webnovel

Ligtas Kaya Ako?

>Sheloah's POV<

Tumigil siya sa kakayakap sa akin at nginitian niya ako ng medyo masama. Tiningnan ko lang siya na walang emotion at medyo tumawa siya. Umupo ako sa sahig at iniwasan ko siya ng tingin. Medyo ewan kasi, eh.

"Sheloah…" sinabi niya ang pangalan ko at medyo nagulat ako dahil kilala niya ako, eh hindi ko naman siya kilala.

"Sino ka ba at bakit alam mo kung sino ako?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Agad niya akong binuhat na parang sako na nasa taas ako ng shoulder niya at naglakad siya palabas ng kwarto.

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" utos ko sa kanya at pumasok siya sa isa pang kwarto na may kama. Nung nandito na kai sa kwarto, agad niya akong binaba sa kama at umupo siya sa tabi ko. Natakot ako bigla kaya nilayuan ko siya.

"Kung ano man ang iniisip mo, hindi ko 'yon gagawin sa'yo." Sabi niya sa akin at inirapan ko siya.

"Kahit sinabi mo 'yan, hindi kita mapagkakatiwalaan!" sabat ko naman sa kanya at tinawanan niya ako. Binatukan niya ako sa ulo at tumauo siya.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya sa akin habang tumatawa siya at binuksan niya ang pinto. "Kreiss." Sabi niya sa akin at hindi pa siya lumalabas ng bahay.

"Kreiss?" tanong ko at nagsalita ulit siya. Pronunciation: Krays.

"Pangalan ko." Sagot niya sa tanong ko tapos nilingon niya ako at nginitian niya ako. Sa ngiti niya, biglang bumilis tibok ng puso ko at agad akong kinilabutan at iniwasan ko siya ng tingin. Bakit ako ganito?

"Sige. Matulog ka na. Dito muna kwarto mo." Sabi niya sa akin at tiningnan ko ulit siya at tumango na lang ako.

"Salamat…" pasasalamat ko na lang sa kanya pero hindi parin natatanggal ang pagsususpetsya ko sa kanya at tinawanan niya ako ng unti.

"Akala ko ba hindi moa ko pagkakatiwalaan? Nagpasalamat ka pa." tanong at sabi niya at inirapan ko na lang siya. "Matulog ka na nga." Huling sabi niya at lumabas na siya ng kwarto.

Humiga ako sa kama at hanggang ngayon, bumibilis parin yung pagtibok ng puso ko. Niyakap ko yung isa pang unan at pinikit ko yung mga mata ko. Iniisip ko kung okay ang ang mga kasama ko at ang mga parents ko. Maslalo na si Veon. Sana naman makaalis ako rito.

Ligtas kaya ako?

******

I sighed at niyakap ko ang legs ko habang nakasandal ako sa dingding. "Ano nang gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko at biglang bumukas yung pinto ng kwarto. Agad kong nakita si Kreiss na may dalang bowl.

"Good morning." Sabi niya sa akin at hindi ko siya masagot ng maayos dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko at tumawa siya ng unti.

"Relax… bahay ko ito, 'kay?" sabi niya sa akin at binaba niya yung bowl na may kutsara sa end table sa tabi ng kama at tiningnan ko ito. Fried rice na may hotdog at itlog ang laman ng bowl. Binalik ko ang tingin ko kay Kreiss and he smirked at me. Yung smile ng mga bad boy na medyo gwapo.

Okay… hindi medyo. Gwapo si Kreiss.

Si Kreiss kasi matangkad siya na magulo ang buhok but in a way, gwapo parin tingnan. Tapos yung smile niya hindi yung common smiles na cute na nakikita mo sa boys. Ito yung mga ngiti ng mga bad boys na nakakaakit tingnan. Pero siguro kung nag normal smile si Kreiss tulad kagabi, cute rin siya. Tapos yung body built pa ni Kreiss firm at ang manly tingnan. Bad boy tapos hindi mo alam kung ano ang iniisip.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you checking me out, princess?" tanong niya sa akin at medyo nahiya ako at inirapan ko siya.

"Checking you out… tange! Hindi, no! Masyado kang mayabang. And don't call me princess!" sabat ko sa kanya at tumawa nanaman siya at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang right hand.

"Basta kainin mo na yang fried rice. Breakfast mo 'yan. Kung may kailangan ka, sabihin mo sa akin." Sabi niya at lumabas siya ng kwarto.

I sighed. "Paano ko naman masasabi sa'yo kung ano ang kailangan ko kung hindi ko alam kung saan ka sa bahay na ito at hindi mo sinabi sa akin kung saan ka pupunta?" taong ko sa sarili ko at kinuha ko yung fried rice na nasa end table ng kama.

Mainit pa ito at halatang bagong luto. Napangiti ako at kinuha ko yung kutsara at sinimulan kong kainin. Wala naman siguro itong lason kahit luto niya.

Sumubo ako at nasarapan ako agad at tuloy-tuloy kong kinain hanggang sa naubos ko. Halata ring gutom na gutom ako. Nung naubos ko, nilagay ko ulit yung bowl sa end table at napahiga ako sa kama. Sa isang bowl kasi, busog na ako at nasarapan pa ako ng sobra. For a guy, he really can cook. Kidnapper siya, 'di ba? Bakit ang bait niya sa akin?

Napa upo ako bigla nang maramdaman ko na ihing-ihi na ako. Nauuhaw pa akokaya gusto kong kausapin si Kreiss para magtanong ng water at para malaman kung saan ang CR dahil naiihi na talaga ako!

Lumabas ako ng kwarto at sa corridor, marami akong nakitang maraming pinto and I sighed in exasperation. Nasaan ang CR? Ihing-ihi na ako!

Próximo capítulo