Ang alam nga niya ay wala siyang ginagawang masama dito. Pinakikisamahan pa nga niya si Amor dahil bata pa lang ay masikap na ito sa buhay.
"Inamin niya na siya ang nagdala ng sulat sa iyo, Dafhny. Pero napag-utusan lang daw siya," wika ni Myco.
Nakuyom ni Gianpaolo ang palad. "Sino ang nanakit kay Dafhny? Sino?" Parang handa itong pilipitin ang leeg ng sinumang salarin sa nangyari sa kanya.
"Si Melissa Vicenzio, one of your employees," anang si Myco kay Gianpaolo.
Natutop niya ang bibig. "Oh, God!"
"Siya ang girlfriend ni Roland," wika ni Gianpaolo.
Maari nga itong maging suspect dahil naghiwalay ito at si Roland dahil sa kanya. Pero kaya ba talaga nito na manakot at manakit ng tao dahil sa pag-ibig?
"Si Amor mismo ang magpapatunay na si Melissa ang nagpadala ng sulat sa iyo. Pero di niya inamin na siya ang nanakit sa iyo. The candleholder used to hit you has no trace of fingerprints. Sa ngayon ay ang testimonya lang ni Amor ang panghahawakan natin na ebidensiya," wika ni Myco. "Tiyak na si Melissa rin ang nag-utos."
She was nauseous. "I never thought she could do that."
Nagtagis ang bagang si Gianpaolo. "Ipapakulong ko sila. Tandaan nila."
"One more thing, Gianpaolo," wika ni Myco. "Si Aling Suling ang original suspect namin. Alam mo ba na ang usap-usapan sa Costa Brava na anak siya ni Don Isabello? At Nag-stay siya sa Casa Rojo sa pag-asang ma-recognize siya ng matanda."
"Kaya ba parang señora siya kung umasta minsan?" tanong niya.
"Yes. She felt like Casa Rojo was rightfully hers," anang si Myco.
"Pero namatay si Lolo Isabello nang di siya kinikilala," malungkot na wika ni Gianpaolo. "Ibig sabihin kung totoo iyon ay tiyahin ko siya?"
"Nag-resign na siya dahil sa ginawa ng pamangkin niya," balita ni Myco. "Nangako siya na di na sila manggugulo."
"Kawawa naman siya. Di naman niya kailangang umalis," aniya at humawak sa braso ni Gianpaolo. "Kahit na kamag-anak mo pa siya o hindi, maganda ang serbisyo niya sa atin. Wala akong mairereklamo siya."
Tumango si Gianpaolo. "Yes. I agree. Nakakatakot man siya minsan, wala naman siyang ginagawang masama."
"Ibig sabihin pababalikin mo rin si Manang Suling?"
"Oo naman. We'll deal with her some other time." Tumayo si Gianpaolo. "Sa ngayon may kailangan muna tayong harapin."
TAHIMIK na naghihintay sa conference room ng Aragon Architecture si Gianpaolo at nasa kabisera ng conference table si Ariel. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha ng mga ito. Di tuloy niya alam kung anong ginagawa nila doon.
"Parating na siya," sabi ni Ariel pagkuwan.
Di nagtagal ay bumukas ang conference room at pumasok si Melissa na. Nanlaki ang mata ng una nang makita siya subalit na tahimik na umupo sa upuan sa tapat ni Gianpaolo. "Good morning," mahina nitong bati. Wala na ang katarayan na una nitong ipinakita sa kanya. "Bakit po ninyo ako ipinatawag, Sir?"
"Melissa, dalawang beses na nakatanggap ng sulat si Dafhny habang nasa Costa Brava siya. Both from an unknown sender. Gusto naming malaman kung may kinalaman ka dito," mahinahong sabi ni Ariel at ipinakita ang sulat.
Umiling agad si Melissa at ni hindi man lang mahawakan ang sulat. "Wala po akong alam diyan, Sir. Bakit naman ako magpapadala ng sulat na iyan? Hindi ko naman pinagbabantaan ang buhay niya."
"Paano mo nalaman na pinagbabantaan niyan ang buhay ko samantalang hindi mo pa naman binabasa ang sulat?" nakakunot ang noo niyang tanong.
Namutla si Melissa. "Well… hinulaan ko naman na… ano…"
"Melissa, umamin ka na. Nakausap na namin ang inutusan mo na magdala ng sulat kay Amor, ang pamangkin ng katiwalang si Aling Suling. Na-trace namin ang fingerprints niya sa mga sulat na ito. Sinabi niya na dalawang beses kayong nagkita sa Naga. Binigyan mo siya ng pera para maidala ang sulat sa kuwarto."
"Hindi ko kilala ang Amor na sinasabi mo," anang si Melissa at umismid.
Tumayo si Gianpaolo at idiniin ang kamay sa kahoy na mesa. Matiim ang tingin nito kay Melissa. Parang isang tigre na handang sumugod anumang oras. "Kung aamin ka, baka mapatawad pa kita sa pananakit kay Melissa. We have enough evidence to prosecute you and send you to jail."
Namutla si Melissa. "Ipapakulong ninyo ako dahil lang ipinadala ko ang sulat na iyan sa kanya? Ganoon ba kabigat ang kasalanan ko?"
"Pinagbantaan mo ang buhay ni Dafhny! Noong una gusto mo siyang mamatay nang ipasira mo ang hanging bridge. At nitong isang linggo lang, nagpadala ka ng tao sa Casa Rojo para ipapatay siya…"
"HIndi totoo iyan!" manginginig na sigaw ni Melissa. "Hindi ko siya gustong saktan. Gusto ko lang siyang takutin kaya ako nagpadala ng sulat para umalis na siya sa Casa Rojo. Para di na sila magkita ni Roland at bumalik si Roland sa akin. Pero kahit kailan hindi ko kayang manakit ng tao!"
She looked so desperate. Ganoon ba katindi ang pagmamahal nito kay Roland? Na handa itong manakit ng ibang tao. She felt sorry for her.
"Pero inaamin mo na ikaw ang nagpadala ng sulat?" tanong niya.
Tumango si Melissa. "Oo. Wala akong kinalaman sa gustong pumatay sa iyo."
"Nagawa mo siyang pagbantaan.Kaya mo rin siyang saktan," giit ni Gianpaolo.
Napahagulgol si Melissa. "Wala po talaga akong alam. Maawa na kayo, Sir. Aalis na ako dito sa kompanya huwag lang ninyo akong akusahan na mamamatay tao. Ayoko pong makulong!"
"At palalagpasin ko na lang ang ginawa mo kay Dafhny? NO! You deserve to rot in jail!" sigaw ni Gianpaolo.
"Sana nga sinaktan ko na lang siya! Kung nasaktan siya sa kagagawan ko, mas magiging masaya siguro ako," anang si Melissa at matalim siyang sinulyapan. "Siya ang pinili ni Roland at hindi ako! And I feel like dying!"
"Melissa, I am sorry if Roland broke up with you," malumanay niyang wika. "Pero hindi ko siya babalikan. Hindi ko na siya mahal. Nawala ang lahat ng iyon mula nang ipagpalit niya ako sa iyo. Kaya wala kang dahilan para saktan o takutin ako."
"I am afraid you have to leave the company, Melissa," wika ni Ariel. "I am sorry everything has to end up this way."
Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:
Facebook: My Precious Treasures
Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr