webnovel

Chapter 15

"I AM sorry, Ma'am. We don't have a dressage lesson available yet," tanggi ni Saskia sa prospective student na tumawag sa kanya.

"Ibig sabihin hindi totoo na may dressage lesson kayo under Reichen Alleje?" tanong ng babae. "Artemis Equestrian Center ba talaga ito?"

"Yes, of course. I am the manager. And I am telling you it is a misinformation. You can check our official website and the list of our instructors. Reichen Alleje isn't one of them."

"Sayang. Mag-e-enroll sana kami ng mga friends ko kahit ubod pa ng mahal."

"What in the world is going on?" pasigaw na tanong ni Saskia matapos ibaba ang telepono. Nang mag-ring iyon ulit ay tinanggal na niya ang cord sa hook.

"O! Bakit tinanggal mo sa hook? May tumatawag, ah!"

"Sawang-sawa na ako sa kasasagot sa mga tawag nila. Lahat na lang nagtatanong kung may dressage lesson sa atin si Reichen. Napapangal na ako sa kasasagot. Kulang na lang maglagay ako ng voice recorder." Kasisimula pa lang ng araw niya pero napagod agad siya samantalang sumagot lang siya ng tawag.

"Saan naman daw nila nakuha ang balita?"

Itinaas niya ang paa sa katapat na swivel chair. "Ewan ko."

"Kung pinaglalaruan lang tayo, ano naman ang mapapakinabangan nila?"

Hangos na pumasok ng silid si Jaerrelin. "Girls, check our Reichen's official website. May information doon tungkol sa dressage lesson niya dito."

"Official website ni Reichen?" tanong ni Jazzie. "Hindi ba mismong si Reichen ang nag-a-update sa website niya?"

"Mabutu pa siya na lang ang tanungin natin."

Pasakay na siya ng pickup papuntang Stallion Riding Club ay siya namang pagdating ng sasakyan ni Reichen. "Good morning, ladies!"

"Reichen, mag-usap tayo sa opisina ko," aniya sa pormal na boses.

"May mga estudyante na bang nag-inquire tungkol sa klase ko?" tanong nito at prenteng umupo sa couch.

"Anong klase?"

"Ako na ang bagong dressage instructor mo." Ibinuka nito ang mga kamay. "Why don't you give me a warm welcome?"

Bahagya siyang umuklo sa harap nito at dinuro ito sa dibdib. "Reichen, isang linggo na tayong di nagkikita mula nang dumating tayo galing sa States. Wala akong natatandaan na nag-offer akong kunin kang dressage instructor."

"Sabi mo kapag nanalo ka sa match natin, magtatrabaho ako bilang dressage instructor mo dito sa equestrian center."

"I didn't win the match. I forfeited it, remember?"

"Gusto ko pa rin na maging dressage instructor mo. Hindi ba iyon ang dream mo? Ang magkaroon ng unang dressage lesson sa Pilipinas dito sa riding school mo? Bakit hindi na natin simulan ngayon?"

"Baka hindi matuwa ang Spanish Riding School sa iyo."

"Wala naman na ako sa Spanish Riding School. And I can set aside my chauvinistic views for a while. Noong isang araw pa sana natin napag-usapan ito. Pero tuwing niyayaya kitang lumabas lagi ka na lang busy."

"Busy naman talaga ako. Bumalik na ang mga estudyante namin."

"Dadami pa ang mga iyan dahil nandito na ako." Inabot nito ang folder sa kanya. "This is the training program. Bahala ka kung may gusto ka pang idagdag diyan. Nandiyan din ang schedule ko."

"You had it all thought out."

"I have to adjust a little. Mas sanay akong magbigay n g instruction sa mga lalaki. Iba kapag babae na ang tuturuan."

"Thank you, Reichen. Pero parang di ko basta-basta matatanggap. Naging instructor ka nga dito kahit di naman iyon ang usapan natin."

"I am wiling to do anything for you, Saskia. Kahit na di mo hingin."

"Teka, parang baligtad tayo. Dapat ako ang may consequence dahil ako ang natalo sa match natin," paalala niya.

Ngumisi si Reichen. "Ah! You will be my slave!"

"Yes," mahina niyang usal.

Hinila nito ang upuan sa tapat niya at umupo. Then he caught her eyes. "Ibig bang sabihin ready ka na gawin ang consequence?"

"Will you let me off the hook?"

Nawala ang ngiti sa labi nito. "Why should I? Iyon ang usapan natin. Kailangan sundin mo ang lahat ng iuutos ko sa iyo."

"Hindi naman siguro lahat."

"Sige, huwag mong sundin. Once you refuse, I will punish you with a kiss."

DI MAIWASANG mapangiti ni Saskia habang pinagmamasdan si Reichen na kausap ang mga batang estudyante ng riding school. Nasa verandah siya ng cafeteria habang kasama niya ang mga bagong estudyante para sa dressage lesson.

"Thank you, Saskia!" anang si Miles. "Sa wakas di na ako mayayabangan ng boyfriend kong si Gino. Matututo na rin akong mag-dressage." Si Gino ang nobyo nito na three-time dressage champion ng Stallion Riding Club.

"Bakit naman?" tanong niya. Magaan ang loob niya sa mga ito dahil di ito katulad ng mga babae na fanatics ng mga Stallion boys. Di ito apektado sa mga isyu na ibinabato sa kanya o sa riding school. Ang mga ito pa nga ang sumuporta sa team nila. Most of the members liked meek and docile women. However, these independent and smart women captured their hearts.

"Gusto rin sana naming mag-aral ng dressage," wika ng kaibigan nitong si Quincy na nobyo naman ang member ng riding club na si Yuan. "Kaso mayayabang ang mga lalaking iyon. Exclusive daw para sa kanila si Reichen. Ngayon, wala na silang ipagmamalaki. Si Reichen na rin ang dressage master dito."

"Well, you should thank Reichen. Siya ang nagprisinta na magturo dito," wika niya. "I am glad that there are women who are interested to learn dressage."

"Mukhang interesado ka rin sa dressage, Saskia. Bakit hindi ka sumama sa lesson namin?" tanong ni Jemaikha.

"Siya na ang may-ari nitong riding school. Bakit pa siya mag-aaral? Saka nakita mo naman noong match nila ni Reichen. Hula ko siya ang mananalo kung hindi lang natigil ang match," sabi ni Quincy.

"When I was younger, gustong-gusto ko rin na magkaroon na mag-aral ng dressage. Pero gusto ko sa Spanish Riding School or sa Cadre Noir sa France. Pero puro mga lalaki lang ang estudyante na tinatanggap nila," paliwanag niya. "Reichen was my idol then. At kung di lang din naman ako mag-aaral sa pinakamagaling na equine riding school sa mundo, hindi na lang."

"Unfair, hindi ba? Parang lahat na lang ng magagandang bagay sa mundo, napupunta sa mga lalaking iyan. It is so unfair!" reklamo ni Miles.

"Kaya tama lang na gumawa tayo ng sarili nating haven. At home na at home ako dito sa riding school mo," sabi ni Jemaikha. "Nakakapag-relax din naman ako sa Stallion Riding Club. But let's face it. It is a the haven for men."

"Pwede ba dito na lang kami mag-hangout? Wala naman kaming ginagawa kundi magkwentuhan lang. We just want a place where we can relax and be our self," wika ni Quincy.

"Malawak din naman ang riding school namin. Well, it is not as flashy as the Stallion Riding Club. Pero welcome kayo dito anytime."

Natigil ang pagku-kwentuhan nila nang marinig niyang umiyak si Stephen, isa sa kapatid ng mga estudyante niya. "O, bakit ka umiiyak?" tanong niya. Yakap-yakap ni Jazzie ang bata at pinatatahan.

"Si Sir Reichen po kasi… tiningnan ako ng masama," sumbong ng bata.

"Hindi, ha? Natutuwa nga ako sa iyo, eh!" sabi ni Reichen at pinisil ang pisngi ng matabang bata. "Ang cute mo!"

Hinila niya palayo si Reichen. "Ano bang ginagawa mo doon sa bata? Bakit naman tinitingnan mo ng matalim?"

"Sabi kasi niya liligawan ka niya paglaki niya."

"Ano ngayon kung sabihin niya iyon? The kid is just seven, for Pete's sake! Tama ba na patulan ang bata?"

"Magiging anak na lang natin ang ligawan niya." Inakbayan siya nito. "Okay lang sa akin kasi cute naman siya. Papayat pa siya paglaki niya."

Tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya. "Anong anak?"

"Hindi ba iyon ang future natin?"

Itinulak niya ito palayo. "Wala tayong future."

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila siya palapit. "After you are through being my slave, I guess we will have a future together."

"You are crazy, Reichen!"

Her heart was beating fast when she went back to the cafeteria. Reichen was only teasing. Magkakaanak daw sila. A child with Reichen's eyes flashed in her mind. May humaplos sa puso niya. She shouldn't entertain the thought.

Siya na mismo ang nagsasabi. Wala silang future na dalawa.

Magkumustahan po tayo minsan. Feel free to follow me here:

Facebook: Sofia PHR Page

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Patreon: www.patreon.com/filipinonovelist - I will post Stallion Island books here soon

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo