"PINAG-UUSAPAN pala ninyo ang proposal ng Artemis Women's Riding Club para sumali sa open tournament ninyo. Mukhang hindi ganoon kalaki ang problema, ah!" komento Jenevie habang magkasama silang nagla-lunch ni Rolf kinabukasan. Nag-alala kasi siya dahil nangangalumata ito at kulang sa tulog matapos ang meeting nito para sa open tournament.
Ang Artemis Riding Club ay isa pang riding club kung saan puro mga kababaihan naman ang member. Amazon Riding Club ang ibinigay ni Reichen sa naturang riding club dahil sobrang bangis ng mga babae doon. Kung makaasta daw ay daig pa ang mga lalaki sa riding club. Parang laging makikipag-away.
"That is big trouble. We have to turn down the proposal. Oras na malaman iyon ng kabilang riding club, tiyak na uulanin na naman kami ng mga protesta sa mga feminist group. Sisigaw na naman sila ng gender equality."
"And yet you got yourself an amazon girlfriend," she said in a light voice. Iyon kasi ang madalas niyang marinig sa biruan ng mga kaibigan nito.
He held her hand. "Huwag mong pansinin ang mga iyon lalo na si Reichen. Malaki kasi ang galit niya sa mga babaeng palaban lalo na sa head ng Artemis Riding Club. He tried to charm her once. Alam mo naman si Reichen pagdating sa mga magaganda, walang inuurungan. Ginulpi tuloy siya."
"Wow! May babaeng naka-resist sa charm ni Reichen Alleje."
"Kaya naiinggit sa akin iyon dahil di mo ma-resist ang charm mo."
Pinisil niya ang baba nito. "I have to resist your charm for now. Kailangan ko nang bumalik sa opisina dahil may meeting pa kami kasama ang ibang human rights group. They need our help in a very big land grabbing and murder case."
Ginagap nito ang kamay niya nang pababa na siya ng sasakyan. "Just make sure that you will be careful."
"Alam mo naman na lagi akong nag-iingat, di ba?"
He leaned his cheek against the back of her hand. "Kahit na pumayag akong ituloy mo ang trabaho mo, lagi pa rin akong natatakot na mawala ka sa akin."
"Sinabi ko naman sa iyo na di ako mawawala, di ba?"
She didn't have that carefree mind set like what she had before. Ayaw na niyang isipin na mamatay siya kung oras na niya. Marami na kasi siyang plano para sa kanila ni Rolf. Lalo na ngayong napapadalas ang pagbanggit nito sa kasal.
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. "I love you."
"I love you, too," she whispered.
Mabigat ang loob niya nang lumabas ng kotse. Parang ayaw niyang iwan ito. Nakakailang hakbang na siya pagpasok ng building nang makarinig siya ng isang malakas na pagsabog.
"Rolf!" usal niya kasabay ng malakas na kaba sa dibdib niya. Dali-dali siyang lumabas. Nanlumo siya nang makitang ang kotse ni Rolf ang sumabog.
DI mapatid ang pagluha ni Jenevie habang nasa hallway ng ospital. Paulit-ulit lang niyang tinatawag ang pangalan ni Rolf. Ayaw na nga niyang ipikit ang mga mata dahil lagi lang niyang nakikita ang pira-pirasong sasakyan ni Rolf matapos ang pagsabog. It was torturing her head and her heart.
Hinaplos ni Jenna Rose ang likod niya. "Ate, tumahan ka na. Baka mapilitan pa akong ipa-sedate ka. Gusto mo ba iyon?"
"A-Ayoko. Gusto kong makita si Rolf," aniya kasabay ng hikbi. Nasa Cagayan ang pamilya ni Rolf kasama si Illyze kaya pauwi pa lang ang mga ito matapos mabalitaan ang pagsabog ng sasakyan ni Rolf.
"Maghintay ka lang. Lalabas na rin siya."
Nang lumabas si Rolf kasama ang doctor nito ay niyakap agad niya ito. "Rolf! O-Okay ka na ba? Anong masakit sa iyo?"
"She's safe, Miss Escudero," anang doctor nito. "May ilang sugat at pasa lang siya mula sa tumamang debris nang sumabog ang sasakyan. Maswerte siya dahil nakaligtas siya sa aksidente."
Lumabas ng kotse si Rolf dahil nalaglag ang cellphone niya sa kotse nito. Hinabol siya nito sa building nang eksaktong sumabog sa kotse. Kaya ilang maliliit lang na piraso ng sasakyan na nagliparan ang tumama dito.
"Kuya, patahanin mo na siya. Kanina pa siya iyak nang iyak," sabi ni Jenna Rose na nag-aalala na sa kanya.
"Ibili mo muna siya ng mineral water," masuyong utos ni Rolf at sumunod naman si Jenna Rose. Ihinilig siya nito sa balikat nito. "It is okay now. I am safe now. Hindi naman ako nakasama sa pagsabog ng kotse."
"Natatakot kasi ako. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa kotse mo. Parang katulad doon sa panaginip ko."
"I told you I am alive. Everything is okay now. Hindi mangyayari ang nasa panaginip mo. So you don't have to worry about me."
Tahimik siya habang nakahilig sa balikat nito nang dumating ang mga imbestigador na may hawak ng kaso. "Mr. Guzman, tinitingnan po namin ang lahat ng anggulo. Maaring may kinalaman ito sa mga death threat na natanggap ni Attorney Escudero. Para sa kanya ang bomba."
"May lead na ba kayo sa gustong pumatay sa kanya?" tanong ni Rolf.
"Sa dami po ng kasong hinawakan niya, di pa rin kami sigurado kung saan nanggaling ang banta sa kanya. O kung may kinalaman din ito sa tangkang pagpatay sa kanya dati. Pinag-aaralan pa namin ang mga ebidensiyang nakuha namin mula sa crime scene, Sir," magalang na sabi ng police investigator. "Sa initial investigation namin, inilagay ang bomba habang nagla-lunch kayo at naka-park ang sasakyan. Maaring di iyon napuna ng guwardiya sa dami na rin ng mga sasakyan at mga tao. "
Kotse ni Reid Alleje mismo na bulletproof ang sumundo sa kanila paglabas nila ng ospital. Mabilis na kinordonan ng security ng ospital ang media. Di siya halos nagsasalita habang bumibiyahe sa riding club sa sobrang pagod. She was satisfied to have Rolf beside her. He also cheated death like her.
Pagbaba nila sa harap ng villa ni Rolf ay agad itong niyakap ni Rhoda na mukhang kanina pa naghihintay. "Rolf, I am glad you are safe. Anong sabi ng mga doctor? Ang mga pulis? I will never forgive those who tried to kill you."
"Thanks for the concern, Rhoda. But Evie and I had a long day. Gusto sana naming magpahinga," anang si Rolf sa matabang na boses.
"Siya pa rin ba ang mahal mo?" anang si Rhoda at humabol pa rin sa kanila. "Wala naman siyang idinala sa buhay mo kundi gulo."
Tinakasan ng kulay ang mukha niya habang nakatitig kay Rhoda. Nasabi na kasi nito ang lahat ng kinatatakutan niya. She put Rolf's life at risk. The images of the car explosion kept on flashing inside her head. Only it was more torturous.
"Rhoda, please leave!" mariing wika ni Rolf. "You are upsetting Evie."
Matalim siyang nilingon ni Rhoda. "Stay away from Rolf if you really love him."
To be updated on my latest books, events, promos, and more news, send me a "Hi" message to Sofia PHR Page on Facebook. Automatic po everytime may announcement ako, papasok na sa Messenger ninyo.