webnovel

MHR | Epilogue

"After that, your daddy went back to the States to continue his therapies, while your mommy stayed to study in college. And from time to time, your dad would come visit your mom and her family."

"Oh..." sabay na usal nina Lucio at Vivienne matapos ang mahabang kwento ni Dani.

Si Kaki na kanina pa napapaidlip habang nakasandal sa sofa ay nagmulat at dinugtungan ang kwento ni Dani. "And then four years later, on the day of your mommy's graduation from college, your dad arrived and proposed to her. They were married, and then you two were born."

"Oh," sambit muli ng kambal na matamang nakinig sa kwento na animo'y naintindihan lahat.

Matapos ikasal sina Luna at Ryu ay nagpasya ang huli na roon na manirahan sa Pilipinas. Ryu took over his father's business, kaya madalas pa rin itong bumi-biyahe pabalik ng Philadelphia kasama si Luna. Subalit nang magdalantao si Luna ay nanatili na muna ang mga ito sa bansa hanggang sa ipanganak ang kambal.

At noong nakaraang buwan lang ay nagtayo si Luna ng pre-school sa bayan na tumatanggap ng mga scholars para makatulong sa ibang pamilya na hindi kayang pag-aralin ang mga anak. At iyon ang pinagkakaabalahan nito sa nakalipas na mga araw.

"Was Dad able to remember somehow?" tanong ni Lucio.

Bumuntong-hininga si Dani saka malungkot na ngumiti. "No, he didn't. But he did make great new memories with his family, his friends, and of course, with your mommy."

"Mommy said we shouldn't look back to the past and just move forward to the future," sabi naman ni Vivienne na ikina-taas ng kilay ni Dani. "So, it's okay if Daddy won't get back his past memories. At least he have us."

Si Kaki, na naalimpungatan sa sinabi ni Vivienne ay napahagikhik, "Looks like we have Little Luna here..."

"Smart-ass kid," bulong ni Dani na sapat lang sa pandinig ni Kaki.

"And if Mommy is carrying our little sister or brother in her tummy now, Daddy would surely be more happy. There is a lot to look forward to the future, so the past doesn't really matter now, Lucio," patuloy pa ni Vivienne na lalong ikina-higikhik nina Kaki at Dani.

Si Lucio ay sumagot. "Well, I was just asking, Vivienne. There is no need for you to preach."

"I wasn't preaching, Lucio. I am not Mom," sagot ni Vivienne sa kakambal kasabay ng pag-ikot ng mga mata.

Parehong malakas na tumawa sina Dani at Kaki. Alam ng dalawa na madalas na hindi nagkakasundo ang kambal pero alam din nilang maya-maya ay magbabati na ang mga ito at muling maglalaro.

Ilang sandali pa'y nahinto ang dalawa sa malakas na pagtawa nang mapasulyap sa labas ng salaming bintana at makita ang paghimpil ng sasakyan sa garahe.

"Okay, looks like Mama Bear and Papa Bear have arrived," anunsyo ni Kaki na tumayo at dinampot ang mga kalat sa sahig. Kalat mula sa balat ng pinapak na sunkist ng dalawang bata at ni Dani.

Mabilis na tumayo ang kambal at tumakbo patungo sa front door upang salubungin ang mga magulang. Pagbukas ay unang sumulpot si Ryu na may bitbit na isang box ng cake.

"Daddy!" sabay na sigaw ng dalawa saka nag-unahang yumakap sa binti ng ama.

"Hey there, munchkins!" bati nito sa mga anak. Inilapag nito ang box ng cake sa ibabaw ng chest of drawers na nasa tabi nito bago niyuko ang kambal at sabay na kinarga. Doon lang nito napansin sina Kaki at Dani na nakangiting nakatunghay. "Hey, ladies! We didn't know you'd come visit us today?"

Si Luna na sumulpot sa likod ni Ryu ay kunot-noong nagsalita. "We have visitors?" At nang makita ang dalawa ay malakas na napasinghap. "Dani and Kaki! Oh my gosh, it's been months!" Humakbang ito palapit sa dalawa.

"You are looking fabulous as ever!" sabi ni Dani bago halikan sa pisngi si Luna.

"And so do you, Dani," nakangiting sagot ni Luna.

"Partida, broken-hearted pa 'yan," sabi naman ni Kaki bago humalik sa pisngi ni Luna na natawa sa sinabi nito.

"How are you, Kaki? Isang linggo na tayong hindi nakakapag-usap."

"Gah! I just really busy at work. Alam mo na, nagpapa-impress sa boss para ma-promote," sagot nito.

"Sinabi ko na sa iyo noong nakaraan na kailangan ko ng isa pang accountant sa preschool," sabi pa ni Luna. "I'll double your rate, but less work kompara r'yan sa pinapasukan mong kompanya."

Ngumisi si Kaki. "Now we're talking."

Natawa si Luna sa sagot ng kaibigan at sinulyapan si Dani. "How about our rich friend here, huh? Kung hindi pa muling nasawi ang puso ay hindi maaalalang dumalaw?"

Dani pouted as he rolled his eyes upwardly. "Dahil alam kong pipintasan mo lang ang boyfriend ko kapag nagkita tayo, no."

"Paano, alam kong gagatasan ka lang ng lalaking iyon—"

"Oo na, tama ka na," lalong nanulis ang nguso ni Dani na ikinatawa nina Luna at Kaki.

Si Dani ay ibinaling ang pansin kay Ryu at sa kambal na nagbubulungan. Ngumisi ito sabay sulyap sa box ng cake. "What's the occasion, Papa Bear? Is someone celebrating something today that we didn't know about?"

Ibinaba ni Ryu ang mga anak bago sumagot. "Nah, it's just for the kids. They—"

Bago pa man natapos ni Ryu ang sasabihin ay malakas na napasinghap si Dani at nagtakip ng bibig. "Have you confirmed it? Is this a celebration for the new addition of Donovan family?"

"New addition?" Kinunutan ng noo si Ryu.

Once again, Dani rolled his eyes and laughed provocatively. "Papa Bear, ano ka ba? A baby!"

Confused, Ryu turned to Luna. "Wait—what? You're pregnant?"

Si Luna ay napa-tapik ng noo samantalang si Kaki naman ay pinandilatan ng mga mata si Dani na napangiwi.

"You always ruin everything, Dani," manghang sabi ni Luna bago muling nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Ryu. She gave her husband a sweet smile.

"I haven't seen the doctor yet but I think I am. Morning sickness has been pretty bad these passed few days."

Sandaling natahimik si Ryu matapos ang pahayag ni Luna, samantalang sina Vivienne at Lucio naman ay nasa box ng cake ang pansin at nagtatalo kung strawberry o chocolate ang flavour niyon. Hindi naramdaman ng mga ito ang tensyong biglang namuo sa ere.

Sina Kaki at Dani ay nagkatinginan nang matagal na hindi nagsalita si Ryu. Biglang naalala ang sinabi ni Vivienne na ayaw ipaalam muna ni Luna sa asawa ang tungkol sa bagay na iyon. Napa-isip ang mga ito na baka nga ayaw pa muna ni Ryu na masundan ang kambal.

Until... he frowned. "Why didn't you tell me about it?"

Bumuntong-hininga si Luna, "Well, I—"

"You were carrying those boxes of books the whole day when you know you shouldn't, Luna. What if anything happens to you and the baby?"

Naka-hinga ng maluwag sina Dani at Kaki nang mahimigan ang pag-aalala at pagsuyo sa tinig ni Ryu. They were worried for a second, akala talaga nila ay hindi nito nagustuhan ang balita.

Luna grimaced. "I was... going to suprise you but not until it's confirmed by the doctor."

Huminga ng malalim si Ryu saka ngumiti at humakbang palapit. "Come here."

Ryu took Luna in his arms and kissed her at the top of her head. "I love you and I am happy about the news, Buttercup. But I'd be more thrilled if Dani didn't ruin the surprise," biro pa nito sabay sulyap kay Dani na napa-ngiwi.

Si Ryu ay ibinalik ang pansin kay Luna. "Hey, starting tomorrow, you are not permitted to carry any heavy objects. I'll cancel my scheduled online meeting tomorrow with the investors to accompany you to the doctors. You have been working hard these past few days, I am worried about your health and the baby."

Luna nodded. "Understood, Boss."

Sina Lucio at Vivienne na kanina pa nagtatalo tungkol sa cake ay sabay na nagsalita, "Mom! Can we already eat this cake? We have been waiting for this the whole day!"

Nilingon ni Luna ang mga anak at nakangiting tinanguan. "Yes, you can have it now, munchkins."

Tuwang-tuwa ang mga itong kinuha ang box ng cake mula sa ibabaw ng chest of drawers at magkatulong iyong dinala sa kusina. Sina Kaki at Dani ay mabilis na sumunod sa mga bata na na-excite rin sa pasalubong na cake.

Si Ryu ay muling niyuko si Luna nang ma-iwan sila sa living room. "So... baby number three, huh?" nakangiti nitong sambit.

Luna grinned at him, "Or maybe three and four? We may get another set of twins."

Pleased, Ryu chuckled. "I'd love that. Let's work on it tonight."

Tumawa ng malakas si Luna sa panunukso ng asawa. Ilang sandali pa ay ikinawit nito ang mga braso sa leeg ni Ryu saka ito tiningala. "I just wanted to tell you that I love you and that I am also very happy. Our family is growing."

Ryu kissed her forehead. "You don't need to say anything, I can feel your love everyday. You love me and the twins unconditionally, I couldn't ask for more. You are more than what I have ever dreamed of, Luna Isabella."

Luna closed her eyes and tiptoed her way to her husband's waiting lips. "And you are more than what I have ever prayed for, Ryu Donovan."

// WAKAS //

Próximo capítulo