webnovel

Chapter 36

"Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay!" sigaw ni Shiela habang sinasabuyan si Tamara ng talulot ng bulaklak.

"Tumigil ka nga diyan!" saway niya dito.

"Parang ikinasal kasi kayo ni Apo Tulka kanina. May hari-hari pa siyang sinabi. At ikaw daw kapangyarihan ng hari. Ano ba super powers mo?" usisa nito.

"Malay ko," nakapangalumbaba niyang sabi.

Nasa tribo pa rin sila ng Aringan. Ayon kay Apo Tulka, bukas daw ang magandang panahon para simulan ang pag-aaral nila sa mismong paligid ng lawa. Sa ngayon ay abala ang iba nilang kasamahan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga wild horses. Kung saan naninirahan ang mga ito o saan maaring nagpunta ang mga ito at ang dahilan ng pagkawala.

Sila naman ni Shiela ay pinagpahinga na. Hindi rin naman sila makapagpahinga dahil nagkakasiyahan pa rin sa labas. Kaya naman nasa hagdan sila ng kubong tinutuluyan para magmasid-masid.

"Mas malalim pa ang kahulugan ng sinabi ni Apo Tulka," wika ni Jin nang lumapit sa kanila. "Mahirap lang talagang intindihin."

"Sabi niya hari si Reid. Naku! Hari naman talaga iyan ng Stallion Riding Club. Hari rin siya ng kasungitan. Lahat ng mga tao doon takot sa kanya," kwento niya. "Ako lang naman ang di natatakot diyan."

"Anong ibig sabihin nang ikaw ang kapangyarihan ng hari?" tanong nito.

"Malay ko rin." Kung iisipin nga ay malalim ang ibig sabihin ng mga pananalita ni Apo Tulka. Isa itong ilka o punong pang-ispiritwal ng tribo.  

Maikokompara ito sa mga baki ng tribong Ifugao o shaman sa mga Native American. Ito ang nagsasagawa ng mga ritwal ng tribo. May kakayahan din daw ito na makabasa ng mangyayari sa hinaharap kung ipapahintulot.

"Hindi direktang hari na tao ang tinutukoy ni Apo Tulka," wika ni Dresdanah, ang pinsan ni Jin na susunod sa linya ni Apo Tulka. "Sa aming mga Aringan, ang mga kabayo ang itinuturing naming hari."

"Ibig sabihin si Reid ay sumisimbolo sa isang kabayo," dagdag ni Jin.

"Para saan ang simbolo na iyon?" tanong niya.

"Malakas ang personalidad niya. Malakas ang impluwensiya niya sa mga tao," paliwanag ni Dresdanah. "May sinasabi siya sa lugar na pinagmulan ninyo. Katulad siya sa pinuno ng pulutong ng mga kabayo."

"Ano naman ang tungkol sa sinabi sa kanya?" tanong ni Shiela habang nakaturo sa kanya. "May magical powers siya?"

Nangingiting umiling si Dresdanah. "Ano ang silbi ng hari kung wala siyang kapangyarihan? Siya ang lakas ng hari. Siya ang lakas ni Reid."

"Hindi ko pa rin maintindihan."

"Kahit sinong hari ay kailangan ng reyna. Katulad sa mag-asawa. May pising nagdudugtong sa inyo. Di mabubuhay ang isa nang wala ang isa."

"Ibig sabihin destiny kayo ni Sir Reid. UY!" tukso ni Shiela.

"Tigilan ako ng destiny na iyan, ha?" saway niya.

Kalokohan! Di daw mabubuhay si Reid nang wala siya. Reid had always been the leader of the herd. He could live on his own. Mawala man siya sa buhay nito, patuloy itong mabubuhay.

Baligtad yata ang sitwasyon. Nang mawala si Reid, di na niya alam kung paano ang mabuhay ulit. Sa pagbabalik nito, parang nabuhay ulit siya kahit sa maikling sandali. Subalit ano naman siya para dito?

Kung mahal lang sana siya nito, di ito magdadalawang-salita sa kanya. Babalik siya sa piling nito. Kung sana…

PARANG ISANG diwata ang pakiramdam ni Tamara habang naglalakad patungo sa tabi ng lawa. Bagamat walang kuryente ay maliwanag ng buwan. May dala siyang isang flash light at ang video camera na gagamitin nila para sa documentation.

Nagulat siya nang mapansin na may lalaking nakatayo sa di kalayuan. Babalik na sana siya nang mapansin niyang si Reid iyon. Nakasandig ito sa puno habang nakatanaw sa lawa. Parang malalim ang iniisip.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Napapitlag ito. "Ha? Hindi ako makatulog. Ikaw?"

"Gusto ko lang makita kung maganda ang lawa kahit na gabi. Look! Parang kumikislap ang tubig dahil sa liwanag ng buwan."

Nakatitig ito sa kanya at di man lang sinulyapan ang lawa. "Iyon ba talaga ang dahilan o alam mong nandito ako?"

"Reid, kung alam kong nandito ka, doon na lang ako sa kubo."

"Nakita mo na ako kanina. Bakit di ka pa umurong?"

Napipilan siya. She didn't know how to answer that question. "Sayang naman. Malapit na ako dito. Uurong pa ba ako."

"Perhaps something pulled you to me. I am the king and you are the king's strength. One cannot survive without the other."

"Well, that is not true in our case. You had always been a king, Reid. Dumating man ako o hindi sa buhay mo, di iyon makakabawas sa pagiging hari mo. At bakit pa ba natin pinag-uusapan ito?"

Hinaplos ng daliri nito ang gilid ng labi niya. "Dahil importante ito para sa ating dalawa. Bumalik ka na sa akin?"

"Para di masira ang tradisyon ninyo? O para magkaroon ka ng tagapagmana?" Iyon lang naman ang silbi niya dito.

"Shhh!" saway nito at kinabig siya.

"Huwag mo nga akong I-shhh-shhh diyan! Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin…"

His finger pressed against her lips. "Someone's coming."

"Sino?" tanong niya.

Inalalayan siya nitong umupo habang nakatago sila sa likod ng puno. "Maghintay lang tayo," anito habang nakatingin sa lawa.

Nakarinig siya ng kaluskos. Mula sa mga halamanan ay sumulpot ang isang puting nilalang. Unti-unti iyong nagkahugis habang palapit sa lawa.

It was a white wild horse.

"Look, Reid!" aniya at itinuro.

"It's beautiful, right?" tanong nito na di rin maalis ang tingin sa kabayo.

She recorded it with the video camera right away. Walang sinuman sa kanila ang gumagalaw o humihinga. It might startle the horse. Ayaw nilang mawala ito sa paningin nila.

"Alam mo ba na maswerte daw ang mga tao na nakakakita ng puting kabayo dahil madalang iyan dito?" bulong nito. "Most of the horses here are spotted."

"With that grace and poise, he must be the head of the heard."

Horses run by herd. Ang pinakamalakas at pinakamatikas sa lahat ang nagsisilbing pinuno ng grupo.

"Alam mo ba na may paniniwala ang mga Aringan na kapag nasakyan mo ang wild horse ng maraming beses, magiging maswerte ka?"

"Do you want to try?"

Umiling ito. "Right now, I just want to watch it. Ayokong mawala siya."

Gumalaw ang tainga ng kabayo nang makarinig ng kaluskos. Nagtatakbo na ito pabalik sa pinagmulan. Because they usually predatory targets, their instinct was to run away. "Ay! Wala na siya," nanghihinayang niyang usal. Bakit kailangang matapos agad ang magagandang bagay?

Inalalayan siya nitong tumayo. "You recorded it. At least alam natin na bumabalik pa rin sila. At nakita natin ang direksiyong pinuntahan niya kanina."

"Matutuwa sila Kadji kapag nakita ito."

He nuzzled her hair while they were walking. "I am glad that I shared this beautiful moment with you, Tamara."

"Me, too."

Lahat naman ng natatandaan niyang magagandang bagay sa buhay niya ay kasama niya si Reid. And good things didn't last forever.

Please support me on Patreon and you can read some of my unprinted books, books that are already out of print and not on ebook, and to be released stories.

Be a patron here:

https://www.patreon.com/filipinonovelist

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo