Kinabukasan.
Maagang nagising ang diwa ni Nicole dahil na rin sa tunog ng nagmumula sa kanyang tiyan.
"Ano ba naman iyan, ang aga-aga nag iingay ng tiyan ko" sabay himas nito sa kanyang t'yan. Ang totoo hindi siya kumakain kagabi. Dahil ayaw niyang makasalo sa hapag kainan ang dalawa. Kung ginawa niya iyon, parang pinapatay ang puso niya ng taong mahal niya. Mas tiniis niya ang gutom keysa makasama ang dalawa sa pagkain.
Bumangon na at mag hilamos na sana si Nicole.
Ang hindi niya alam nasa kabilang kwarto lang ang boss niya at ang kasama nitong babae.
Papasok na sana si nicole sa banyo ng may marinig siyang boses..
Mahina lang ngunit dinig niya ito..
"Hon! Bilisan mo, malapit na siya! " wika ng babae sa kabilang kwarto.
Idinikit pa ni Nicole ang kanyang tainga para marinig ng lubusan ang nangyayari.
"Binibilisan na nga hon oh! " wika ng boses lalaki.
"Sige ayan hon! Sige pa! Konti na lang! Bilisan mo pa! " parang hinihingal na sabi ng babae sa kabilang kwarto.
"I'm coming! " boses ng lalaki ang huling narinig ni Nicole
Biglang tinakpan ni Nicole ang kanyang tenga dahil hindi niya na makayanan ang mga naririnig niya.
Ang hindi alam ni Nicole na
nagbibihis lang pala ang lalaking nasa kabilang kwarto..
Minamadali lamang siya ng babaeng kasama niya dahil nagugutom na ito..
"Ang landi ng babaeng iyon, ang ingay-ingay. Hindi ba nila alam na may magandang dilag sa kabilang kwarto. Naririnig pagka horny nila. Mga tao nga naman ngayon! " napailing na lamang si nicole. Pumasok na siya sa banyo at winalangbahala na lamang ang mga narining. Pero namumula si Nicole.
Naramdaman ni Nicole na namumula ang pisnge nya kaya hinawakan niya ito at naghilamos na..
"Nakakahiya ang babaeng iyon! Wala man lamang dilikadisa sa katawan. " nasabi niya sa kanyang sarili. Dahil babae din ito kaya siya ang nahihiya para sa babaeng nasa kabilang room.
Pinagpatuloy na lamang ni Nicole ang pagligo niya.
Pagkatapos ng sampung oras natapos narin siya. Ewan ko ilang oras.
Humarap na siya sa salamin at nag ayos ng sarili..
Simple lang ang suot niya pero kitang kita parin ang curve ng katawan niya. Sexy si Nicole. Maganda ang hubog ng katawa. Kapag nakita mo siya literal na mag-lalaway ka.
Nagsuot lamang si Nicole ng Jeans at fitted shirt with white rubber shoe (na ineregalo pa sa kanya ni Andy noong sila pa)
Lumabas na si Nicole sa kwarto niya, kasabay niya rin ang tao na nasa kabilang room nagulat siya ng makita kong sino ng nasa kabilang kwarto..
"G-Good morning sir!"bati ni Nicole sa nakasabayang panauhin.
"Good morning too! Bababa ka na ba para mag-breakfast? " tanong sa kanyang ni Andy.
Yumuko si Nicole dahil naalala niya ang narinig niya kanina.."Opo !! S-- pagputol ni andy ang dapat na sasabihin ni nicole.
"Okey! Sumabay kana sa amin ni angelica! " autoridad na sabi ni Andy kay Nicole.
So Angelica pala ang pangalan ng tuko na ito.. hmmppp..." napatango na lamang si nicole.
"OKEY ! " tipid niyang sagot.
Kaya sumabay na si nicole sa kanila.
"Kung makakapit naman itong babaeng to, parang wala ng bukas ehh."kausap ji nicole sa sarili.. Napailing na lamang ang dalaga dahil pati sarili niya ay kinakausap na niya..
Kaya sumabay na siya , palipat lipat ang tingin n'ya sa dalawang tao na nasa harapan niya.. At napailing ulit..
---
Habang naglalakad silang tatlo, biglang napahinto si Nicole at naalala ang mga narinig niya kaninang umaga..
Lumingon sa kanya ang binata..
"BAKIT ANDYAN KAPA?? HINDI KA PA BA NAGUGUTOM , AYAW MO BANG SUMABAY SA AMIN." pagtatanong ni andy sa kanya.
Sumabat naman ang tuko na nasa gilid niya..
"HON!! KONG AYAW NIYA HAYAAN MO NA SIYA, MARAMI NAMANG VACANT TABLE DYAN OHH !!maarteng sabi ni angeline sabay tingin sa dalaga at sinabayan irap.Maarteng tinuro ang mga bakanteng upuan..
Nakita ko naman kong paano siya tingnan ni Andy na parang nangangain ng tao.
Gusto kong matawa sa reaksyon ng babae na parang takot na takot na mawalan ng napaka halagang bagay sa buhay niya...
"Haiisstt! Ako nga nawala sa akin ang isa sa importante at mahal ko. Ngayon pag mamay-ari na ng iba." Nakasimngot na bulong ni Nicole sa kanyang sarili.
"Okay! S-- ay Andy pala susunod na po!" sagot ni Nicole sa binata at nagpatuloy na sa paglalakad.
Siguro kong nakakapatay lang ang titig niya sa akin kanina pa ako nakahandusay sa sahig ..
"hahahaha"natatawa lamang si Nicole sa kanyang isipan..
-----------
Habang kumain silang tatlo , biglang tumawag ang cellphone ni higad..
"Excuse me hon!sabay turo sa phone niya! Si dad. "
Tumanggo lang si Andy.
Mga ilang minuto din siyang nag babad sa cellphone i mean nag usap pala..
Bigla siyang nagpaalam..
"HON! I NEED TO GO , TUMAWAG KASI SI DADDY MAY PROBLEMA RAW SA KOMPANYA KAILANGAN KONG PUNTAHAN DAHIL WALA SILA MAY MEETING NA PINUNTAHAN RIN.. TATAWAGAN KITA HON! I LOVE YOU ! Sabay kiss sa lips..
Tumalikod na ako ng makita ko na hahalikan ni babae si lalaki.
Nakita naman ng dalaga ang PagtaNGO ng binatang SI ANDY.
Pero bago pa umalis si higad tumingin pa sya sa akin.. Mula ulo hanggang paa.
Mas sexy, mas juicy, mas maalindog, mas maganda, mas maputi at higit sa lahat mas kamahal-mahal.
Tiningnan ko rin siya mula ulo mukhang paa. Sabay irap sa babaeng mukhang hipon
Tuloy-tuloy na ang paglabas niya ng restaurant
Kaya kumain na rin ako..
Nang matapos na akong kumain magpapaalam na sana ako ngunit pinigilan niya ako..
"May pupuntaha tayo".