webnovel

MY EX-FIANCE #3

NICOLE..

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin.  Nanigas ang buo kong katawan.

Bat ba kasi siya humarap bakit hindi nalang siya nanatiling nakatalikod. Bakit?

"A-andy" mahinang sambit ko. "Fu**" malakas na mura ko sa aking isipan.

Hindi ako makakilos,  feeling ko ano mang oras babagsak ang mga luha ko. Nabalot ako ng galit at poot pero nangingibabaw parin ang respeto,  respeto ko para sa sarili ko. Dahil wala ako sa lugar para mag iskandalo sa sarili niyang opisina.

Nakatulala lamang ako habang nakatitig sa kanya. Naranasan nyo na ba yung, tipong parang may kasalanan ka sa taong kaharap mo dahil sobrang lakas na tibok ng puso mo yung parang anytime, any moment sasabog na ito at lalabas sa loob ng katawan nyo?

Yung tipong wala kang masabi?

Yung tipong nakatitig kalang sa kanya na parang menimemorize mo ang bawat angkolo na mayroon siya ?

Yung tipong nanginginig na ang kamay at tuhod mo.  Dahil bumalik ang lahat,  lahat  ng sakit ,na naranasan mo sa kanya?

Yung kulang nalang matutumba kana dahil feeling mo nanghihina kana anytime kapag hindi mo maiayos ang sarili mo talagang macocolapse kana ?

Naramdaman nyo na ba yun ?

Sa loob ng isang taon. Isang taon na hiniling ko sana h'wag na kaming ipagtagpo pero bakit. bakit ?

"Tadhana! " minsan nasisisi ko ito. Yun lang ang hiniling ko pero bat ngayon pa.

Ngayon pa na hindi pa ako handa sa lahat.  Hindi pa ako handang makita siya.

Pero ngayon nakaharap siya sa akin na parang walang nangyari.

Na parang sa loob ng isang taon na paghihirap ko, ganoon lang para sa kanya at nakita ko pa siyang ngumiti !

Parang wala na ako sa sarili ko. Gusto kong manumbat, sampalin siya. Dahil sa loob ng isang taon,  nagpakita pa siya sa akin.

Bitter na kong bitter, pero anung magagawa ko bumalik ang lahat ng sakit . Parang sinasaksak ako ng napakaraming kutsilyo sa puso pero buhay parin ako.

Yun ang masakit dhil kahit anung gawin ko buhay parin ako at patuloy na nasasaktan.

Feel ko kapag magsasalita ako tutulo na ang luha ko, na kanina ko pa nararamdamang gusto kumawala sa mga mata ko.

Hindi parin ako makagalaw, kahit nakikita ko syang palapit sa akin tinitigan ko parin siya. Feel ko kapag hahawakan niya ako talagang bibigay na ako. Nanginginig na talaga ako.

After all what happened , and now he's in front of me.  I dont know what to say.

Bakit mahal ko parin sya?

Sana natuturuan nalang ang puso !

Bumalik ako sa katawang lupa ko nang magsalita sya ulit. Ang sarap mag mura .

"Nic! are you okey? "namiss ko yung pagtawag niya sa akin ng Nic pero hindi ko na napigilan .

Lumabas na ako ng pinto at dire-diretsong tumatakbo palabas ng kompanya nila.

Asa pa ako na susundan niya ako!

Tumakbo lang ako hanggang makarating sa sakayan ng taxi. Buti nalang at malapit lang sa kompanya nila, dito ko lang nailabas ang luha na kanina pa nagbabadyang lumabas.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maubos ang luha ko, pero lupit talaga hindi siya nauubos.

"A-andy " nanghihinang sabi ko.

Sa wakas may nakaisip rin na pasakayin ako nakakapagod din maghintay ng ganoon ka tagal .

.

.

.

..

.

.

.

.

Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng interview na yun at nalaman ko rin kOng sino ang magiging boss ko .

Ngayon ang first day ko sa trabaho. Sana makayanan kong pakiharapan ang boss ko.

Sa loob ng tatlong araw pinag-isipan ko talaga kong tatanggapin ang offer niya o ireject ko .

Nagtatalo ang utak at puso ko.  Sabi ni tama na kasi  sasaktan pa ako lalo kapag mag kaharap kami.

Si utak naman,  tanggapin ko raw para sa tatay ko. Isang taon narin naman ang nakalipas.  Kakayanin ko.

Makasarili na ako kong irereject ko para naman ito kay papa kaya khit masakit okay lang.

Maaga akong nagising kaya ginawa ko na ang morning ritwals ko. Pumasok sa banyo at naligo.

Habang naliligo ako hindi ko maiwasang maalala ang mukha niya kanina. Ang laki na ng pinagbago niya. Kung dating patpatin ngayon macho na. Hindi ko maipagkakailang pinasadahan ko ng tingin ang buong mukha niya kasama ang katawan. Yung mga mata niya na singit, na parang henepnitize ako pero hindi ko mabasa ang emosyon na naroon. Ang ilong na matangos bumagay sa kanya pa heart shape na mukha. Mga labi na kasing pula ng makopa. Katawan na nababakat ang pagkamaskulado nito. Kahit naka shade sa loob ng opisina.

Iwinaglit ko sa aking isipan ang pagpapantasya sa kanya. Naoaragal na ata ako sa banyo kaya naisipan ko ng lumabas,  gamit ang bathrub ko na kulay skyblue.

Pagkalabas ko ng banyo tinungo ko agaf ang closet ko at kinuha ang magiging uniform ko.

Skirt na black, longslave black suit na pinartneran ko ng white blouse.  Nag suot na rin ako ng 3 inches shoes na black .

At naglagay na rin ako ng kunting powder at light lipstick na pink, kunting blush on.

Natapos na rin ako, kaya humarap ako sa salamin at ngumiti "Ganda ko talaga".

Bumaba na ako after kong outihin ang sarili ko sa salamin .

Nakita ko naman si mama at papa kasama ang kapatid ko na kumakain . Ngumiti naman ako sa kanila .

"Good morning ma,pa, !"masiglang bati ko sa knilang lahat sabay halik sa pisnge nila.

"Ganda naman ni ate ! "sabi ng kapatid ko kaya kiniss ko narin sya sa pisnge. hinawakan ko ang  ulo nya at ginulo ang buhok nito.

"Ate naman! Guluhin mo na lahat h'wag lang ang buhok ko! "  nakasimangot na nagmamaktol. Hahawakan ko pa sana ulit ang buhok nito pero sinanga nito ang mga kamay ko. Natawa na lamang ako nakita ko ring ngumiti ang mga magulang ko.

Itong kapatid ko parang binata na kong umasta. Ningitian ko ang kapatid ko at umupo ako sa bakanteng upuan ko.

Ang swerte ko talaga sa pamilya ko kahit hindi kami ganoon kayaman sa pera mayaman naman kami sa pagmamahal .

After kong kumain !nagpalam na rin ako sa knila. Mahirap ng malate firstday pa nman ng work ko . Hinalikan ko sila sa penge at umalis na ng bahay.

Andito na ako sa company na pagtatrabahuan ko.Kaya huminga muna ako ng malalim.

Sinasabi ko sa aking sarili na ginusto ko to kaya kakayanin ko.

Dire-diretso na ako papuntang elevetor, sakto naman at bumukas ito.

Pumasok na ako! Wala namang ibang tao na nasa likuran ko, kay isasara ko na sana ngunit may kamay na humarang dito .

Hindi ko nalang pinansin kong sino ang pumasok, kasi tama tamang nag ring ang phone ko.

After kong makipag usap sa phone, si besh lang pala ang tumawag para sabhin "Fighting" kaya ko raw to.

Kaya napatingin na lamang ako. Hindi ko na pinatagal ang usapan kaya binaba ko na ang tawag.

"Good morning Nic! " bati niya sa akin..

Natulala na  naman ako,  hindi ko alam na siya pala ang kasama ko. ! My gosh bakit hindi ko napansin kanina,  ayan siya ang kasama ko dito sa elevetor.  "Tanga mo kasi Nicole" wika ko sa aking sarili

"May sinasabi kaba Nicole? " pagtatanong nito.

"W-wala po Sir! " hindi nalang ako nagpahalata na kinakabahan ako. "G-goodmorning too s-sir" wika ko shi* bat ako nauutal napaghalataan nalang tuloy ako ..

Pinagpapawisan ako, kahit malamig naman sa loob ng elevetor.

Ilang beses naba ako napapamura sa araw na ito ng dahil lang sa lakaking kasama ko ngayon.

Shi* bakit ganoon ang lakas parin ng impact n'ya sa akin. Yung puso ko lakas parin kabog kapag nakikita ko siya, lalo na at kasama ko siya ngayon.

~Ting~

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang pagtunog ng elevetor, sa wakas nakarating na rin kami.

Kahit gusto ko siyang iwasan hndi ko magawa dahil sa knya ako ngtatrabaho.

Kaya sumunod na lamang ako ng lakad sa may likuran niya .

Bakit kahit ang likod niya ang tikas tikas tingnan, nagkamuscles pa sya lalo macho pa sya lalo.

"Tumigil ka sa pagpapantasya mo sa sir mo" saway ko sa utak ko "correction utak ex-fiance"

"Aray !"sigaw ko, ang sakit naman ! hindi ko alam nakarating na pala kami sa office niya, at nabangga lang naman ako sa matikas niyang dibdib .

Tsskk"

"Dito ang office mo" sabay turo sa maliit na kwarto sa labas ng office niya .

"s-salamat " utal na sabi ko, halata ko kanina pa ako nauutal sa kanya, anu ba naman to.

"RELAX " bulong ko sa sarili ko!!!

"Relax Nic" sabi niya kaya napaangat ako ng ulo.

I hate when he call me Nic kasi bumibilis yung tibok ng puso ko parang noong dati lang.  Nakakainis ng ganitong feeling kasi malabo ng maging kami ulit.

"Okey! sir " sabi ko sabay punta sa opisina ko raw.

Kaya tumalikod na siya at pumasok narin sya sa office niya .

Nang mapaupo ako sa chair ko,  biglang may pumasok na katanungan sa isipan ko.

Wala ba siya asawa?  Kasi napansin ko kanina sa daliri niya walang singsing ma suot. "Umasa ka naman,  baka nakatago lang! " sabat ng aking utak. "Tssk".

Itinuon ko na lamang amg atensyon ko sa mga papers na nakatambak sa mesa ko.

Firstday ang daming pinapagawa agad. Kaya sinimulan kong gawin ang mga dapat kong gawin.

Próximo capítulo