webnovel

Chapter 18

"SINO bang model iyon at hindi sumisipot sa fitting? Kailangan pang gawin akong fitting model para lang magawa ang damit niya," nakatirik ang matang reklamo ni Jenna Rose habang ipini-fit sa kanya ang damit na gagamitin para sa finale ng commercial. Ilang araw na lang kasi ay isu-shoot na ang commercial kaya minamadali na ang costume.

"Nasa Paris pa daw. Kaya nga nagpadala na lang ng measurement niya," paliwanag ni Arnette. "Pasensiya ka na, sister. Magka-size kasi kayo kaya magtiis ka na lang munang maging fitting model, ha?"

"Ano pa nga bang ginagawa ko?" usal niya nang makaalis si Arnette.

"Okay lang iyan. Sexy ka kaya bagay kang fitting model," wika ni Bianca.

"Hello! Hello!"

Napalingon siya sa pinto pagpasok ng maingay na babae sa boutique niya. She was wearing a fuchsia wide-brimmed hat, fuchsia sunglasses and a fuchsia mini-dress. Pati ang sapatos nito ay fuchsia din. Isang babae lang ang kilala niyang malakas ang loob na magsuot nang ganoong klaseng damit. Ang babaeng fuchsia.

"Fridah Mae!" tili niya at niyakap ang kaibigan. "Paano ka nakapasok?"

"Tinanggal nito ang sunglasses. Nakalimutan mo na yatang marami akong connection. Nakakapagtaka pa ba na makapasok ako dito."

"Well, what's with the sudden visit?" Naging magkaibigan na sila nito mula nang mangyari ang trahedya sa kanila dahil kay JED. Subalit ngayon lang ito dumalaw sa Stallion Riding Club. Sa labas kasi sila madalas magkita.

Tinanggal nito ang sunglasses at ang wide brim hat. "Well, I heard that the members of The Switch are here. Dito daw ang location ng Stallion Shampoo and Conditioner commercial at sila ang kakanta ng theme song."

Kumunot ang noo niya. "At paano mo nalaman?"

"Member ako ng online fans club nila," kaswal nitong sabi. "Naka-post sa blog nila kagabi kaya bumiyahe agad ako pa-Manila para I-confirm kung totoo."

Nagsalubong ang kilay niya. "Teka, akala ko ba usapan natin wala na tayong pakialam sa kanila? Na isinusumpa na natin sila?"

"Ha? May usapan ba tayong ganyan?" anitong biglang nagulat.

Nasapo niya ang noo. "Fridah Mae!"

Humalakhak ito. "Kay JED lang naman tayo galit, di ba? Hindi kailangang madamay ang iba pang members. Nandito ba sila ngayon?"

"I don't know and I don't care," aniya at umingos.

"Nag-horseback riding sila at nagpa-reserve ng lunch sa Rider's Verandah," kinikilig na sabi ni Riziel.

"At paano ninyo nalaman?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Fan din nila ako, Ate," wika nito. "Natural lang na malaman ko ang lahat."

Hinatak ni Fridah Mae ang kamay niya. "Mag-lunch tayo sa Rider's Verandah."

"Okay lang sa iyo na makita si JED? Baka nakalimutan mo na kung ano ang ginawa niya sa atin dati."

"Hindi naman siguro niya tayo ipapakulong kapag nakita niya tayo, hindi ba? Maliban na lang kung maha-harass ko siya. Okay lang magkasala basta siya ang kapiling. Aminin mo na. Mas guwapo siya kaysa dati."

"Akala ko kaibigan kita," singhal niya. "Taksil ka pala."

"Pipiliin ko pa rin ang The Switch kaysa sa friendship natin. At oras na hindi mo ako samahan sa Rider's Verandah, ipagkakalat ko sa buong riding club na dati kang patay na patay kay JED!" banta nito.

Naningkit ang mata niya. "Don't you even dare!"

Ngumisi ito. "Sasamahan mo na ba ako?"

Hindi maipinta ang mukha niya nang samahan si Fridah Mae sa Rider's Verandah. Kapag nagbanta si Fridah Mae ay tinutupad nito. Ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon niya oras na malaman ng iba ang tungkol kay JED.

"Behave! Huwag magtititili kapag nakita mo sila."

"Oo. Hanggang tingin lang ako," anito habang palinga-linga.

Ibinalik niya ang tingin sa menu. Subalit malakas ang hinala niya na mas masahol pa doon ang gagawin ni Fridah Mae.

"Your order, Ma'am?" tanong ng service crew.

"Dumating na ba ang The Switch?"

Napangiwi siya. Sabi na nga ba niya! "Fridah Mae!" mariin niyang usal.

"Wala pa po sila, Ma'am. Pero nagpa-reserve po sila for lunch. Baka po dumating na sila anytime soon."

"Sinabi ko sa iyo na mag-behave ka, hindi ba?" paalala niya dito.

"Nagtanong lang naman ako." Napatingin sila sa entrance ng restaurant nang may tumiling mga babae. Kasabay niyon ay nakita niya ang pagpasok ng The Switch sa restaurant. "Nandito na sila!"

Sa mga di makakapunta sa Manila Internationl Book Fair, get a copy of my books, visit www.shopee.ph/sofiaphr or My Precious Treasures on Facebook.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo