webnovel

Chapter 24

Sa sobrang tindi ng galit sa mga mata ni Reid, pakiramdam ni Tamara magiging bato na siya anumang sandali sa pagkakatitig nito sa kanya. Ginalit niya nang todo si Reid Alleje.

"Sinabi ko ba iyon?" inosente niyang tanong.

Humigpit ang hawak nito sa braso niya. "This is not the time to joke around! Akala mo ba natutuwa ako sa mga kalokohan mo."

Nanginginig man sa takot ay di siya nagpahalata. "It is a harmless joke. Bakit ba galit na galit ka?"

"You have no right to make fun of me."

Ipinamaywang niya ang isang kamay. "Hey, grumpy troll! Concern lang ako sa iyo kung bakit ko sinabi iyon. Magpasalamat sa akin at di ko hinayaan na ma-infect ang sugat mo."

"Hindi mo kailangang sabihin na magiging impotent at sterile ako!"

"Dapat sa iyo sinisindak paminsan-minsan. Because you are so full of yourself. What if you are so stubborn to have that wound treated? Tapos maging impotent ka nga at di ka magkaanak." Nangingiti niyang tinuldok ng daliri ang pisngi nito. "Pero natakot ka kanina, no?"

"How dare you enjoy making fun of my distress?"

Humagikgik siya. At ang simpleng hagikgik niya ay naging malakas na tawa. "Reid, you should have seen your face. Parang ibinabad sa suka ang mukha mo samantalang di ka naman maputi."

Natigilan siya sa pagtawa nang hapitin nito ang baywang niya. His body was pressed against hers. Daig pa niya ang bumangga sa pader. His body was as formidable as his personality. Parang gustong matunaw ng tuhod niya nang mga oras na iyon. He made her feel like a soft woman.

Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. "Listen, Tamara Alleje and listen well. One more stupid prank from you and I will take you somewhere secluded."

Nahigit niya ang hininga kasabay ng panlalaki ng mata niya. "A-Anong gagawin mo sa akin?" Hindi naman siguro siya nito ipapa-salvage sa sobrang galit nito sa kanya o kaya ay babalatan nang buhay.

His lips curved into a sinister smile. Gumala rin ang mata nito sa katawan niya. "I will make love to you until you beg me to stop." Hinaplos ng daliri nito ang pisngi niya. Animo'y buong katawan niya ang hinaplos nito. Instead of a threat, it became a sweet promise. "And of course I won't stop no matter how you beg. Hindi kita pakakawalan. I won't stop until you bear my child. And after that, you will forget about the annulment."

Napalunok siya. "That's barbaric, Reid."

Humaplos ang hinlalaki nito sa baba ng leeg niya. "I will just claim my rights as a husband. And that's what husbands do to mischievous wives."

Gusto nang tumiklop ng tuhod niya. Bakit kailangan pa siyang pagbantaan ni Reid nang ganoon? Parang gusto nang masira ng katinuan niya. Imagine, he'd make love to her every day and night. At ganito pa kaguwapo at kaganda ng katawan ng asawa niya. Sino ba ang babaeng mananatiling matino?

"M-May kasunduan tayo," paalala niya. At iyon din ang paalala niya sa natitira pa niyang katinuan. They won't consummate their marriage. Wala siyang dahilan para pagnasaan ito o ilusyunin na papatulan siya nito. "Then beware. I am serious about my threat. You have no right to play with me. Nobody makes fun of Reid Alleje and gets away with it," he promised then released her. Nakatulala lang siya habang naglalakad ito palayo.

He meant it. He would make love to her until she bears his son.

Napansadal siya sa malapit na puno. Naipaypay niya ang palad sa mukha dahil di siya makahinga. He was just scaring her. Ang siste, di siya natatakot. Nae-excite pa siya. How she longed to feel his arms around her and to feel his lips on hers. At kasunod niyon…

Naisubsob niya ang mukha sa palad. She would make love to him and bear his child later. She would be his wife.

Inangat niya ang mukha. Ano ba ang iniisip niya? She couldn't risk her future with Reid. He didn't know how to love. Mas gugustuhin pa niyang mabuhay nang mag-isa kaysa makasama ang isang lalaking di marunong magmahal.

"WOW! Super cute talaga ng inaanak ko. Mana sa ninang," wika ni Tamara habang isinasayaw si Rhozell, ang anak nina Sharon Joy at Marlon. Nang tawagan siya ni Marlon na nanganak na si Sharon Joy ay sumugod agad siya sa ospital. Di na niya nagawang magpaalam kay Reid. Mabuti na lang at day off niya.

"Malakas siyang umiyak. Mukhang makukuha niya ang pagiging aktibista ng mommy niya," nakangiting wika ni Marlon.

"Hindi na ako magra-rally. Sa office na lang ako magtatrabaho," sabi naman ni Sharon Joy. Mula nang madisgrasya siya sa rally ay di na rin ito sumasama. Natakot kasi ito na baka ito naman ang sumunod na maging casualty.

"Dapat lang na mag-focus ka rin dito sa baby mo." Natawa siya ang humikab si Rhozell. "Isasama ko siya sa Stallion Riding Club. We will ride on a horse." Saka muli niyang isinayaw-sayaw ang bata.

"Naku! Baka maagang mag-asawa ang anak ko," tutol ni Sharon Joy.

"Gumawa ka na lang ng sarili mong anak," kantiyaw ni Marlon.

Ngiti lang ang isinagot niya. "Malabo yatang mangyari iyan."

"Bakit? Di ba maganda ka naman. Huwag mong sabihing sa dami ng lalaki sa Stallion Riding Club, walang nagkagusto sa iyo," sabi ni Marlon. "Hindi ka naman siguro nahawa sa galit ni Shaj sa mga lalaki doon."

"I can get along with their chauvinistic views. There are times that they are lovable. Pero wala talaga akong gusto sa kanila." Si Reid sana. Pero sa sitwasyon nila ngayon, mas gusto niya na maghiwalay na lang silang dalawa. Habang kaya pa niya, mgusto niyang bumalik sa dati niyang buhay malayo dito.

"Oo nga pala, sabihin mo kay Reid kukunin ko siyang ninong," wika ni Marlon nang ihatid siya nito sa sasakyan niya.

"Bakit? Di ba galit si Shaj sa kanya?" tanong niya.

"Pero malaki naman ang pasasalamat ko sa kanya. Alam ko kasi na siya ang tumawag sa akin nang madisgrasya ka. Kung di niya sinabi na puntahan ko si Sharon Joy, baka hanggang ngayon di pa rin kami nagkakabalikang mag-asawa. I got her back during her weakest moment."

"Don't worry. Sasabihin ko sa kanya. Di ko lang sigurado kung papayag siya."

"Hindi naman siguro niya tatanggihan ang bata."

Pagbalik ng riding club ay nagmiryenda siya sa Rider's Verandah. Pinagkaguluhan ng girlfriend ng mga members doon ang mga kuha nila ni Rhozell sa camera ng cellphone niya.

"Cute naman ng baby!" tuwang-tuwang sabi ni Jenna Rose.

"Ganyan din ako ka-cute noong bata pa ako," sabi naman ni Keira, isa sa mga horse trainers at kasama niya sa lodge.

"Mukhang bagay sa iyo na maging mommy," komento ni Marist.

This part was turned into a skit during Precious Hearts Romances' 25th Anniversary. Sino ang nakanood?

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo