KHAMYA closed her eyes as she listened to the waves break against the lake's shore. Abala siya sa paggawa ng project proposal na ipe-present niya sa meeting kinabukasan. Pero parang mas gusto niyang makinig na lang sa alon kaysa magtrabaho. Mula nang tumuntong siya sa Stallion Riding Club, gusto niyang lagi na lang mag-relax. Iyon marahil ang pang-akit ng club sa mga miyembro nito. Na kahit nagtatrabaho ay parang nagbabakasyon pa rin.
"More tea, Khamya?" alok ni Tamara, ang resident veterinarian ng riding club.
Tumango siya. "Thanks."
"Working on the project proposal for cloning, I see. Are you ready for the presentation tomorrow? Present ang lahat ng elite members ng riding club." Ang mga iyon din ang tumatayong board member.
"Almost. Madali lang naman ito."
Mahigit isang linggo na siya sa riding club. Siya ang magiging head scientist ng genetic department doon. They would be working on horse cloning. Sisimulan na ang pag-aaral doon sa pamumuno niya.
Isang buwan na mula nang umalis siya sa Al Ishaq dahil sa pag-iwas niya kay Beiron. Nagpaalam agad siya sa director niya sa Al Ishaq Research Center na tatapusin niya ang pag-aaral niya doon. Ni hindi nalaman ni Beiron na aalis na siya. Nag-iwan na lang siya ng note na huwag na siyang guluhin pa. At di rin siya interesado sa kung anuman ang plano nito para sa kanilang dalawa. Sarili niyang pera ang ginamit niya makauwi lang sa Pilipinas.
Nag-resign agad siya sa Philippine Biotech Institute pagdating niya ng Pilipinas. Nagmagandang-loob ng director niya at ini-refer siya sa Stallion Riding Club. Nagkataon kasi na naghahanap ang mga ito ng scientist para sa itatayong genetic department. Di lang simpleng horse breeding ang magiging feature ng riding club. They would also deal with genetic manipulation.
Panibagong buhay iyon para sa kanya. Masakit para sa kanya na isuko ang pag-ibig niya kay Beiron. Pero mas mahalaga sa kanya ang sarili niya.
"No offense meant. But I am not in favor of this horse cloning proposal," Tamara voiced. "It is so cold and unfeeling."
"Horses who mate just for the sake of reproduction doesn't make any difference to me."
"I just think it is weird. That there are many horses of the same character. Parang hindi na siya espesyal. Hindi na siya unique."
"It is the wave of the future. People are only going to clone quality horses, the top-of-the-bloodline champions.Eventually cloning will allow today's economically unattainable horse to be purchased by the middle-class horse aficionado. Katulad dito sa riding club. Di lahat ng members kayang bumili ng klase ng kabayong gusto nila. Oras na ma-develop ang horse cloning, mas madali sa kanila ang magkaroon ng sarili nila. They don't have to rent. The riding club will progress more and it will attract more members," paliwanag niya. "Isa pa, wala namang pakialam ang mga tao kung clone ba ang isang kabayo o hindi. Ang importante ang performance niya.
Maaring maka-attract ang riding club kahit pati mga ibang taga-ibang bansa para maging member o kaya ay bumili din ng kabayo. At lalo pang mangunguna sa genetic manipulation ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.
"Wow! With that money talk, you sound like King Reid." Si Reid Alleje ang owner ng Stallion Riding Club. "Can you imagine having a clone of him? Ay! Parang di ko na nanaising makasama ang isa pang Reid na iyon. Pakiramdam ko pinakukuluan ko nang buhay kapag sabay na nila akong inaway."
Sa ilang araw na pananatili niya sa riding club, walang ginawa ang dalawa kundi ang magbangayan. Lagi na lang kasing mainit ang ulo ni Reid. At di naman papayag si Tamara na magpatalo dito.
"Human cloning is another issue. I am not in favor of it."
"Cloning is still a lucrative business no matter how absurd. Opinyon ko lang naman iyon. Ayokong mawalan ka ng trabaho."
"I respect it. Sa ibang bansa, kahit ang artificial insemination at vitro fertilization hindi nila ina-allow."
"Basta huwag mong iko-clone ang mga chauvinist dito, walang problema sa akin. I really hate chauvinists! Parang sila ang may-ari ng mundo."
"I don't like them either. Ayoko sa mga lalaki na nag-aakala na kaya silang habul-habulin ng mga babae kahit na anong mali pa ang gawin nila."
"Then prepare your self. This is the Stallion Riding Club, the home of the chauvinistic guys on earth. Pakiramdam ko nasa panahon ako ng mga dinosaur kapag nandito ako. Parang Cretaceous Period. At bukas sa meeting, ihanda mo ang sarili mo. Babae ka. Di sila basta-basta nakikinig sa mga babae. Jerks!"
"Mukhang matindi ang inis mo sa kanila."
"Because they are really annoying. Ingat ka nga pala sa pinsan ni Reid bukas. Playboy iyon. Lahat ng babaeng lapitan noon, nai-in love doon. Pero pagdating sa trabho, ubod ng istrikto. Siya ang magiging supervisor mo sa genetic department. Siya kasi ang financier ng cloning project."
"Sino ang mas masungit? Si Sir Reid o ang pinsan niya?"
"Pareho lang. Don't worry. Oras na awayin ka nila, akong bahala sa iyo."
"Thank you." Masarap ang pakiramdam kapag may babaeng nakakaintindi sa nararamdaman niya. Mukhang tulad niya ito na di nagpapatalo.
"Tayo na lang ang magkakampi dito. Girl power!"
PALAKAD-LAKAD si Tamara sa loob ng conference room habang hinihintay nila ang pagdating ng mga board members ng riding club. Si Khamya tuloy ang nahihilo dito. "Doktora Tamara, are you okay?"
"Huwag kang kakabahan sa mga iyon, ha? Baka I-intimidate ka nila. Basta mag-stick ka lang sa agenda. Mag-focus ka lang sa presentation mo," bilin nito.
"Hindi ako kinakabahan. Sanay naman ako sa ganitong mga presentation. Mukha ka pa ngang mas kinakabahan sa akin."
Umupo ito sa tabi niya. "You don't know those men. They can be total jerks whenever it suits them. If they start acting like pests, I will back you up."
Ginagap niya ang kamay nito. "Thank you."
Magaan ang loob niya dito. Di madali para sa kanya na mapalapit sa mga bagong kakilala. But Tamara made her feel welcome. At sa Stallion Riding Club, parang nagkaroon siya ng kakampi. Natutuwa siya sa suporta nito.
Nang bumukas ang pinto ng conference room ay tumayo agad sila para batiin ang bagong dating. Nabitin ang pagbati sa dulo ng dila niya nang magsalubong ang mata nila ni Beiron. He was also frozen for a while. Di marahil nito inaasahan na naroon siya. Mahigit isang buwan na mula nang huli silang magkita. She thought she was ready to face him again. Bigla niyang naramdaman ang kaba na di niya nararamdaman kanina. The fire in his eyes was making her weak.
Natagpuan na ba siya nito? Hinanap ba siya nito mula nang mawala siya sa Al Ishaq. Would he take her back?
"We have a new face here," komento ng lalaking kahawig ni Beiron ang mga mata. He was Emrei Rafiq, Beiron's younger brother. Na-recognize niya ito sa mga picture na ipinakita sa kanya ni Anicia.
"Dr. Khamya Licerio, head of our genetic department," pagpapakilala ni Reid. "Dr. Licerio, this is Beiron. He will finance your project on genetic manipulation."
"Sir," aniya sa pormal na boses at inilahad ang nanginginig na palad.
Mariin siyang kinamayan nito. "It is a pleasure to see you again, Dr. Licerio. By the way, you're fired."
What do you think of this chapter?
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.