwag isama para makabili ng gamit nito pero hindi niya magawa. Mapilit ito. Sa CR lang siya nito hinahayaang umalis magisa! Nakakaloka si Dem. Parang ayaw siyang malingat sa paningin.

Natatawa na lang tuloy si Kaye na naiiling sa pagiging possessive ni Dem. Gayunman, mukhang sa pagkakataon na iyon ay makakalusot na siya dahil nakita niyang kahit ayaw nito ay mapipilitang magpaiwan. Pansin ni Kaye na gusto ni Dem na pinagbibigyan siya bagaman ayaw nitong ipahalata iyon. Kagaya na lang sa tuwing sinasabi niyang gusto niyang matulog kahit hindi pa kumakain. Magse-sermon ito at susungitan siya pero sa huli, hinahayaan siya. Mukhang naawa rin ito sa nakikitang pagod niya.

Diskumpiyado siya nitong tiningnan. "Sulat? Kanino naman galing? Wala ka naman ng kamag-anak, hindi ba?"

Lihim siyang napamura. Gusto niyang mabilib dahil sa talas ng isip ni Dem. Naalala pa nito ang bagay na iyon. Gayunman, agad siyang nagisip ng dahilan hanggang sa muli itong hinarap. "Bank reconcillation ang darating. Sige na. Importante iyon para makita ko ang cash flow ng account ko." pagdadahilan niya at lihim siyang nanalangin na sana'y huwag ng magisip pa ng kung anu-ano si Dem. Nauubusan na siya ng paliwanag! Damn!

Napatango-tango ito makalipas ang maraming minuto. Mukhang sa wakas ay napahinuhod din niya. "Bilisan mo. Kapag wala ka pa ng alas dose sa bahay, hahanapin kita," seryoso nitong pakiki-bargain.

Natawa si Kaye. "Opo. Uuwi ako agad. Alam ko naman na mami-miss mo ako kaya uuwi ako agad. Okay?" tudyo niya.

"Kaye..." nagpipigil na angil nito saka napabuga ng hangin. "Okay! Okay! I just want to see you everytime!" bulalas nito.

Napanganga siya hanggang sa pinamulahanan ng mukha! Natawa naman ito sa naging reaksyon niya. Hindi niya inaasahang aamin ito! Ah, windang na ang puso niya pati cells sa buong katawan! Palibhasa, hindi niya inaasahan iyon. Siya tuloy ang natulala!

"Ano? Isasama mo na ba ako?" nakangising untag nito.

Napakurapkurap si Kaye at kinalma ang pusong nagwala. Napatikhim siya at inalala ulit ang mga plano. Napabuga siya ng hangin. Pambihira! Nakakaloka talaga si Dem!

"Sige na. Umuwi ka na. Alam mo naman ang daan, hindi ba?" aniya saka pinilit na itong paalisin.

"Give me my kiss," hirit nito.

"Dem!" nabibiglang bulalas niya at napalingon sa paligid. Mabuti na lang ay wala silang kasama kundi ay siguradong lulubog na siya sa hiya! "Sige na. Go! Now na!" taboy niya.

Tatawa-tawa na itong umalis. Siya naman ay napabuntong hininga pinagmasdan na lang ang guwapong lalaki na naglalakad palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin. Napabuntong hininga si Kaye at nagpunta na sa banko.

Matapos mag-withdraw ay nag-deposit naman siya sa savings account niya para magtabi ng kaunting pera. Nang matapos ay nagpunta siya sa mall at binilhan ng polo, t-shirt, shorts, pants at brief si Dem. Nagikot-ikot pa siya at ng maalalang isang oras na lang ay alas dose na ng tanghali ay minabuti niyang umuwi. Baka magalala si Dem at hanapin nga siya.

Umuwi na siya. Bago mag-alas dose ay nakauwi na siya. Natawa pa siya ng madatnan si Dem sa harapan ng unit niya. Nakapamaywang ito at tinatanaw siya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Kaye. Ang mga paruparo niya sa sikmura ay nagliliparan na naman habang papalapit na siya ng papalapit kay Dem. Ramdam niya ang antisipasyon na bumangon sa puso niya. Parang ang sarap takbuhin ni Dem at sugurin ng yakap habang sinasabi niya ang mga naging lakad...

"Tanghali na. Hindi ka pa kumakain. Wala ka pang tulog," bungad nito ng makalapit siya at kinuha ang mga dala-dala niya. Napangiti tuloy si Kaye. Sa kabila ng sermon, hindi pa rin naitago ni Dem na maging gentleman.

Nauna na itong pumasok habang dala-dala ang mga plastic. Ni hindi nito tiningnan ang laman noon at hinarap siya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa," aniya at naaliw pa rin siyang pinagmasdan ang poging demon.

Napalatak ito. "Kumain ka na at magpahinga. Bumili ako ng kanin mo at ulam. Nasa mesa na. Sige na." anito.

Na-touch talaga si Kaye. Hindi niya mapigilan. Matagal ng walang gumagawa noon sa kanya at malaking bagay iyon. Pakiramdam ni Kaye ay hindi lang siya basta nagiisa kundi masarap din sa pakiramdam na mayroong nagaalaga.

"Maupo ka na rito. Lutang ka na naman," tawag ni Dem saka pinaghila siya ng upuan. Tumalima na siya at naupo. Nagsimula na siyang kumain at mukhang doon na nakuntento si Dem.

"Tingnan mo pala kung kasya ang mga pinamili ko para sa'yo," aniya habang ngumunguya.

Natigilan ito hanggang sa nagkaroon ng kislap ang mga mata. Mukhang nahulaan na isang misyon ang ginawa niya.

"Wala talagang sulat na darating, ano?" pangungumpirma nito.

Tumango siya. Napalatak ito hanggang sa natawang napakamot ng ulo. "Sana, sinabi mo para—"

"Para ano? Para hindi mo ako payagan at para sumama ka?" agaw niya saka uminom ng tubig.

Seryoso siya nitong tinitigan. "Ayaw mo ba akong kasama?"

Napalingon siya rito at natawa sa nakitang kaseryosohan nito. Mukhang... nalulungkot? Ah! Ang sarap pisilin ng pisngi ni Dem! Ang cute-cute nitong nagtampo! Ang demon! Nagtatampo din pala? Natawa tuloy siya. Aliw na aliw sa poging demon.

"Gusto pero surprise kasi po ito at ang mga surprise, hindi sinasabi," nakangising sagot niya saka pinisil ang ilong nito.

Napamaang ito sa ginawa niya hanggang sa natawa. Para hindi na ito makaporma, tumayo na siya at binuksan ang mga plastic. Isa-isa niyang pinakita iyon dito. Mukhang nalito ito sa dami hanggang sa takang napatitig ito sa kanya.

"All for me? Papaano ka? Hindi ka bumili ng para sa'yo?" takang tanong nito.

"Next pay day, damit ko naman ang bibilhin ko. Isa-isa lang naman. Mahina ang kalaban," biro niya saka tinitigan ito. "Gusto ko rin naman bilhan ka ng gamit. Ganti ko na ito sa mga kabutihang ginawa mo para sa akin,"

Nagkandaubo-ubo si Dem. Natawa tuloy siya dahil alam niyang hindi ito sanay na pinupuri.

"You are really out of your mind... a-ako? Mabait? Hah!" natatawang saad ni Dem ng makabawi at napailing.

"Mabait ka. Hindi lang halata," giit niya saka ito niyakap. Nabigla ito. Nanigas ang katawan! Gayunman, hindi siya nito pinigilan. "Thank you," anas niya at totoo iyon sa puso niya.

She was grateful for this demon that changed her life. At alam ni Kaye na oras na alisin na niya ang spell dito at bumalik ito sa underworld, iiyakan niya ang pagkawala nito.

Nalungkot siya sa naisip.

Próximo capítulo