webnovel

Final Chapter

THE SWITCH concert in Araneta Coliseum. Iyon ang unang public appearance nila ni Hayden matapos ang paglabas ng mga pictures nito sa diyaryo at Internet. Dahil nanatili silang tahimik sa issue, sila agad ang sinalubong ng press.

"Ma'am, totoo po ba na gay ang boyfriend ninyo?" tanong ng isang TV reporter. "Totoo rin po ba na binayaran lang niya kayo para magpanggap na girlfriend niya? Kaya po ba nanatili kayo sa tabi niya?"

Muntik na niyang hampasin ng handbag niya ang impaktong bading na reporter sa impertinenteng tanong. Pinisil ni Hayden ang kamay niya. Ibig sabihin ay huwag na lang niyang pansinin at lagpasan nila.

Subalit nakangiti siyang humarap sa press. "Ako? Babayaran ni Hayden para magpanggap na girlfriend niya? Sa ganito kaguwapo magpapabayad ako para magpanggap. Aba! Hindi siyempre! Pipikutin ko na lang siya. Saka kilala ko na siya doon sa pictures na iyon. Ako pa nga ang nanligaw sa kanya."

"Niligawan ninyo si Hayden?" tanong ng babaeng showbiz reporter.

"Yes. At first date din namin ang The Switch concert. Kaya parang aalalahanin lang namin ang nakaraan namin. Romantic, isn't it?" wika ni Hayden na nakisali na rin sa interview. "We even danced in the rain. Muntik na niya akong halikan."

Namula siya. "Hindi mo na kailangang sabihin iyon."

"Pero di pa rin nawawala sa isip namin ang mga pictures niya na naka-make up at naka-Japanese geisha costume."

"Ano ba namang klaseng reporter kayo? Hindi nagre-research," nakataas na kilay na sabi ng isang babaeng naka-gown na tumayo sa tabi niya. Pero di pala ito babae kundi si Franzine, ang laging kasa-kasama ni Hayden sa university. "Member ko si Hayden sa drama club. Magaling siyang umarte. Medyo naiilang lang siya kaya inaayusan namin siya para makapag-internalize siya sa character."

"Okay. That's enough," anang si Myco, ang head ng security ng Stallion Riding Club at kinuha ng The Switch para sa security nito at ng mga kaibigan. "Malapit nang magsimula ang concert."

"Last question. Member ka pa rin ba ng Stallion Riding Club o naiilang na siya sa iyo dahil sa lumabas na issue?" tanong pa ng isang reporter.

"Hayden is like our brother," nakahalukipkip na wika ng owner ng Stallion Riding Club na si Reid Alleje. Kasama din nito ang ilan pang members na kadadating pa lang. "Hindi nagbago ang trato namin sa kanya."

"And we'll know right away if he's a gay or not," sabi ng leader ng Flower Girls, ang mga groupies na madalas humabol-humabol sa member ng riding club. "Bakit hindi na lang kami ang tanungin ninyo kung sino ang boyfriend namin?"

"Tapos na daw ang interview. Umalis na tayo," anang mga reporter na hindi interesado sa buhay ng mga Flower Girls.

Isa-isang kinamayan ni Hayden ang mga kaibigan. "Salamat sa pagtatanggol sa akin. It's really important for me."

"Hindi mo naman kami kailangan. The truth speaks itself. Saka may Rei naman na nagmamahal sa iyo. Dati pa iyan lukang-luka sa iyo kahit ahitan ka pa ng kilay," sabi ni Franzine at humagikgik.

"Marami nang problema si Renato Villaluz kaya desperado na siya," wika ni Myco. "I wonder while you didn't file a case against him."

"He has nothing now, Myco. Walang pamilya at walang career," sagot ni Hayden at inakbayan siya. "While I have everything I wish for and more."

Nagmistulang isang malaking party ang The Switch concert. At habang nagsisigawan ang mga kabataang nakapaligid sa kanila, she and Hayden were dancing in their own pace. Wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. And that was what being in love was all about. May sarili silang mundo at masaya sila.

Thank you for reading!

Again, di ko po alam kung kailan ang kasunod nito. Thank you kay Nanil na nag-send ng load para makapag-update ako ng story. Magpasalamat po kayo sa kanya kasi siya ang nagmagandang-loob na mag-sponsor ng load kaya nabasa n'yo ang kwentong ito.

Until next story.

Sofia_PHRcreators' thoughts