webnovel

Chapter 29

~**~

C H A P T E R T W E N T Y N I N E

"Sa'yo ko nga dapat sabihin yan. Kailan ka ba matututong magpaalam?"

"Sayo lang naman ako nagpapaalam."

"Ha?"

Ginalaw niya ang ulo niya sa direksyon ko, tiningnan niya ako. "Tinext kita."

Kumunot ang noo ko at dali daling nagpunta sa Message. Nag-scroll ako ng nag-scroll hanggang sa nakita ko ang pangalan niya. Tama siya. Nag-text siya na aalis siya pero hindi niya binanggit kung saan.

"Sorry hindi ko napansin."

"Ganyan ka naman," may himig ng tampo ang boses niya.

Nagpunta ako sa tabi niya at naupo. Tulad niya, pinanood ko rin ang mga fireflies.

"Ang hirap, 'no?"

Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.

"Ng?"

He looked at me then smiled, "Ang hirap magpanggap na parang hindi ako nasasaktan."

Tinitigan ko ang mata niya. He was smiling but his eyes show pain.

"What should I do? All I ever wanted is to have you. Why it has to be that damn hard?" Umupo siya at tiningnan ako ng maigi. "I love you, Xiana. And even if loving you includes in their rules, I don't care. I'm willing to break their rules, I would still choose to disobey them no matter what it may cost. I really, really love you, Xiana. I am deeply in love with you that it hurts like hell."

Nasaksihan ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya. Nagsusumamo ang mukha niya. Hindi ko kinaya. Kinulong ko siya sa mga braso ko at hinalikan siya.

"I love you so much," I said between our kiss.

And I'm sorry...

Ngayon ang huling araw namin sa 1hundred Days show. Beach wedding ang naganap. Tinitingnan ko ang lahat ng mga bisita. Ang lahat ng miyembro, nandito at maging ang mga ka-grupo ni Lian. PD is also present.

Even our big boss. Marami rin mga bigating tao ang dumalo, mga gustong masaksihan ang kasal namin ni Lian as a couple of 1hundred Days.

Sa malayo, may mga fans na hinaharangan. Pili at mangilan ngilan lang ang nabigyan ng pagkakataong makapasok. Nagsagawa pa nga ng contest eh.

"Nasaan na ba yung groom mo?" tanong sa akin ni Sunny na lumi-linga linga sa paligid.

"Di ko nga alam eh. Kanina pa hindi ma-contact," nakasimangot na sabi ko.

Nakapwesto kami ni Sunny sa tabi ng mga best man. Monggoloyd talaga yung Lian na yun! Nagfeeling feeling na naman! Feeling ba niya siya ang bride at siya dapat ang nagpapabebe? Kaasar eh.

Napatingin ako kay PD kasi ramdam kong nakatingin siya sa akin. Kumunot ako. At kinabahan sa pagiging seryoso ng tingin niya. Actually kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin sa akin.

Oops. Di kaya.... masyadong ginalingan ng make-up artist ko ang pag-aayos sa akin at nagustuhan ako ni PD? Lol. Baliw. Ako na baliw. Ehh, kasi naman eh! Ang tagal ni Lian dumating isang oras na kaming naka-prepare dito.

Lumapit si Direk BS sa amin. Nginitian niya ako. Tapos, may binulong siya kay Sunny.

Sunny's eyes brightened up then giggled. "Sige, gusto ko yan. Ako na ang mag-a-announce."

Pumalakpak si Sunny para tawagin ang atensyon ng lahat. Ngumiti siya sa akin tapos humarap sa mga bisita.

"I'm glad to announce a surprise for XL couple."

Napaayos ako ng tayo sa sinabi niya. Tapos tumingin ako kay Direk BS para manghingi ng kaunting idea sa kung ano ang nangyayari.

"That part should be in the last part," Direk BS shrugged. "Kaso ang tagal dumating ni Lian. Naiinip na ang mga guests."

Tumango tango ako. Pero kahit may nagaganap na, di pa rin ako mapakali. Lian should be here.

Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko na kung ano ang nararapat...

"Nakipagtulungan ang mommy ni Xiana sa amin. Para..." Huminto saglit si Sunny at masaya akong tiningnan.

Hashtag Pabitin.

"Para sila na ang mag-adopt kay Baby Timo."

Nanlaki ang mga mata ko. Suprised. Happy.

"Seriously?" ang tanging nasabi ko.

Tiningnan ko si Direk BS. Tumango siya at ngumiti.

Sa sobrang saya ko niyakap ko siya. "Thank you po!"

"Inaayos nalang ang mga papel para maging legal ang pag-a-ampon niyo sa bata. Sa mommy mo ikaw magpasalamat. And for now, sa kanya rin nakapangalan ang pagiging guardian kay Baby Timo. Mamaya mo na malalaman kung ano ang kapalit bago mapunta sa'yo ang bata." Ngumiti ng matamis si Direk BS. Kitang kita sa mga mata niya na masaya siya para sa akin.

I know Lian would be happy too.

Nagpalakpakan ang mga tao. Nagpunta ako sa kung saan nakaupo ang nanay ko. At niyakap siya. Just as I say thank you to her, may humawak sa braso ko.

I gasped as I saw Lian. Shet, ang gwapo talaga.

Kumurap kurap ako para mabalik sa wisyo.

Narinig ko ang mahihinang kantyaw ng ilang bisita. May mga pumalakpak din at nagsabi na simulan na ang seremonya.

Mula sa braso, bumaba ang kamay ni Lian sa mismong kamay ko. Hinila niya ako. Habang nagpapatangay ako sa pangangaladkad niya, hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim. Na-miss kong hawakan niya ang kamay ko. Na-miss ko siya. Na-miss ko yung kami.

"Teka, sundin naman natin yung ni-rehearse natin, diba?" sarkastik na sabi ko. Hindi manlang ako pinaglakad sa aisle habang hinihintay niya ako! Moment ko na yun eh!

Buong akala ng lahat kasama ako, sa pari ako dadalhin ni Lian. Ngunit sa ikinabigla ng lahat kasama pa rin ako, huminto kami sa tapat ni PD.

Naguguluhan akong tumingin kay Lian. Bakit nga naman kasi kay PD kami dumiretso imbes na sa pari? Ano namang alam ni PD sa pagpapakasal, hindi ba?

Nagulat ako at napatakip ng bibig sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod si Lian sa tapat ni PD. Still, hawak pa rin ang isa kong kamay.

"PD," paninimula niya. "Patawarin niyo kami kung sinira namin ang isa sa mga rules ninyo. Pero wala naman sa rules ninyo ang bawal ma-inlove hindi ba? At kahit saan. Walang ganung rule." Pinagsalikop ni Lian ang mga daliri namin. "I am so inlove with Xiana, PD. I am sure of it, and I'm not afraid to take the risk. I can even sacrifice my career for her. Please, PD. Just let us be together. Mahal na mahal ko po ang babaeng ito." He squeezed my hand.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. I've known Lian. Masyadong mataas ang pride niya. And seeing him leveled down his pride like this... for me...

Lumuhod din ako. Napatingin sa akin si Lian at kita sa mga mata niya na hindi niya inaasahan na luluhod rin ako sa tabi niya.

"Patapos na po this year ang contract ko. Hindi na po ako mag-re-renew so that me and Lian would not be longer a labelmate. I'm ready to face the consequences... wag lang pong madamay ang mga ka-grupo ko at ni Lian. We're sorry if we disobeyed you."

Tiningnan ko si PD matapos kong magsalita. Blanko pa rin ang ekspresyon niya habang isa isa kaming tinitingnan ni Lian.

Tumayo si Jisoo. "Yes, PD. Please let them date."

Sumunod naman si Darrel. "Oo nga. Alam namin pwede silang magmahalan kahit di sila. Pero mahirap kaya ang walang label."

At sunod sunod ng tumayo ang lahat ng miyembro ng UNQS at Pentagon. After nun, tumayo rin ang mga guest na nakikiisa.

"Una palang alam ko nang ganito ang mangyayari."

Próximo capítulo