Tinanggal ni Rolf ang pagkakaakbay sa kanya. "Nagbibiruan lang kami. May iba ka pang gustong kainin bukod sa tuna salad?"
"Melon-carrot smoothies," sagot niya.
"Sorry, we are late," anang dalawang lalaking bagong dating nang lumapit sa table nila. They had an intriguing aura. Their features were a mix combination of European and Asian. Natulala siya sa mata ng dalawa. Light brown. Sons of the desert were the words that entered her mind.
Ipinakilala sa kanya ni Rolf ang dalawa. They were Beiron and Emrei Rafiq. The two were royalties from the Kingdom of Al Ishaq. Pinsan ni Reichen ang mga ito. Beiron would be the successor. An oil shiek. Di lang sa langis naka-concentrate ang kayamanan ng pamilya nito kundi maging sa horse breeding. They breed the best Arabian horses in the world.
Hinalikan ni Beiron ang likod ng kamay niya. "It is a pleasure to meet such a brave lady like you."
"And it is nice to meet you, Your Highness," pormal niyang wika.
Humalakhak si Beiron. "Such formality. Beiron will do."
Pinaghiwalay ni Rolf ang magkahawak nilang kamay at kinabig ang balikat niya palapit dito. "At hindi ako papayag na maging part siya ng harem mo. Evie is under my responsibility. Hindi mo siya isasama sa koleksiyon mo." Ni hindi ito natakot o na-intimidate kahit na isang oil sheik ang kaharap.
"Is she yours?" tanong ni Beiron. "Don't worry. Spirited women are not qualified in my harem. I am just admiring her guts."
"Walang female lawyer sa Al Ishaq," wika ni Emrei. "Male dominated pa rin kami. And my brother is really fascinated with powerful women. Ngayon pa lang kasi nagsisimula ang women empowerment sa tulong ni Mama."
"Wala palang under the saya sa bansa ninyo," sabi ni Eiji.
"Dito sa Stallion Riding Club may naligaw na under," kantiyaw ni Tamara.
Luminga-linga si Rolf. "Sino? Sino iyon?"
"Ikaw," sabay-sabay na sagot ng lahat.
Pati siya ay di mapigil mapangiti. Di pa rin nawawala ang stigma kay Rolf na naging sunud-sunuran ito nang maging magnobyo sila dati.
Nagkibit-balikat si Beiron. "I don't see Rolf complaining. Is he really strong enough to handle you, Attorney?"
Biglang tumayo si Rolf. "Hindi sabi ako under!" Hinawakan nito ang braso niya. He was urging her to stand up. "Halika!Umalis na tayo.Maggo-grocery pa tayo."
"Grocery? Anong gagawin natin sa grocery?" tanong niya. Mukha namang marami pa itong supplies.
"Huwag ka nang magtanong. Sumunod ka na lang."
"Hindi nga under. Tigasin lang!" sabi ni Eiji.
"Tigasaing, tigalaba, tigaluto, tiga-grocery," dugtong ni Reichen at nangibabaw ang halakhak nito sa grupo.
"I must say that it is love," pahabol na tukso naman ni Tamara.
Nang lingunin niya ang doktora ay nakangiti ito sa kanya. Lumipad ang tingin niya sa walang kangiti-ngiting si Rolf. Nagbubulag-bulagan pa rin ba siya? Hanggang ngayon ba ay ikinakaila pa rin niya sa sarili na mahal pa rin siya ni Rolf tulad ng pagkakaila niya na importante pa rin ito sa buhay niya?
WALANG IMIK si Rolf nang pumasok sila sa grocery store sa loob ng riding club. Dinampot agad nito ang dalawang malaking bote ng Stallion Shampoo and Conditioner. "Kailangan mo iyan. Baka maubos na ang shampoo mo."
Iyon ang unang salitang sinabi nito at dumampot ng cucumber shower gel na lagi rin niyang ginagamit. Akmang dadampot din ito ng brand niya ng sanitary napkin nang pigilan niya ang kamay ni Rolf. "T-Teka, hindi mo naman kailangang mag-grocery para sa akin. May mga supplies pa ako…"
"Basta gusto kong bumili. And you have no right to complain." Dinampot nito ang sanitary napkin. Kasunod ay pati ang feminine wash.
Pulang-pula tuloy siya dahil ilang mga babae na namimili doon ang nakatingin sa kanila. Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag nakitang pati personal na gamit niya ay ito pa ang namimili. It was so humiliating.
"Rolf, tama na, please?"
"Mali ba ang brand na binili ko?"
Tinakpan niya ng palad ang mukha. "That's not it. Kung may problema ka, pag-usapan natin. Huwag mong idaan sa paggo-grocery mo. Wala namang maso-solve na problema kung bibilhin mo itong buong tindahan."
It was one of the signs that he was bothered. Parang babae ito na magsa-shopping galore. At kung di pa niya ito pipigilan, baka ano pang bilhin nito.
"No. I am okay," kaila nito.
"Hindi mo gusto na sinasabihan kang under, hindi ba?"
"Hindi naman kasi ako under! Sino ba ang matutuwa na sabihan ng under?" asik nito. "Saka hindi ako takot sa iyo."
"Sorry. Dahil sa akin sinabihan ka nilang under." Ngayon niya nakikita ang epekto ng pagiging dominante niya sa relasyon nila noon.
"Hindi mo naman kasalanan iyon." Tumuloy ito sa fresh vegetable section. "Sila lang ang pilit nang pilit na under ako. Parang di ako lalaki kung magsalita sila."
"Wala namang masama sa pagiging under. Iyong mga lalaking under, ipinapakita lang nila na mahal nila ang babae. Wala namang masama kung iyon ang paraan mo para ipakita na mahal mo ang isang tao, di ba?"
Natigilan ito. "Hindi ba mahina ang tingin mo sa akin noong boyfriend mo ako at lagi kitang sinusunod?"
Nakangiti siyang umiling. "Of course not. I love you even more then. Hindi madali na I-give up ang pride para sa isang babae." He used to be a playboy. Bago dito noon ang basta-basta sumunod sa isang babae. "Mas gusto ko na iyon kaysa naman sa mga lalaking parang hari kung umasta at pakiramdam nila walang isip ang mga babae na di kayang magdesisyon. You make me feel important, Rolf. And you are more of a man compare to other men."
"Talaga?" Abot-tainga ang ngiti nito nang dumampot ng lettuce. "Dahil diyan, igagawa kita ng lahat ng salad na gusto mo."
"Baka mamaya sabihan ka na naman nilang tigasin," paalala niya.
"I am doing this to please you so I don't really care."
Malungkot siyang ngumiti nang papunta sila sa counter. He was always like that. Gusto nitong gawin ang lahat para lang I-please siya. "Minsan ba gusto mong ipamukha sa akin na malaking pagkakamaling ipinagpalit kita sa trabaho ko?"
"Yes. Gustong-gusto kong gawin iyon. Pero tuwing nakikita kitang masayang tumulong sa iba, naisip kong tama lang ang desisyon mo na I-give up ako. Mas importante nga naman sila sa iyo kaysa sa akin."
Hinawakan niya ang kamay nito. "Sorry if I had to choose my job. Pero di ibig sabihin insignificant ka sa buhay. You will always be…"
Natigilan sila nang tumikhim ang cashier. "Sir, marami pa pong customer na naghihintay. Magbabayad po ba kayo magliligawan?"
Mabilis niyang binitiwan ang kamay ni Rolf. Pasimple din niyang nilingon ang mga nakapila sa likuran nila na pawang mga babae. Di niya alam kung dahil naiinip ang mga ito sa pila o dahil nagseselos ang mga ito kay Rolf. After all, he was one of the most sought after bachelors at the riding club.
Nag-iiba na ang ihip ng hangin sa kanila ni Rolf. Some warning bells inside her brain was telling her that she should distance her self from him. Pero habang kasama niya ito sa riding club, mukhang imposible iyong mangyari.
To be updated on my latest books, events, promos, and more news, send me a "Hi" message to Sofia PHR Page on Facebook.